Chapter 7

Dania —

Two weeks ago nang mangyari ‘yung pagtangka kong takasan si Cyrus. Umabot ako ng hanggang gabi niyon sa kwarto nang ikunulong niya ako. Buong araw akong walang kain dahil alas dose niya na ng gabi binuksan ang pinto noon at pinagsamantalahan na naman ako. Naglasing siya ng gabing ‘yon.

Natatakot na tuloy ako sa tuwing naglalasing siya dahil tuwing umiinom siya, sinasaktan at ginagahasa niya ‘ko.

Two weeks din akong naging gano’n sa kamay niya. Talagang tinotoo niya ang mga sinabi niya sa ‘kin na isa lang akong parausan kapag nag-iinit siya at isang punching bag kapag nagagalit siya.

Bihira na lang din siyang umuwi rito sa bahay at talagang nila-lock niya ang pinto, huwag lang daw akong makalabas. Hindi ko nga lang alam kung saan siya nagpupunta at bihira ko na lang siyang makita.

“Nagdadrama ka na naman ba?” malamig na tanong ni Cyrus kaya napatingin ako sa pinto. Nandito na pala siya kaya napatayo ako.

“Saan ka galing?” mahinang tanong ko.

“None of your business,” malamig pa ring sagot niya at umupo para maghubad ng sapatos. Napatingin naman ako sa wall clock.

11:56 PM na ah? Gabing gabi na at ngayon lang siya umuwi.

“Gabi na, kanina pa kita hiniintay, saan—”

“I said, it’s none of your business!” Tiningnan niya ‘ko nang matalim kaya napayuko ako. “Anong pagkain?” tanong niya na agad naman ikinaangat ng ulo ko.

“May pininyahan pa diyan,” sagot ko at lumakad papuntang kusina. Kumuha ako ng plato at magsasandok na sana pero narinig ko siyang pumasok sa kusina.

“Ayoko niyan.”

“Hindi ka ba nagugu—” tanong ko sana pero naputol iyon nang lumapit siya sa ‘kin.

“Gutom ako pero may iba kong gustong kainin,” sabi niya at pinasadahan ako nang tingin nang makalapit na siya nang tuluyan sa ‘kin.

Napalunok ako at umiling sa kaniya.

Tinalikuran ko siya at ibinalik ang plato sa lagayan. “Tigilan mo ako,” mahinang tugon ko pero napaigtad na lang ako nang ipulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko at sumiksik sa ‘king leeg.

“Ano ba?!”

“Shh,” pagpapatahimik niya sa ‘kin at parang asong dinila-dilaan ang leeg ko. Napapikit na lang ako nang mariin at hindi na umangal.

Hinarap niya ‘ko sa kaniya at mabilis akong hinalikan. Napapikit na lang ako at tinugon ang lahat ng ginagawa niya sa ‘kin. Hanggang sa naramdaman kong naglalakad na kami paakyat sa taas. Pumasok kami sa kwarto at agad niya ‘kong hinagis sa kama.

Pumatong siya sa ‘kin at binulungan ako at ikinasikip ‘yon ng dibdib ko.

“You’re a slut.”

Kapag ba nagugustuhan ko ang ginagawa niya, slut na agad ako?

“I’m not,” nanginginig ang boses na sagot ko habang tinatanggal niya na ang mga damit ko. “I’m just loving you,” dugtong ko pero hindi niya ‘ko pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa niya sa ‘kin.

Napangiti na lang ako nang mapait habang ginagamit na naman niya ang katawan ko.

Katawan ko lang talaga ang gusto niya at hindi ako . . . hindi ang puso ko.

Pagkagising ko sa umaga, wala na sa tabi ko si Cyrus, lagi namang gano’n. Anong magagawa ko ‘di ba? Pumasok na lang ako ng banyo at nag-quick shower bago lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.

Buti na lang nag-iiwan na ng mga stock of foods sa refrigerator si Cyrus tuwing aalis siya, hindi tulad dati na lagi akong nagugutom kapag wala siya dahil walang pagkain.

