"SO BAKIT wala ka sa dati mong seat kanina? Itatanong ko sana kung naging maayos ba ang tulog mo, pero si Bianca ang nakita ko." Tanong nya sa akin habang ngumunguya ng bubble gum.
Naririto kami ngayon sa soccer field. Wala lang, tambay. May meeting ang mga teachers ngayon kaya wala kaming klase.
Pagkatapos mag lunch ay niyaya ako ni Ella na manood daw ng soccer practice ng crush nya, boring sa room kaya sumang-ayon na ako. Sumama naman si Zan at Josh sa amin, leaving their friend Glen behind.
Hindi ko naman nakita kung anong reaction ni Glen dahil hindi na ako nag-abalang tingnan pa ito.
Umiiwas nga ako, diba? May umiiwas bang lumalapit pa?
At gustuhin ko man, mas nanaig sa akin ang kagustuhang layuan muna sya.
"What do you think?"
Nanlaki ang mga mata nya sabay tabon ng palad sa bibig.
"Don't tell me... WHAT THE FVCK! HAHAHAHAHA! H'wag mong sabihin na hindi na si Glen ang gusto mo, kundi ako na."
My eyes widen with what he said. "WHAT THE??" Malakas na hinampas ko sya sa braso na ikinareklamo nya naman.
Shutangna! Saan galing 'yon?
"Aray hah! Sa isang araw nakakalimang hampas ka sa akin."
"At madadagdagan pa yan sa mga susunod na araw."
"Ang sakit mo naman magmahal, Baby. You make me tampo-tampo na. Hindi mo na ba ako love?"
Umasim naman ang mukha ko sa sinabi nya. Kinikilabutan ako, jusko!
"Tigilan mo na, baka mapasama ka pa."
"Eto naman, hindi na mabiro. So, umiiwas ka?"
"I'm just keep my self away from hurting. Hindi naman kasi ako robot para hindi makaramdam ng sakit. Tao lang din ako. At kung pag-iwas ang tawag do'n, edi 'yun nga."
"Pero hindi mo s'ya forever na iiwasan na lang."
Hindi ko naman sya forever na iiwasan eh. Lumalayo lang ako for now. Gusto ko rin namang HUMINGA at MAGPAHINGA. Sa loob ng two years of highschool life ko wala akong nagustuhang ibang lalaki kundi sya lang.
Kahit nga magka-crush sa iba hindi ko nagawa. Maliban na lang sa kinababaliwan kong kpop groups. Dahil sya at sya lang talaga 'yung gusto ko.
At kung tatanungin nyo ako kung balak ko bang magkagusto sa iba? I don't know! Mahirap pilitin ang pusong iisa lang talaga ang laman.
Gano'n ako kapag nagmahal. Kung isa, isa lang talaga.
"Teka nga—kanino ka ba kampi? Sa kaibigan mo o sa akin?"
"Sayo!"
"Oh, edi manahimik ka na lang d'yan. Okay?"
Tumango naman sya sabay zipper ng kanyang bibig.
"HOOOOOHHHHH! GO CALVIN!"
Napatingin kami kay Ella na syang sumigaw. Nasa first row ito ng high bleachers na inuupuan namin. Nasa likurang bahagi naman nito si Zan na inip na inip habang tamad na nakadantay ang dalawang siko sa itaas na bleachers.
"Alam mo Ella Ella eh eh... Mas magaling pa ako gumiling kaysa d'yan sa Calvin mo."
"Gumiling? Ikaw kaya ang igiling ko sa gilingan? Gusto mo?"
"PSH! Gilingan kaya kita, gusto mo?"
"Sapak gusto mo?"
Natawa ako nang magbatuhan ng sagot ang dalawang tao sa ibaba ng bleachers. Kung mag-away ang dalawa ay akala mo walang ibang tao dito. Masyado silang hakot atensyon lalo na at ang lalakas pa ng boses, eh makaharapan lang naman.
"Pustahan tayo Erish, tingnan mo bukas-bukas may something nang namamagitan d'yan sa dalawang 'yan."
