TINANGHALI ako ng gising dahil hindi agad ako nakatulog pagkatapos akong ihatid ni Josh kaninag madaling-araw. Inabot kami ng alas-dos ng umaga sa burol. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Josh dahil pagkatapos kong mag-drama ay walang humapay na tawanan naman ang sumunod. Magaling kasi magbiro ang kolokoy kaya hindi ko napigilang hindi tumawa kahit na waley ang jokes nya.
Sa mga oras na iyon, nawala ang bigat na nararamdaman ko. Para bang gumaan ang loob ko dahil sa pagpapatawa na ginawa ni Josh. Ipinagpapasalamat ko naman na nariyan ang kolokoy na iyon, dahil kahit papaano ay nalimutan ko ng panandalian ang nangyari sa bahay nina Kuya Mico.
At habang hindi ako makatulog kaninang madaling-araw ay napag-isipan ko nang....
Umiwas muna sa kanya. Baka kasi kapag ginawa ko 'yon, mamiss nya ako. Narealize nya na gusto nya rin pala ako. Na baka kapag ginawa ko 'yun, maykaroon na nang chance para sa aming dalawa.
Pero alam ko, deep inside... Imposible ang mga iniisip ko. Pero wala namang masama kung isiping mong baka maging posible ang imposible, diba?
Isa pa, gusto ko rin namang lumabas sa comfort zone ko. Hindi naman kasi palaging sya lang ang pagtutuonan ko ng atensyon buong buhay ko. May mga bagay din na pwede at kailangan kong pansinin, this time.
Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko.
Naisip ko na kahit minsan makapag-saya naman ako, iyong walang iniisip na Glen. Iyong sarili ko muna ang mamahalin ko. Gusto ko rin namang sumaya at huminga, lalo na at sobrang bigat na ng nararamdaman ko.
"BESPRENNNNN!"
Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Ella. Nakatayo ito sa labas ng gate habang kumakaway pa.
Tumakbo naman ako para makalapit agad sa kanya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Hinihintay ka."
"Ehhh?"
"Wala kaming klase kanina kaya nagpunta ako sa room nyo. Si Zan ang nakausap ko. Sabi nya wala ka pa, kaya naisip ko na abangan ka dito."
Hindi na kasi ako pumasok ng first period dahil late na rin naman ako. Hindi na rin ako nagpahatid dahil may pupuntahan pa si Kuya Bert na ipinag-uutos ni Dad.
Nagcommute na lang ako dahil gusto kong gawin 'yung mga hindi ko pa nagagawa since birth.
"Tinanghali ka na naman ng gising no?"
"Hindi agad ako nakatulog. Maliwanag na nang maka-idlip ako, sobrang ikli pa."
"Hulaan ko... Madaling araw na kayo umuwi ni Josh no?"
May bahid ng panunukso sa boses ni Ella.
"Kayo ahhhh!"
"Sira! Pasok na nga tayo. Malapit na ang susunod na klase."
"Changing the topic, hah! So, saan kayo nagpunta kagabi?"
"Sa burol. Naglabas lang ako ng sama ng loob tsaka kwentuhan na rin kaya hindi namin napansin ang oras."
Natahimik bigla si Ella kaya tiningnan ko ito. Matamang naglalakad at nakatungo.
Tumigil ako sa harapan nya.
"Anyare sayo?"
Tumunghay sya sa akin tapos bigla akong niyakap na muntik na naming ikatumba.
"Galit ka ba sa'kin? Sorry naaaa! Sana pala tinanggihan ko na lang kahit na nakakainis sya. Sorry talaga bespren!"
Natawa naman ako dahil malapit na syang umiyak. Garalgal na kasi ang boses nito.
"Hindi ako galit, ano ka ba? Hindi ako sayo galit, okay? Hindi din ako galit kay Glen dahil hindi naman nya kasalanan na nasasaktan ako. Una sa lahat hindi nya sinabi na patuloy ko syang gustuhin, ginusto ko'to kahit na tinataboy na nya ako. Kaya kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nasasaktan eh."
Hinila ko naman na sya papunta sa hallway dahil nakakahiyang sa gitna pa mismo kami ng main ground mag-iyakan.
"Diba sabi ko sayo itry ko muna kung may pag-asa pa ba talaga, pero sa nangyari kagabi napag-isip-isip ko na, tama na muna. Nakakapagod din kasing masaktan kahit na wala naman akong karapatan. Tama na muna."
