Chapter 8

Dania —

Umiiyak na nag-iimpake na ‘ko ngayon habang may ginagawa pa rin ang dalawa sa kwarto ni Cyrus. Okay, lalayas na talaga ako. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Siguro nga dapat na ‘kong tumigil sa pagiging martyr ko. Hindi ako nababagay sa ganitong posisyon, wala naman akong nagawang masama para tratuhin nang ganito ni Cyrus.

Niligpit ko lahat ng gamit ko at walang tinira kahit isa maliban na lang sa mga hindi ko kailangan. Dahan-dahan at maingat lang akong lumabas ng kwarto para makatakas ako. Bumuntong hininga muna ako bago lagpasan ang kwarto ni Cyrus. Binuhat ko ang mga maleta ko at bumaba sa hagdan. Pigil hininga pa ‘kong lumalakad papuntang pinto sa takot na baka mahuli ako ni Cyrus pero mukhang busy pa naman sila sa kahayupang ginagawa nila kaya go lang, Dania. Kaya mo ‘yan.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako sa impyernong bahay namin. Lumabas na rin ako ng gate at naglakad-lakad muna para makalayo sa bahay dahil baka makita nila ako. Nang may nakita akong taxi ay pinara ko agad iyon at sumakay.

“Kuya sa Fenzilla Condominium po.”

Kay Bhella muna siguro ako tutuloy ngayon. Sabi naman niya ay welcome ako any time.

Kinuha ko na lang ang keypad kong phone at tinawagan siya. Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Tumawag ulit ako pero this time hindi na nag-ring and couldn’t be reach na. Siguro busy lang si Bhella at sana nasa condo niya siya.

Nagbayad ako ng 100 sa driver dahil ayun na lang naman ang pera ko rito pero may 50 pesos pa naman ako at sinuklian niya ‘ko ng 20. Dala ang dalawa kong maleta at isang malaking bag na nakasukbit sa balikat ko ay pumasok ako sa loob ng condominium at nag-elevator.

Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang unit ni Bhella ay lumabas agad ako at hinanap ang unit niya. Napabuntong hininga ulit ako nang makita ko na ang unit niya. Sa wakas, nakatakas na ‘ko. Hindi na ‘ko ulit mapagbubuhatan ng kamay ni Cyrus.

Nag-doorbell muna ako at naghintay kay Bhella pero wala pa ring lumalabas kaya inulit ko at wala pa rin. Nakalimang doorbell muna ako bago ko napagpasyahang umupo sa harap niyon.

Nasan ka ba, Bhella? Mukhang wala kasi siya rito at nakapatay pa ang cellphone niya. Hay, paano na ako nito?

“Hmm,” munting ungol ko at dahan-dahang dumilat.

Nakatulog na pala ako rito sa tapat ng condo unit ni Bhella. Pero wala pa rin naman siya? Nasaan na iyon? Umaga na ah.

Napangiti na lang ako nang mapait at dahan-dahang tumayo. Mukhang wala akong bestfriend na masasandalan ngayon, ah? So saan ako pupunta? Ayoko pa namang umuwi.

Lumabas na lang ako ng Fenzilla Condominium at sumakay ulit ng taxi.

“Sa Magdalena Subdivision po,” sabi ko sa driver.

Mukhang wala akong magagawa, kailangan kong lakasan ang loob ko na harapin ang mga magulang ko kahit na alam kong magagalit sila.

Nagbayad agad ako nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Buti na lang nagkasya pa ang pera ko dahil malapit lang naman. Nakilala naman agad ako ng guard kaya ngumiti ito at pinapasok ako.

“Nandiyan ba sila mom?” tanong ko.

“Yes po, ma’am. Nasa loob po sila,” sagot niya na ikinatango ko.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko silang nag-aalmusal pa lang kasama ang pinsan kong si Joel. Nangunot pa pareho ang noo nila at agad na napatayo nang makita nila ang dala ko.

“Bakit ka nandito?!” malamig na tanong ni dad.

“Huwag mong sabihing lumayas ka sa bahay n’yo ni Cyrus, ha?” tanong naman ni mom kaya hindi ko maiwasang mapayuko. Halata naman kasi na ayaw nilang nandito ako.