"Sa tingin mo?"
"Sa ganyan din nagsimula ang lola't lolo ko, away pusa. Pero tingnan mo ang ending, sila ang nagkatuluyan."
"Sige pustahan tayo. You need to give me 5k if hindi sila nagkatuluyan."
"Kol ako d'yan!"
"So kapag nagkatuluyan nga ang dalawa? Anong ipupusta mo?"
"Hhmmm..." Saglit muna itong nag-isip. "Let me think it first. Saka na lang kita sisingilin kapag nanalo na ako sa pustahan natin, but for now... chill ka muna."
Kinabahan naman ako sa pinapakita n'yang ngisi.
"Kinikilabutan ako sayo.... geezzzzz!"
Tumawa naman ang hinayupak tsaka ko 'to inirapan.
Nagpatuloy ang panonood namin ng game practice. Natatawa na lang ako habang pinapanood si Ella at Zan sa ibaba, nasa mataas na part kasi kaming dalawa ni Josh nakaupo para kitang kita ang pinapanood. Kaso hindi naman sa game nakafocus ang paningin ko, kundi sa dalawang taong nag-babangayan sa ibaba.
Sa tuwing magchi-cheer kasi si Ella ay sasabat naman ni Zan. Kaya ang ending 'non, magsasagutan ang dalawa ng walang katapusan.
"Tara muna sa cafeteria. Nagugutom na ako kanina pa eh." Reklamo ni Ella.
"Paanong hindi ka magugutom eh kada goal 'nong kras mong hilaw, sigaw ka ng sigaw. Hindi ka naman pinapansin. Para ngang hindi ka naririnig eh."
"Nagchi-cheer ako para ganahan sya sa paglalaro. Tsaka naririnig ako 'non. Sadyang lowkey lang talaga kaming dalawa. Alam mo na, madaming pakielamera sa paligid."
"Lowkey? Baka talagang hindi ka lang pinapansin."
"Ano bang pake mo?"
"Concern lang naman ako sayo bilang kaibigan mo."
"At kaylan pa tayo naging close para masabi mong magkaibigan tayo?"
"Ano ba ang definition sayo ng close? Ganito?" Saka lumapit si Zan kay Ella. Sa sobrang lapit ng katawan at mukha ni Zan sa kaibigan ko ay tila natulos ito sa kinatatayuan. Kulang na lang ay magkapalitan sila ng mukha. Natigilan ang dalawa at saglit na nagkatitigan.
Pero si Zan din ang unang lumayo at umiwas ng tingin. Pekeng umubo ito bago nagyakag na pumuntang cafeteria.
Nagkatinginan naman kami ni Josh na parehong may ngisi sa labi.
Eheeemmm... Parang may iba.
"Ehermm!! T-Tara na sa cafeteria. G-Gutom na rin ako eh." Nauna nang maglakad papunta sa cafeteria si Zan na hindi makatingin ng maayos kay Ella. Samantalang ang kaibigan ko naman ay nakakunot ang noong nakatingin kay Zan na papalayo na.
"Anyare 'don?"
Nagkibit-balikat lang si Josh saka sumunod sa kaibigan nito. Hinila ko naman si Ella pasunod sa dalawa.
"Tinutopak yata. Tara na, magpalibre tayo sa dalawa. Gutom na rin ako eh."
"Ayyy, gusto ko 'yan. Ano pang hinihintay natin, arat naaaaa!"
Sabay kaming tumakbo para maabutan ang dalawa na papasok na sa loob ng caf.
"ANONG gusto n'yong dalawa? Libre na namin ni Pareng Zan. Diba?"
"Ahh, o-oo. Oo, libre namin."
"Kami na lang ni Zan ang bibili para sa'ting apat. Tara Abnoy!" Presinta ni Ella sabay hila sa braso ni Zan.
"Tangina! Baka mamulubi ako sayong panget ka."
