Simula
HALOS panawan ako ng ulirat ng magtagpo ang mga mata namin ng estrangherong ito na parang hari na naka-upo sa mahabang sofa dito sa loob ng pamamahay namin. May suot itong itim na maskara na nagtatago sa anyo nito ngunit hindi ko pa rin maipagkakaila kung gaano siya kagwapo dahil na rin sa mga asul niyang mata. Tinitigan ako ng mga ito at nanuot sa kaibuturan ng kaluluwa ko ang titig na ‘yon, dahil sa tensyong nararamdaman ako na ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko talaga kinakaya ang presensiya niya.
Hindi ko maalala kung paano ako napunta sa sitwasyong ito dahil kanina lamang ay masaya akong nagtatrabaho sa maliit kong coffee shop. Ilang segundo lang ay nakita ko ang sarili ko na nakasalampak sa malamig na tiles at kaharap ang binatang ito. Mas lalong nagpatakot sa akin ay ang mga tauhan nito na nagkalat sa buong bahay at may mga hawak na baril. Gusto kong tumakas ngunit hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay matapos kong gawin iyon. Nahigit ko ang sariling hininga ng umayos ito ng upo at kaunting ibinaba ang ulo upang mapantayan ang mukha ni papa na ngayon ay namumutla na dahil sa takot.
“Babayaran mo ba ako o pasasabugin ko ang mga bungo niyo?” sambit ng binatang na sa harapan namin ni papa. Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang malamig at puno ng otoridad na boses na ‘yon.
Gusto ko manakbo papalayo sa lalaking ito ngunit hindi ko magawang ikilos ang mga paa ko. Labis na takot ang nararamdaman ko para sa buhay ko dahil ramdam ko kahit wala akong alam, hindi isang simpleng tao ang binangga ni papa ngayon.
“M-Maawa ka...” hagulgol ni papa. Nasaksihan ko pa kung paano niya paulit-ulit hinagkan ang sapatos ng lalaking ito ngunit walang pag-aalinlangan sinipa si papa kaya tumilapon sumubsob siya, at ngayon ay basag na ang labi.
Gusto kong maawa sa sarili kong ama ngunit paano ko iyon gagawin kung miski ako ay na sa bingit na rin ng kamatayan dahil sa ginawa niya? Napaluha na lamang ako dahil sa pinaghalong-halong awa at takot para sa mga buhay namin. Ang ama ko na isang mataas na tao at hindi marunong yumuko o magpakumbaba, ngayon ay halos halikan na niya ang sahig dahil sa pagsamba sa binatang ito.
Nakayuko ako ngunit nakikita ko pa rin ang nangyayare sa paligid ko, nakita ko kung paano bumalik sa pagkakaupo si papa at marahas na pinunasan ang dugo na nagmula sa basag niyang labi.
“A-Ang anak ko! s-siya ang ipambabayad ko!” malakas na sigaw ni papa habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya.
Walang mababakas na pag-aalinlangan sa mukha niya na nagpasakit ng loob ko. Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko sa kaniya, dahil umaasa ako na mali lamang ang narinig kong binigkas niya ngunit sa pagkakataong ito nalaglag ang balikat ko dahil para ng nababaliw si papa.
“P-Papa,” tawag ko sa kaniya sa nanlulumong boses. Sandali niya akong binalingan ng tingin at mabilis na gumapang patungo sa akin at humagulgol habang hawak ang mga kamay ko.
“P-Patawarin mo ako...” hinging tawad niya at parang isang basang sisiw dahil sa pinaghalong luha at sipon sa mukha.
Hindi ko na makilala si papa dahil ang ama ko na isang tanyag na business man ngayon ay dinaig pa ang pinagsakluban ng langit at lupa.
”Papa, huwag mo naman gawin sa akin ito! Gagawa tayo ng paraan para... p-para mabayaran ang utang mo,” sambit ko sa pinatatag na boses.
Sandali kong pinunasan ang mga luha ko bago binalingan ng tingin ang binata na sa harapan ko.
“S-Sir... m-magkano po ang utang ng papa ko?” lakas loob kong tanong.
Napansin ko ang pag-usli ng labi nito. Mistulang natutuwa sa katapangan na pinapakita ko. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin na nagbigay ng matinding takot sa akin pero pinatatagan ko ang loob ko dahil walang mangyayare kung pangungunahan ako ng takot. Rinig ko ang buntong hininga niya bago niya inilapit sa akin ang sarili at puno ng paglalaro nitong hinawakan ang mahaba kong buhok at sandaling inamoy at pina-ikot sa mga kamay niya. Gusto ko siyang sampalin dahil sa pangangahas niyang hawakan ako ngunit tiniis ko ito.
“Kahit ibenta niyo pa ang mga lamang loob niyo ay hindi sasapat iyon upang mabayaran ang utang niyo sa akin, so stop this bullsh*t drama! bayaran niyo ako na sasapat sa mga utang niyo,” malamig niyang sambit.
