FORTY-SEVEN
“Fely naman! Saan ka ba kasi nagpupupunta? I told you, ‘di ba? Ngayon unang ipapalabas sa TV ‘yung official trailer? I can’t fucking breathe!” Hindi ko nasabayan ang energy na isinalubong sa akin ni Tina pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay kasama si Kendall. Nawala na nga talaga sa isip ko ang iba pang mga bagay. Matagal-tagal na rin naming inaabangan iyon lalo pa’t first project ni Tina iyon bilang director.
Wala ni isang segundong hindi ako naging proud sa kaibigan. Deserve na deserve niya ang lahat ng magagandang bagay na ibinibigay sakanya. Napakasaya kong nagagawa at nakukuha ang halos lahat ng bagay na gusto niya ngayon.
“Teka, bakit namamaga ‘yang mata mo?” tanong niyang hindi sa akin nakatingin kundi sa katabing si Kendall.
Napailing na lang ako. Hanggang ngayon, hinding-hindi pa rin talaga siya nagbabago. Alam na alam niya pa ring hindi ko magagawang sagutin ang tanong niya dahil sa itsura at sitwasyon.
“Anong nangyari, Kendall?”
“Tita Ti! Lika po!”
Imbes na sagutin iyon ni Kendall ay nakisabay na siya sa pagpunta sa living room kung nasaan si Marides. Tutok na tutok ito sa telebisyon na parang labis na niyang naiintindihan ang pinanonood.
Ilang minuto lang ang inantay namin nang magsimula ang Official Trailer ng ‘The Martyr Wife’, mula sa direksyon ni Tina.
Parang may dumaang anghel sa silid na iyon dahil talagang tahimik naming pinanonood ang clip. Hindi ko tuloy mapigilang hindi maging emosyonal. Tina really did it. Talagang ginawa niya ang lahat para makuha ang pangarap. Noon, makikita mo siya sa isang partikular na oras sa telebsyon bilang News Anchor pero ngayon napakalaki na ng lugar niya sa likod ng kamera.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Tina, pagkatapos na pagkatapos nang pinapanood. Wala na akong mas kasing saya ngayong gabi.
Parang nabawi noon ang mga masamang nangyari kanina. Hindi man naming natutunton ang lugar ng hinahanap, nakita ko man si Cornell ay masayang-masaya pa rin akong may napakagandang balita si Tina.
“Tada! Nagustuhan mo ba? Inspired ‘yun sa’yo!”
Imbes na magalit o mainis, tinawanan ko na lang ang babae at saka mahinang hinampas ang balikat nito. “Baliw ka talaga!”
“Hoy! Why? What about it? Pumayag nga rito si Darius, ‘di ba?” sabi nitong nakaharap na sa asawa ko.
Mabilis naman kumindat si Darius sa kaibigan. May alam pala ang mga ito at hindi man lang ako nasabihan. “I don’t like the movie title, though. Hindi ka gan’on. You just love too much, at maswerte akong ako na ang mahal mo ngayon.”
Sinikap kong pigilan ang ngiti sa sinabi niyang iyon pero hindi ko napigilan. May kasabay pa iyong sabay na pagtaas ng dalawang kilay.
“Ew! That’s fucking cheesy!”
Sabay-sabay kaming nagtawanan. Muli, niyakap ko si Tina. Hindi pa man ako makapagdrama sakanya ngayon, hindi ko pa man masabi kung gaano ako natutuwa sa naabot niya ay gagawin kong sapat ang yakap na iyon para maramdaman niya.
“Kapapasok lang na balita. . .” Mabilis kaming napatingin sa telebisyong nananatili pa ring naka-on ngayon. Nagkaroon ng newsflash muna sa BSE News kaya pokus na pokus kami rito. “Patay ang lalaking pinaghahahanp ng pulisya dahil sa sinasabing pagpatay umano nito sa sariling maybahay. Kamakailan lang ay ibinalita namin ang pagkamatay ni Zeina Rockwell–”
“Felicity!”
Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng news anchor ay naramdaman ko na ang malamig na sahig, walang sabi-sabi ay parang nanlambot ang tuhod at nabuwal.
“–na siyang anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon sa Pilipinas na si Zaccarias Rockwell. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, sapat umano ang mga ebidensya patungkol sa suspek kaya naman mabilis silang nagkasa ng paghuli sa lalaki ngunit nagpumiglas ito at nagawa pang makipaghabulan sa pulis dahilan para mapatay ito. Kinilala ang suspek bilang si Cornell Carston–”
“Cornell. . . Cornell!”
Wala na akong pakealam kung ano pa man ang isipin ng mga kasama pero may kung anong sakit ang nagtuloy-tuloy sa sistema ko. Nakakamanhid iyon. Ramdam na ramdam ko ang biglaang paghihiwa-hiwalay ng piraso ng puso ko.
