CHAPTER 5
SA lahat naman ng pinsan ni Simon ay isa ito sa mga nakakasundo ni Jemima, kaidaran lang din nila ang binata, mabait ito at madalas rin dumadalaw sa mansiyon nila. Tumango na lang siya at tipid na ngumiti.
“Mabuti napadalaw ka? Ang tagal na kitang hindi nakita ha? Wala ka rin nung burol at libing ni Lola?” may pagtatakang tanong ni Jemima.
Inis na inis na nagtungo siya sa kanyang silid, naiinis niyang nasabunutan ang sarili niya. “Bakit ba kasi! Ah! Naiinis na ako sa sarili ko, bakit ba ako nagkakaganito?”
“Anong nangyayari sa iyo?”
“Ha?” gulat naman siyang napatingin sa pintuan, naroon pala at nakasungaw ang mukha ng babaeng kinaiinisan niya.
“Wala! Bakit ang bilis mo namang makasunod sa akin? Wala ka bang ibang gagawin kundi ang inisin ako at sundan?”
“Ha? Asa ka! Hindi naman ha, ipinatawag ka lang kasi ni Mama, kasi nandiyan si Poul, pinsan mo iyon diba, so gusto ka lang makausap,” singahal din ng dalaga sa kanya. Na alam niyang umi-strategy lang naman para mapansin niya.
NAKABUSANGOT siyang bumaba buhat sa kanilang silid sa itaas na bahagi ng bahay nila, natatawa naman siyang pinagmasdan ni Poul at ng ina ni Simon.
“O bakit nanghahaba na naman ang nguso mo Jemima?”
“Mama, kasi iyong anak niyo, ubod talaga ng sungit! Ba’t ba siya nagkaganyan, hindi naman siya ganyan dati, no’ng magkaibigan pa kami,” napasalumbaba na lang si Jemima. Habang nagsasalita. Nagkatinginan naman sina Poul at Gng. Kristine.
Nakita nilang pababa na mula sa hagdan si Simon, tulad ng dati ay nakaarko ang makakapal na kilay nito, at talagang nagpapahiwatig ng inis at galit.
“O ayan na ang masungit na lalaki,” sambit ni Jemie, na lumipat ng p’westo sa tabi ng mama nila.
“O Poul, long time no see!” bati nito sa pinsang matagal na hindi nakita. Nag-peace bomb pa ang mga ito ng mga kamao nila. Tanda nang mabuting pagsasamahan.
“O balita ko nag-asawa ka na? Sino pala?” kunwari ay wala itong alam.
Napailing-iling muna si Simon, at pinukol siya ng masamang tingin, saka siya inginuso mula sa kausap, “Iyang asungot na babae, hindi kasi p’wede si Mica, alam mo namang nag-aaral pa iyon, need na para sa last will,” sabi niya na bahagyang tumalikod kay Jemima.
Nakasimangot namang napanguso na lang din siya dahil sa inaasal ni Simon, umaasal kasi ang binata na animo’y hindi talaga siya nito gusto. “A, siya pala ang pinakasalan mo?” nanlaki naman ang mga mata ni Poul, at tila nagpakita ng panghihinayang.
“Oo Poul, iyon kasi ang habilin ng Lola niyo, para tuluyang mailipat sa amin na unang pamilya ang mga karapatan sa pamamahala ng buong korporasyon, hindi siya mapipiling tagapagmana ng kanyang Papa, kung hindi niya gagawin iyon.”
“Talaga! Gumawa si Lola ng ganong klaseng testamento? Sayang hindi ko alam iyon, e kung hindi naman pala gusto nitong si Insan, sana ako na lang pala ang nagpakasal sa’yo Jemima,” nakangising ibinaling nito ang tingin sa kanya,
Agad namang nag-init ang mga pisngi niya, hindi niya alam kung biro lang ba iyon o totoo sa puso ng binatang si Poul. “Talaga ba? Sana nga ikaw na lang, ayoko na rin kasing ipilit pa ang sarili ko sa isang lalaking isinusuka naman ako!” pasinghal niyang sambit, at iyon ay ipinukol kay Simon. Tumayo siya at nag-walk out patungong kusina.
