The Lovestory That We Never Had

The Lovestory That We Never Had

By: Heyitsmejesika

4.5K
views
16
Chapters
Ongoing
Status

The Lovestory That We Never Had is an ongoing young adult novel by Heyitsmejesika with 16 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added January 13, 2023.

Synopsis

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong malaki na'ko, gusto ko na ulit bumalik sa pagkabata. Dahil narealize ko na mas madaling gamutin ang tuhod na NASUGATAN kaysa puso na NASAKTAN."

-Margaux Erish Santanilla

"FIRST LOVE never dies but, TRUE LOVE waits."

Walang ibang ginawa si Erish kundi ang mahalin si Glen. Ngunit sa kabila niyon ay cold treatments and heart aches na lamang ang natatanggap n'ya mula dito.

Paano n'ya makikita ang lalaking handang gawin ang lahat mapasaya lamang s'ya, kung ang mga mata n'ya ay nakatingin sa iba?o

Paano n'ya mahahanap ang totoong pagmamahal kung nakasarado ang isip at puso n'ya para sa iba?

Will she finally found the love story and the happy ever after that she never had?

Read the first chapter

Chapter 1: SIMULA

π—–π—›π—”π—£π—§π—˜π—₯ π—’π—‘π—˜ : π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”

MARGAUX ERISH P. O. V

Naranasan n'yo na bang magkaroon ng crush at first sight?

Kasi ako? Oo!

'Yung tipong sa unang pagkakataon, nag slow motion ang buong paligid at tanging sya lang ang nakikita mo. 'Yung tibok ng puso mo parang drum na tinatambol ang isang daang tao. 'Yung paghinga mo para bang nakipag hinabulan ka sa mga kabayo at aatakihin ka sa puso.

Pati tiyan mo puno ng libu-libong nagliliparang mga paru-paro.

Na sa isang ngiti lang n'ya, bibilis na agad ang kabog sa dibdib mo. Na kahit sulyap lang mula sa kanya, swak na agad ang araw mo. At kapag wala s'ya, nawawalan ka na rin ng gana.

S'ya 'yung inspirasyon mo para magpatuloy at makisabay sa bawat alon ng buhay.

Pero napapansin mo na habang tumatagal, lumalalim na pala ang feelings mo para sa kanya. Hindi na pala 'yun crush at first sight, kundi love at first sight na.

Ngunit ang tanong, may pag-asa ka ba? May pag-asa ba na mapansin ka rin nya?

Tandang tanda ko pa kung paano ko nakilala ang lalaking nagpatibok at nagpahulog sa puso ko sa unang pagkakataonβ€” maliban sa mga asawa ko sa Korean. And at the same time nagparanas sa akin na masaktan at magparealize sa'kin na hindi porket mahal mo, mamahalin ka na rin nya katulad ng pagmamahal mo sa kanya.

We're first year highschool that time, kasagsagan ng transferees from other school. At isa s'ya sa mga iyon.

β™«οΈŽ"neo ttaemune onmomi taolla

neo ttaemune shimjangi mokmalla

Like a fever, fever, fever, fever

neol ango shipeo

neol ango shipeo"β™«οΈŽ

Pagsabay ko sa kanta.

Suot ang earphone ko with matching full volume pa. AAAHHH! Ginhawa ng buhay. Kahit napakaingay ng paligid ko, basta nakikinig ako ng Kpop music, solve na ang isang araw ko.

Naririto kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko ang kaibigan kong si Ella. Wala pa namang klase dahil first day of school pa lang. Busy pa ang lahat ng teachers sa mga nagpapaenroll at iba pang gawain.

Malay ko ba kung anu-ano ang mga iyon. Teacher ba ako? Joke!

β™«οΈŽ"mireonaedo nae ane taolla

jaega dwaedo bulkkochi pieona

Like a fever, fever, fever

neol alko shipeo

neol alko shipeo"β™«οΈŽ

Nakakainlove talaga ang mga asawa ko. Gwapo na, ang ganda pa ng mga boses. Jusko! Magkaka fever yata ako.

"MARGAUX ERISH SANTANILLA!!!!!!"

Napapikit ako dahil sa tinis at lakas ng boses ng kaibigan kong si Mica Ella Trinidad, Ella or Mica for short. Bahala na kayo kung anong itatawag n'yo sa kanya. Basta h'wag lang Mica Ella dahil ayaw na ayaw n'ya sa buo nyang pangalan. Arte diba? Eh samantalang ang ganda-ganda kaya ng Mica Ella.

Masamang tingin ang binigay ko dito. Bigla ba naman kasi nitong tinanggal ang isa kong suot na earphone. Pagkatapos ay sumigaw sa tenga ko.

"Ang gague lang Ella, noh?" iritang asik ko sa kanya.

Bumalik s'ya sa pagkakaupo sa upuang nasa harapan ko.

"Eh kasi naman po, kanina pa ako kwento ng kwento dito hindi ka naman pala nakikinig."

"Mas gusto ko pa pakinggan ang songs ng mga asawa ko kesa sa kwento mong isan-daang beses ko na yata narinig."

"Ang sama-sama mo talaga sa akin. Kilala ka ba nila, para pagtuonan mo ng atensyon? Sila ba ang dumadamay sa'yo kapag may problema ka? Hindi di'ba? Nakakahiya naman sa bespren na katulad ko." Natawa ako dahil nagmamaktol na s'ya. Napakamatampuhin talaga.

"Hindi man nila ako kilala, sa ngayon, mahal naman nila mga fans nila. Wala man sila sa tabi ko noong nahihirapan ako, pero kapag napapanood ko videos nila, okay na ulit ako. Isa pa, MAS MAHAL KO SILA."

More by Heyitsmejesika

View all

You may also like

Young Adult

Sign in to join the discussion