Chapter 2
"Prinsesa!"
Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ng isang kawal na may hawak na espada. Nakayuko na ito sa akin ngayon habang nakatanggal ang sumbrero at nakalagay sa kaliwang dibdib.
"Ako po ay humihingi ng paumanhin kung kayo po ay aming naistorbo dito sa hardin ninyo," promal na sabi ng kawal habang nanatili itong nakayuko.
Nakita ko kung paano sikuhin ng matandang kawal ang isang binatilyo na kasama nito, Siguro siya yung kasama ng aming kawal na nag papalitan ng tunog ng espada.
"Humingi ka ng tawad sa dyosa kung gusto mo pang mabuhay."
Rinig kong bulong ng aming kawal sa binata. Ano? Mukha ko ba silang papatayin kapag hindi nila ako nabati ngayon, o humingi ng tawad? Hindi naman ako nasaktan sa ginagawa nila eh.
Unti unting tinanggal ng binata ang kanyang sumbrero at yumuko rin kagaya ng ginawa ng aming kawal. Tuloy ay lumitaw ang natural na kulay nitong berdeng mga buhok.
"Paumanhin, dyosa ng mundo, hindi na po mauulit," halatang labas sa ilong ang sinabi ng binata na ito kaya nakatanggap ito ng batok mula sa katabi niyang kawal, na naging dahilan kung bakit muntik ng lumapat ang mukha niya sa lupa.
Napangiwi ako, "Maaari na po kayong maka alis."
Agad na umayos ng tayo ang dalawang kawal at sumaludo pa ang nakatatanda sa akin, "Maraming salamat, prinsesa. Ako na po ang humihingi sa pagiging suplado ng aking pamangkin," he glanced at the man beside him, "huwag po kayong mag-alala, tututuran mo po siyang ng leksyon sa ginawa niya."
Tipid naman akong ngumiti habang pinagmamasdan silang dalawa na maglakad paalis. Nakita ko pa kung paano muling kaltukin ng matandang kawal ang kanyang pamangkin habang sila ay naglalakad. Napangiti ako at napailing iling saka ako tumalikod at nagpasya na bumalik sa loob ng palasyo.
Kaliwa at kanan ang naging pagbati sa akin ng mga kawal at tagapagsilbi na nadadaanan ko papasok. Naabutan ko si Solana na nakaupo sa sala habang may hawak na isang laruan. Napatingin siya sa akin ng maramdaman niya ang presnsya ko.
"Ate!" Tumatakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako na para bang hindi niya ako nakita kanina lang.
Napangiti ako at hinapit siya palapit sa akin. Kahit kailan, itong bunso namin ay napaka lambing sa kahit kanino.
"Tapos mo na bang ayusin ang sumbrero na ginagawa mo kanina?" Malumanay kong tanong habang nag lalakad kami patungo sa mesa kung nasaan nakakalat ang mga sinulid na aming ginagamit. Nakalagay ang kanang kamay ko sa likuran niya bilang alalay.
Tiningala ako ni Solana at nahihiyang napakamot sa tungki ng ilong niya, "Ah... eh, hehe, hindi pa po ate."
Hinagod ko ang mahabang tsokolateng buhok niya, "Ayos lamang iyon, Solana," nilingon ko ang paligid at binalik ulit ang tingin ko sa kapatid ko, "Nasaan pala si Diana?"
As if on cue ay nakita ko si Diana na bumababa mula sa ikalawang palapag, habang hawak sa kannag kamay ang scarf na nagawa biya at sa kanang kamay naman ay yung malaking sinulid na bilog.
"Ate! Present!"
Napatakip ako sa bibig ko at bahagyang tumawa, "Ikaw talaga, baka kung saan saan mo malapag ang sinulid mo."
Pinaupo ko sila pareho sa papag para ipag patuloy nila pareho ang kanilabg binuburda. Ang akin naman kasi ay stuff toy pero maliit lamang iyon kaya madali ko lang natapos. Aayusin ko nalang ang mga sinulid na nakalawit sa labas ng laruan ko. Iniisip ko nga na ibigay kay Cassius itong ginawa ko, pero kailan naman kaya siya ulit bibisita sa palasyo?
"Ate, mukhang malalim ata ang iniisip mo?"
"Penny for your thoughts?"
Napalingon ako sa dalawang kapatid ko na tinititigan pala ako kanjna pa, pinagmamasdan ang reaksyon ko.