Hindi ko na alam kung paano ko nagawang makalabas ng bahay, hindi na ako nakarinig ng mga sigaw, pagtawag at palahaw ng mga kasama dahil sumunod ko nang naramdaman ang malambot na upuan ng isang taxi.
“Saan ho tayo, Ma’am?”
Hindi ako agad nakasagot. Mabilis kong kinuha ang cellphone kong hindi na natigil kaka-vibrate kanina pa.
Mula kay Hani ang tawag na iyon at nakailang tawag na rin siya bago ko masagot. “Hani, the news. . . It wasn’t true, right? Sinala niyo bang maigi ang balita bago ipalabas? Malaking epekto ‘yan sa BSE–”
“That is true, Ma’am. Totoong-totoo po ang balita. Wala na po si Sir Cornell–”
“Shut it! Hindi pwede! That’s impossible! Kausap ko lang siya kanina!”
Ramdam na ramdam ko ang pananahimik si Hani sa kabilang linya. Parang may kung anong napakalaking bagay ang bumara sa lalamunan ko. Sa bawat pagsubok sa paglunok ay parang sinasakal ang loob ko.
Ibinuka ko ang bibig ko pero wala ni isang boses ang lumabas. Gusto kong magsisisigaw. Gusto kong kunin ang atensyon ng lahat ng tao at ipagsigawang hindi totoong pinatay ni Cornell si Zeina. He. . . He would never do that! Alam ko kung anong klaseng tao ang dati kong asawa. Yes, siya ang pinakagagong taong kilala ko pero hinding-hindi niya, kahit kahilan, magagawang kumitil ng buhay ng ibang tao.
Gustong-gusto kong maglupasay, walang pakialam kung nasaan o kung sino man ang makakakita. Why? Why now? Ginagawan ko na ng paraan ang lahat, hinahanap ko na ang ina kaya bakit pa? Bakit kailangang tuluyan pang mawala si Cornell?
“Cornell. . .” Naging napakapait ng salitang iyon sa bibig ko. “Where is he? Hani, nasaan si Cornell?”
Narinig ko ang napakalalim nitong paghinga bago magsalita, “Venezia Hospital. Naroon siya, Ma’am. Mananatili pa siya roon ng ilang oras.”
Mabilis kong ibinaba ang tawag, nanginginig ang mga kamay, saka hinarap ang driver. “Venezia. Venezia Hospital, manong! Please, hurry up! I need to get there, now!”
Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako nang makatapak ako sa loob ng ospital. Abala ang mga tao at may kanya-kanyang inaasikaso pero minabuti ko pa ring isiksik ang sarili ko sa harap ng isang nurse na naroon para makapagtanong.
Kailangan ko siyang makita. For now, gusto kong makumpirma sa sarili kong hindi totoo ang nasa balita. He can’t be dead. Ang sabi niya poprotektahan niya ako! Hindi pwedeng mamamatay siya ngayon.
“You can’t be dead. Hindi ka pwedeng mamatay, Cornell!”
Sa sobrang panggagalaiting makita ang lalaki ay hindi ko na nasundan kung paano ko nagawang hawiin ang mga taong madaraanan. “Nurse! Cornell Carston. . . si Cornell Carston, nasaan siya?”
Nakakunot man ang noo ng babae ay wala na sa sarili itong sumagot, aligaga na sa mga nakapaligid sakanya.
“Nasa ground floor na–” Hindi ko na siya pinatapos at nagmamadaling nagpunta sa ibabang palapag.
Hindi pupwedeng nandoon si Cornell! Hindi pupwedeng naroon ang asawa.
Pero ang lahat ng mga pagkokontra kong iyon ay parang lobong nagsiputukan nang magawa kong makita ang bangkay na natatabunan pa ng napakalaking puting tela.
Hindi ko na inisip kung ano ang pupwede kong makuha sa biglaang pagpasok sa kwartong naroon pero hindi na ako nag-alangan.
Gustuhin ko mang itaas ang puting tela, gustuhin ko mang kumpirmahin ang lahat ay hindi ko magawa.
Natatakot ako sa pupwedeng matuklasan. Takot akong malaman ang katotohanan. Takot akong makita si Cornell na prenteng nakahiga rito at walang buhay.
“Excuse me, Miss, pero bawal po kayo rito.”
Aligaga kong binalingan ang nagsalita. Hindi ko mawari kung isa iyong pulis o doktor o embalsamador sa sobrang panlalabo ng mga mata dahil sa pag-iyak.
“Let me stay. I. . . I want to see him,” deretso at matapang kong sabi.
“You are his?”
“I’m his wife–” Napakalaking pukpok sa sariling ulo ang sinabi kong iyon. “No. . . His ex-wife.”