"So it means, iiwasan mo na si Glen?"
Tumango ako. "Oo! Madali naman na siguro 'yon para sa'kin dahil pabor sa kanya ang gagawin ko."
"Alam mo... Tulad ng sinabi ni Kirko, ihahanap na lang kita ng bagong crush. TAMA!"
Tumigil ako sa paglalakad.
"Oh, bakit ka tumigi—ARAYYY!" Hinampas ko sya sa braso na ikinadaing nya. "Anong ginawa ko?"
"Ikaw, kung anu-anong tinururo mo sa bata kaya ang daming alam sa buhay."
Natawa naman sya.
"Hindi kaya ako. Si Kuya Mico ang pagsabihan mo, dahil siguradong sa kanya galing mga kalokohang nalalaman ni Kirko."
Siniringan ko sya. "Pareho kayong magpinsan."
"HINDI AHH! BEHAVE AND GOODGIRL NA KAYA AKO."
"Oo na lang! Tara na nga. Ayoko nang malate na naman sa second class ko."
PAGDATING sa unang building ay naghiwalay din kami ng daan ni Ella. Nagmadali naman akong tumakbo patungo sa room namin dahil baka maabutan pa ako ng susunod naming teacher. Mahirap na, baka madetention pa ako.
Ayokong makita ang nagsusungit na mukha ng Mr. Class President namin which is Glen. Baka kung ano na namang ipagawa 'non sa'kin.
Pagdating sa room ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong naabutang teacher sa desk. Pero napatigil din agad ako nang maalalang seatmate ko nga pala ang taong dapat kong iwasan.
"ERISHHH!" Tawag sa'kin ni Zan. Napatingin ako dito at pinilit kong huwag dumaan ang paningin ko sa pwesto ni Glen, na nagawa ko naman.
Pumasok na ako sa loob at lumapit dito.
"Si Josh?" bungad ko agad. Umawang naman ang bibig nito at pumormang 'O'.
"Wow! Bago 'yun ah. Si Pareng Josh agad ang hinanap at hindi si—"
Pinanlakihan ko sya ng mga mata. Mukhang nagets naman nito ang gusto kong sabihin kaya hindi na itinuloy ang kadugtong.
"Pareho kayong hindi pumasok sa first period. Buti na lang at walang klase, kaya ligtas kayong dalawa."
"Hindi nagtext kung malelate ba sya?"
"Hindi. Siguro ay tinamad na namang bumangon ng maaga ang isang iyon. Bakit nga ba late ka din? Teka—oo nga pala. Magkasama kayong umalis kagabi. Saan kayo nagpunta hah?"
"Nag night trip."
"Night trip? Anong trip nyo?"
"Trip kong saktan ka. Walang basagan ng trip. Kanya-kanyang trip yan."
"Next time, isama nyo naman ako sa trip nyo. Bored sa bahay eh. Kinumpiska lahat ni Mommy gadgets ko, nag-inom daw ako kagabi. Konte lang naman, tsaka nagpabango naman ako at nagmouth wash bago umuwi, pero naamoy pa rin."
Natawa naman ako. Ramdam ko ang pagdadalamhati nga. Kawawang bata.
Akmang aalis na sana ako nang tawagin nya akong muli.
"Saan ka? Nandito ang upuan mo oh."
"May new seat arrangement ngayon. H'wag ka nang umangal, babasagin mo mukha mo."
Mukhang natakot naman ito dahil bigla na lang natameme at umayos na lang ng upo.
"Good!"
Nagtungo ako sa first row kung nasaan nakaupo sina Bianca. Napatingin ito sa akin.
"Anong kailangan mo Santanilla?"
"Alam mo, may new seat arrangement ngayon eh. Gusto ko sanang dito sa unahan para makapag-aral ako ng maayos. Gusto mong exchange seat tayong dalawa?"
Tumaas ang kilay nito bago tumingin sa likuran, kung nasaan ang dati kong pwesto na katabi ni Glen. At nang makilala kung sino ang makakatabi nya, mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo ito. Hindi na nga pinasin ang mga alipores n'yang nagsasalita pa.
"Hi, Glen! I'm your new seatmate nga pala." Nagpa-cute pa ito sa lalaki.
