NAPATINGIN naman sa gawi namin sina Glen. May ilang bisita din na napalingon sa amin dahil sa malakas na sigaw ni Kirko.
Nakuuuu! Ang batang ito talaga ang hilig kumuha ng atensyon ng marami.
Nang makalapit na kami sa kanilang pwesto ay tila ba nag slow motion ang lahat. Pati oras at paligid ay tumigil din at tanging ang nakakainlove na ngiti lamang ni Glen ang nakikita ko.
Ang gwapo talaga nito. Kahit simpleng skyblue polo at black pants na tinernuhan ng black shoes ay talagang agaw-pansin pa rin. Wala yatang hindi babagay sa kanyang damit basta sya ang magsuot.
At mas nakaka-attract pa dito ay ang kanyang ngiti na minsan mo lang talaga masisilayan.
Ang senario na iyon ay nag restore agad sa isipan ko. Sayang! Wala akong dalang phone, tanging purse ko lang ang hawak ko. Hindi ko tuloy nakuhanan ang moment na iyon. Edi sana may video at picture ako na nakangiti sya.
Sayang talaga!
"Hi, Bigboy!" nakangiting ginulo ni Glen ang buhok ni Kirko.
"Kuya Glen narito na delivery mo." Tumatawang wika ni Kirko. At halos lumuwa na ang puso ko from its ribcage nang dalhin ni Kirko ang kamay ko sa kamay ni Glen.
Nanlaki ang mga mata ni Ella habang nakahawak sa bibig nya. Gulat na gulat sa nakikita. "OH MY GOSHHH!" Bulalas nito.
Kahit ako nga ay nagulat din at higit sa lahat tila ba tumigil ang paghinga ko dahil sa kaba. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko nang dumaplis ang balat ko sa kamay ni Glen.
"Kirko? Anong ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa pasaway na batang ito.
"Narinig ko kasi sila Tita Ganda na pinag-uusapan ka kanina. Tapos narinig ko din kay Kuya Zander na may gusto ka daw kay Kuya Glen. Kaya naisip ko na kayo na lang ang date ngayon."
Napasapo ako sa noo. Juskong bata ito oh! Ano bang itinuturong kalokohan ni Kuya Mico sa anak nya? Pati na rin itong si Ella, kaya naman kung anu-anong nalalaman ng bata.
Nag-skwat ako para makapantay ko sya.
"Kirko alam mong masama ang nakikinig sa usapan ng nakatatanda, diba?"
Tumango naman sya. "Opo!"
"Pero bakit ginawa mo pa rin?"
"Sorry na Tita Ganda! Eh kasi naman gusto kong magkaboyfriend ka na kaya naisip kong gawin iyon. Wala naman kayong mapapala sa mga koreano na idols nyo ni Tita Ella eh."
Natawa ako sa rason nya. Mapapakamot ka na lang talaga sa ulo dahil sa konsimisyon sa batang ito.
"Kirko ang bata mo pa pero ang dami mong alam. Sino nagturo sayo n'yan?"
Tumingin ito sa gawi ni Ella na iniexpect ko na talaga. Tinuro ng inosenteng si Kirko ang Tita Ella nya.
"Sabi kasi ni Tita Ella ihahanap ka daw nya ng bagong crush, dahil wala naman daw pake sayo yung crush mo ngayon. Tapos narinig ko nga na tinutukso nina Kuya Zander si Kuya Glen sayo. Naisip ko na baka crush nyo ang isa't isa kaya ilalakad na lang kita sa kanya. Everybody is happy, diba?"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil sa kakyutan ni Kirko. Akalain mo, isang batang kaka-seven pa lang ganito na mag-isip? What more kung lumaki na sya at magmatured na ang isip diba? Baka kung anong experiment ang gawin ng batang ito sa love.
Pero isa lang ang alam ko, maloloka na ako.
"Tutal ay birthday ko naman kaya pagbigyan nyo na ako. PLEASEEEE!" Kirko pleased together with his puppy eyes and nagpapaawang look.
"Ano bang gagawin ko sa batang ito oh," bulong ko.