Umiling ako at sabay na sinuklay ang buhok nila, "Okay lang ako, no worries," nginitian ko sila pareho.
Mag sasalita pa sana si Diana ng makarinig kmai ng ingay mula sa labas. Agad akong napatayo para silipin kung ano nag nangyayari sa labas. My sisters are right behind me while walking.
"Ang hari at reyna ay nag balik na!"
Napalingon ako sa mga tagapagsilbi namin na nandito sa loob na hindi na magkandaugaga para salubingin ang mga magulang namin. Nagkatinginan kaming magkakapatid at pare-parehong napangiti.
"Salubingin din natin sila mommy at daddy, ate," nagtatatalon si Solana habang pumapalakpak pa.
Ganon nga ang ginawa namin. Lumabas kami ng palasyo at nakihalo sa mga tagapagsilbi at kawal na nakalinya para salubingin na sila mommy.
"Sa harap po kayo pumwesto, mga mahal na prinsesa," sabi ng kawal na nakatagpo ko kanjna lang sa hardin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at hinawakan ang dalawang kapatid ko sa magkabilang kamay nila, saka ako nag lakad papubta sa pinaka harap. I was standing in the middle, waiting for the gate of our castle to open, to welcome our parents.
Unti-unti ay nakarinig akk ng tunog ng kabayo, kaya alam ko na papalapit na sila sa gate ng palasyo.
"Maligayang pagbabalik, Queen Ariella at King Dimitri!"
Halos mabingi ako sa tunog ng trumpeta na unalingawngaw sa buong kaharian, bilang pag salubong sa aming mga magulang. Unang lumabas si daddy sa sinasakyan na kalesa saka niya inalalayan pababa si mommy. Nawala sa mula sa pagkakahawak ko nag mga kapatid ko, at nag takbuhan silang dalawa papunta kanila mommy.
"Welcome back, mommy! Daddy!" Tinaas ni Solana ang dalawang braso niya, mistulang nag papakarga siya.
Yumuko si daddy para mabuhat niya si Solana, saka niya hinalikan ito sa noo, "Our baby princess. Did you miss us?"
Sunod-sunod na tumango si Solana, "Yes po!"
Si Diana naman ay yumakap sa bewang ni mommy. Hinalikan nila mommy at daddy si Solana at Diana. Akk naman ay unti unting nah lakad palapit sa kanila.
"Welcome back, po," nakangiti kong sabi.
Napatingin sa gawi kk sila mommy at hinatak ako papit ni daddy sa kanya. Naramdaman kong hinalikan ako ni daddy sa noo, kaya napapapikit ako, "Our eldest daughter."
Napatingin ako sa gawi ni mommy ng hawakan niya ang braso ko, "Mag uusap tayo ng daddy mo mamaya."
Agad namna akong tumango bilang tugon. Pumasok kami sa loob ng palasyo ng ganon ang posisyon. Si Diana ay nakahawak sa bewang ni mommy. Si Solana ay karga ni daddy, at ako naman ay hawak ni daddy sa bewang gamit ang libreng kamay niya. Panay naman ang yuko ng mga kawal at tagapagsilbi sa tuwing dumadaan kami, at panay naman din ang tango nila mommy sa kanila.
"Pumasok muna kayo sa kwarto niyo, Solana, Diana," malumanay at malambing na sabi ni mommy sa dalawang kapatid ko.
Nag pababa si Solana para maharap niya si mommy, "Okay po!"
Sabay silang pumasok sa kanilang kwarto, kaya naiwan kaming tatlo nila mommy sa pasilyo. Dad and mom held my hand before they guide me towards a dark room. Akala kk kung anong kwarto iyon, pero tanging isang sofa lang ang makikita sa ginta at kulob ang kwarto, walang mga bintana.
"May nangyari po ba habang nasa labas po kayo? Kamusta po ang mundo ng mga mortal?" Sunod-sunod kong tanong.
Pinaupo nila ako bago sila tumayo sa harapan ko. I was looking up to them while my forehead is creased.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni mommy kaya napatingin ako sa kanya, "Kinakailangan mo ng pumunta sa mundo ng mga mortal."
Kumalabog ang puso ko. Kailangan ko na? Agad-agad? Ganon ba ka urgent ang nangyari sa mundo nila? Pero.... ano ba ang nangyari sa paglalakbay nila mommy?
"A-ano po ba ang nangyari?" Nag salit salitan ang tingin ko sa kanikang dalawa ni daddy.
