FORTY

Three years later. . .

“Tita! Stop it!” Napangiti na lang ako nang bumungad sa akin ang boses ng anak sa panibagong umaga. Katulad ng nakagawian, sigurado akong magkaaway na namin ang dalawa — Kendall and my daughter.

Sa tinatagal-tagal na panahong kasama ko sila, parang nawala na ang lahat ng takot ko. Sa tatlong taon na ‘yun, walang ibang nangyari. Hindi kailanman nangyari ang kinatatakutan namin.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-iisip ng mga nangyari pero alam kong simula nang dumating sa amin si Marides ay nagbago ang takbo ng buhay naming lahat.

Limang buwan matapos akong makapanganak, natuloy ang pinakaaantay naming kasal ni Darius. Wala ng naging hadlang. Malaya naming nasabi ang pangako namin para sa isa’t isa. We promise each other na kahit ano man ang mangyari mananatili kami sa tabi ng bawat isa. We’re going to be stronger for ourselves and for our daughter.

Pagkatapos ng kasal na iyon, nagtuloy-tuloy na ang swerte namin sa buhay. Mas nakilala ang POSA hindi na lang sa Pilipinas at Australia kundi sa mga kalapit pa nitong mga bansa. Nakukuha ni Darius ang lahat ng pinangarap nito sa buhay and seeing him this happy makes me really happy as well.

Ang saya-sayang makita siyang nakangiti dahil alam kong marami rin siyang pinagdaanan para marating iyon.

Si Kendall naman, naging malungkot ang buhay noong na-reject ng crush niyang doctor din sa ospital na pinagtatrabahuhan pero hindi rin nagtagal iyon. Nagfocus kasi ito sa pag-aalaga sa pamangkin at nabalitaan kong lumalabas-labas na rin siya kasama ang isang lalaki. Inaantay ko lang siya magkwento pero alam kong hindi hahayaan ni Darius iyon kaya halos nagpa-background check pa siya. She seems very happy, too. Isang taon na ang nakakaraan nang umalis ito sa ospital na pinagtatrababhuhan at nagtayo ng sarili nitong clinic sa Pilipinas.

Dahil doon, naging madalang ang pagpunta niya rito na labis naman naming naiintindihan. Kahit siya ay nakapagsabi na ring wala namang magulo sa Pilipinas at medyo peaceful na raw doon. Wala na rin daw siyang balita tungkol kay Zeina at sa mga Rockwell kaya wala ng dapat ipag-alala.

Samantalang si Tina, hindi ko na halos alam. Mukhang mag-aasawa na ata ang babaeng iyon. Madalas pa rin naman siyang magpunta rito kaya lang napakamasikreto. But then, bukod pa sa pakiki-chismis, I know na masaya rin siya sa buhay. Ngayong hindi na niya ako kailangang isipin, mas nakakapagfocus na rin siya sa sarili niyang buhay katulad ng gusto ko talaga.

Noon kasing grabe pa ang problema ko tungkol kay Cornell ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ma-stress at mamroblema rin. I am so happy ngayon na nakakagawa na rin siya ng pansariling desisyon sa sarili niyang buhay.

Sinuong niya ang naudlot na pangarap kaya inihiwalay na niya ang sarili sa dati naming pinagtatrabahuhan. Ngayon ay pinagsusumikapan na niyang maging isang magaling na direktor. Katunayan nga, masyado na siyang busy ngayon dahil nagsisimula na silang magshoot sa kauna-unahan nilang proyekto.

Our Kennera Marides is the most amazing child we know. Bata pa lang alam na namin kung ano ang hilig niya at sadly, namana niya ang hilig ng ama sa iba’t ibang klase ng firearms. Sa sobrang tuwa ni Darius, pinagawan niya talaga ang anak namin ng laruan ng bawat uri ng baril na alam niya.

Nangangamba ako na baka maging delikado but I know, Darius will be there to guide our child.

Napakahilig din nitong kumain kaya kahit tatlong taong gulang pa lang ay parang mapuputol ang mga braso ko sa pagkarga sakanya.

