Chapter 1
“W-What?” hindi makapaniwalang tanong niya at nagpalipat-lipat pa sa akin, sa paligid at sa lalakeng prenteng nakaupo at may natutuwang mukha habang pinapanood kami.
“What-what‘in mo ang mukha mo! nang dahil sayo na sa panganib ang buhay ko! Nilustay mo ang pera na inutang niyo sa lalaking ito at ngayon wala kayong maipambayad!” nanggagalaiti kong sigaw sa kaniya.
Napasapo na lang ako ng mukha hindi ko na alam ang gagawin ko.
“S-Sir...” muling tawag ni papa sa binata. Pinanood ko ang bawat galaw ng misteryosong binata na ito.
Sandali pa itong nagpanggap na nag-iisip bago siya tumayo at hinarapan kaming lahat. Hindi ko alam ngunit malakas ang kutob ko na hindi maganda ang sasabihin niya, pakiramdam ko ay mas nalagay sa panganib ang buhay ko.
“Nakapagdesisyon na ako, isa sa kanila ang kukunin ko, bilang isa sa kabayaran ngunit kukuhanin ko pa rin naman ang kumpaniya mo, ang lahat ng ari-arian mo Mr. Madrigal.” He blurted out without knowing na nagbigay ng takot sa akin iyon.
“Huwag ang kumpaniya ko!” tutol ni papa.
“Hindi sapat ang anak mo para maging kabayaran, kung titignan hindi sapat kahit kuhanin ko ang lahat ng meron ka para sa utang mo.” sa pagkakataong ito nabakasan ko na ang pagka-inis sa boses niya.
Hindi na sumagot pa si papa nanatili itong nakayuko at lumuluha. Nabaling din ang tingin ko ka‘y Selene nakaupo lamang ito sa lapag at tulala. Nakaramdam ako ng takot ng mapadpad sa akin ang tingin niya at sumilay ang nakakalokong ngiti nito. Nahugot ko ang hininga ko ng mag-umpisa na itong maglakad patungo sa akin dahil sa takot wala sa sarili akong napaatras.
“Ikaw ang napili ko binibini.” sambit pa niya sa akin.
“A-Ayoko! wala akong kinalaman sa utang niya at ni minsan ay hindi ako naging parte ng pamilya niya!” sambit ko sa di-gustong tono.
“That‘s why, Ikaw ang napili ko dahil ikaw ang gusto kong mapangasawa,” walang preno niyang saad.
“Y-You're joking right?” may pagsusumamo sa boses ko dahil hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayare.
Ngunit kaysa sagutin ako ay inuna niyang binalingan ng tingin ang isa sa mga tauhan niya. Hindi ko maintindihan ang mga tinginang ganun basta na lamang iniabot ng isang tauhan niya ang baril na hawak nito.
Nakaramdam ako ng takot ng balingan ako nito ng tingin at binigyan ako ng malademonyong ngiti ganoon na lamang ang pagkakagulat ko ng bigla niyang pinaputukan si papa at ang half sister ko sa magkabilaang binti.
“Ahhh! ahhh!” sabay ni lang sigaw habang hawak ang mga binti ni lang may parehong tama.
“Obey me, kung ayaw mong pasabugin ko na ang mga bungo nila sa mismong harapan mo.” pananakot niya ngunit hindi ako nakinig pinilit kong umatras upang magawa kong makatakbo ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla niya akong sikmuraan.
“A-Ahhh...” mahinang ungol ko wala na akong lakas na maglaban pa lalo na ng sapilitan ako nitong kinarga na parang bagong kasal at nagsimula ng maglakad.
“You are mine now, Celeste. Sleep tight. ” bulong niya sapat na upang makarating sa pandinig ko. Iyon na lamang ang huli kong naalala bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Ngunit bago ‘yon nakita ko pa kung paano niya tinanggal ang suot niyang maskara malabo man ngunit kitang-kita ko kung sino siya.
“I-Ikaw—?”