CHAPTER TEN
"ANONG MAS bagay sa'kin Margaux?"
"Iyong pink."
"Ayoko! Masyadong girly eh."
"Iyong yellow?"
"Mas lalong ayoko n'yan. Para akong si Beauty n'yan, eh wala naman akong Beast."
"Eh bakit nagtatanong ka pa sa'kin kung lahat ng pipiliin ko ayaw mo naman? Ano 'to? Lokohan?"
"Sorry naaaaa! Eto na nga, pili ka na ulit."
Naglakad ako papunta sa may couple shirts at may nakita akong royal blue one-shoulder dress. Kinuha ko iyon saka naglakad palapit sa pwesto ni Ella. Iniharap ko naman ito sa katawan nya.
"Hawakan mo, tapos ikot ka."
"O-kay?!"
Ginawa naman nito agad ang pinag-uutos ko. Hawak ang dress na nakalapat sa katawan nya ay umikot sya.
At nang magustuhan ko ang style nito at sakto lang sa sukat nya mabilis kong inapprove ang dress.
"Sukat mo, daliiiiii!"
"Oo na! Oo na!"
Nagmadali naman syang pumasok sa fitting room ng shop na kinalalagyan namin.
Nandito kami ngayon sa BEAU-TEA Gown and Jewerly Shop. Mamaya na kasi ang birthday party ni Kirko kaya umabsent kami ni Ella para bumili ng dress na susuotin mamayang gabi.
Napaka-arte pa naman nya sa damit na susuotin kaya talagang sinama pa ako sa pag-absent nya. Sayang tuloy ang isang araw na hindi ko masisilayan ang Hubby ko. Pero its okay, makikita ko rin naman sya mamaya. Kaya dapat lang din na pumili ako ng bonggalacious na dress for tonight.
Bumukas ang pinto ng fitting room at lumabas si Ella.
"Perfect!" Manghang wika ko sabay palakpak nang makita ang kinalabasan.
"Ang ganda! Sakto lang ang sukat sa bewang ko. Parang ginawa talaga para sa akin ang dress na ito. Dabest ka talaga pumili." Kumindat pa'to sakin.
"Nambola ka na naman. Ako naman ang pipili ng isusuot ka mamaya."
Hindi na ako nito sinagot dahil nakatitig na lang sya sa kanyang repleksiyon sa salamin. Narinig ko pa nga ang sinabi nya....
"Ang ganda mo talaga Ella! Ellabyu na talaga." Habang sinusuri ang dress sa harap ng salamin. Umiling iling na lang akong lumipat ng department at iniwan syang naiinlove sa sarili nya.
Marami na rin ang costumers lalo na at balitang sikat ang shop na ito sa mga fashionistang teenagers like us. May mga sikat na vlogger at artista ngang napi-features dito.
"Hi, Miss! What can I do for you?" Isang cute na saleslady ang lumapit sa akin. Medyo may kamukha sya nalimutan ko lang kung saan ko nakita.
"Ate naghahanap po kasi ako ng dress for occasions like birthday parties. 'Yung magmumukha akong simple pero bonggalacious ang datingan."
Napangiti naman ito ng malawak.
"Bongga! Actually meron kaming bagong labas na dress na siguradong babagay sa ganda mo. It made by my twin sisters by herself. At ikaw ang napili kong binibini na unang makakabili niyon. So, let's go?"
I smiled at her.
Mukhang magugustuhan ko ang dress na iyon.
"Sure!"
Iginaya ako nito sa isang department na may mga nakasabit na gown and different styles of dresses.
"Iyong nakita mo kanina sa may couple shirts section ay isa din sa mga design ng twin sister ko."
Mapapa-sana all ka na lang talaga. Sana all may talent sa pag-guhit ng mga damit at pagdesigns ng mga ito.
"Here!"
May kinuha itong purple off-shoulder korean bow bandage chic ruffle dress. Itinapat nito sa akin iyon saka ako pinaharap sa human size mirror.
"Ayan! Bagay na bagay sayo, hindi ako nagkamali. Mas lalong lumutang ang puti at ganda mo sa dress na ito. Isukat mo na, go!"
Pumasok naman ako sa fitting room na naroroon saka isinuot ang dress.