"Mas panget ka, Abnoy! Mayaman ka naman kaya hindi ka mauubusan ng pera. Tsaka hindi naman ako malakas kumain, konti lang talaga ipapalibre ko sayo."
Napailing na lang kami ni Josh sa inasal ng dalawa. Nagtungo na ang dalawa sa counter para umorder. Naghanap naman kami ni Josh ng table for four. Napili naman n'yang sa may mga bookshelves sa gilid ng wallglass pumwesto, saktong pang-apatan ang mesang naroroon.
"Hindi nyo ba pupuntahan 'yong kaibigan nyo?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin.
"Mamaya na siguro. Nasa office naman kasi siguro ang isang iyon lalo na kapag ganitong free time."
Hindi ko maiwasang hindi macurious.
"Ahmm... a-ano k-kasi..."
He laughed at me. "Alam ko na sasabihin mo, curious ka pa rin no? Sabihin na nating iniiwasan mo nga s'ya, pero hindi mo pa rin maiaalis sayo ang magtanong tungkol sa kanya. Hindi naman kasi madaling umiwas at alisin yung feelings. It's a process. Kaya ang mainam mo na lang gawin ay mahalin sya ng palihim."
"Mahalin ng palihim?"
"Oo. For example be lowkey. Gusto mo sya pero huwag mong ipakita. Kung ipaparamdam mong concern ka, huwag sobra. Sa ganoong paraan mararamdaman mong hindi sobrang sakit. Dahil kahit papaano may natitira pa ring pride sayo. Gets mo?"
"Susubukan ko."
"Kung gusto mo talaga sya, huwag mong madaliin na gustuhin ka din nya. Simulan mo sa pagkikipag-kaibigan..... katulad ng ginagawa ko ngayon."
Hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi. "Hah? Ano ulit?"
"W-Wala... Sabi ko take your time to befriend with him. Malay mo kapag close na kayo at kilala nyo na ang isa't isa, bumait rin sya sayo at baka magkaroon pa ng chance. Sa stage na iyon naman nagsisimula ang lahat, hindi ba?"
Tumango-tango ako.
"Kilalanin mo muna syang mabuti. Kung ano ba ang ayaw at gusto nya. Kung ano ba ang nakaraang meron sya na ayaw na n'yang balikan pa, kung meron man. At kung lalo lamang lumalim ang feelings mo, saka ka lang ulit umamin. At kung wala talagang improvement sa relasyon ninyo, saka ka magdisesyon kung tuloy ba o tigil na."
Oo nga naman. Bakit hindi ko muna sya kilalaning mabuti. Baka kapag naging close kami magawa na n'yang papasukin ako sa puso nya. Baka nga, baka sakali.
Humalumbaba ako sa mesa sabay tingin ng makahulugan kay Josh.
"Ohh.. Bakit na naman ganyan ang tingin mo sa akin?"
"Matanong nga kita, may experience ka na ba?"
Nanlaki ang mga mata nito. "A-Anong experience pinagsasabi mo d'yan? Virgin pa ako, Erish—Arayyy!"
Nabatukan ko tuloy sya. Kung anu-ano kasing pinagsasabi. Ibang experience na naman ang iniisip eh.
"I mean kung nainlove kana ba at nasaktan or something like that. Hindi experience na nakipag-ANO ka. Engot mo naman eh."
Napakamot naman ito sa batok.
"Linawin mo kasi!"
"Ang green mo kasiiii!"
Ngumisi naman ito sa akin. "Hindi pa... Wala pa... At kung papalarin, ngayon pa lang."
"Huh?"
"Hindi pa ako nainlove. Wala pa akong naging girlfriend or even fling. At kung papalarin, ngayon pa lang ako magkakagusto sa isang babae."
"Wooaaaahhhh! Woahh! May crush ka? Sino? Sino? Share naman d'yan."
"Hindi pa nya alam, kaya next time na lang."
"Ay ang daya. Kilala ko ba?"
Nagkibit-balikat lang ito.
"Ay, pa showbiz ang peg? Artista ka tsong?"