Nagprito na lang ako ng hotdog, egg, at nag-fried rice. Siguro hindi pa kumakain iyong si Cyrus dahil wala namang naiwang hugasin dito. Tsk, ang lalaking ‘yon talaga!

Habang kumakain ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Napainom ako ng tubig nang makita ko ang pangalan ni Dra. Sanchez.

“Yes, doc?” pagsagot ko sa tawag niya. Si Dra. Sanchez ang umasikaso sa ‘kin noong nag-pacheck up ako noong isang araw.

Oo, nagpa-check up ako dahil may iba na ‘kong nararamdaman sa katawan ko.

“I have a good news, misis. I’m so sorry ngayon lang ako nakatawag kahit na mabilis lang namang lumabas ang result,” sagot niya sa ‘kin.

Napahinga ako nang malalim at nagsarado ang palad dahil doon.

Shit, good news?

“Okay lang po. Nag-positive po ba?” tanong ko agad sa kaniya.

“Yes, misis. You are pregnant, congratulations.” Napaawang na lang ang bibig ko sa naging sagot niya at napatingin sa tyan ko. “Maselan nga lang ang pagbubuntis mo kaya kailangan mong mag-ingat sa kahit ano mang oras. Huwag na huwag mong hahayaang mabunggo ang tiyan mo sa kahit anong matigas na bagay, okay? Then iwas stress din, hindi pwedeng maapektuhan ang bata sa loob ng tyan mo kahit na hindi pa siya nabubuo,” mahabang bilin niya sa “kin na tinanguan ko lang kahit hindi niya ‘ko nakikita.

“Maraming salamat po, doktora,” pagpapasalamat ko.

Sinabihan niya muna akong weekly mag-pacheck up bago namin putulin ang tawag.

Noong isang araw ako nag-pacheck up at tumakas lang ako niyon. Saktong wala noon si Cyrus at hindi niya nai-lock ang pinto. This week, nagsusuka ako lagi at nahihilo. Nagmadali pa nga ‘kong umuwi niyon at hindi na hinintay ang result. Ang sabi ko ay tawagan niya na lang ako. Tuwing sinasaktan pa nga ako ni Cyrus ay lagi akong nahihimatay, buti na lang at hindi siya grabe manakit.

Gusto ko sanang puntahan si Bhella kaso naka-lock na naman ang bahay at ‘di ako makalabas. Hay, para akong preso dito na may malaking kasalanan . . . malaking kasalanan kay Cyrus. Hindi ko nga lang alam kung ano ‘yon maliban sa hindi siya sinagot ng manliligaw niya.

“Hahaha ikaw talaga . . . Hmm! Ang pogi-pogi mo talaga.”

May narinig akong malambing na boses galing sa labas kaya napatayo ako. Boses babae kasi iyon.

“Lets go inside, honey.”

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Cyrus. Napatingin ako sa wall clock, seven pa lang ng gabi. Ang aga niya yata? At sino ang babaeng kasama niya?

Narinig ko ang pagtunog ng main door, that means binuksan nya na ito. Hindi ko maiwasang sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang nakangiting si Cyrus habang nakatingin sa babaeng kasama niya, si Lyka.

Agad namang nawala ang ngiti niyang ngayon ko lang nakita nang mapatingin siya sa ‘kin. Napatingin din tuloy sa ‘kin si Lyka at mukhang hindi niya ako kilala dahil sa pagtataka sa mga mata niya.

“Who is she, hon?”

Parang tinarak nang napakaraming kutsilyo ang puso ko nang marinig kong tawagin niyang hon si Cyrus . . . Sila na ba? Mawawalan na ba ‘ko ng kasalanan kay Cyrus?

“My maid.” Mas lalong napiga ang puso ko sa sakit nang marinig ko ang sagot ni Cyrus. “You,” turo niya sa ‘kin. “Ipagluto mo kami,” utos niya.

Kahit na nahihirapan at hindi ko matanggap, tumango ako at agad na tumalikod kasabay ng pagtulo ng luha ko. Masakit, e. Sobra. Pero hindi naman ako makapagprotesta at sabihing, “Ako ang asawa nya!” Hindi ko maisigaw . . .

