Chapter 2
Celeste Point Of View
Naalimpungatan ako dahil sa malamig na bagay na dumadampi sa mukha ko, hindi iyon simpleng dampi bagkus para iyong ibinabato sa mukha ko. Walang pag-aalinlangan ko itong hinampas na naging dahilan ng pagkakagulat ko dahil isang malamig na tubig ang bigla na lamang dumampi sa mukha ko. Napatayo ako ng wala sa oras at napatingin sa mga boses na humahalakhak sa hindi kalayuan sa akin. Sumalubong sa akin ang tatlong babae na nakasuot ng unipormeng pangkatulong. May nga ngisi sila sa mga labi habang nakatingin sa akin na ngayon ay basang-basa na dahil sa pagkakatapon sa akin ng tubig.
“Bumangon kana, anong akala mo prinsesa ka dito porket dinala ka ni Señorito?” sambit ng isa sa tatlo na may maiksing buhok at sa tantiya ko ay na sa 30‘s na ito.
Bukod sa babaeng ito may isa pang dalaga na may kapayatan at kulot na buhok at ang isa naman ay ang babaeng nakatayo sa di kalayuan sa akin at may bitbit na maliit na planggana, iyon siguro ang ginamit niyang pambuhos sa akin.
Blanko lamang ang mga tingin na ipinukol ko sa kanila, nakita ko ang unti-unti pag-aalangan ng dalawa ngunit hindi ang isa sa tatlo na may mahabang buhok, mapusyaw ang balat at mahahalata mong may kaya siya sa buhay dahil napansin ko ang mga kamay niya na walang bahid ng paghihirap sa mga gawaing bahay kumpara sa dalawa na may mga kalyo at palad na magaspang.
Linapitan ako ng babaeng ito at umupo upang mapantayan ako, sinuri nito ang buong kabuo-an ko. “Sa akin lang si Caiden, bitch. Kung ako sayo aalis na ako bago pa kita kaladkarin paalis ng mansyon na ‘to.” may pananakot sa tinig niya ngunit hindi ako nagawang mapaatras ng salitang ‘yon.
“Na saan ba ako?” walang gana kong tanong at nagdesisyon ng tumayo.
Hindi ko na inabalang ayusin pa ang magulo kong buhok dahil ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay maka-alis kung na saan man ako.
“Huwag mo kaming lokohin, alam kong pera ang habol mo kaya ka narito hindi ba? Sabihin mo magkano ang kailangan mo at dodoblehin ko,” ani ng babaeng ito.
Nangunot ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng babaeng ito. Mas lalo pa akong nairita ng maglabas ito ng pitaka at inilabas ang lilibuhing pera niya.
“Ang landi talaga!” bulong ng isa sa kanila. “Akala mo sinong kagandahan e retoke lamang ‘yan!” dagdag pa ng isa.
Hindi ko sila pinansin bagkus nagdire-diretso ako sa may pinto at walang pag-aalinlangan binuksan ito. Dito na sumalubong sa akin ang isang makisig at matangkad na lalake na may asul na mga mata. Mataman itong nakatitig sa akin na para bang inaasahan na niya akong makita.
“I-Ikaw?” bulong ko.
Ang lalaking na sa harapan ko ay ang lalakeng hindi ko gugustuhing makasalamuha. Kung gan‘on siya pala ang pinagkaka-utangan ng ama ko. Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung anong nangyare kahapon, si papa na may tama ng baril sana ay na sa maayos silang kalagayan.
“Kayong tatlo,” aniya at tinuro pa ang tatlong katulong na na sa likuran ko. “Get out.” mabilis ang naging kilos ng tatlo at mabilis nilisan ang silid na ito at iniwan kaming dalawa.
Itinulak ako nito papasok ng silid na nagpa-alerto sa akin at mabilis siyang nilayuan.
“Pirmahan mo ‘to.” sabay bato sa akin ng isang puting envelop.
Wala man ideya ay binuksan ko ito ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang laman nito.
“Marriage Contract?” naibulong ko na lamang ito dahil bakit narito ang pangalan ko?
Hindi makapaniwalang binalingan ko siya ng tingin at pinakita sa kaniya ang hawak ko. “A-Ano ‘to?” ani ko at itinaas pa ang hawak kong papel.
“Sign it, Sabi ko naman sayo hindi ba? Ikaw ang gusto ko maging asawa,” parang wala lang nitong sambit.
“Hindi ko pipirmahan ito! Ayoko!”
“Sa akin kana, Celeste. Sa ayaw at ayaw mo ay pipirmahan mo ‘yan.” malamig niyang sambit na nagbigay ng matinding takot sa akin dahil ang mga mata niya at parang sumasaksak sa kaibuturan ng pagkatao ko.
Ang mga asul niyang mata na parang blanko, wala kang mababahiran ng kahit na anong emosyon para siyang patay ngunit buhay.
“Hindi.” matatag kong sagot.
“Try me, hindi mo gugustuhin ang kaya kong gawin.”
Bakit ba ako na sa ganitong sitwasyon, maayos naman ang buhay ko, wala akong ginagawang masama ngunit bakit ako pa sa lahat ng tao ang nagdurusa ng ganito.
“P-Please... P-Pakawalan mo na ako. Wala akong kinalaman sa utang ni papa sayo,” pagmamakaawa ko ngunit wala ni anong emosyong mababahiran sa mukha niya.
Dinampot niyang muli ang marriage certificate na iyon at hinila ang braso ko. Umupo ito sa malapit na sofa at walang pag-aalinlangan niya akong itinulak sa kabilang sofa.
“Sign.”
“Ayoko!” pagmamatigas ko dahil hindi ko masisikmurang pakasalan ang lalakeng hindi ko mahal.
“Okay.”
Laking gulat ko ng hugutin niya ang mamahaling cellphone nito sa suot niyang slocks na itim at may kung anong idi-nial dito.
“Kill them.” ani niya at may malademonyong ngiti na bumaling sa akin. Nang mapagtanto ang tinutukoy niya ay hindi ko na napigilan pa ang maglandas ang mga luha ko.
Pinanood niya lamang ang naging reaksyon ko, huminga muna ako ng malalim bago sinalubong ang blanko niyang tingin.
“Pipirma na ako,” napipilitan kong sambit. Pikit-mata kong pinirmahan ang marriage contract na iyon.
Pinanood niya ako hanggang sa matapos akong pirmahan ang mga dapat pirmahan.
“Maghanda ka mamaya, Hintayin mo ako sa ngayon may mga dapat lang akong asikasuhin.” Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating ngunit hindi ko na lamang iyon inisip.
Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak dahil tapos na, nakatali na ako sa lalakeng hindi ko lubusang kilala. Ang demonyong iyon ay si Caiden Elixir Montenegro ang hayop sa larangan ng business world. Kilalang-kilala siya dahil isa siyang makapangyarihang tao sa buong mundo. Kilala ko lamang siya dahil madalas siyang usapan ng mga tao sa shop ko at madalas din siyang maipalabas sa mga news at na sa magazine din siya. Hindi ko akalain na isa pala siyang Mafia King wala akong alam sa mga Mafia‘s pero sa pagkakaalam ko ay isa silang masama at mamatay tao. At ngayon ay isa na ako sa pag-aari niya at alam ko hindi madali makatakas sa isang tulad niya.