She has been our source of laughs and happiness. Kapag gumalaw na ito, panigurado kaniya-kaniya na kaming paghabol sa hininga dahil sa kakatawa. Nagsisimula na rin siya sa pagsusulat ng ilang letra at pagbabasa.

We’ve been really okay and happy for the past three years. Parang kailan lang, halos ikamatay ko ang araw-araw na pag-iyak pero ngayon ay parang sinasakal naman ang puso ko sa sobrang kasiyahan.

“Mami!” Dali-daling tinakbo ni Marides ang pagitan naming dalawa saka niyakap ang mga binti ko.

Agad ko siyang kinuha at binuhat dahilan para makatanggap ako ng halik niya sa pisngi. “Are you ready? Natulungan ka na ba ni Tita Kendall mag-ayos ng gamit?”

Mabilis na namewang si Kendall habang matalim na nakatingin kay Marides, madalas niya iyang ginagawa para mas pikunin pa ang sariling pamangkin.

“Mi, she’s not Kendall. She’s Esmeralda!” Ang sagot na iyon ang naging dahilan ng pagsigaw ni Kendall. Like father like daughter lang dahil hanggang ngayon, ganoon pa rin ang tawag ni Darius sa kapatid.

Wala na lang talaga akong magawa kundi ang matawa sa pinagagagawa nila.

“Hey, Marides! Watchudoin’?”

Lumabas galing sa kwarto si Darius at iyon ang unang binungad sa anak. He imitated the voice of Isabella from Phineas and Ferb na madalas pinanonood ng dalawa.

Dali-daling bumaba mula sa pagkakakarga ko si Marides at dumeretso sa ama. Tatlong taon pa lang ang anak namin pero mayroon na silang secret handshake.

Kendarius is such a serious man at work pero kapag nasa bahay ay parang nagta-transform bilang Kendall. They are so adorable!

“Alam niyo, bahala kayo sa buhay niyo! I’m outta here!” inis na gagad ni Kendall. Mukhang pikon na naman dahil sa pang-aasar ng dalawa.

“Tita Esmeralda, wait!” Marides voice became livid. Kahit pa bulol-bulol at buhol-buhol pa ang mga letra sa bibig niya ay hindi pa rin natitigil kakasalita.

“Esme, ayusin mo na gamit mo. We’ll be there in three hours.”

Umiling-iling ako at hinayaan ang dalawa sa pagkukulitan sa living room. Mabilis akong dumeretso sa kusina para sana makapagluto pa ng pupwedeng dalhin para sa anak.

Today is the day that we’ll come back. Ngayong araw na ‘to, haharapin muli namin ang bansang nagawa naming takasan tatlong taon na ang nakararaan.

Babalik na kami sa Pilipinas.

This is one of the hardest decision we had pero napagkasunduan naming mag-asawa na doon na magstay for good.

Lumalaki na si Marides at gusto kong makita nito ang mga tao at lugar na naging dahilan ng lahat ng paghihirap namin. Gusto naming palakihin siya sa Pilipinas; mahalin, alagaan, at protektahan sa Pilipinas.

Para na rin iyon sa trabaho ni Kendall at Darius. Nakita naman na naming wala nang gulo at maayos na sa bansa kaya ng ibang rason para manatili kami sa Australia.

This place had been our home for three years pero hinding-hindi noon mapapalitan ang comfort na ibinibigay ng sarili mong bansa.

Dalawang taon ding inasikaso ni Darius ang titirhan namin doon at talagang alam niyang magiging ligtas naman kami sa lugar. At least, makakasama na namin madalas si Kendall at Tina, our child will have many Filipino friends as well.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi kabahan, ang hindi matakot. Sa tatlong taon, wala kaming naging balita sa mga taong ‘yun. I can’t say if that’s a good catch or not. Katulad nga ng sabi ng iilan, hindi rin maganda kapag tahimik ang dagat.

But then, I won’t let my fears come into our way again.

“Are you ready, Wife?”

Hinarap ko ang pinanggagalingan ng boses at bumungad sa akin ang napakagwapo kong asawa. Nginisian ko ito at nilapitan. “Why do you have to be this handsome, hmm?”

