Chapter 5
Dania —
“What the f*ck?!” pasigaw na mura ni Cyrus nang magising siya kaya nagising din ako. Gulat na napatingin siya sa sarili niya at sa akin.
Matalim niya ‘kong tiningnan kaya dahan-dahan akong umupo. Nahirapan pa ‘ko sa pag-upo dahil masakit pa rin ang gitna ko.
Nagulat na lang ako nang saktong pag-angat ng ulo ko ay sampal agad ni Cyrus ang natanggap ko.
“B-Bakit?” naiiyak na tanong ko habang nakahawak sa ‘king pisngi.
“What the hell did you do? Malandi ka talaga at makati pa,” galit na sabi niya sa ‘kin at mabilis na tumayo para magbihis.
Napayuko na lang ako at mas hinigpitan ang hawak sa kumot na nakatapis sa ‘kin. Bakit sya pa ang nagagalit at mukhang ako ang pinapalabas niyang nang-akit sa kaniya?!
“W-Wala naman akong ginawa. Ikaw nga y-yung—” Napatigil ako nang tingnan niya ‘ko nang masama.
G-Gusto ko lang naman na ipagtanggol ang sarili ko.
“’Tang ina! You’re a whore!” sigaw niya at inis na napasabunot sa buhok niya. “Admit it or not, inakit mo ako para may mangyari sa ‘tin,” mariing sabi niya kaya napayuko ako.
I’m not a whore. I will never be.
“P-Pero . . .”
“Shut up! Wala ka namang sinasabing maganda,” pagputol niya sa ‘kin. “Lumabas ka na!” Napatingin naman ako sa kaniya. “I said, get out!”
Napatango na lang ako at nagpunas ng luha. Ibinaba ko ang paa ko at dahan-dahang tumayo pero napaupo lang ulit ako dahil sa sakit.
“Faster!”
Napasinghap naman ako sa sigaw niya at pinilit na tumayo nang maayos.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot dahil sa takot. Dahan-dahan akong naglakad at nilagpasan siya.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang magsalita na naman siya.
“’Yung kumot, iwan mo!” utos niya kaya hindi makapaniwalang nilingon ko siya. “Why?” taas kilay na sabi nito.
Hinanap ko naman ang mga damit ko pero mga sira na ang mga iyon.
“P-Pero nnakahu—”
“I don’t fvcking care. Give it to me,” utos niya at lumapit sa ‘kin para ilahad ang kamay niya sa harap ko.
Napaiyak na lang ako at napayuko ulit. Nanginginig at dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatapis ng kumot sa ‘kin.
Nang matanggal ang kumot ay mabagal kong inabot sa kaniya ‘yon pero hindi ko siya tiningnan. Ayoko siyang tingnan, ayokong makita ang reaksyon niya.
Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang kamay ko.
Nakayuko lang ako kaya nakita ko ang paghakbang niya nang isang hakbang. Hahakbang pa sana ang isa niyang paa pero naiwan sa ere ‘yon kaya agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto niya.
Umiiyak na nagmadali akong lumakad nang paika-ika papunta sa kwarto ko.
Pagpasok na pagpasok ko ay ni-lock ko agad ang pinto.
Lumapit ako sa full body-sized mirror at tiningnan ang sarili.
Napaiyak ulit ako nang makita ko ang nga pasa sa katawan ko. Ang kulay violet ko nang braso. Ang puro pantal kong hita at binti dahil sa sinturon na pinanghataw niya sa ‘kin, ang labi kong sugat-sugat at ang katawan kong puro kiss marks.
Ganito ka ba talaga ka-walang hiya, Cyrus?
Bakit hindi mo man lang ako magawang respetuhin? Ganiyan ka ba talaga sa lahat ng babae?
Isa pa . . .
Kapag inulit niya pa ‘to, ang babuyin ako nang hindi ko naman ginusto, aalis na ‘ko.
Aalis na ‘ko.
Kahit magalit pa sa ‘kin sila mom at dad, kahit itakwil pa nila ‘ko. Lalayasan ko si Cyrus. Kahit mahal ko siya.
