Chapter 6

Dania —

“Uuwi ka na talaga? Wala ka talagang balak na iwan na ‘yang tarantado mong asawa?” tanong sakin ni Bhella bago ako umalis.

Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya sa ‘kin pero ilang araw pa lang kaming kasal ni Cyrus, oh. Marami pa kaming panahon. Marami pang pagkakataon na puwede naming ayusin ‘to. Balang araw ay magbabago rin ang ihip ng hangin.

“Basta, Bhella. Kapag umalis ako ng bahay, nandiyan ka naman ‘dii ba? Puwede naman akong pumunta rito?” tanong ko pabalik.

“Oo naman. Welcome na welcome ka rito,” sagot niya kaya napangiti ako at tumango.

“Thank you talaga at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo,” nakangiting sambit ko at niyakap siya nang mahigpit. “Uuwi na ‘ko, baka magalit na naman si Cyrus e,” paalam ko sa kaniya.

Kumalas kami sa yakapan. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Hays. Ang hirap mong pagsabihan na makipaghiwalay ka na.”

Ayan na naman siya. Ipipilit na naman niya.

“Alam mong hindi ko puwedeng gawin iyon, Bhella. Siguradong itatakwil ako nila mom at tatanggalan ng karapatan sa yaman namin. Tapos sa pinsan kong walang hiya ibibigay? Sigurado akong hindi uunlad ang Pilipinas niyon,” kunwaring biro ko pero nananatili pa ring seryoso ang mukha niya.

Napasimangot na lang ako.

“Ewan ko sa ‘yo, I respect your decision. Mag-iingat ka roon sa asawa mo, ah? Tawagan mo lang ako kapag sinaktan ka niya ulit.”

“Oo sige, salamat. Basta ‘yung usapan natin ah? Huwag kang magsusumbong kina mom. Lalo lang akong sasaktan ni Cyrus at siguradong hindi rin sila maniniwala,” paalala ko sa kaniya na ikinatango niya naman. “Sige na, bye.”

Lumabas na ‘ko ng kotse niya at kumaway. Pagkaalis niya ay agad kong binuksan ang gate at pumasok. Tumingin ako sa wrist watch ko at 5:57 pm na.

Wala pa naman siguro siya dyan, ‘no? Sana nga, wala.

Pagbukas ko ng pinto ay tahimik ang paligid at mukhang wala nga siya kaya umakyat na ‘o sa taas. Pumasok ako ng kwarto at nagbihis at saka humiga para matulog saglit.

Nagising ako nang 8:40 PM na kaya lumabas na ‘ko ng kwarto para magluto na at saka baka nandiyan na ang mahal na hari natin.

Dinaanan ko ang kwarto niya at kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang ‘yun. Wala pa pala siya?

Nagkibit balikat na lang ako at bumaba. Nagluto ako ng adobo para sa hapunan. Dinamihan ko na ang pagluto para naman may makain na ‘ko.

Uunahan ko na lang siyang kumain. Umupo na ako at mag-isang kumain sa tahimik na kusina.

Kailan ko kaya siya makakasabay sa pagkain, ‘no? Kailan niya kaya ako yayayain kumain nang sabay? Kailan niya kaya ako matatanggap? Kailan niya ‘ko mamahalin at ituturing na mundo niya at hindi lang bilang isang asawa niya?

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at binilisan ang pagkain. Pagkatapos ay hinugasan ko lang ‘yon at mabilis na umakyat sa taas.

Natulog ulit ako dahil sa pagod kakaiyak.

“Ahh,” munting ungol ko nang maramdaman kong may humahalik sa leeg ko.

Shit? Sino naman gagawa ng ganito sa ‘kin? Antok na antok pa ‘ko kaya hindi ko pinansin iyon at tumagilid lang ng higa.

Pero napadilat na ‘ko nang may biglang nagtihaya ulit sa katawan ko at dinakma ang dibdib ko.

“C-Cyrus!” tili ko nang makita ko si Cyrus sa ibabaw ko. “A-Anong ginagawa mo?! Umalis ka diyan!” takot na pagpupumiglas ko pero hinawakan niya lang ang dalawa kong kamay.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nandito na naman ako sa puntong kailangan kong tiisin ang kababuyan ni Cyrus.

“L-Lyka . . . I love you.”

Napatigil ako sa paggalaw nang marinig ko ang sinabi niya. Did he just say those words?

But I’m not Lyka, Cyrus.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang halikan niya ‘ko. Hindi katulad kagabi na mapusok, he was just passionate on this kiss.