Mabilis na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Stop that. Two hours na lang bago ang flight, kukulangin ‘yun kapag dumikit na ang likuran mo sa kama–”

“Darius! Stop! Ano ba? Baka marinig ka ng anak mo,” nangingiti kong sabi, pinipilit na magmukhang galit sa harap ng lalaki.

“Why, huh? You scared?” Napatili ako nang hapitin niya ang bewang ko papunta sa kanya. At the end, nagawa niya akong yakapin mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang batok ko.

“Darius naman. Marami pa tayong aasikasuhin.” Naisip ko na naman ang plano. Ano kaya ang kahihitnatnan nang paglipat namin sa Pilipinas? Magiging ganito pa kaya kami kasaya?

Pero kailangan din si Darius ng POSA sa Pilipinas. Kailangan din naming manatili roon dahil nanganganib ang POSA sa iilang baguhang security agency sa bansa. Hindi naging maganda ang perang pumapasok sa kumpanya noong mga nakaraang taon kaya walang ibang choice si Darius kundi mas pagtuunan ito ng pansin.

“We will be okay, right?” Hindi ko na napigilan ang magsalita. Sa totoo lang, kinakabahan kasi ako dahil ngayon hindi na lang kaming dalawa ni Darius ang pupwedeng malagay sa alanganin — nariyan na rin si Marides.

“I’m here, Fely, okay? Hinding-hindi ako papayag na may mangyari pang masama sainyo. Keep that in mind.”

Hindi ko na nagawa pang sumagot. Hinagkan ko na ang asawa ko nang mahigpit. Ipinapanalangin koh ang mga susunod na araw ay magiging pabor pang muli sa amin.

***

“Tita Esme is a weakling!” entradang pang-aasar ng anak ko kay Kendall nang pababa na kami.

Pagkatapos ng halos walong oras na byahe ay punong-puno pa rin ng energy si Marides. Hindi ito ang unang beses na sumakay kami sa eroplano dahil nagawa na naming bumisita sa Hongkong at Thailand noong dalawang taong gulang pa lang ito.

The flight was swift and relaxing pa rin naman kaya naubos ko ata ang oras sa pagkain at pagtulog. Samantalang si Marides naman ay walang ibang ginawa kundi ang makipagdaldalan kay Darius at Kendall.

Habang nagtatawanan silang tatlo ay halos kainin naman ako ng kaba dahil sa mga naiisip. I hope for the best. . . I hope for our happiness.

“Shh! Quiet, little pamangkin.”

Wala pa rin namang nagbago sa NAIA makalipas ang tatlong taon, mas dumadami nga lang ang tao pero ganoon pa rin naman ang awra. It seems at peace. . . It feels home.

“Sigurado bang susunduin tayo ni Tina?” Mabilis kong hinarap si Darius pero wala itong ibang naging sagot kundi ang ngumiti.

Nang sundan ko ang tingin nito ay nakita ko nga si Tina na nakatayo sa malapit pero mukhang napakalayo ng tingin.

Mabilis akong nagpaalam sa mga kasama at patakbong nilapitan si Tina. I really missed this woman! Halos isang buwan din kaming hindi nagkita kaya madami-rami na rin ang naipon kong kwento para sa babae.

Ngunit gano’n na lang ang gulat ko nang hindi niya pa rin napansin ang paglapit ko. She seems too burden. Parang may nasa isip itong iba at takot na takot at problemado ang itsura niya.

“Tina. . .”

Nang bigla niya akong harapin ay parang mas dumoble pa ang takot na nakita ko sa mukha niya. Mabilis itong nabuwal sa kinatatayuan at mabuti na lang ay mabilis siyang naigiya ni Darius patayo na siyang sumunod din pala sa akin.

“Tina, are you okay? Anong problema?”

Sa unang minuto ay wala kaming narinig sa babae kaya ganoon na lang ang ang gimbal namin nang nanginginig itong nagsalita, “Zeina. . . Si Zeina, s-she’s dead."