"Nice!"
Pagkatapos ay lumabas na ako.
"WOWWW!!!! You look elegant, Darling!"
Hinawakan nya ako sa braso at muling pinaharap sa salamin.
"Wow!!" Manghang bulalas ko nang mapagmasdan ang itsura ko sa salamin. Ang ganda ng dress!
Nagmumukha akong elegante. HAHAHA!
"Look at those sexy collarbone of yours. Mapapa-SANA ALL ka na lang talaga."
Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Kahit walang make-up, bonggalacious na. What more if naayusan ka na talaga?! Sure ako na lahat ng boys sa daraanan mo, mapapatingin sayo."
"Parang binobola nyo na ako ah." Tumatawang aniya ko.
"I'm just stating the fact, Darling!"
"By the way, thanks!"
"Always welcome, Darling."
"Kukunin ko na 'to."
"Very well decision."
PAGKATAPOS naming magbayad ay nagpicture muna kami ni Ella.
"Ang ganda natin dito bespren. Post mo 'to ah. Pasa mo sa'kin sa IG mamaya hah."
"Oo na! Myday ko muna 'to."
Nang makapili ng magandang pic ay pinost ko iyon sa story at myday ko with caption "Done buying OOTD for tonight".
After that ay lumabas na rin kami ng shop. Napag-alaman ko rin na Jeshlia and name ni ate girl kanina at Jenshia naman ang name ng kambal nya. Silang dalawa rin ang nagmamay-ari ng shop na ito at ang kambal nya ang designer ng dress and gowns.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay sya ring paghila niyon mula sa labas.
"WAAAHHH!" "OHHH?" Nagkagulatan pa kaming dalawa ng taong nasa labas ng pinto.
"ERISH!! Nandito din pala kayong dalawa?" Nakangiting wika ni Josh which is the one who almost bumped me.
"Ay wala, hindi talaga kami 'to. Kakambal namin 'to, oo."
He chuckled. "Very funny, Erish!"
"Nagpapatawa ba ako?"
"Ang sungit mo."
"Ang pangit mo." Singhal ko sabay irap. Tumingin naman ako sa likuran at nakita ko si Zan. Kumaway ito sa amin.
"Ano nga palang ginagawa nyo dito?" Tanong ko kay Zan pero iba ang sumagot.
"Magbi-beach? Malamang mamimili ng damit. Ano bang ginagawa sa shop?"
"Kakain, oo, kakain. Kakain kami sa loob. Bawal ba kumain sa loob? Bawal? May binibenta ngang tea eh, so bawal din uminom ng tea sa loob? Shopping lang talaga?"
"Bakit galit ka? Anong ipinaglalaban mo?"
"Karapatan ko, bakit angal ka? HAH? HAH?" Taas-noong hinamon ko sya na nagpatawa naman dito.
""Stop na, kay? We're invited on Kirko's birthday later, remember? Nag-iinarte si Zan kaya inaya nya kaming bumili ng isusuot."
"Hoy! Bakit ako ang dinamay mo d'yan? Diba nga sa kabila dapat tayo pupunta kasi ayaw mong magpakita sa kambal pero nakita mo story ni Erish nagbago isip mo. Dito mo kami hinila ni Glen."
Pekeng umubo naman si Joshna ikinataas ng kilay ko.
"Story?"
"Ig story mo."
Tumingin ako kay Josh. "Mutual ba tayo sa IG?"
"Sa social media nga lang tayo mutual eh."
"Dapat di na lang ako nagtanong. Bumanat ka na naman."
"But wait... kilala nyo ang may-ari ng shop na'to?"
"Hindi lang kilala, kilalang kilala lang namin dahil kapatid ni Pareng Josh ang kambal." Nanlaki ang mga mata namin ni Ella at nagkatinginan dahil sa sagot ni Zan.
"Kapatid mo?" I asked Josh with wide eyes.
"Hindi ba halata? Ako lang naman ang nag-iisa nilang kapatid na hot, gwapo, famous, malakas ang dating—"
"Ampon ka siguro. Ang gaganda nila tapos ikaw?" Ni-head to foot ko sya. "Ampon ka nga talaga."
"Tingnan mo'to!!!"
"ANO?!! ANO?!!"