“S-Sinasaktan niya lang po kasi ako,” naiiyak na sagot ko.

Napahampas naman sa lamesa si dad at agad na lumapit sa ‘kin. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya.

“Sinasaktan? Sinasaktan? What the fvck are you talking about woman?! This the second time you told this to us. Cyrus is a very kind person! How come na sasaktan ka ng batang iyon?” galit na sigaw niya sa ‘kin kaya tumulo na lang bigla ang luha ko. “At lumayas ka pa talaga? Balak mo na bang mag-file ng annulment?” tanong niya na ikinatango ko at nag-angat ng ulo pero isang malakas na sampal lang ang dumapo sa pisngi ko.

“D-Dad,” umiiyak na banggit ko habang sapo-sapo ang pisngi kong nasampal niya.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Gusto mo talagang bumagsak ang negosyo natin? Wala kang kwentang anak!” nanggagalaiting singhal niya sa ‘kin kaya napatingin ako kay Mom at sa pinsan ko pero wala lang silang pakialam at kumakain lang.

Bakit ganito ang pamilya ko? Bakit pati sila, kinamumuhian ako? Ano bang nagawa kong kasalanan? Sabihin n’yo naman sa ‘kin, please.

“P-Pero . . .”

“Babalik ka sa bahay n’yo! At oras na malaman kong tumakas ka na naman doon, malilintikan ka sa ‘king bata ka.”

Agad naman akong naalarma dahil sa sinabi niya. Mabilis akong umiling-iling at umatras.

“A-Ayoko, dad! Ayoko!” umiiyak na pagmamakaawa ko pero hindi siya nakinig at hinila lang ako nang marahas. “Dahan-dahan lang po,” sabi ko at humawak sa tyan ko dahil baka mapahamak ang anak ko.

“Pwes, umayos ka!”

Napatango na lang ako at sumunod sa kaniya. Ganito ako itakwil ng mga magulang ko, gustong gusto na nila ‘kong ipamigay at ayaw na ayaw nila akong nakikitang nasa bahay namin.

Isinakay ako ni dad sa kotse niya at pinaandar naman niya ito nang mabilis. “Oras na magsumbong ka ulit sa ‘kin na sinasaktan ka ni Cyrus, malilintikan ka talaga sa ‘kin! Ang lakas ng loob mong gumawa ng kwento kahit alam mo namang hindi ka namin paniniwalaan.”

Tumagos nang sobra ang mga sinabi ni dad kaya napaiyak ako nang napaiyak. Bakit gano’n? Hindi naman ako nagsisinungaling. Bakit mas pinaniniwalaan nila si Cyrus kaysa sa anak nila?

Nang makarating kami sa tapat ng impyerno naming bahay ay pinababa agad ako ni dad. “Bilisan mo! Pumasok ka roon,” mariing sabi niya. “Hindi ako aalis hanggat hindi ka pumapasok.”

Napatango naman ako dahil sa takot at agad na pumasok sa loob ng gate. Dahan-dahan akong lumakad papasok ng bahay. Napaigtad na lang ako nang si Cyrus ang unang bumungad sa ‘kin at masama ang tingin.

“A-Aray,” mahinang daing ko nang mauntog ang ulo ko sa edge ng glass table namin matapos akong sampalin nang malakas ni Cyrus.

Sobrang sakit niyon at pakiramdam ko’y namaga agad ang pisngi ko sa ginawa niya.

“Napakalandi mo talagang babae ka!” sigaw niya at hinila ang buhok ko.

“W-Wala akong ginagawang m-masama, Cyrus,” umiiyak na sabi ko dahil ayun naman ang totoo.

Hindi ko alam kung ano na naman itong sinasabi niya. Anong malandi ako? Kahit kailan ay hindi ako naging malandi!

“Anong wala?! Ano ‘yung nakita ko ha? May kasama kang lalaki! Slut! Kaya pala ‘di ka umuwi kagabi.”

Napayuko ako dahil tagos na tagos ang mga masasakit na sinabi nya. Siya lang naman ang lalaki sa buhay ko pero pinaghihinalaan niya pa rin akong may lalaki ako.