"Sasabihin ko din sayo. Hindi pa nga lang sa ngayon."
"Its okay! Makikilala ko din naman kung sino yan eh."
"Bakit? Detective ka ba?"
"Aba, syempre! Kung hindi mo nalalaman, dati akong secret agent slash detective."
"Owwsss?"
"Oo!"
"Saan?"
"Sa panaginip ko!"
"Pfftttt..... HAHAHAHAHAHAHAHA!"
ILANG MINUTO pa ay dumating na din ang dalawa. Kasunod naman ang dalawang waiters na may dalang tig-dadalawang tray na puno ng laman.
PUNO NG LAMAN?
Napanganga ako habang pinapanood ang dalawang lalaki sa paglalagay ng order namin sa mesa.
Iba't ibang pagkain ang inilapag ng waiters sa ibabaw ng mesa namin. May spaghetti, macarooni salad, cake, muffins, juice, coke at kung anu-ano pa.
"Enjoy your foods Ma'am and Sir!" Bahagyang nagbow pa ang dalawang lalaki bago umalis.
Nanlukumong sumandal naman si Zan sa sandalan ng kanyang inuupuan.
"HAHAHAHA! Hindi pala malakas kumain ah!" panunukso ni Josh kay Ella.
"Gutom eh!"
Humarap naman ito kay Zan na nakapikit habang nakahawak sa kanyang nose bridge.
"Share naman kayo ni Josh kaya h'wag ka na manghinayang sa pera. Hindi ka pa mamumulubi n'yan."
"I don't care if mamulubi ako, ikaw naman ang nakikinabang eh." Sagot ni Zan na nakapikit pa rin.
Natigilan si Ella. Maging kami din ni Josh ay napamulagat kay Zan. At nang marealiaze kung anong sinabi nito, agad na nanlaki ang mga mata at napa-balikwas ito ng upo.
"Este wala akong pake kung mamulubi ako, basta ba sayong panget ka mapupunta ang pera ko. Oo, gano'n 'yon. Mabait ako eh. Sabi nga nila, sharing is caring. Diba?"
Bumanghalit ng tawa si Josh.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Ang dami kong tawa sa inyo."
Nakahawak na din ito sa kanyang tiyan dahil sa katatawa.
"Ramdam ko ang pagkatense mo Pareng Zan. Easy ka lang, diba Ella?"
"O-Oo nga! Kumain na nga lang kayo! Dami n'yong ebas eh." At nilantakan na nga ni Ella ang mga pagkain inorder nila.
Napatingin naman ako kay Zan ng palihim. At nakita ko kung paano ito nagpunas ng pawis dahil sa kaba.
Tsong, huli ka pero hindi kulong. HAHAHAHA! Nagsimula naman na kaming kumain.
Napapailing na lamang ako kapag nakikita ko si Ella na busy'ng busy sa pagkain. Nakakahiya ang babaeng ito. Baka sabihin lang ng dalawa naming kasama na salawahan sya sa pagkain.
Pero mukhang okag lang naman sa kanila dahil natatawa pa nga ang mga ito. Kahit si Zan na kanila lang ay nakabusangot at kinakabahan pero ngayon ay maaliwalas na ang itsura.
"SO... Ito na pala ang bago n'yong circle of friends?"
Napatigil kami sa pagkain nang makarinig kami ng nagsalita sa likuran. Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Glen na nakahalukipkip habang nakatingin ng seryoso sa dalawa n'yang kaibigan.
"Share naman kayo d'yan."
Akala ko ay magsusungit na naman ito pero kabaliktaran ang nangyari.
Kumuha ito ng isang bangko sa kabila tsaka pina-usog ng konti si Zan bago nito nilagay ang bangko at umupo. Hindi naman nakapagsalita ang dalawa at ngangang napatitig lang sa kaibigan.
"Ohh? Para naman kayong nakakita ng multo?! Kain na kayo, dumating lang ako natigilan na kayo d'yan."
Napa-ubo naman si Josh sa inasal ng kaibigan.
A-Anong nangyayari?