“N-No! m-magbabayad kami!” matapang kong sagot at walang pagdadalawang isip na tinampal ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko.
Sandali nitong tinapunan ng tingin ang kamay niyang tinampal ko at muling ibinalik ang blankong tingin sa akin.
“Trust me, babe. Hindi mo kayang bayaran ang utang ng ama mo, ” parang wala lang niyang saad at muling bumalik sa pagkakasandal sa sofa.
Sasagot pa sana ako ng pigilan ako ni papa gamit ang mga nanginginig niyang kamay. Umiling lamang siya sa akin at dahil sa mga tingin kong nagtatanong kung bakit niya ako pinigilan ay nabahid ko ang pag-aalinlangan roon. Naroon ang hiya at takot. Mahirap man hinintay ko pa rin ang sasabihin niya sa akin.
“D-Dalawang bilyon,” dalawang salita pero nagawa nitong wasakin ang kaunting pag-asa ko.
“P-Papa naman! anong ginawa mo sa dalawang bilyon! nag-iisip ka ba?!” hindi makapaniwalang sigaw ko sa kaniya. Naiwaksi ko ang braso ko na tahan niya at napaupo na lamang sa lapag dahil sa panlulumo.
Dalawang bilyon ang utang niya at totoo nga ang sinabi ng binatang na sa harapan ko kahit pagsama-samahin ang lahat ng ari-arian at mga lamang loob namin ay hindi pa rin ito aabot ng dalawang bilyon.
“Anak para din sayo ‘yon,” mas lalo lamang akong nadismaya ng sabihin niya iyon sa akin.
Para sa akin? sa buong buhay ko ay hindi ako humingi ng pera sa kaniya, ang lahat ng ginastos ko simula ng tumuntong ako ng kolehiyo ay galing sa dugo‘t pawis ko. Saka lamang naging malinaw ang lahat sa akin alam ko hindi lang sa sugal niya nalustay ang perang iyon may kilala ako na puro pasarap lang sa buhay. Walang pagdadalawang isip akong tumayo sa pagkakaupo.
Bago pa ako makahakbang nang bigla ni lang itinutok sa akin ang mga dala ni lang baril. Isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ko sa limang lalaking nakapa-ikot sa amin at lahat ng hawak ni lang baril na may silencer ay nakatutok sa akin. Wala akong sinabi basta ko na lamang tinitigan ang estrangherong lalake na ito, ng makuha niya ang nais kong iparating ay sandali niyang itinaas ang kanang kamay niya at sumignal sa mga tauhan niya upang ibaba nila ang mga baril na nakatutok sa akin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na pinuntahan ang silid ng walanghiyang babae na ‘yon.
Rinig ko pa ang sigaw ni papa sa akin ngunit hindi ako lumingon o miski ang tapunan siya ng tingin. Dumiretso agad ako sa may pinakamalaking pinto dito sa bahay at walang pag-iingat na binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang magaling kong half sister na mahimbing na natutulog sa magarbo at mamahalin niyang kama. Suot pa nito ang pinakamahal at kinulang sa telang lingerie niya. Dahil sa nararamdamang galit ay bigla ko na lang hinila ang buhok niya na nagpagulat sa kaniya at marahas na kinaladkad siya pababa sa kama nito.
“Ahhhh! b-bitawan mo ako!” malakas niyang tili ngunit hindi ako natinag bagkus pinagpatuloy ko ang paghila sa buhok niya.
Hindi ako makapaniwala dahil nagagawa niyang matulog ng mahimbing habang kami ay nakikipaglaban upang mabuhay? Kasama siya sa impyernong ginawa nila tutal siya naman ang isa sa lumustay sa salapi ng lalaking iyon.
“Papa! help me! bitawan mo ako, Celeste you b*tch!” muling sigaw nito at sinubukan akong kalmutin ngunit isang malakas na sampal ang pinatikim ko sa kaniya.
“Anong ginagawa mo sa kapatid mo, Celeste! Bitawan mo siya ngayon din! wala kang karapa—”
“Mas wala kang karapatan na ibenta ako! Itong magaling mong anak ang lumustay sa lahat ng yaman na meron ka! Kayo ang nagpakasasa sa perang inutang niyo at ako ay walang kinalaman doon pero nandito ako at ako ang ipinambabayad mo!” puno ng galit kong sigaw kay papa.
Hindi ko na talaga kaya, sobra na. Simula ng mamatay si mama ay naging impyerno ang buhay ko. Sobrang sama ng loob ko at hindi ko matatanggap ang bagay na ito.
“Let go of me, b*tch!” muling tili niya, sa pagkakataong ito nagawa niyang makawala sa pagkakasabunot ko sa kaniya.
Nanlalaki ang mata niya ng makita ang sitwasyon namin lalo na ng mabungaran niya ang duguang si papa.