"Bespren and Glen payag na kayong dalawa. Birthday nga naman ni Kirko kaya pagbigyan nyo na. Sige kayo, magtatampo ang batang iyan." Panggagatong naman ni Ella.
Lumapit ito sa akin bago bumulong. "Choosy ka pa ba? Yung bata na nga ang gumagawa ng way para mapalapit kayong dalawa eh."
Oo nga no? Choosy pa ba ako? Eh ito naman talaga ang gusto ko?
Tumingin ako kay Glen. Tumaas ang isang kilay nito sa akin. Parang gusto ko tuloy syang tuksuin.
Naglakad ako palapit kay Glen. "Ikaw ahhh! Pinag-uusapan nyo pala ako behind my back. Hmmm... Iba na yan!" Pang-asar ko sabay tusok ng tagiliran nya. Napaiktad naman ito kaya natawa ako. "Hindi ko alam na may kiliti ka din pala sa tagiliran?!"
"SHUT. UP!" Mahina pero madiing pigil nito sa'kin.
Tumawa ang dalawa nyang kaibigan sa pang-aasar ko. Masamang tingin naman ang isinukli nya sa akin.
"Bro, pagbigyan mo na si Kirko." Sabi ni Zan na sinang-ayunan naman ni Josh.
"Oo nga bro! Ngayon lang naman eh. H'wag na kayong magkahiyaan."
I show my sweetest smile when he look at me. Glen takes a deep breath before averting his eyes on mine. "PSH!" tanging sambit nito pagkatapos ay bumaling sa batang napaka-lawak ng ngiti ngayon.
As if tuwang tuwa sa nangayayari sa harapan nya.
"Kuya Glen, pleaseeeee!"
"Fine! But just this once. Ngayong gabi lang kita pagbibigyan. Pagkatapos nito ayoko na."
Napasimangot ako. Napakadaya naman ng hinayupak na'to? Ngayong gabi lang? Edi susulitin ko na, diba?
"PROMISE KUYA GLEN! After this kahit ihanap na ni Tita Ella ng bagong crush si Tita Ganda. Pero alam nyo, bagay kasi kayong dalawa ni Tita Ganda eh."
Feeling ko ay namula naman ako sa sinabing iyon ni Kirko.
Ang batang ito talaga napaka-bolero. Manang mana sa Daddy nya.
"Tsk! Dami mong alam. Sige na puntahan mo na ang parents mo, tinatawag ka na eh. Blow your candles na daw."
"Ikaw na bahala kay Tita Ganda ah!"
Lihim na sumulyap ito sa akin sabay. Ay wow! Nag-iinarte?
"Oo na! Just go!"
Napipilitan teh?
Sumaludo muna si Kirko sa tatlong boys pagkatapos ay tuwang tuwa na nagtatakbo palapit sa mga magulang nya.
May ngiting nakaloloko pa ring nakapaskil sa mga labi ko. At nang tumingin ito sa akin ay mas lalo lamang lumawak ang ngiti ko. Katulad kanina masama pa rin ang tingin nito sa akin. Pero okay lang, basta sya ang date ko for tonight's vidyow.
"Naniwala ka naman?" Masungit na tanong nito sa akin.
"Malamang! Sabi nga ng matatanda, hindi marunong magsinungaling ang bata."
Narinig kong tumawa ang tatlong kasama namin.
"Haynaku! Kung ako sa inyong dalawa, I will enjoy this night. Minsan lang yan eh." Zan said before tapping his friend's shoulder.
"Sabihan nyo nga yang kaibigan nyo, ang KJ eh! Walang pakisama. HMP!" I crossed my arms under my chest. Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Josh.
"Alam mo kung ayaw ni Glen, ako na lang. Diba, Bro?"
"Why not?"
Mabilis na umangal ako sa sinabi nya.
"HOY! WALA NG BAWIAN! Nakapangako ka na kay Kirko kaya panindigan mo." Bumaling naman ako kay Josh. "AT IKAW! Maghanap ka na lang muna d'yan. Tigil-tigilan mo'ko ah."
Napakamot na lang ito sa ulo. "Suggestion lang naman, baka lang kako makalusot. Pero hindi pala."
Siniringan ko ito saka hinila si Glen sa braso.
