Chapter 4

“Mag-asawa tayo baka nakakalimutan mo, ”

“Sa papel!” nanggigitgit kong sigaw sa kaniya.

Nakita ko kung paano siya nagtiim bagang mistulang nagpipigil ng galit.

“F*ck! I won‘t touch you! Just f*cking let me kiss you! Mahirap ba iyon!” sigaw nito pabalik sa akin.

Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasigaw niya dahil magkalapit lamang ang mga mukha namin.

“A-Alis... Bitawan mo ako! Rapist!” hindi ko alam kung saan ko hinugot ang salitang iyon, kusa iyon lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagkatulala niya at nakita ko ang paggiging malungkot ng mga mata niya.

Ang kaninang mata niya na halos walang emosyon ngayon ay para iyong puno ng lungkot. Dahan-dahan itong tumayo at umupo sa lapag. Umakto ito na parang bata, itinaas nito ang mga tuhod, pinagdikit ang dalawang braso at doon isinubsob ang mukha.

Mas lalong nakapagtaka sa akin ng gumalaw ang mga balikat niya na para ba itong umiiyak.

“T-Tahat k-kayo... S-Sisi ako sa talanan ‘di ko gawa,” ani nito sa nabubulol na boses.

Nanlalaki ang mata ko sa inasal nito. Para itong bata, limang taon gulang na bata kung magsalita at umakto. Sobrang naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong nangyayare.

“H-Huwag mo akong j-jino-joke hindi nakakatuwa!” sigaw ko sa kaniya.

“Mama... A-Ayoko na.. B-Bad sila...” ani pa nito na para bang may kinakausap sa harapan.

Gamit ang nanginginig na mga paa nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya. Daha-dahan iyon napansin ko agad ng hugutin niya ang isang patalim sa ilalim ng kama at mabilis na sinugatan ang sariling braso. Naalerto ako agad kaya mabilis siyang nilapitan.

“H-Hey... ‘Wag!” pigil ko sa kaniya dahil dalawang beses niya ng nasugatan ang braso niya.

“Elixir! Tulong! Tulungan niyo kami!” paghehesterikal ko dahil nakita ko na kung paano umalpas ang masasagana niyang dugo sa braso.

Naiyak ako dahil sa awa parang wala lamang ito sa kaniya ngunit ramdam ko ang sakit nito dahil malalalim ang bawat sugat niya.

“Mama... T-Taktan ko na sarili ko...” bulong nito habang nakatingin sa akin ang mga asul niyang mata na puno ng sakit. Bigla ko na lamang siyang niyakap.

Naramdaman ko pa ang paninigas niya dahil sa ginawa ko. “I-I‘m sorry... T-Tama na...” pakiusap ko sa kaniya. Panay lamang ang iyak ko sa kaliwang balikat niya.

Hindi ko kaya ang nakikita ko, may kung ano sa mga mata niya na nakita ako, kung paano niya sinaktan ang sarili niya lahat ng iyon may nakita akong kakaiba. Natakot ako sa kaya niyang gawin sa akin ngunit mas lalo nagpatakot sa akin ang ginawa niya. Naramdaman ko ang mga tao na sa likuran ko. Sila na siguro ang mga tauhan niya.

“Señorito! Señorita!” tawag ng sino mang lalake ang na sa likuran ko. Di parin ako bumibitaw sa pagkakayakap kay Elixir natatakot ako na baka mas lalo pang gumrabe ang nangyayare, hindi kakayanin ng kunsensiya ko.

“I‘m okay, Daxel. Paki-tawag na lang si Dexel para magamot ang sugat ko.” dinig kong sambit ng binatang yakap-yakap ko.

Naramdamdaman ko ang paghaplos nito sa likuran ko at ang paminsan-minsan niyang paghalik sa gilid ng leeg ko. Hindi na ako nagreklamo dahil pagod at gutom ako.

“Baby,” dinig kong bulong niya ngunit hindi ako natinag.

“Come on maayos na ako pwede ka ng bumitaw,” dagdag pa niya, doon na ako bumitaw sa kaniya.

Una kong napansin ang asul niyang mga mata na payapang nakatingin sa akin kahit namumutla na ang buong mukha niya.

“I‘m sorry nakita mo pa ang hindi mo dapat makita,” natatawang sambit niya.

“H-Hindi ikaw iyong kanina,” nanginginig kong bulong. Tumingin lamang ito sa akin at panandaliang yumuko.

