CHAPTER 4

NANG makauwi na sila sa mansiyon, inaasahan na niyang walang anumang magaganap sa kanila sa una nilang gabi, alam niyang hindi nila iyon gagawin, unang-una ay hindi naman siya mahal ng binata. Alam niyang mapapahiya lamang siya kung mag-e-exfect pa siya na may gagawin ito sa kanya.

“Tonight is our first night,” nakangiting salita ni Simon.

kaya lang ang nakapaloob sa mga ngiti nito ay iyong ngiting aso, alam niya na may hindi magandang ibig sabihin, alam niyang nagsasalita lamang ito ng pang-iinsulto sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, matapos ang mga narinig ko kanina, wala akong ano mang inaasahan, hindi ako nag-e-expect ng anuman mula sa iyo.” mahina ngunit ginantihan niya ng sarkastikong tinig ang mga mapang-uyam nitong pananalita.

“Ang tapang na, ikaw ba iyan? Hindi ko na makita ang dating Jemina na kaibigan ko, para sa akin your like a gold digger person.” Humawak pa ito sa baywang, at pinatabingi ang ulo, habang nakatingin sa kanya na animo’y may nagawa siyang napakasamang bagay.

“Hindi ba ako pwedeng maging matapang? Lalo pa nga at alam ko ang mga ipararanas mo sa aking parusa! Bakit ka ba kasi galit na galit sa akin?”

"Galit ako sa iyo kasi si Mica ang mahal ko, pero ikaw ang pinakasalan ko! Kaya magdusa ka kung ano ang maging trato ko sa iyo! Sabi naman sa testamento ni Lola pakasalan ka lang, hindi naman sinabing mahalin din kita!" sambit pa ni Simon sa kanya sabay talikod.

"Isinusumpa kong mamahalin mo rin ako!" isang salitang itinatak naman ni Jemima sa kanyang puso at isipan.

NAGISING na lang siyang mag-isa kama niya, kung sabagay pinagsabihan nga pala niya si Jemima na huwag tatabi sa kanya, at base sa huling sagutan nila, alam niyang nasaktan niya ang dalaga, na ngayon ay asawa na niya.

Hindi niya rin lubos maisip kung bakit ba ganon na lang ang galit niya sa dalaga, matalik naman silang magkaibigan dati, ito palagi ang sumbungan niya, at daingan sa tuwing may problema. Sampung taong gulang pa lang silang pareho nang dalin ng lola niya sina Jemima sa kanilang mansiyon, at mula noon hanggang sa mamatay ang lola niya ay magkakilala na sila.

“Ano ba kasing problema mo ko? Maganda naman siya, sexy, hindi naman masama ang pagkatao niya? Anong problema ko?” Napasabunot siya sa kanyang sariling ulo, at halos iuntog niya ito sa headboard ng kama. Kahit na siya sa sarili niya hindi niya alam ang dahilan ng silakbo ng dugo niya sa tuwing makikita ang dalaga.

Nang bumaba na siya para kumain, isang kakaibang bagay ang napansin niya mula sa lahat ng mga tao, abala ang lahat, hindi niya alam kung bakit? Pero hindi na lang niya iyon pinansin. Pagod na siya mga nagdaang buwan para magalit nang magalit. Unang hinanap ng mga mata niya si Jemima.

“Ma,” may pag-aatunili niyang tawag sa ina na nakita niyang nakaupo sa sala, mayroon itong tinatahi.

“Bakit anak?”

“S--- nasan iyong asungot na babaeng iyon?” naiilang niyang tawag sa pangalan ni Jemima, simula nang ikasal na sila, hindi na niya alam kung paano ito ta-tratuhin.

“Anak naman! Pwede mo namang tawaging Jemie, o sa buong pangalan, dati naman malambing ka sa kanya,” napapataas pa ang kilay ng ina, habang nagsasalita sa anak.