"D'yan na kayong tatlo. Susulitin ko muna ang moment na ito. AHIHIHIHIHIHI! Babush!"
Wala namang reklamo si Glen dahil nakatingin si Kirko sa amin na nakangiti at pumapalakpak pa. Juskong bata!
Kumaway naman ako dito bago nagthumbs-up. Naglakad kami palapit sa harapan dahil magbo-blow na si Kirko ng candles.
"Happy Birthday to you~ Happy Birthday to you~ Happy Birthday~ Happy Birthday~ Happy Birthday Kirko~"
"HAPPY BIRTHDAY son! Make a wish then blow your candles na." Wika ni Kuya Mico sa kanyang anak. Pumikit naman si Kirko to make his wish then after that he blow his candles na.
"YEHEYYYY!"
Kaliwa't kanang pagbati ang maririnig sa malawak na hardin kasabay ng masayang awitin ng backgroud music.
"EVERYONE! JUST ENJOY THIS NIGHT DAHIL ALAM KONG MINSAN LAMANG ITO MANGYARI SA ISANG TAON."
Eveyone toast their glass of wine to what Kuya Mico said. Pagkatapos ay kanya-kanya nang kwentuhan at katuwaan. Nasa isang mesang pabilog naman kaming lima pumwesto.
"Hey, guys!" Bungad ni Kuya Mico pagkalapit nya sa table namin. "Nag-eenjoy ba kayo?"
"Wala ka bang ipapakilala saming cuties d'yan? Para naman mas lalo kaming mag-enjoy." Busangot na tanong ni Zan.
Babaero talaga ang isang ito. Pwe!
"Birthday 'to ni Kirko, hindi parties in the club. YOW!" singhal naman ni Josh.
"Hmm... Maybe kapag nakatulog na ang mga bata, pwede na kayong magwalwal. Wala ng makapipigil sa inyo."
"Yun ohhh!"
Napailing na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung iyong birthday party ba ang pinunta nila dito o iyong after party celebration?
Mga lalaki nga naman.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain lalo na at parang robot ang lalaking katabi ko. Kung hindi kakausapin, hindi magsasalita Kapag kinausap naman hindi sasagot as long as hindi nya type ang pinag-uusapan.
Haist! Ang boring ng Hubby ko. Turuan ko kayang magwalwal 'to? Joke!
Masyadong seryoso kasi sa buhay kaya hindi na sya nakakapag-enjoy.
AT KATULAD ng sinabi ni Kuya Mico kanina, may ilang bisita na ang umuuwi dahil masyado ng gumagabi. Ang mga batang kasama rin ng mga ito ay inaantok na at dapat ng magpahinga kaya kami-kami na lang ang natira.
"Ella sigurado bang hindi kayo dito matutulog? Ikaw Margaux?" Tanong sa amin ni Ate Shane.
"May kotse ako Ate. Isa pa sa amin mag-oover night itong si bespren kaya uuwi talaga kaming walang hindi. Hindi naman ako iinom kaya makakapag-drive pa ako," sagot ni Ella. Tumango naman ako.
"At bawal ka ring uminom, bata." Sabat naman ni Kuya Mico. "Bawal pa kayong dalawa sa alak. Bata pa kayo."
"Hindi na kami bata Kuya Mico. HMP!"
"Basta! Ipapahatid ko na lang kayong dalawa para mas sigurado. Mahirap na ang sitwasyon ngayon kaya makinig kayo sa matatanda. Ipapahatid ko na lang kayo mamaya."
Pinal na pahayag ni Kuya Mico. Hindi naman na kami nakaangal dahil sumang-ayon na rin si Ate Shane sa asawa.
"Ohh, pano! Patutulugin mo muna ang dalawang batang ito kayo na muna ang bahala d'yan ah.."
"Go na Ate! Kami na bahalang magsaway kapag nagkalat sila."
"Tingnan nyo ang Kuya Mico nyo, baka magkalat ng alak yan." Tumingin ito sa asawa bago sumigaw. "Hoy, Mico! Umayos ka ah. Mga bata pa yang kasama mo."
"Behave lang ako Wife!"
Sumenyas naman si Ate na mauuna na ito sa loob.
"Sige Ate!"