"EHHEEEMMM! In case nakakalimutan n'yong dalawa, nandito pa po kami ohhh."
Napatigil ako at napatingin kay Ella na s'yang sumingit. And I almost forgot na nasa gitna pala kami ng mismong pinto.
Napakamot naman sa batok si Josh saka gumilid para makadaan kami palabas pero humarang bigla ang taong kanina ko pa gustong makita.
Suot na naman nito ang iritableng mukha na para bang lagi na lang inis sa paligid nya.
"Hi, Hubby!" masiglang bati ko kay Glen.
"Excuse me, you're blocking the way!"
Laglag ang pangang napatitig ako kay Glen. Naramdaman ko namang hinila ako ni Ella pabalik para mabigyan sila ng space papasok.
At kulang na lang ay ihambalos ko kay Josh ang paper bag ng mga pinamili namin dahil sa malutong n'yang tawa.
"Pffttt... HAHAHAHAHAHAHAHA! May funny 'yon. HAHAHAHAHA!"
Sumunod naman si Zan sa nagsusungit na kaibigan with apologetic smile. Habang si Josh naman ay hindi pa rin humuhupa ang pagtawa sa harapan ko pa mismo.
"TANG IN A CAN KA TALAGA!!! LUMAYAS KA SA HARAPAN KO, BWESIT!"
Nagmamadaling tumakbo naman ito papalayo habang naka-peace sign pa. Takot na mabatukan ko.
Nakuuuu! Kung hindi talaga sya umalis nakatikim agad sya sa akin ng sampong sapak, baliktaran pa. Pinanginginig nya kalamnan ko. BWESIT!
Napahiya na nga, tinawanan pa. HMP!
Inakbayan naman ako ni Ella saka hinila palabas ng shop. Dumiretso kami sa katapat na ChowQueen.
"Alam mo, ikain na lang natin yan. Ako na ang oorder ng foods natin. Hanap ka na ng table."
Tumango lang ako sa kanya tsaka sya nagtungo sa counter. Bagsak ang balikat na naghanap naman ako ng available seats for us. Saktong may vacant table katabi ng glass wall. Iyon na lang ang napili ko dahil kitang kita ang labas.
Pabagsak na dumukmo ako sa table pagka-upo ko. Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na rin si Ella together with our order.
"Ikain mo na lang yan bespren. Gutom lang yan eh."
Nilapag nya sa ibabaw ng mesa lahat ng inorder nya, from pizza to spaghetti at kung anu-ano pa. Take note may dessert pa.
Ngiwing tumunghay ako sa kanya.
"Bibitayin na ba tayo mamaya? Parang pang isang buwang kainan na'to ah."
"Ano ka ba! Gutom ako kaya kakain ako. Ikaw kung hindi ka kakain sige lang, magutom ka d'yan."
I takes a deep breath. "How to uncrush you, Glen?" Tamad na bulalas ko. Walang ganang bumungtong hininga sabay kagat ng malaking slice ng pizza.
Pero agad ring nanlaki ang mga mata at mangiyak-ngiyak na tumingin kay Ella.
"AAAHHHHH! ANG ANGHANG ELLA!"
Mabilis na nilumod ko ang kinakain saka uminom ng icetea para mawala ang init at anghang sa aking dila.
"AAAAHHHHHHH! Anghang pa rin."
Natatawang inabot nya sa akin ang isang cup ng icecream. Kinuha ko naman agad iyon saka kinain at hinayaang matunaw sa aking bibig.
"Tulaley ka kasi tapos may kung anu-ano ka pang binubulong dyan na di ko maintindihan, kaya di mo nakitang nilagyan ko ng hot sauce yung pizza. Sorry na!!!"
"Pasalamat ka gutom din ako ngayon kaya kakainin ko yan kahit gaano pa kaanghang."
"Hehehe! Kain ka pa. Ohh, spaghetti."
Pansamantalang napunta ang atensiyon ko sa pagkain at hindi ko muna inintindi ang pagsusungit ni Glen kanina.
PAGDATING ng 7:30 pm ay dinaanan ako ni Ella sa bahay at sabay kaming pumunta sa bahay ng pinsan nya.