“Lyka . . .”

Napangiti na lang ako nang mapait habang hinahalikan niya ‘ko. That’s it! Kaya pala nagdadahan-dahan siya dahil iniisip niya na ako si Lyka?

Sino ba ang Lyka na ‘yon? ‘Yung babaeng nililigawan niya?

Ang sakit!

“C-Cyrus, tumigil ka na,” mahinang pigil ko sa kaniya pero hindi siya tumigil sa paghalik sa ‘kin pababa.

“I love you. I love you! Why can’t you just love me back?”

Napatingin ako sa mukha niya nang mabosesan kong umiiyak siya at tama nga ako.

Ganoon niya kamahal si Lyka?

Sana ako rin iyakan mo balang araw.

Napapikit na lang ako nang mariin nang punitin niya ang damit ko. Bakit niya ba ginagawa ‘to? Alam kong lasing siya.

Pero bakit . . . Dito siya umuwi sa bahay pero iniisip niya na ako si Lyka? Ano ‘yon? Binabalak niya talagang gahasain si Lyka?

The fvck Cyrus.

Wala na kong nagawa nang maghubad na siya sa harap ko at pumatong ulit sa ‘kin. Damn! Bakit hindi ako makalaban?

Ayoko ng ganito at hindi ko ‘to gusto pero wala akong lakas na pigilan siya.

Napatingin na lang ako sa ibang direksyon at umiyak nang tahimik habang binababoy niya ulit ako. Saktong napatingin ako sa wall clock at 11:30 PM na pala.

Puro ungol lang ni Cyrus ang naririnig ko at tahimik lang ako. Kagaya kagabi, ayoko. Hindi ako bibigay. Ayoko na isipin niyang nasasarapan ako.

Ayoko ng ganito.

Pakiramdam ko, napakadumi kong babae.

“A-Aray!” bigla kong daing nang maramdaman ko ang sakit sa gitna ko. “T-Tama na, Cy!” pagmamakaawa ko pero hindi siya tumigil at hindi ako pinansin. “A-Ayoko na!”

Umiyak na lang ako nang umiyak hanggang sa tumigil ako at naging manhid sa ginagawa niya ngayong gabi.

Hinayaan ko ulit siyang galawin ako pero kahit kailan, habang wala akong pagmamahal na nararamdaman sa ginagawa niya, hinding hindi ko matatanggap ang pangbababoy niya. Hinding hindi.

Napatalikod na lang ako kay Cyrus nang bumagsak siya sa tabi ko at niyakap ako. Pinilit kong tanggalin ‘yon pero ayaw niya at pangalan pa rin ni Lyka ang binabanggit niya.

Matutuwa lang ako kung pangalan ko na ang binabanggit niya.

Alam n’yo kung anong oras n’ya na ‘ko tinigilan?

4:24 AM na for pete’s sake! Nag-enjoy yata si Cyrus dahil sa isiping ako nga si Lyka.

Gano’n niya kamahal ang babaeng ‘yon! Sana ako rin ay magawa niyang mahalin.

Gusto kong gawin lahat para mahalin niya ‘ko pero hanggang dito na lang yata ang kaya kong gawin. Mamaya lalayasan ko na talaga siya.

Kailangan ko lang magpahinga para may lakas akong makipag-away sa kaniya mamaya.

Alas sies na ng umaga nang bumangon ako at nagmadaling magbihis. Si Cyrus naman ay tulog na tulog pa. Napagod din siguro sa ginawa niya sa ‘kin.

Naligo ako nang mabilis pero kiniskis nang mabuti ang buong katawan kaya medyo namula ito. Tumingin muna ako sa salamin, ang dami kong peklat dahil sa mga sugat na nakuha ko sa pananakit niya.

Nagmadali na rin akong nagbihis at lumabas ng banyo. Naabutan kong tulog pa rin si Cyrus kaya napahinga ako nang malalim.

Kumuha ako ng mga bag at maleta at saka nag-impake.

“Where do you think you’re going?”

Napatigil ako sa pag-aayos nang marinig ko ang boses ni Cyrus pero agad din akong nagpatuloy. “Dania!” malakas na tawag niya sa ‘kin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake pero may biglang humila sa braso ko at hinila ako patayo.

“Bitiwan mo ‘ko!” pagpupumiglas ko at masama siyang tinapunan ng tingin.

“Saan ka pupunta?” madilim ang awra na tanong niya sa ‘kin.

“Sa malayo! Malayo sa ‘yo! Ayoko na ng ganito, Cyrus!” sagot ko at pilit na kinukuha ang braso ko mula sa kaniya.