“Jemima!” tawag ng ina ni Simon, tumayo rin ito at sinundan ang dalaga.
“Hayaan mo nga siya, Ma! Kung hindi ko pa alam, may habol din naman siya dahil ang laki rin ng ipinamana sa kanya ni Lola, biruin mo! Kalahati ng share’s of stock ng kumpanya, at iyong malaking ektarya ng pineapple farm sa Batanggas!” naiiling pa niyang salita kay Poul.
“Kahit na Insan, ang magpakasal sa isang lalaking ayaw naman sa ‘yo, isang malaking sakripisyo iyan, and beside… nakikita kong may pagtingin naman siya sa iyo, at ikaw alam kong may nararamdaman ka naman sa kanya noon? Anong nangyari?”
Napatingin namang bigla si Simon sa pinasan. “Poul! Shut up! Baka may makarinig sa iyo, kalimutan mo na ang nakaraan, hindi ito tulad ng dati,” nakasimangot pa ring katwiran ni Simon, sa kababatang pinsan.
“Okay, ipa-annulled mo na ang kasal niyo. Ako na lang ang bahala sa kanya,” sabi nito na nakangiti. Kung kaya’t inakala ni Simon na nagbibiro ito.
“Talaga ba? Sige, kung gusto mo iuwi mo na siya ngayon,” sagot pa rin ni Simon na sinabayan pa ng bumunghalit ng tawa dahil sa akala nito’y nagbibiruan lamang sila ng pinsan.
“Hindi ako nagbibiro,” seryosong sagot ni Poul.
“Ano?” napabangon naman si Simon.
“I said, aakuin ko na lang ang isang bagay na hindi mo kayang ibigay, Jemima is a kind of treasure for me, beside iyon din ang ipinunta ko rito, ang akala ko kasi hindi pa nangyayari ang kasal, late na nakarating sa akin ang balita, pinagtatawanan nila ang last will and testament ni Lola, si Jemima nga raw na anak ng isang alalay ang ginawang panabla ni Lola,” pagpapatuloy pa ni Poul.
“Poul, ang ibig mong sabihin ay nagpunta ka rito para talaga kay Jemima?” gulat na tanong ni Gng. Kristine. Napalakad itong muli papalapit sa kanilang dalawa. Bitbit nito ang isang tray na naglalaman ng mga makakain sana nila.
Kasunod siya ng ginang na naglalakad na rin, dala naman niya ang isang tray na naglalaman ng mga tasa at maliit na tea pot para sa kanilang tea.
“Bakit Mama, nariyan pa po kayo, ilapag niyo na po rito sa lamesa ang hawak niyo,” sambit niya habang inilalapag sa lamesang nasa kalagitnaan ng lahat ang hawak niyang tray. Isa-isa niyang inaayos ang mga tasa upang I-serve sa bawat isang naroon.
“Oo Tita, tama ang narinig mo, pumunta ako para kunin si Jemima,” seryosong salita ni Poul, isang dahilan kung bakit tila nagulat naman siya at natabig niya ang isa sa mga tasang may mainit na tea.
“Aray!” pasigaw niyang nabawi ang kamay buhat sa hawak niyang tasa na siyang natabig niya.
“Ayos ka lang ba?” tanong kaagad ni Poul. Nahawakan pa nito ang kamay niya na napaso.
“O-oo…a-ayos lang ako, salamat….” marahan niyang binawi ang isang kamay niya na nahawakan nito. Naiilang siyang napatingin kay Simon. Nakita na naman niyang dumilim ang paningin nito sa kanya.
“Don’t be rude Simon, pagbibigyan pa kita, kasi ikinasal na kayo, I give you six months, if ever na hindi mo tratuhin ng maganda si Jemima, I will take her away from you.”
Isang malaking pagbabanta ang narinig nila buhat sa isa sa mga apo ni Lola Chanda, si Poul Saavedra, na noon pa rin niya nakilala. Hindi niya aakalaing mayroon itong lihim na pagtingin sa kanya. Ngunit naisip niya rin na maaring naawa lamang ito sa kanya, o baka naman mayroon din itong ibang motibo na lingid sa kanilang kaalaman.