Pumasok na sa loob ng bahay si Ate Shane karga ang bunsong anak. Kanina pa nadala ni Kuya Mico si Kirko sa itaas dahil inaantok na daw ito.
Napatingin naman kami ni Ella sa mga lalaking natira. Siguro nasa anim na lang siguro sila. Sina Glen kasama ang dalawang pinsan ni Kuya Mico then si Kuya Mico himself. Nagkakatuwaan ito habang umiinom ng SanMig.
"Gusto nyong sumayaw? May dalawang muse tayo dito." wika ni Kuya Mico. Hindi pa naman ito lasing, tamang nakainom lang. "Mag-play ako sweet song ah. Baka kasi mabored sina Margaux kaya isayaw nyo."
Nagtungo si Kuya Mico sa music player saka nagsalabg ng isang malambing na kanta.
Nagulat naman ako ng may isang pares ng sapatos na tumigil sa harapan namin. Abot-abot ang kaba ko nang makita kong sino iyon. Noong una akala ko ako ang aayain nyang sumayaw, pero hindi pala.
"Ella sayaw tayo!" It is not a question, it's a statement.
Nag-aalangang sumagot si Ella. Tumingin muna ito sa akin bago magsalita.
"Ahh... Ehh... Pero si Margaux—Bespren okay lang ba sayo?"
"Bakit kailangan mo pa ng approval nya? Ikaw ang inaya ko kaya bakit kailangan mo pang hingin ang pahintulot nya?"
"Baka kasi—"
"Am I her property? Na kailangan pa muna ng approval nya bago mo sundin?"
Natahimik si Ella.
Hindi din naman ako nakasagot o nakapag-react manlang dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. Kumalat ang init sa aking katawan paakyat sa aking pisnge papunta sa aking mga mata. Para bang may gustong lumabas doon pero hindi makawala.
"He's right Ella! Hindi mo nga naman kailangang tanungin pa ako. After all HE'S NOT MINE IN THE FIRST PLACE. I don't have the right na pigilan sya kung anong gustuhin nyang gawin. If he wants to dance with you, why not?"
I fake my smile para ipakitang hindi ako naaapektuhan. But I know in myself, deep inside it hurts.
"Bespren..." May pag-aalinlangang tawag nya sa pangalan ko.
"Ano ka ba okay lang ako. Sayaw lang naman pala eh, diba?"
Gustuhin ko mang hadlangan iyon, ngunit katulad ng ipinamukha nya sa akin, wala akong karapatang gawin iyon. Masakit, oo! Gusto ko sya eh kaya talagang masasaktan ako lalo na at bestfriend ko rin ang sangkot dito.
Bakit sa lahat ng babae, bakit kaibigan ko pa? Pwede namang ako na lang. O di kaya h'wag na lang syang tumayo sa kinauupuan nya. Kung si Zan pa iyon, mas okay pa. Pero SYA? Sya talaga? Bakit kailangang sya pa?
Sinasadya ba nya?
Para ano? Para ipamukha sa'kin na kahit anong gawin ko, kahit magpapapansin pa ako wala pa rin, hindi pa rin. Gano'n ba 'yun?
"Go na! Sayaw na kayo, sayang ang magandang music."
Hindi naman na ako tumingin pa kay Glen at iniiwas ko na lang dahil alam kong masaya sya ngayon. Masaya na nasasaktan nya ako. Wala naman syang pake if masaktan ako. Isa pa ginusto ko'to kaya paninindigan ko. Kahit masakit, kahit mahirap.
Hinila nito si Ella papunta sa gitna para isayaw. Pinigilan kong huwag silang tingnan dahil baka tuluyan lang na bumigay ang mga luha ko.
Ayokong magmukhang pathetic dito.
At dahil nasa dalawang taong sumasayaw ngayon ang atensyon nila, mas pinili ko na lang na umiwas doon. Wala namang nakapansin sa ginawa ko dahil tinutukso na nila ngayon ang dalawa.
May chemistry daw kasi ang mga ito.
Parang pinipiga ang puso ko sa komentong iyon mula sa isang pinsan ni Kuya Mico.
"Ang unfair mo Glen! Sobrang unfair mo!"