THIRTY-NINE

Another three months were like a blast. Kung tutuusin maraming nangyaring dapat kalimutan na lang. But one thing’s for sure; the more I trued to forget it, the more it bothers me.

Umalis kami sa Pilipinas tatlong buwan na ang nakararaan kasama si Kendall at Tina. Sinikap naming kalimutan ang takot at ang panganib na pupwede naming makuha. Sa tatlong buwan ay naging okay naman kami. Nagtagal ng isang buwan dito si Tina dahil hindi na kinaya sa trabaho. Hindi siya basta-basta pwedeng umalis at naiintindihan ko naman ‘yun. Kung tutuusin nga, ayoko namang madamay siya pero dahil kaibigan ko siya ay hindi ko naman siya hahayaang mag-isa sa Pilipinas. I want her safe, too.

Sa dalawang buwang sumunod na nasa Pilipinas si Tina ay araw-araw pa rin naman kaming nag-uusap at nagkakamustahan. Dumalas rin ang pagbisita na rito at sinisinugurado niya talagang dito siya tuwing weekends.

Our lives became at peace here in Australia. Any moment now, pupwede na akong manganak kaya labis kaming pinag-iingat ng doktor. Maganda ring dito na kami mismo tumutuloy sa opisina ng POSA dahil madali na lang para kay Darius ang mag-adjust.

Darius seems light. Paminsan-minsan ay nanggagalaiti pa rin naman siya kay Zaccarias Rockwell at kay Cornell pero ayon rito ay mabuti na rin talagang nasa Australia kami. Mas ligtas, mas malayo sa gulo.

And as for me, I am very much okay now. Kampante na ako para sa batang nasa sinapupuan. Australia is a great environment for us and for our baby. Basta alam kong okay ang anak ko at okay ang pamilya, wala na akong ibang iisipin pa.

Hindi ko lang din talaga maalis ang pag-aalala sa dating asawa. Hindi maganda ang sitwasyon ni Cornell noong umalis kami. Hindi ko na nabigyan ng pansin ang kalagayan nito sa ospital pero alam kong hindi naman siya gaanong naapektuhan. He'll survive. But then, ano kaya ang kahihinatnan ni Cornell sa bansa?

I just hope he’s okay. . . with Zeina.

“Ate Fely, susunduin na raw ni Kuya si Ate Tina sa airport. Kain na tayo?” Tahimik ko lang na tinanguan si Kendall at saka sumunod. Nakasanayan na naming maunang kumain tuwing sabado dahil magiging alanganin ang oras ng pagdating dito ni Tina. Ngayon, hindi ko na pupwedeng basta na lang pabayaan ang sarili dahil may bago nang aasa sa akin. Mas kailangan ko siyang alagaan.

“Dal, thank you.” Nabigla si Kendall sa pagsasalita ko kaya bahagya itong napatalon. “I wouldn’t make all these with your help, Darius’ and Tina’s. Thank you for being there.” Agarang lumambot ang ekspresyon sa mukha ng babae. For all I know, Kendall is a softie. She’s the kindest girl I’ve ever known. Lamang siya kay Tina na alam niyo naman. Si Kendall kasi maingay pero nakokontrol ang sarili. Si Tina naman sobrang transparent. But then, hindi ko sila kailangang ipagcompare. They are helping me in different way they could at mahal ko silang pantay, walang nakakalamang o kung ano.

“I am so luck to have you, guys, kaya sana nasusuklian ko lahat ng ginagawa ninyo for me,” sabi ko, nanunubig na ang mga mata. Dali-dali niya akong pinuntahan at niyakap nang mahigpit mula sa likod. Simula kasi noong tuluyan nang lumaki ang tiyan ko, nakasanayan na nilang gano’n ang gawin dahil conscious itong maipit daw umano ang baby.

“Si Ate naman. My tummy’s crumbling!” Humalakhak ito nang pagkalakas-lakas, kapagkuwan ay niyakap ako nang mas mahigpit. “Kami ang maswerte sa’yo, Ate. You made us feel home.”

Sa pagkakataong iyon, ako naman ang humalakhak. “Tara na nga, kumain ka na tayo.”

Naging sensitibo ang pagbubuntis ko lalo na noong nakaraang dalawang buwan. Sabi ng doktor normal lang naman iyon pero umabot sa puntong halos lahat na ng pagkain, ayaw ko. Naging mailap na rin sa akin ang pagtuloy kaya pahirapan talaga. Masama iyong pagpupuyat lalo na sa buntis kaya kung ano-ano na ang ginawa naming paraan para datnan lang ako ng antok.

It wasn‘t that ‘good’ experience pero syempre dahil ito naman ang first time ko. Mabuti na lang at hindi talaga ako nagawang iwan ng tatlo — ang mga taong itinuturing kong pamilya.

Nahirapan talaga ako sa totoo lang but it excites me at the same time. Sinadya naming hindi muna alamin ang kasarian ng bata. Para sa akin mas nakaka-excite iyon.

Inayos ko ang pag-upo para sana kumain na noong pumasok ang nakasusulasok na sakit ng tyan sa sistema ko. Awtomatiko akong napasigaw dahil para mapatayo si Kendall sa kinauupuan. Hindi rin nagtagal, naramdaman ko ang pagsirit ng kung anong likido pababa sa mga hita. “Ate Felicity!”

