THIRTY-EIGHT
“Tell me. Tell me, Felicity. What is he talking about? Danger? Danger kanino? Sa‘kin?” Mabilis kong tinanggal ang suot kong sapatos saka deretsong umupo sa maliit na sofa roon, hindi pinapansin si Darius. The wedding was called off after what happened. Mabilis na dinala sa ospital si Cornell at sinigurado na rin ng organizer na walang mamamaday na iba lalo na sa mga taong naroon sa kasal.
He knew. Cornell knows everything! Alam niya ang lahat pero ni isang beses ay wala siyang nabanggit sa akin noon. Kailan pa ba nagsimula ang lahat ng ito? Bakit ba siya palaging duguan? Does. . . Mr. Rockwell had something to do with this?
Dismayado kong inihilamos ang palad sa mukha. This isn't getting any better. Ang hirap-hirap lumaban kung hindi mo alam kung sino ba talaga ang kailangan mong puntiryahin.
“Felicity–”
“Zaccarias Rockwell. . . I, I overheard them. Zeina told Cornell that I was in danger. Na mapapahamak ako kapag nilapitan pa ako ni Cornell.”
Napasinghap ako nang sumigaw si Darius sa sobrang pagkadismaya, “Shit!”
Mabilis nitong kinuha ang telepono at may tinawagan. “Fara. . . our recent investor, what's his name again?” Ang naunang mura ay nasundan pa ng mas malalakas at magkakasunod.
“Rockwell. . . Shit! I should've known better!” Nang magkaroon ng maliit na hinuha tungkol sa sinasabi ng lalaki ay marahan ko na siyang nilapitan. Ito ang unang beses na nakita kong sobrang galit si Darius. I mean, being angry isn't a big deal — it's normal. Madalas din namang magalit at mainis ang lalaki pero hindi katulad ng ganito. “Darius, calm down. Tell me, what is it?”
“No!” Bahagya akong napaatras sa parang kulog nitong sigaw. “You tell me!”
Nanghihina ang tuhod kong umupo sa pinakamalapit na silyang naroon, suot pa rin ang traje de bodang dapat sana ay sa masayang kasal. Rumagasa sa akin ang lahat ng takot na pinilit kong tiisin at itago kay Darius. Sa totoo lang, ako naman talaga ang may kasalanan. Dapat sa una pa lang talaga ay sinabi ko na sa lalaki ang totoo. We should've prevented it.
Pero natakot din ako.
Natakot din ako sa pupwedeng magawa ni Darius. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko, hindi rin ako papayag doon.
“Wife. . .” Kung hindi pa ako tawaging muli ng kasama ay hindi ko pa mapapansing naglalakasan na pala ang paghikbi ko. Mabilis niya akong niyakap, pinapakalma. “I’m really sorry. I didn’t mean to scare you. Galit na galit lang talaga ako. They ruined our wedding and it was so disappointing na wala man lang akong alam na kahit ano sa nangyayari because you didn't tell me anything about it.”
Niyukom ko ang kamao, nag-uumapaw ang galit ko sa sarili. Why do I feel that I am always not good enough of this life? Lahat na lang ata ng gawin ko ay palpak.
“When I was in the warehouse, narinig kong mabuti ang sinabi ni Zeina. It was about her dad, finding and wanting to kill me. I got scared, Darius. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin pero alam kong dapat may gawin ako. Ayaw kitang madamay. Ayokong isipin mong bago pa lang tayo sa relasyong ‘to pero may ipapasok na akong problema–” Naramdaman ko agad ang halik na galing kay Darius kaya natigil ako bigla sa pagsasalita. Sa ilang buwan ding kasama ang lalaki ay parang nasanay na ako. He kisses me everytime he doesn't like what I am saying. That is his best way to shut me up.
“Stop it! Felicity, gusto kong magalit pero hindi ko magawa. But then, I want to point out that hindi maganda ‘yung ginawa mo. Fely, we almost got married earlier pero may hindi ka nagawang sabihin sa akin. Hindi pwedeng hindi ako madamay. The moment I chose to be with you, wala na akong ibang pakialam sa mga mangyayari. All I really want is to be with you. We should fight this together. Hindi ba ‘yan ang lagi mong sinasabi?” Tuloy-tuloy na ang naging pananahimik ko. Tama naman kasi siya, kahit ano pang irason at sabihin ko ay hindi pa rin tamang hindi ako magsabi sakanya. I should've ask for help. Una pa lang alam ko ng hindi ko kakayanin pero nagmatigas pa rin ako.
Now, what? Ano na ang gagawin ko?
Ano na lang ang sasahihin ko sa mga nagpunta? Sa mga bisita?
Kailan namin sisimulan ang pagpaplano?
“Darius, natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari, sa kung anong gagawin ng Zaccarias na ‘yun. Buntis ako, Darius. Paano kung may mangyaring masama sa magiging anak natin? Pa‘no kung may mangyaring masama sa‘yo? Hindi ko ‘yun kakayanin. Nakakatakot,” tapat kong sabi. Agad naman akong binalingan ni Darius gamit ang nag-aalalang mga mata.
“Felicity, look at me. I am here, okay? Nandito si Darius. I will never ever abandon you. That man wanted to hurt you? He should kill me first–”
“But I don‘t want you to get hurt or even killed as well. Darius, kailangan ka rin namin ng anak mo!” I used to panic alot, I know. Pero sino ba naman ang hindi magpa-panic sa sitwasyon? Pakiramdam ko, hinahabol kami ng daang-daang kutsilyong handa nang bumaon sa mga katawan namin.
“Okay, I won‘t. We will be safe. I have a plan–”
Parang nagpalakpakan ang dalawa kong tainga sa narinig. “Ano? Tell me,” mabilis kong sabi.
“Aalis tayo. Hindi tayo pwedeng manatili sa Pilipinas, Fely. Mas malapit sa mga kalaban, mas delikado.” Hinalikan ako ni Darius sa noo, isinunod niya rin ang nanginginig ko pa hanggang ngayon na mga kamay. “Stay here, alright? Tatawagin ko si Kendall, I can't let her be alone here.”
Tama kayang umalis kami? For all I know, may koneksyon kahit na saang bansa ang Rockwell na ‘yun. Malaki pa rin ang possibility na mahanap niya kami at masaktan. But then, mas mabuti na rin ang umalis kaysa manatili. I should leave. . . Kaming lahat!
“Darius!” Tinakbo ko ang distansyang mayroon kami ng lalaki. “Where are we going?”
“Hindi ako sigurado pero alam kong magiging safe tayo sa Australia. They can't hurt us there. Hindi nila tayo magugulo. I promise. Stay put. I'll prepare our flight–”
Mariin ko munang kinagat ang pang-ibaba kong labi. Alam kong madadamay ang kaibigan ko sa problema kong ito. I won't abandon her as well. “Tina. . . Hindi ako papayag umalis na wala si Tina. I won't leave her here as well.”