“Oo nga naman kuya, palagi ka na lang nakasimangot nitong mga huling buwang nagdaan, simula ng mawala si Lola, nagkaganyan ka na?” sabat naman ng nakababata niyang kapatid na si Ronabel. Labing anim na taong gulang pa lang ito pero mahilig nang makisali sa usapan nila.

“Shut up! Girl, wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid okay?”

“Anong wala? Alam ko ngang nagpakasal ka kay ate Jemie e,” sabay bunghalit ng tawa matapos sabihin ang mga bagay na iyon.

“Aba’t talaga ka nga naman!” naiinis na kukuhanin sana ni Simon ang suot niyang stinelas, ngunit nagulat pa siya ng may biglang yumakap sa kanya kasama na ang braso niya, kaya’t hindi na siya nakakilos pa.

“Sige na Ronabel! Tumakbo ka na, para hindi ka na mapalo pa ng masungit mong kuya!” sigaw ng babaeng pamilyar sa kanya ang boses.

“Sige ate Jemie, hawakan mo pa maigi si kuya, kulang lang yan sa yakapsul at kisspirin mo!” Sabay takbo nito papaakyat sa hagdanan.

“Ano kamo! Loko kang bata ka ha!” sigaw naman niya sa kapatid.

“Huwag mo nang habulin, ikaw naman alam mo namang palabiro lang iyong kapatid mo,” sabat naman ni Gng. Kristine.

Siya naman ay tila hindi napapansin si Jemie na kanina pa nakayakap sa kanya. “O ikaw? Hanggang kailan ka naman yayakap sa akin?” nakataas ang kilay na tanong niya sa dalaga.

“Ay! S-sorry naman!” Napapakamot na lang si Jemima dahil nalimutan niyang nakayakap pa rin siya sa katawan ng binata.

“Alis na nga!” bulyaw niya sa dalaga.

“Hoy! Huwag mong pag-isipan ng masama ang ginawa ko no, iniligtas ko lang si Ronabel!” pasakalyeng pagdadahilan ni Jemima. Nag-walk out na lang siya sa lugar na kinaroroonan ng ina at ng babaeng kinaiinisan niya. Narinig niya ang mga iyon na nagtawanan na lang.

Habang nasa hardin naman ang mga ito siya naman ay tahimik na nakatayo sa beranda, nakasandal siya sa pader ng isa sa mga posteng naroroon, nagulat pa siya nang may biglang sumundot sa baywang niya. Nagulat tuloy siya at kamuntik nang mapamura. “Ano ba? Ba’t ka ba nangingiliti?”

“Ang sungit mo naman, ikaw na nga ang nilalambing ayaw mo pa?”

“At bakit naman nilalambing mo ako, diba sabi ko sa iyo, makakaranas ka lang ng matinding paghihirap dahil nagpakasal ka sa akin!” singhal na naman niya sa dalaga.

“Bakit ba kasi kailangang paghihirap ang maranasan ko? Hindi ba pwedeng sarap na lang muna? Saka na lang iyong paghihirap na sinasabi mo kapag may baby na tayo….” Sabay dutdot nito sa dibdib niya habang inginunguso ang mga labi. Sinabayan pa nito ng pagpapa-beautiful eyes.

Malakas niyang tinapik ang mga daliring iyon na dumudutdot sa dibdib niya. Habang nakita naman niya ang ilang kasambahay at boy sa labas ay natatawa sa ginagawang iyon ni Jemima sa kanya. “Ano ba! Kung iyan ang style na ginagawa mo para lang mapaamo mo ako, p’wes, tingnan natin kung saan hahantong ang mga ginagawa mo!” muli na naman siyang nag-walk out palayo sa babae.

Samantalang laglag naman ang balikat ni Jemima na napapangusong tiningnan na lamang siya. “Hayaan mo na lang siya, Jemie,” narinig naman niyang sambit ni Poul. Isa sa mga pinsang buo ni Simon.