“Hindi ka aalis!” mariin at maawtoridad na sabi niya sa ‘kin.

Napapikit na lang ako dahil mas dumiin pa ang hawak niya sa braso ko.

“Aalis ako! Magpa-file na ‘ko ng annulment,” matapang na sagot ko at pinilit na hindi umiyak.

Ang bigat kasi sa pakiramdam na sabihin ang mga salitang ‘yon sa harap ng taong mahal ko. Ang hirap na saglit na panahon pa lang kaming kasal pero umabot na agad kami sa puntong ‘to.

Wala, e. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa ‘kin.

“At bakit?! Hindi ka makikipaghiwalay!” sigaw niya sa mukha ko kaya napapikit ako nang mariin.

Bakit ayaw niya pang pumayag? Sigurado namang ito ang gusto niya, ha?

“Sino ka para pigilan ako?” nanghihinang tanong ko.

“Asawa mo ako. Hindi ka makikipaghiwalay sa ‘kin.”

Muntik na akong matawa.

Asawa? Kini-claim niya pala na asawa niya ‘ko pagkatapos ng mga pinaggagawa niya sa ‘kin?

“And I’m just your fvcking wife! May karapatan akong makipaghiwalay lalo na at . . .” Hindi ko na mahuli ang tamang salita na dapat kong sabihin kaya nagtiim bagang siya.

“At?!”

“At . . . a-at nasasaktan na ‘ko! Imagine, Cyrus! Asawa mo ako pero sinasaktan mo lang ako and worst of all ay ginagahasa mo ‘ko!” buong lakas na sigaw ko sa mukha niya.

Bigla na lang akong napaupo dahil sa sampal niya. Sobrang lakas niyon na naging dahilan ng pagbalik ng mukha ko sa kabila. Napahawak ako sa pisngi kong sobrang hapdi na.

“I didn’t rape you! Ginusto mo ‘yon dahil malandi ka!” sigaw niya rin sa ‘kin kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

How dare him to say that?

“No! That’s what we called rape because you used force,” umiiyak na sagot ko. Hindi ko na kasi mapigilang mapaluha sa mga sinasabi niya. “Pakiramdam ko napakadumi ko nang babae, Cyrus!”

“Matagal ka nang marumi, Dania!” mariing ganti niya at nag-squat sa harap ko. “Hindi ka aalis sa pamamahay na ‘to hanggat hindi ko sinasabi. Hindi ka lalabas ng bahay na ‘to hangga’t hindi pa kita pinapalayas,” sabi niya at hinawakan ang panga ko.

“Napakawalang hiya mo.”

“Matagal na ‘kong walang hiya at gago, Dania. Kaya kung pakiramdam mo marumi ka na, mas dudumihan pa kita,” nakangising dugtong niya na lalong nagpaiyak sa ‘kin.

Bakit ganiyan siya?!

“Hayop ka . . .” umiiyak na bulong ko.

“Hayop ako at magiging hayop kita. Kapag gusto kong magpainit, papainitin mo. Naiintindihan mo ba ‘ko?” seryosong sabi niya na ikinahina ko.

Bumagsak ang balikat ko at napaiwas na lang ng tingin. Parang kutsilyo ang mga salita niya at bumaon ang lahat ng ‘yon sa puso kong nagdurugo na.

Nanghina ako dahil sa mga narinig ko. Ano bang tingin niya sa ‘kin? Para—

“Parausan. Parausan ka lang, Dania, hangga’t hindi ko pa nakukuha si Lyka. Hindi ka aalis dito.”

“Nababaliw ka na, Cyrus,” mahinang sagot ko.

Gusto niyang makuha muna si Lyka bago ako tigilan at hayaang umalis? Gano’n siya kahayop?

“Kasalanan mo ang lahat kung bakit,” seryosong sambit niya at marahas na binitiwan ang panga ko. “Kasalanan mo,” huling sinabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Napatayo naman agad ako at mabilis na tumakbo papunta sa pinto. Sinubukan kong buksan iyon pero hindi ko nagawa. Ni-llock niya!

Napasandal na lang ako rito at napadausdod paupo habang rumaragasa ang mga luha sa pisngi ko. Bakit gano’n sya kasama?

Bakit parang may iba pa siyang dahilan kaya siya galit na galit sa ‘kin? Please naman . . . sabihin niya sa ‘kin para alam ko.

Dahil ayoko na.

Bakit?

Because I’m just his wife on paper, his maid, his fast time, and his bed warmer.