“W-Wala talaga akong ginagawang masama, Cyrus. Mahal na ma—”

“Manahimik ka, babae! Kahit anong gawin mo . . . malandi ka pa rin!” malamig na putol nito sa sasabihin ko kaya hindi na tumigil ang pag agos ng mga luha ko.

Gano’n, gano’n kababa ang tingin niya sakin— ang tingin sa ‘kin ng ‘asawa ko’. Oo, asawa ko na hindi naman ako tinuring na asawa.

“All this shit is just because of that fvcking arrange marriage, Dania. Don’t assume that I wil love you back,” mariing sambit nito at saka lumuhod para magkatapat kami. Oo nga naman, this is just an arrange marriage, ano pa bang magagawa ko? “Because I will never love you!” Saka niya ko sinampal ulit.

“Oo na. ‘Wag mo nang ipamukha sa ‘kin,” nakayukong sagot ko habang humihikbi.

Kailangan pa ba talagang paulit-ulit niyang sabihin sa ‘kin ‘yan? Oo, alam ko na ‘yan. Alam ko namang una pa lang ay hindi niya ‘ko mahal.

“Good. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo.” Tinapik niya ang ulo ko na para ba akong aso kaya hindi ko mapigilang kumuyom ang kamao ko. “Huwag na ‘wag ka nang lalandi ulit, ha? Masasaktan ka lang, Dania . . . Sinasabi ko sa ‘yo,” malamig na dugtong niy at tumayo kaya napaangat ako ng ulo at masama siyang tiningnan. “Huwag mo ‘kong titingnan nang ganyan!”

“Hindi ako aso, Cyrus . . .” mahinang sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

“I don’t care—”

“Hindi ako aso para tapikin mo lang nang gano’n ang ulo ko, hindi ako aso para pasunudin mo sa lahat ng pinapagawa mo! Hindi ako aso para gawin mong alila!” puno ng sakit na sabi ko habang tinitingnan siya.

Wala akong ibang natanggap kun’di ang blangko niyang expression na parang ipinapakitang wala talaga siyang pakialam sa sinasabi ko. Ang sakit lang na pinaparamdam niya talagang wala lang ako sa kaniya.

“I don’t fvcking care! Huwag na huwag mo ‘kong susumbatan at pagsasabihan nang ganiyan!” sigaw niya sa mukha ko pero ‘di ko pinansin yo’n at nagpatuloy lang rin.

Siya lang ba ang may karapatang magsalita rito?

“Hindi rin ako baboy . . .” mahinang dugtong ko at napahikbi. Ang sikip sa dibdib.

“Tigil tigilan mo ‘ko sa kadrama—”

“Hindi ako baboy para baboy-babuyin mo lang at gamitin nang gamitin hanggang sa malaspag! Tapos iiwanan mo ako kapag nagsawa ka na,” umiiyak na usal ko sa kaniya at tiningnan siya nang masama.

Naghahalo-halo na ang emosyon ko! Naaalala ko kasi ang mga sapilitan niyang paggalaw sa ‘kin . . . he raped me. Yes, it’s what we called rape because he used force for pete’s sake!

“Pakialam ko? Ikaw ang pumasok sa buhay ko so you deserve a punishment. Gagalawin kita kung gusto kitang galawin,” mariin at matigas na sagot niya.

Ganiyan siya kababoy, ‘tang ina.

“Pero babae ako, Cyrus! I deserve some respect! Kahit respeto na lang, Cyrus! Kahit katiting na respeto lang . . . Ang mga babaeng katulad ko ay nangangailangan ng respeto at pagmamahal! Hindi ‘yung ginagawa lang kaming parausan para ma-satisfy kayo sa mga pangangailan n’yo kapag nag-iinit kayo! Nakaka-‘tang ina kayong mga lalaki,” mahabang lintanya ko na punong puno ng hinanakit.

Totoo naman kasi di ‘ba? Babae ako at ayun ang kailangan ko. Hindi ako laruan o bed warmer!

Hinawakan niya nang mariin ang panga ko kaya napadaing ako sa sakit. “I don’t fvcking care, Dania! Para sa ‘kin . . . isa ka lang malanding babae na kailangan dumihan.”