Tiningnan lang sya ni Glen with his usual poker face bago tumingin sa'kin. Umiwas naman ako bago inayos ang tayo ng bago kung uupuan. Hindi ko na sila tiningnan pa at umupo na lamang.
'Tama yan, Margaux! Kaya mo syang iwasan. Kakayanin mo. Para kay heart. Aja!'
Pagkumbinsi ko sa sarili.
"That's not your seat. Bumalik ka sa dati mong upuan." Masungit na singhal ni Glen kay Bianca.
"Pero..."
"That's my order!"
"You're so infair!"
Naririnig kong nagko-complaint pa si Bianca na doon na lamang sya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Agoncillo na kasunod ang inaantok pang si Josh.
Napatingin ako sa likuran kung nasaan ang dalawang kanina pa nag-aaway. Maayos nang nakaupo si Bianca sa upuang katabi ni Glen na may malawak na ngisi. Nang makita ako nito ay kinindatan pa ako. Ngingiti na sana ako kaso lang napadaan ang tingin ko sa lalaking katabi nya. Suot na naman nito ang masamang tingin na palagi nyang ipinapakita sa akin.
Umiiwas na nga ako katulad ng gusto nya, ano pang ikinagagalit nya ngayon?
Umiwas na lang ako at tumingin sa unahan. Dumaan naman si Josh sa harapan ko na mukhang hindi ako napansin at tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang upuan, katabi ni Zan.
Mukhang antok na antok ang kolokoy ah!
Nagsimula na ang klase. Sa loob ng dalawang oras ay naging abala ako sa pakikinig sa gurong nagtuturo sa unahan. Hindi ito madalas mangyari noon. Hindi talaga ako nakikinig sa teacher na nag-eexplain ng topic sa harapan at nakatuon ang atensyon ko sa ibang bagay. Palagi din talaga akong naka-upo sa likuran kahit noong nasa Class B pa ako, dahil ayaw na ayaw kong tinatawag sa recitation.
Minsan pa nga yumuyuko ako o kunwaring nag-iisip ng isasagot kapag nagtuturo na ang teacher ng tatanungin nya about sa topic namin, pero ang totoo 'non alibi lang iyon para hindi matawag.
Hindi din ako nakikinig minsan lalo na kapagboring ang klase, alam nyo ginagawa ko? Nagsusulat o nagdodoodle ng name ni Glen sa likod ng notebook ko.
Pasaway akong estudyante, oo. Pero nakakasagot naman ako sa mga quiz at exams. Wala pa din akong ibinagsak na subject. Tamad lang ako, pero matalino 'to. Pero ngayon, naisip ko na gusto ko nang maging active sa klase. Gusto ko rin namang mapasama sa rank pagdating ng graduation noh.
Magbabagong buhay na ako mga tsong! Gayahin n'yo ako, goodgirl.
PAGKATAPOS ng klase ay lumabas agad ako ng room. Hindi kami sabay ng breaktime ngayon ni Ella dahil may experiment sila sa lab, samantalang kami naman ay sa susunod na araw pa. Kaya mag-isa akong kakain ngayon.
Nagtungo ako sa cafeteria para bumili ng pagkain bago dumiretso sa likod ng Faculty Office.
Umupo ako sa usual spot namin ni Ella tsaka ko tahimik na nilantakan ang binili kong pagkain. Kakagat na sana ako ng isa ko pang burger, nang may biglang kumuha niyon mula sa kamay ko. Dire-diretso nitong kinain ang kalahati pagkatapos ay ibinalik ulit sa akin.
Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang paghiga nito sa bench sabay higa ng ulo nya sa hita ko. Napaawang ang aking labi at nanatiling nakataas sa ere ang kamay kong may hawak ng burger.
Pinagmasdan kong mabuti ang natutulog na mukha no Josh. Nakahalukipkip ito habang nakataas ang isang paa sa bench samantalang nakalawit naman sa lupa ang kabila. Mapayapang nakapikit ang damuho na halatang antok na antok pa.
"At dahil mabait ka naman at mukhang cute na tuta, pababayaan na muna kitang matulog d'yan," mahinang usal ko sabay kagat ng burger.
Pero agad ko ding nailayo sa bibig ko ang pagkain. Namilog ang mga mata ko at napatitig sa burger na hawak, nang may marealize akong isang bagay.
KINAGATAN NGA PALA NI JOSH ANG PAGKAIN KO!!! TAPOS KINAIN KO DIN!!!
