Chapter 1

I am the heir.

I am the earth goddess, the newly crowned earth goddess. Si lola ang nagmamay-ari ng tronong iyon noon, pero namatay siya kaya kailangan ipasa ang trono niya sa panganay na anak ng hari sa oras na tumuntong ito sa edad na labing-anim, at ako iyon. Panganay ako sa tatlong magkakaptid, at puro kami mga babae. Iyong sumunod sa akin ay si Diana, sa kanya mapupunta ang troni ng pagiging moon goddess. Sa susunod na taon siya ihahalal para maging ganap na isang dyosa. At ang panghuli naman na si Solana ang siyang ihahalal bilang sun goddess sa takdang panahon.

My family is part of the royal family that rooted from the bloodline of both god and goddesses. Hindi nahaluan ng kahit na anong lahi ang dugong nananalantay sa akin. Mabigat ang tungkulin ko bilang isang prinsesa, na isa rin dyosa. We are not only ruling one race, but the whole world itself. Kasama na dito ang mga mortal. Though, hindi nila alam na ang kanilang pinuno ay isang dyosa na edad labing-walo palang. Wala silang alam na totoo ang lahi namin. Kaagapay ko sila ina at ama sa pamumuno ng mundo, at madalas sila ang kumikilos doon dahil wala pa naman akong masyadong alam. Sa totoo lang, wala naman akong alam sa pamumuno na iyan.

Hindi katulad nila Diana at Solana.

"Princess Gaia, can you come down here?" Narinig kong sabi ng isa sa mga tagapagsilbi namin dito sa palasyo.

Pabuntong hininga kong sinara ang libro na binabasa ko ngayon sa tapat ng malaking bintana ng kwarto ko, kung saan tanaw ang kagubatan hindi kalayuan sa palasyo.

"Coming!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa isang ancient chair na gawa sa gold at may bulaklak na disenyo sa sandalan at foam na pinaguupuan. Bago tuluyan lumabas ay dumaan muna ako sa full-length mirror na meron dito sa kwarto ko para tignan kung presentable ba ang suot ko. For sure kasi nandyan na naman ang maestra naming magkakapatid na mag tuturo sa amin kung ano ang dapat ginagawa ng isang dyosa, paano kumilos ng parang prinsesa, paano mamuno sa mundo at kung ano-ano pang mga kinakailangan namin malaman bilang anak na mula sa pamilya na namumuno ng mundo.

Suot ko lamang ay isang puting dress na may haba hanggang sa ibaba ng tuhod ko. Ang manggas ay hanggang sa siko ko at puti ring sandalas. May disenyo ito ng maliliit na dahon sa buong bestida ko, palatandaan na ako ang dyosa ng mundo. Palaging may ganitong disenyo ang suot kong damit, para hindi na malilito ang mga tao. Nakatali rin ang kukay blonde na buhok ko ng half bun at pinantali ko doon ay ang puting ribbon. Ang mga hindi naisama na buhok sa pag tali ay hinayaan kong nakabagsak para makita ang natural nitong pagkakulot ng kaunti.

Nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko, na mas malaki pa sa akin, ay kasabay naman nito ang pagbukas ng pintuan ng kapatid ko na sumunod sa akin, si Diana. Gaya ko ay nakaputing bestida rin siya na hanggang tuhod ang haba, hanggang siko rin ang manggas at puting sandalas. Ang kinaibahan lang namin ay ang disenyo ng damit niya ay buwan at nagkaiba rin kami sa kulay ng buhok. Kung sa akin ay purong blonde ang makikita, ang sa kanya naman ay nahaluaan ito ng kulay brown kaya hindi ito gaano katingkad gaya ng akin. Habang kag Solana na bunso namin ay purong brown na ang buhok niya.

Marami kaming pagkakaiba magkakapatid kaya kahit magkakamukha kami, ay hindi nahihirapan ang mga tao na malaman kung sino ang sino. Katulad nalang kulay ng aming mga buhok, pero hindi lang iyon. Kulay green ang mata ko, si Diana ay kulay blue at si Solana naman ay kulay grey. May light freckles ako na bumabagtas mula sa ilalim ng mata ko hanggang sa tulay ng ilong ko. Si Diana ay may dimples sa magkabilang pisngi at si Solana, mayroon siyang nunal sa gilid ng labi niya.

"Ate," tawag ni Diana sa akin kaya agad naman akong lumapit sa kanya.

"Ano iyon?" Nakalagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang side ko.

Ngunit umiling lang si Diana habang nakangiti, "Sabay na po tayo bumaba."

Magkatabi kaming dalawa ni Diana habang binabagtas namin ang mahabang pasilyo papunta sa malaking hagdan ng palasyo. Mula rito ay kita mo ang halos kasing laki ng pader ang portrait naming pamilya, mas malaki pa nga ito actually sa amin at parang langgam lang ako kung itatabi ako sa portrait. Sa larawan, si daddy at mommy ay magkatabing nakaupo sa pulang sofa na may gold na metal. Pareha silang naka bihis hari at reyna, at may korona.