Nagulat naman siya nang marahas akong lumayo sa kaniya kaya nabitiwan niya ang panga ko. Tinaliman niya ako ng tingin na parang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

Tumawa ako nang pagak at pinunasan nang marahas ang muka kong may luha. “Tama nga naman . . . marumi na ako— dahil ikaw mismo ang kumuha ng kalinisan ko! And oh yeah, you’re right, you don’t have fvcking care! Kaya wala ka ring pake kung ano mang gagawin ko! Kung manlalaki man ako o hindi dahil wala ka ngang pake! At isa pa, para sabihin ko sa ‘yo, hindi ako nanlalalaki, ikaw ang mas malandi sa ‘ting dalawa!” matapang na sigaw ko na ikinaigting ng panga niya at nakita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit.

“Ginagalit mo talaga ako.”

Lalapitan niya sana ko pero umatras ako.

“Oo nga pala, Cyrus. Buntis ako at ikaw ang ama. See? ‘Tang ina nabuntis mo na ‘ko dahil sa kababuyan mo!” sigaw ko sa mukha niya.

Three weeks na ‘kong buntis at dahil ‘yon sa ginawang niyang sapilitang pakikipagtalik sa akin.

“Hindi akin ‘yan.”

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Napakakapal talaga ng mukha niya para sabihin sa ‘kin ‘yan samantalang siya lang ang nakagalaw sa ‘kin!

“Sa ibang lalaki mo yan, ipalaglag mo.”

Natulala ako sa sunod niyang sinabi. Mas bumilis ang pagtulo ng luha ko. Kahit sa anak namin ay wala rin siyang pakialam. Anong klase ba siyang lalaki? Napakagago niya.

“Alis nga,” sabi niya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Napadaing ako nang malakas niya ‘kong tinulak dahilan para masubsob ako sa lamesa at lalo pa ‘kong napadaing nang tumama ang tyan ko sa edge niyon.

Maluha-luha kong sinundan ng tingin si Cyrus na papaakyat na ngayon sa taas. Sobrang sakit ng tyan ko!

Napatingin ako sa binti ko nang maramdaman kong parang may umaagos. Nanginig ang mga kamay at labi ko dahil sa nakita.

“O-Oh my . . . “ Napaiyak ako nang mas malakas nang makita ko ang dugo roon.

A-Ang baby ko!

Kahit nahihirapan ay lumakad ako palabas ng bahay namin at lumabas ng gate. Magpapara pa lang sana ko ng taxi nang bigla akong nanghina at nawalan ng malay.

Napaungol ako nang maalimpungatan ako. Napapikit-pikit pa ‘ko nang masilaw ako sa liwanag.

Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid at puro puti lang ang nakita ko.

“Gising na po pala kayo, ma’am.”

May pumasok na nurse kaya nalaman kong nasa hospital pala ako. Mabilis akong napaupo at napahawak sa tiyan ko kahit nanghihina pa talaga ako.

“B-Baby ko?” kinakabahang tanong ko na ikinatigil ng nurse. “Nasaan ang baby ko?!” Pasigaw na ngayong tanong ko.

Naalala ko ang nangyari sa bahay. S-Shit, itinulak niya ako kaya ako nagdugo at napunta rito sa hospital!

“Sorry po, ma’am, pero w-wala na po ang baby mo,” mahina at halatang kinakabahang sagot niya kaya ‘di ko maiwasang mapatayo at magwala sa loob ng kwarto.

Lahat ng nakita ko sa katabing table ng kama ko ay itinapon ko. Sinipa-sipa ko ang paa ng kama kahit nanghihina ako. Masakit ang katawan ko pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ngayon. Gusto ko nang magising at sabihin nila sa ‘kin na buhay pa ang anak ko!

Panaginip lang ito, please. Panaginip lang . . .

“Ma’am! Huminahon po kayo!”

“Pvtang ina kasalanan niya ‘to,” umiiyak na sabi ko at tumakbo palabas kahit na masakit ang katawan ko at hinahabol ng nurse.

Nalagpasan ko ang mga guard dahil busy sila sa pagkukwentuhan at tatanga-tanga.