Sa sobrang sakit na nararamdaman ay pinili kong ipikit ang mga mata. Hindi na ako makaisip nang maayos. Ito na ba talaga ang araw na ‘yun? Makikita ko na ba talaga ngayon ang anak?

Ang sabi ko sa sarili ko, kapag tuluyan nang pumutok ang panubigan ko ay mananatili akong kalmado. Hindi ko gagawing pansinin ang sakit pero hindi ko iyon magawa!

“Kuya? Kuya! Where are you right now? Si Ate. . .” Rinig kong sunod na tinawagan ni Kendall ang ambulansya. Gusto ko sanang itutop lang ang bibig pero hindi ko magawa lalo na’t pakiramdam ko ay pinupunit ang loob ko.

I became unconscious but my eyes are wide open. Para bang bigla akong namanhid sa sobrang sakit at wala na akong ibang maramdaman. Sa sunod kong pagkurap ay nasa ospital na ako at tanaw ko na ang nag-aalalang mukha ni Darius. “Fely, sweetie, are you okay?”

Gustuhin ko man siyang sagutin ay hindi ko magawang ipokus ang sarili. Wala lang akong ibang magawa kundi ang iyukom ang mga kamao at ipikit ang mga mata sa nararamdamang sakit.

Parang napakabilis ng nangyari. Wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit pero pagkatapos nang lahat ay pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi ko na nagawang sundan ang ginagawa nila pero pagkatapos nang pakiramdam kong mahabang pagkakatulog ay nagising akong napakagaan ang nararamdaman.

“Fely? Felicity, how are you?” Hindi pa kinakaya ang magsalita ay nginitian ko lang ang lalaking kaharap. “Tinakot mo ako, damn. Kendall’s crying loud that as if something bad happened to you. I. . . I was relieved and happy you are okay now.”

Marahang hinaplos-haplos ni Darius ang mga kamay ko. Magkakasabay na pumasok sa isip ko ang mga nangyari. The baby. . . the excruciating pain.

“Our baby. How’s our baby?” Hindi ako kaagad sinagot ni Darius. Maharan niya lang akong hinalikan sa noo.

“Fely. . . Since, naayos naman ‘yung panganganak mo. I really want to ask your hand for marriage. . . again. This time, I promise, I made it perfect and successful. Can we do that all over again?”

Nang lumipat kami sa Australia, hindi na namin muli pang na-bring up ang kasal na ‘yun. Siguro ay hinayaan na muna ako ni Darius makapag-isip isip at makapag-adjust. Kaya naman hindi ko mapigilang maluha ulit. We're doing it on the second time, sana naman, pagkatapos nang lahat ng paghihirap ay matuloy na ito ngayon para na rin sa pamilya ko, para na rin sa anak namin.

“Fely—”

“Of course. . . syempre naman, Darius. Ikaw lang ang papakasalan ko,” umiiyak nang sabi ko. Mabilis siyang tumayo saka inilabas ang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Ibungas sa akin ang isang napakagandang singsing. Humahagulgol na ako nang harapin siyang muli.

His eyes water immediately. Hindi ko rin mapigilan ang maging masaya para kay Darius. He suffered alot too. Napakarami niya ring isinakripisyo para sa akin. He really deserves to be happy.

Sinisigurado ko talaga sa sarili kong pagkatapos kong manganak ay siya naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Sisiguraduhin kong pasayahin ko siya in all means.

“Thank you so much, Fely. Thank God you are safe, too.” Nag-iba ang dating sa pandinig ko ng sinabi niyang iyon kaya tinitigan ko ito nang mariin. “Ang baby natin. Nasaan siya?”

As if on cue, malayang bumukas ang pinto ng kwartong iyon at iniluwa si Kendall na napakalaki ng ngisi. Huli na noong bumaba ang tingin ko sa sanggol na dala-dala niya?

“Who told you to touch that, Kendall? Baka nga madumi pa ang kamay mo!” Awtomatikong sumimangot ang babae at dali-daling tinungo ang pwesto ko.

Nag-uumapaw ang kasiyahang nararamdaman ko nang makita ang anak. Parang ang lahat ng sakit na kanina ko pa nararamdaman ay biglang naglaho. Rumagasa nang tuluyan ang mga luha ko nang abutin ko mula sa kamay ni Kendall ang bata.

Noon, pinangarap lang namin ni Cornell ang magkaanak. Dahil din dito, tuluyang naapektuhan ang pagiging mag-asawa namin. Napakarami kong pinagdaanan — lahat kami, kaya hindi ko inasahang magiging ganito ako kasaya ngayon. Hindi ko alam na magkakaroon ako ng anak. . . na mapapawi ang lahat ng sakit ang hirap na dinanas ko.

“Can you see how cute she is?” pagmamayabang pa ni Kendall.

Nilapit ko ang isang daliri sa maliit nitong kamay, nilaro-laro ko iyon na parang nakalimutan ko na ang iba pang mga bagay. I must be really lucky. I am really lucky to have all of them.

“So, what’s the name of my pamangkin– Kuya, are you crying?” Imbes na makisabay sa paghalakhak ni Kendall, masuyo kong hinaplos-haplos ang pisngi ng asawa. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha niya. He is happy. . . very happy.

“Kennera Marides Porter. . .” mahinang sabi ko. Hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa anak na babae. “She’ll be our Marides.”