Siguro dahil iniisip ko ang point of view nilang dalawa. Kung gagawin ko kasi iyon ay baka lalong magalit sa ‘kin si Cyrus at saktan ako, iniisip ko lang ang kapakanan ng magiging anak namin. Si Lyka rin baka magalit pero kung mabait siya, baka hiwalayan niya si Cyrus pero magagalit pa rin si Cyrus sa ‘kin at sasaktan ako. I’m actually jumping into conclusions.

Habang nagluluto ako ay naririnig ko ang harutan nilang dalawa sa sala kaya hindi ko maiwasang mapahikbi. Masakit kasing isipin na masaya ang taong mahal mo sa taong mahal niya, which is not me.

“L-Luto na po ang pagkain,” pagtawag ko sa kanila.

Agad naman silang napatigil, si Cyrus ay agad nanlamig ang tingin nang makita ako habang si Lyka ay nakangiting tumayo saka hinila si Cyrus papasok sa kitchen.

“Hmm! Smells delicious,” puri ni Lyka nang makapasok sila. “Mukhang magaling magluto ang maid mo, hon ah?” dugtong niya at umupo.

“Ah yeah,” sagot lang ni Cyrus kaya tumalikod na ‘ko para sana umalis dahil ayoko pang makita kung paano sila maglandian sa harap ko.

“Hey!” Napatigil ako sa paglakad nang magsalita si Lyka. “Wait lang, are you going to back on your works, miss? If you mind, you can join us.” Ako pala ang tinawag niya kaya napigil ko ang paghinga ko. Mahinahon lang naman ang boses niya at hindi mo mahihimigan ang kahit anong kamalditahan doon.

“Ah . . .” Humarap ako sa kanila pero kay Cyrus agad tumapon ang tingin ko na ngayon ay nagbabanta akong tinititigan. “H-Hndi na po, mara—”

“No! Kindly join us. I think you’re already hungry, base on your face. Right, honey?” Tumingin siya kay Cyrus para tanungin ito kung okay lang.

“If she say no, then no. She have a lot of things to do. This night and dinner is just for us, this is our moment,” sagot ni Cyrus na ang parang gustong sabihin ay baka masira ko lang ang gabi nila.

“Tama po siya m-ma’am. Sige po, alis na ‘ko,” mabilis kong pagsang-ayon kay Cyrus at mabilis silang tinalikuran.

Nanginginig na inilock ko ang pinto ng kwarto ko nang makapasok ako sa loob. Dito muna ako sa loob habang nandiyan pa si Lyka at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko oras na makita ko silang sweet sa isa’t isa. Ang hirap kasing makita na nasa ibang babae ang asawa mo.

Lumipas pa ang ilang oras nang makarinig ako ng mga yabag ng paa.

“Hahaha, sure ka? Ehe, enebe.”

Napapikit na lang ako dahil sa kaartehan ng boses ni Lyka. Kinikilig ba ‘yon o pabebe lang?

“Shh. I love you.” Napangiti na lang ako nang mapakla matapos kong marinig naman ang sinabi ni Cyrus. Wow. Edi sila na. Sila na ang magaling magpaselos at manakit ng damdamin.

Narinig ko ang pagpasok nila sa kwarto ni Cyrus at ilang minuto pa at nakakarinig na ‘ko ng mga kalabog at ungol doon.

Mukhang alam ko na kung anong ginagawa nila.

Nakakaiyak. Sobra.

Sa sariling pamamahay pa namin. Gan’yan sila kawalang hiya.

Paano ba ‘yan, Dania . . . mukhang masaya talaga si Cyrus sa kaniya at mukhang mahal na mahal niya si Lyka. Lalaban ka pa rin ba?

Sa totoo lang, kaya ko namang buhayin mag-isa ang anak ko kaya pwedeng pwede na ‘kong lumayas dito.

Is it better to escape than to stay? Yeah, filing annulment papers would be much better. Total si Lyka ang gusto niya, edi doon siya magpakasal.

All I need to do is to be happy when they get married, kahit wala na sa ‘kin si Cyrus, at least alam kong masaya siya sa pumalit sa ‘kin ‘di ba?

I need a finalization.