Agad akong pumara ng taxi nang makarating ako sa labas. Wala akong ibang ginawa niyon sa loon ng sasakyan kun’di umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ang tiyan ko. Ganito pala kasi kasakit ‘yon, parang sobrang laki ng nawala sa sistema ko.

Nanghihinang tumakbo ako papasok sa bahay nang makarating ako rito. Hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa niya!

Pagpasok ko, nakita ko agad ang magulong bahay. Ang daming basag na vase at salamin na nakakalat sa sahig. Maging ang mga sofa ay wala na sa tamang ayos.

“Saan ka na naman galing, babae?” Napatingin agad ako sa sumigaw. Si Cyrus na madilim na naman ang awra.

“Wala na . . .” Nangunot naman ang noo niya sa sinambit ko. “Wala na ang baby ko! Kasalanan mo ‘to!” sigaw ko at umiyak habang nakaduro sa kaniya.

Bakit ba hindi ko na lang siya saktan?

“Wala akong pake, ‘di ko naman anak yo’n at isa pa, dapat namatay ka na rin,” matigas na sabi nito kaya napatawa na naman ako nang mapait.

Hindi niya anak? Dapat namatay na lang ako?

Ganiyan talaga katigas ang puso ko? Napakababa ng tingin niya sa ‘kin para isiping hindi niya anak ang dinala ko. Ilang beses niya nang naapakan ang buong pagkatao ko at ngayon, hinihiling niya na ring sana namatay na lang ako.

Mahal na mahal ko ang lalaking ‘to pero hindi ko alam na papatayin lang din ako nga mga salita niya.

“B-Bakit ba ayaw mong maniwala? Three weeks ago nang galawin mo ako! Ikaw ang nakakuha ng iniingatan ko tapos sasabihin mong hindi sa ‘yo? Nakakagago ka na talaga!” hagulgol ko at tinakpan ang mukha.

“Still, I don’t fvcking care,” mariin niyang sagot kaya ‘di ko na naman maiwasang mapakuyom ang kamao. “Magpa-file na ako ng annulment paper. Lumayas ka na ngayon sa pamamahay ko at pirmahan mo na lang ang mga papers na ipapadala ko sa ‘yo. May iba akong gustong maging asawa kaysa sa ‘yo. Huwag na huwag ka na ring magpapakita sa ‘kin.”

Siya pa ang may lakas ng loob na makipaghiwalay.

Dahil sa inis ko sa mga sinabi niya, kumuha ako ng isang parte ng nabasag na vase. Nasugatan pa ang kamay ko dahil sa mariing paghawak ko dito.

“What the fvck are you doing?” galit na ngayong tanong niya habang matalim ang titig sa akin.

Wow? Acting that he care?

“You don’t have a f*cking care. Annul-annul pang nalalaman, edi tapusin na natin dito.” Tumawa ako at pinunasan ang luha ko. “Napakatarantado mo kasing lalaki, wala akong ibang ginawa kun’di sundin at mahalin ka pero ito lang ang gagawin mo, pinatay mo ang baby ko na parang kinamatay ko na rin! I should follow him/her instead.”

Ngumiti ako nang mapait sa kaniya. Mukha namang lumambot ang expression niya pero agad ding bumalik sa pagkagalit.

Hindi ko alam pero parang dumaan ang sakit at awa sa mga mata niya pero ‘di ko ‘yon pinansin.

“’Di mo rin naman pala ako kayang mahalin, mas mabuti nang mawala na lang ako . . . wala naman nang nagmamahal sa ‘kin,” mahinang sabi ko at tinapat ang hawak ko sa tapat ng puso ko. Oo, puso. “Ano pang saysay ng pusong ‘to kung sa isang tao lang naman tumitibok, at doon pa sa maling tao?”

“Sige, ituloy mo,” mahinang sabi niya na parang nagbabanta. “Kapag tinuloy mo ‘yan, pinatunayan mo lang na mahina ka.”

Nginitian ko pa rin siya. Akala niya naman mapipigilan niya ‘ko?

“As you wish . . .”

“Dania, you don’t need to do— Shit! What the fvcking hell?!” napasigaw siya bigla nang tuluyan kong itinurok ang hawak ko sa puso ko.

I love you . . .