Nangilabot ang buo kong katawan, nagtaasan lahat ng balahibo sa aking batok.
TANG IN A CAN! Para na rin kaming nagkiss sa ginawa ko. Anong tawag do'n? Indirect kiss?
Ibabalik ko na sana ang burger sa plastic pero gutom pa ako eh. Pabayaan mo na nga! Hindi naman nya alam eh. Ako lang naman ang nakakaalam. Tsaka I will never consider it an indirect kiss. Echoss lang nila ang bagay na iyon. WALANG GANO'N! WALA, OO WALA!
Sinubo ko na lang ulit at kinain ang natitirang burger bago uminom ng coke. I also blurp that made me chuckled. HAHAHA!
Hmm... Yummy!
"Sarap ba?"
Nawala ang ngiti ko nang may marinig akong nagsalita. Bumaba ang aking tingin sa lalaking nakahiga sa lap ko, mulat na mulat ang mga mata at may ngising namutawi sa kanyang labi.
"A-Akala ko tulog ka?"
"When I'm going to close my eyes, I saw you looking cute while thinking if you'll eat the burger or not. At dahil mukha kang ewan kanina nawala ang antok ko. Gusto ko sanang tumawa kaya lang baka sapakin mo agad ako. Kaya ang ginawa ko na lang, pinanood ka."
Namula ang magkabila kong pisnge sa narinig. So it means, nakita nya akong kinain ang burger na kinainan nya? At worst hindi ko alam kung mukha ba akong tanga o mukhang siraulo kanina.
AAAHHHHHHH! Oetteoke??
"So, ano? Masarap ba?" He even wink and smiled at me creepily. Pagkatapos ay ngumuso pa sya sa akin na para bang nanghihingi ng halik sa labi.
"H-HAYOP KAAAAA!"
Tinampal ko sya sa pisnge tsaka ako biglang tumayo not knowing na naka-unan nga pala ang ulo nya sa hita ko. Kaya ang ending....
"ARAYYYYY! Tang! na! Nabasag yata ang bungo ko."
Bumagsak ang ulo nya sa sementong upuan dahil sa bigla kong pagtayo.
"Natampal na nga, nauntog pa? Ang swerte mo talaga, Poging Josh!" Pangungon-sensya nito na may kasama pang papuri sa sarili.
Dali-dali naman akong umupo ulit at tinulungan syang maka-upo ng maayos. Nakangiwing hinaplos ko ang ulo nyang nagkabukol yata dahil sa malakas na pagkauntog.
"Kapag ako nagka cancer sa utak tapos namatay, ikaw ang sisisihin ko. Mumultuhin pa kita at hindi patatahimikin."
"D-Don't swear! Mas babasagin ko yang bungo mo."
Nabigla lang naman kasi ako, hindi ko sinasadya. Kinakabahan na nga, tinatakot pa.
Aligagang kinuha ko ang hot compress sa aking bag na palagi kong dinadala, just in case na kailangan ko. Buti na lang girlscout ako.
Pinatungo ko ang ulo nya sa mesa para mailagay ko ang hot compress sa bahagi ng kanyang ulo na tumama sa upuan. Hinayaan ko syang nakatungo habang nakalapat ang noo sa mesa.
"Hindi ka pa mamamatay dahil d'yan. Tandaan mong masama kang damo at may lahing pusa kaya may siyam kang buhay. At kung sakali man na natigok ka bigla, ako nang bahala sa kabaong mo."
Bigla syang bumaling sa akin na may masamang tingin, pero nanatili pa rin ang ulo sa mesa.
"Tingnan mo'to! Ako na nga ang nasaktan, kinakawawa pa ako—"
"Oo na! Oo na! Sorry na! Ikaw kasi eh, nambibigla ka."
"Dapat bang dahan-dahanin ko muna?"
I stun for a second, digesting what he said. I gulp when something naughty thoughts hit my head. Then I saw a big smirk flustered on his lips.
"Alam kong may iba kang iniisip sa sinabi ko. Ikaw ahhh! H'wag kang mag-alala Erish, sa susunod hindi na kita bibiglain, dadahan-dahanin ko na. HAHAHAHAHAHA!"
Pinanlakihan ko sya ng mga mata. Feeling ko ay binuhusan ako ng isang drum na sili dahil nag-iinit ang buo kong mukha.
"SHUT. THE. FVCK. UP. VILLAFLOR!"