Pumasok ako sa banyo at naligo. Madiin kong kinuskos ang katawan ko habang nakikisabay ang luha ko sa agos ng tubig.
Hindi ko pa rin kasi tanggap na nagawa niya ‘yon. What did you expect, Dania? Gan’yan siyang klaseng lalaki at malamang sa malamang hindi ikaw ang unang babaeng ginalaw niya.
I wonder kung may nangyari na ba sa kanila ng babaeng nililigawan niya.
Siguro naman wala pa? Nililigawan pa lang naman niya ‘yon.
Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong maligo at agad na nagbihis ng pang-alis. Pupunta na lang ako kina Bhella para may magawa ako.
Kinuha ko ang sling bag ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Ayokong magpaalam kay Cyrus dahil siguradong ‘di niya ‘ko papayagan lumabas kaya tatakasan ko na lang siya.
Siguro naman ay umalis na siya dahil may trabaho pa siya, ‘di ba?
Bumaba na ‘ko ng hagdan nang mapansing tahimik naman ang buong bahay at mukhang wala na siya.
Nag-almusal na kaya siya?
Hindi pa naman ako nagluto.
Kahit may kasalanan siya sa ‘kin ay iniisip ko pa rin ang lagay niya.
Gan’yan ka ba kabait, Dania?
Iba ka.
Napailing na lang ako at hinawakan ang doorknob nang makarating ako sa main door ng bahay.
Pipihitin ko na sana iyon nang may magsalita sa likod ko na ikinatigas ng katawan ko.
“Where the hell you’re going?”
Dahan-dahan akong humarap kay Cyrus. Naka-business suit na siya at mukhang paalis na kaya nakagat ko ang labi ko. Dapat pala hindi muna ako bumaba dahil paalis pa lang siya.
Hays, stupid.
“Kina Bhella,” sagot ko at nakipagtitigan sa kaniya.
“Kina Bhella o makikipaglandian ka lang?” tanong niya kaya napakuyom ang kamao ko.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na ‘kong tinawag ng malandi.
“Hindi—”
“Oh baka gagawin mo na naman ‘yung kagabi? Ano? Pupunta ka sa bar para maghanap ng lasing na lalaki para akitin? Para magpakamot ulit?” madiing sabi niya kaya hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
“Paano mo nasasabi ‘yan?” buong tapang na tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
“Dahil nararamdaman ko! Dahil nangyari na!” sigaw niya at napapikit nang mariin.
“Paano naman ako?” tanong ko at tinuro ang sarili ko. “Pa’no naman ‘to?” Sabay turo sa tapat ng puso ko. “Nasasaktan na ‘ko sa mga sinasabi mo, Cyrus!” paos na sabi ko pero wala lang siyang emosyon.
“I don’t f*cking care. ‘Wag kang magdrama,” malamig na tugon niya.
“Hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing tinatapunan mo ‘ko ng ganiyang masasakit na salita kaya napagsasalitaan kita ng ganyan!” garalgal na boses na sabi ko pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
“Hindi mo kailangang magpaawa sa harap ko. Kahit anong sabihin mo, malandi ka. Sa mata ko at sa mata ng ibang tao,” malamig pa ring usal niya.
Napayuko na lang ako at hindi na nagsalita. Mapapagod at magsasayang lang ako ng laway kung makikipagsagutan pa ‘ko.
“Hindi ka aalis. Hindi ka lalabas,” deklarasyon niya na nagpaangat ng ulo ko. “Pupunta ka kay Bhella para magpaawa at magsumbong? Hell, no. Dito ka lang,” dugtong niya kaya napakuyom ako ng kamay.
“Pati ba naman pagpunta sa bestfriend ko, pagbabawalan mo? Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo, Cy,” mahinang sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
“You—”
“Bakit? Natatakot ka bang hindi na ‘ko bumalik?” tanong ko na nagpatigil sa kaniya. Tiningnan ko siyang mabuti pero napaiwas lang siya ng tingin at hindi sumagot.