Nagpaabot na lang ng pagbati at gift sina Mom at Dad para kay Kairo. Hindi kasi sila makakapunta dahil may duty pa si Mommy sa ospital at may paper works pang pipirmahan si Dad sa opisina.
Always silang busy na talagang ikinatatampo ko. Tuwing weekends na lang kasi kami palaging nagkikita ng buong araw at sabay-sabay na kumakain from breakfast to dinner. Minsan na lang din kami magbonding as whole family dahil masyado silang busy sa trabaho.
Si Mom ay isang pinakamagaling na doctor sa St. Medicol Private Hospital na pagmamay-ari ng pamilya namin. Si Dad naman ay CEO ng Santanilla Group of Companies. Ang S. G. C ay tatlong kompanyang gumagawa ng iba't ibang gadgets at apps. May automotive department rin na kung saan dito naman nagbebenta ng iba't ibang klase ng bigbike, car at kung anu-ano pa. Mula sa pinaka-mura hanggang sa pinaka-mahal na sasakyan. Sa kompanyang ito rin makabibili ng pinakasikat na sasakyan na hindi pa nagkakaroon ang ibang bansa. Sa amin din kumukuha ng kotse ang companies from outside the country kaya talagang busy si Dad.
And last but not the least, may advertising agency din ang S. G. C which isa sa pinakasikat ng advertising company ngayon. Lahat ng artistang makikita sa billboard and magazines ay sa amin nagmumula.
Kaya hindi ko rin mapigilan sina Mom at Dad na magwork dahil pinabubuti nila ang pagmamanage ng business na iniwan sa kanila nina Lola at Lolo.
Pagpasok pa lang ng gate nina Kuya Mico ay agad na sumalubong sa amin ang maliwanag na kabahayan. May tugtugin din nagmumula sa hardin kung saan ginaganap ang party for Kirko.
Pagpasok namin sa loob ay iginaya agad kami ni Yaya Fe papunta sa hardin. Mula sa pintuan ay nakangiting mukha agad ni Kirko ang bumungad sa amin ni Ella.
"Tita Ella! Tita Ganda!"
"Hi, Handsome Kirko! Happy Birthday!" I hugged him before kiss his forehead. "Gift namin nina Mommy for you. Happy birthday din daw."
"WOW!!! Thank you Tita Ganda! Pakisabi na rin kina Momshie at Papshie na thank you."
"Always welcome handsome!" Namula naman ang pisnge nito. Cute!
"Nagblush pa. Hoy, bata ka pa ah!" Bulalas ni Ella. "Joke lang! Halika nga rito batang pasaway."
Nakangiting lumapit naman si Kirko. Pinisil ni Ella ang pisnge ng bata at pinanggigilan ito.
"Bata ka pa kaya h'wag ka munang tutulad sa Daddy mong binuntis agad ang Mommy mo kahit college pa lang sila ah."
Mabilis na pinalo ko naman si Ella sa braso. "Hoy! Ang daldal mo talaga."
"Tinuturuan ko lang. Ah basta! Bata ka pa kaya gatas muna h'wag alak agad."
Natatawang napa-iling na lamang ako. Juskong babae talaga 'to oh.
Pagkatapos iabot ang gift namin kay Kirko ay dinala nya kaming dalawa ng Tita nya palapit sa pwesto ng mga magulang nya.
"May date na ba kayo mga Titas?" tanong nila habang hila-hila kami.
Nagkatinginan kami ni Ella.
"Date? Required ba?" takang tanong ko.
"Wala kayong date? Sige! Ako na lang magbibigay sa inyo ng date."
"Ehhh?"
Juskong bata ito oh.
Sinamaan ko ng tingin si Ella. "Ayan! Ayan ang resulta ng mga sinasabi mo."
"Bakit ako? Sadyang matured lang talaga mag-isip ang batang ito."
Napairap na lamang ako. Date? Seriously? Date talaga? Required bang may date ang mga dadalo sa birthday ng batang ito?
At ganoon na lang ang kaba ko ng kumaway si Kirko sa isang grupo ng kalalakihan na nagtatawanan sa may di kalayuan.
"Kuya Glen! Kuya Glen! Nandito na delivery mo. Walang bawas, walang kulang. Fresh from recto, mainit-init pa."