Chapter 3

“Palabasin niyo ako! Kailangan kong puntahan ang papa ko dahil may tama siya ng baril!” malakas kong sigaw sa mga tauhan ni Elixir na kanina pa ako pinipigilan makalabas ng bahay.

Gusto kong umuwi at alamin kung kamusta na si papa at para na rin makawala ako sa kulungang lugar na ito.

“Hindi po maaari Señorita, ipinagbabawal po ni Señorito ang makaalis kayo ng mansyon.” sambit ng lalakeng may malaking pangangatawan at may malaking pilat sa pisngi.

“Babalik din ako gusto ko lang makita ang ama ko pwede ba iyon?” ani ko at pilit pa rin siyang itinutulak upang makalabas ako ng silid ngunit masiyado siyang malakas at malaki kaya ni hindi ko siya mapagalaw sa kinatatayuan niya.

“Hindi talaga pwede.”

“Pero—”

“Hintayin mo makauwi si Señorito at sa kaniya ka magpaalam, iba magalit ang isang iyon kaya binabalaan kita umayos ka.” Nakaramdam ako ng takot sa binigkas niyang iyon. Hindi ko na itinuloy ang pangungulit ko at minabuting isara na lamang ang pinto.

Kagat-kagat ko ang mga daliri ko habang paikot-ikot sa loob ng silid na ito nag-iisip kung paano ako makakawala sa impyernong mansyon na ito. Saka lamang pumasok sa isip ko ang veranda ng silid na ito, mabilis akong nagtungo rito at halos mapunit ang pagkakangiti ko ng makitang bukas ang pinto ng veranda. Wala na akong sinayang pa na mga oras pinagmasdan ko ang taas at masasabi kong may kataasan ang kinalalagakan ko ngunit may isang malaking sanga ng puno ang hindi kalayuan sa akin.

“Kung dito ako dadaan ay tiyak na makakababa ako ng matiwasay,” kausap ko sa sarili ko.

Sandali pa ako nagpalakas ng loob bago sinimulan ang plano ko. Dahan-dahan kong inakyat ang railings nitong veranda at maingat na inihakbang ang kaliwang paa ko patungo sa may malapit na sanga. Pigil ang hininga ko ng gawin iyon. Halos palakpakan ko ang sarili ng tuluyan na ako makakababa. Pinagmasdan ko muna ang paligid sa hula ko ay na sa alas-syete na ng gabi. Sobrang dilim na ng paligid tanging ang ilaw sa mga poste ang nakikita ko.

Sinimulan ko ng tumakbo nagtungo ako sa may kakahuyan, hindi ko alam saan nga ba ang tamang daan ngunit kung dito ako dadaan ay tiyak na hindi nila ako mahahanap hindi ba? Takbo lang ako ng takbo ngunit ang kinataka ko bakit hindi ko pa rin magawang makalabas sa kakahuyan na ito. Muli sana akong kakanan ng biglang isang nakakapanindig balahibong sigaw ang nagpahinto sa akin.

“P*tangina! Celeste! tumakbo ka hangga‘t kaya mo! Sisiguraduhin kong hindi kana muling makakalakad!” dumagundong ang boses na iyon na para bang isa siyang leon na handa ng sumabak sa labanan.

Dahil sa matinding takot mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Pagod na pagod na ako ngunit kailangan ko magpatuloy dahil hindi na ako sisikatan ng araw kapag nahuli niya ako. Napagulantang ako ng isang nakakabinging kabog ng dibdib ko ng marinig ang tinig na iyon.

“Got ya!” sambit ng kung sino sa likuran ko at walang pasabing hinila ang buhok ko.

Napabungisngis ako dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin.

“Ahhh! Bitawan mo ako!” malakas kong tili.

“Napakatigas talaga ng ulo mo! Ang sabi ko hindi ba hintayin mo ako? Hindi ko sinabing tumakas ka!” anito na may panggigil habang nakasabunot ang isang kamay niya sa buhok ko at ang kabila naman ay nakayapos sa baywang ko.

“Uuwi na ako! Bitawan mo na ako! Demonyo ka!” matinis kong sigaw at pilit siyang itinutulak

“Tignan natin kung makakalakad kapa bukas sa gagawin ko sayo!” kumabog ang dibdib ko sa binigkas niya. Walang pag-aalinlangan niya akong binuhat na parang isang sakong bigas.

Nagpapaspas ako at kinalmot siya sa likuran ngunit parang wala lamang ang mga iyon sa kaniya.

“Ahhh! Get off me! Pakawalan mo ako hayop ka! Isusumbong kita sa mga pulis!”

“Asawa mo ako, Celeste!”

“Hindi! Wala akong asawa! Ano ba bitawan mo ako!” Hindi ko na namalayan hanggang sa makarating kami sa mansyon nakita ko pa ang tatlong katulong kanina na nagbuhos sa akin ng tubig na may matatalim na tingin.

“Sir,” ani ng isa sa katulong iyong babaeng mukhang anak mayaman.

“F*ck off, Susan.” malamig pa sa yelong sambit nito.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng babaeng katulong na tinawag niyang Susan. Hindi na lang ako naglaban at hinayaan ang lalaking ito maglakad. Sa pagkakataong ito hindi kami dumiretso sa silid na pinagkulungan niya sa akin bagkus dumiretso ito sa isang silid na hindi ko alam. Mabilis lamang ang mga pangyayare at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahandusay na sa ibabaw ng malaki at malambot na kama.

“Hindi ba ang sabi ko maghanda ka ngayong gabi? Bakit ka tumakas? Anong akala mo matatakasan mo ako?” malamig niyang sambit na nagbigay ng matinding takot sa akin.

“G-Gusto ko lang naman makita si papa...” bulong ko. Kung kanina ay nagagawa kong maglaban ngayon ay para akong pusa na takot na takot.

Napakaseryoso ng bawat tingin niya sa akin at ramdam ko ang pagkilatis niya sa mukha at katawan ko hindi ako manhid lalo pa ako kinalibutan ng masaksihan ko kung paano niya dinilaan ang labi niya habang ang mga tingin ay sa mga lantad kong hita. Naalarma ako kaya tinakpan ko ang mga ito gamit ang blusa ko na may kahabaan.

“Ano gusto mong parusa hmm?” Napanganga sa sinabu niya.

May paglalaro ang ngiti niya, hindi ko gusto ang naiisip ko sa mga oras na ito. Bababa na sana ako sa kama nito ng sa isang iglap ay nahila na ako nito at mabilis pinatungan. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ka-agad nakakilos. Mabilis nitong sinakop ang labi ko na mas lalong nagpagulat sa akin.

“Hmm! Hmm..” paglalaban ko at pilit siyang tinutulak. Isang malakas na sampal ang naibigay ko sa kaniya na tuluyang nagpatigil sa kanya.

“Bastos!”