Si daddy ang naupo sa tabi ko at hinapit ako palapit sa kanya, "Nag sisimulang mag himagsik ang mga lahi sa kabilang mundo," marahan na nag tataas baba ang kamay niya sa braso ko.
Kabilang mundo? Ang lahi nila..... Cassius.
"Kinakailangan na ng mga mortal ang kanilang pinuno, Gaia," lumuhod si mommy sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko na nasa kandungan ko, "kailangan ka na nila anak ko. Dyosa ng mundo."
Napalunok ako habang nakatitig sa asul na mga mata ni mommy na unti unting nagiging kulay lila. Nang lingunin ko si daddy ay ang mga mata niyang kulay berde ay nagiging kulay lila na.
Dahan dahan akong tumango," Kung ganon, pupunta na po ako sa mundo ng mga mortal," tinigban ko ang mga magulang ko, "sisimulan ko na pong gampan ang tungkulkn ko, bilang dyosa ng mundo."
Napangiti sila pareho sa naging sagot ko, "Aasahan namin na sa oras na bumalik ka sa atibg kaharian, maayos na ang mundo ng mga mortal. Malayo na sa kapahamakan mula sa kamay ng mga bampira," sabi ni mommy at ngumiti na lamang ako sa kanya.
"Bukas.... bukas ako pupunta sa mundo ng mga mortal, dahil nag sisimula ng mangahas ang mga lahi mo sa mundong pinamamahalaan ko," sabi ko ay Cassius habang nag papabalik balik ng lakad sa loob ng kwarto ko.
Pagkatapos kasi ako kausapin ng mga magukabg ko kanina sa kwartong iyon, ay pinabalik na nila akk sa kwarto ko. Napag alaman ko rin na ang kwartong iykn ang magsisilbing lagusan ko papunta sa mundo ng mga mortal.
Pag balik ko galing sa kwartong iyon ay naabutan ko si Cassius na prebteng prenteng nakaupo sa hamba ng bintana ko, iniintay ang pag pasok ko. Ang dalawang paa niya ay nakataas habang ang likuran ay nakasandal sa hamba. Nakatingin pa siya sa buwan at pinalalaruan ang mapupulang labi gamit ang kamay.
Bumaba si Cassius mula sa pagkakaupo sa hamba ng bintana ko at nag lakad palapit sa akin, "What do you mean?"
Naupo ako sa kama ko habang siya ay nanatiling nakatayo sa harapan ko at nakapamewang, "Your race...... you're trying to meddle with our world, Cassius. Parang nangyari noon," problemado kong naihilamos ang palad ko sa mukha ko.
Kumunot ang noo ni Cassius bago lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay iyon sa kandungan ko, "I will go back to my world and try to help you with this mission," pinagsiklop niya ang dalawang kamay namin, "hindi kita iiwan sa laban, kung hindi ay sasamahan pa kita."
Tinitigan ko siya sa mga mata niya para tignan kung seryoso ba siya sa sinasbai niya, at wala akong makitang ibnag emosyon kung hindi ay sinseridad lamang, "Kahit kalahi mo pa?"
Tumango siya at hinalikan ang likuran ng kamay ko na magkasiklop aa kamay niya, "Kahit kalahi ko pa iyan."
Tinignan ko ang kwarto ko at napako ang mata kk sa isang bagay na nasa bed side table. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya para kunin ang laruan na iyon. Ramdam kong sinusundan ng tingin ako ni Cassius.
"Here," inabot ko sa kanya ang crochet ng stuff toy na mundo na nakangiti at may paa at kamay. Kinuha ni Cassius iyon at pinagmasdan.
"This is beautiful," tinignan ako ni Cassius ng may malapad na ngiti, "thanks."
"Sasamahan mo ba talaga ako?" Pagbabalik ko sa usapan namin kanina.
Sumeryoso ang mukha ni Cassius, "Of course."
Kumunot ang noo ko at nag salubong ang dalawanf kilay ko, "Bakit? Are you even my mate?"
Tumitig sa akin ang magkaibang kulay ng mga mata niya na unti unting nagiging kulay pula na. I was waiting for him to say something pero hindi siya umimik hanggang sa marinig ko ang mga boses nila mommy sa labas. I was about to open the door ng maramdaman ko ang malamig na hnagin na bumalot sa akin.
And when I look at Cassius' place, he is no longer there.