That’s it. Hindi siya takot. Kahit mamatay ako right now, right here, wala siyang pakialam.
“I didn’t flirt with you, you raped me,” huling sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay.
Tumutulo ang luha ko habang naglalakad kaya pinunasan ko muna ‘yon. Saktong paglabas ko ng gate ay may taxi agad akong napara.
Hindi ba siya nahihirapan sa sitwasyon namin? Na laging may gulo sa bahay? Hindi ba siya nagsasawang saktan ako?
Bakit naman pala siya magsasawa kung doon siya sumasaya?
Napasandal na lang ako at pumikit saka tahimik na umiyak.
“Maam okay lang kayo?” tanong ng driver kaya napadilat ako. Tumango naman agad ako. “Nandito na po tayo,” nagbayad agad ako at mabilis na bumaba.
Pagpasok ko ng condominium ay pumasok agad ako sa elevator. Pagbukas ng elevator ay lumabas agad ako at hinanap ang unit ni Bhella.
Nakita ko ang unit ni Bhella kaya naglakad ulit ako pero napakunot ang noo ko nang may lalaking lumabas mula roon.
Maputi at matangkad siya, gwapo rin. Sino naman kaya iyon? Bakit sya nasa condo unit ni Bhella?
Nagkasalubong lang kami at hindi nagpansinan kaya dumiretso na lang ako sa unit niya.
Sunod-sunod ang pag-doorbell ko na halos masira na ang doorbell.
“What the? Sisirain mo ba ang door—” Agad kong niyakap si Bhella nang buksan niya ang pinto.
Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya napahagulgol ako sa balikat niya.
“A-Anong nangyari? B-Bakit ka umiiyak, Dania?” tanong niya at pumasok kami sa loob. “May nangyari bang masana sa ‘yo?”
Hindi ko siya sinagot at umiyak lang nang umiyak. Gusto ko ng masasandalan. Gusto ko ng masasabihan ko ng problema at mukhang si Bhella lang ang masasabihan ko.
Sigurado akong kung kina mom at dad ako pupunta ay mumurahin lang nila ako at sesermunan na dapat hindi ko ginagalit si Cyrus dahil baka hiwalayan ako nito.
Mahal na mahal talaga nila ang kompanya nila na kahit ako ang kapalit ay gagawin nila ang lahat. Buti pa ‘yung company minamahal nila, samantalang ako itinatakwil na nila.
Hindi man lang nga nila magawang bisitahin ako sa bahay namin ni Cyrus.
“S-Si Cyrus . . .” umiiyak na sabi ko sa kaniya.
“Anong ginawa sa ‘yo ni Cyrus, ha?” tanong niya at umupo kami sa sofa. “Anong ginawa sa ‘yo ng hayop na ‘yon, Dania? Sabihin mo,” ulit niya kaya mas lalo akong napahagulgol.
“He raped me. He raped me!” paulit-ulit na sabi ko. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng yakap sa ‘kin ni Bhella.
“What the Hell, Dania? Hayop na lalaki ‘yan!” galit na sigawi niya. “Sabi na nga ba hindi mapagkakatiwalaan ‘yan e, hayop talaga kahit kailan!” gigil na dugtong niya pa. “Sinasaktan ka din ba niyon?” tanong niya na ikinatango ko.
“Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na, Bhella,” umiiyak na sabi ko. Hinalikan niya naman ang ulo ko bago sumagot.
“Shh . . . Hindi ka marumi, Dania,” sagot niya at hinagod ang likod ko. “Papatayin ko talaga ang lalaking ‘yan!” inis na dugtong niya kaya kumalas ako sa kaniya.
“No, huwag,” sabi ko.
“Paano kung magbunga ya?! Kaya ba niyang tanggapin? Bubuhayin niya ba ang bata?”
“Hindi ko alam.” Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak.
“Iwan mo na kasi,” mahinang sabi niya at niyakap ulit ako. “Paano kung saktan ka niya ulit? Paano kung ‘yung pananakit niya pa ang ikamatay mo? Paano, Dania?!”
“H-Hindi ko kaya.”