“Siya si Elixir ang isa sa personalities ko napalabas mo siya sa hindi ko alam na dahilan, matagal na simula noong lumabas siya ngunit ngayon...” pagk-kwento niya ngunit sandaling namayani ang katahimikan.

“Kalimutan mo na lamang iyon, mag shower kana at makapag bihis at ng makatulog kana.” gusto ko pa siyang makausap pa ngunit mas pinili niyang tumayo at lumabs ng silid.

Maraming mga katanungan ang namayani sa isipan ko kung bakit mayroon siyang ibang personalidad, ngunit wala akong karapatan alamin pa iyon dahil hindi naman ako parte ng buhay niya isa lamang akong asawa niya sa papel.

Tatayo na sana ako ng isang nakakairitang tinig ang nagpahinto sa akin.

“Nakita mo na pala ang totoong Elixir,” ani nito na nagpalingon sa akin. Bumungad sa akin si Susan ang isa sa katulong, ang nagbuhos ng tubig akin kaninang umaga.

“Isa pa lang iyan sa mga sikreto ng mansyon na ito paano pa kaya pag nalaman mong may tatlo pang nauna sayo.” may kung anong paglalarong ngiti sa labi niya na nagpagulo lalo sa isip ko.

“Anong ibig mong sabihin?” pagtatanong ko.

“Malay mo sa makalawa pinaglalamayan ka na rin tulad ng tatlo— dalawa lang pala kasi mahal na mahal ni Caiden ‘yung nauna.” salaysay nito.

“Kaya kung ako sayo huwag kang magpapakampante dahil baka sa makalawa may kapalit ka na naman.” dagdag pa nito bago ako tuluyang iniwan.

Maraming mga katanungan ang naglalaro ngayon sa isip ko, hindi ko maintindihan. Tatlong nauna sa akin? Dalawang pinaglalamayan tapos mahal na mahal ni Caiden ang nauna? Anong ibig niyang sabihin? May nagtutulak sa akin na alamin ang mga iyon ngunit may parte sa akin ang nagsasabing huwag at baka ikapamahak ko ito. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko na namalayan ang isang lalakeng gwapo na may magandang tattoo sa kaliwang leeg at sinakop nito ang kabuo-an ng braso. Napatitig ako sa mga iyon dahil lubhang napakaganda noon.

“Ehem.” pag-uubo niya na nagpabalik sa wisyo ko at wala sa sariling binalingan siya ng tingin.

“Sino ka?” wala sa loob kong tanong.

“Ako si Dexel, ang doctor ng grupo na ito. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa alam kong alam mo ang ipinunta ko rito.” malamig niyang sambit ngunit nakakapagtaka dah hindi ako nakaramdam ng takot sa kaniya.

Bagkus mas lalo ko lamang siyang tinignan ng blanko at malamig.

“F*ck!” mura niya at nagbawi ng tingin na kinapagtaka ko.

“Si Caiden may mga personalities siya at isa ang personality na nasaksihan mo kanina, ang maganda dito ay ka-agad siyang nakabalik na nakakapagtaka dahil sa tuwing lumalabas si Elixir ay inaabot ng ilang linggo o buwan bago makabalik ang totoong Elixir,’’ kausap nito sa sarili.

“Kaya pwede mo ba sabihin sa akin kung anong huli mong sinabi bago siya nagkaganun?” tanong niya sa akin.

Napayuko na lamang ako ng maalala ang huling sinabi ko sa kaniya. “R-Rapist...” I murmured dahil sa kahihiyan.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko. Naging seryoso ang itsura nito at napahilamos pa sa sariling mukha. Napakagat ako sa labi ko dahil pakiramdam ko may malaking pagkakamali akong nagawa.

“He was raped when he was five pero siya din ang pinagbintangan ng magaling niyang ama na gumahasa sa nakakabatang kapatid para makatakas sa krimen na ginawa niya.” seryoso nitong salaysay na nagpatibok ng puso ko.

“Dahil sa murang edad nakaranas na siya ng pagmamalupit kaya ang nakilala mong si Elixir ay ang Caiden na limang taong gulang. Ako na ang nakikiusap sana turuan mo ang sarili mong mahalin siya dahil natatakot kami na baka muling lumabas ang personalidad na kinakatakutan naming makaharap.” mahabang sambit nito bago ako tuluyang iniwan.

Isa na namang katanungan ang nagpagulo sa isip ko. Gulong-gulo na ako bakit nga ba ako napasok sa magulong mundo na ito.

Sino ka ba talaga Caiden Elixir? Ano pa ba ang mga sikreto mo na hindi ko dapat malaman?