Right after my grandparents died due to that war within our kingdom, my parents were crowned as the new king and queen. Pero hindi ibig sabihin non ay sila ang namamahala na sa buong mundo, dahil ang kanilang tungkulin ay sa loob lamang ng kaharian ng mga dyos at dyosa. Kaming tatlong magkakapatid nagkalat sa likuran at gilid nila mommy. Si Diana ay nakaupo sa armrest ni daddy, na nasa kaliwang bahagi, habang si Solana ay nasa kanang bahagi naman nakaupo, malapit kay mommy. Ako ang nakatayo sa likuran nila mommy at nakasuot din ng maliit na corona. Walang korona ang dalawang kapatid ko, pero naka headband lang sila na kulay gold at may ribbon na puti.

"Princess," bati ng maestra pagdating namin sa dining area.

Nakipag kamay siya sa akin at bahagya akong yumuko at ganon din kay Diana, "Prinsesa," iyon naman ang bati ng maestra kay Diana.

Naabutan ko si Solana na nandoon na sa dining area. Nakaupo na siya sa pwesto niya sa kainan at pinagsisilbihan na siya ng mga tagapagsilbi namin. Mas dumagsa pa nga ang mga maid nang bumaba kami ni Diana dito. Ang ituturo sa amin ngayon ng maestra sa amin ay tungkol sa pag gawa ng gantsilyo. Paulit ulit na nga itong itinuturo sa amin simula noong bata pa kami at marami na nga akong nagagawa na iba't ibang mga disenyo.

"Kunin niyo na ang mga sinulid ninyo," anunsyo ni maestra sa amin magkakapatid.

Halos mga ilang oras din kami doon dahil iniisa isa kami ng mentor namin para matignan kung natutuo ba talaga kami. Pagkatapos ng pag tuturo ay binigyan kami ng ilang minuto para mag pahinga. Nag pasya akong mag ikot sa labas ng palasyo namin. Mataas ang sikat ng araw pero hindi naman iyon naging dahilan na papasok ako ulit sa loob. Malamig ang simoy ng hangin kahit tumatama sa balat ko ang sikat ng araw.

Nasa hardin ako ng palasyo na kung saan may matataas na mga halaman. Para siyang maze kung titignan mula sa kwarto ko. Naupo ako sa bench na nasa gitna ng maze na hardin namin. Mahangin ngayon kaya masarap sa pakiramdam. Ang bawat hampas ng malamig na hangin sa balat ko ay nagdudulot ng ibang pakiramdam sa akin.

Kaso bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig sa paligid ko. Parang mas lumamig bigla ang paligid at bumigat ang pakiramdam ko. Ako lang naman mag isa pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

Hindi kaya.....

"Gaia...."

Lumabas sa mga talahiban ang lalaking nag mamay ari ng mababa at malamig na boses na iyon. Magulo ang kulay pula niyang buhok pero hindi naman iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Puti ang balat niya, na sa sobrang puti ay putla na ang itsura nito. Nasalubong ko rin ang kakaibang mga mga niya kaya alam ko na agad kung sino ito.

Those blue and green eyes....

"Cassius...."

Ngumiti siya na naging dahilan kung bakit ko nakita ang mga pangil niya, pero hindi ako nakaramdam ng takot. Alam ko, dahil alam ko, kahit naiiba siya sa amin ay hindi niya ako sasaktan. Napatunayan ko na iyon noon pa, noong araw na iniligtas niya ako sa mga kauri niyang binalak akong patayin. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng saya at hindi maipaliwanag na pamiramdam sa puso ko habang magkatitig kaming dalawa.

Tumayo ako para salubungin si Cassius na mataman lamang na nakatingin sa akin ngayon, "A-ano ang ginagawa mo rito?" Nilibot ko ang pamingin ko sa buong hardin ng palasyo, "baka may makakita sayo rito, at mapatay ka pa," pinagtulakan ko siya paalis pero sadyang mas malakas siya sa akin.

Nang mahawakan ko ang malamig na balat niya sa braso, ay hinatak ko na siya paalis, pero hinawakan naman niya ang braso ko para hatakin ako pabalik, "Gaia, I didn't come all the way here just to be treated like this," kumikislap ang kanyang magkaibang kulay na mga mata na unti unting napapalitan ng kulay pula.

Kumunot ang noo ko, "What do you want me to do then?" hinarap ko siya ng magkakrus ang dalawang braso ko sa dibdib, "Inatyin lamang ang mga kawal na makita ka rito, at pagkatapos ano? Ikukulong ka nila sa dungeon ng palasyo para doon kitilin?"

Ang pagkislap ng mga mata niya unti unting nawala at bumalik iyon sa normal na kulay, nawala na rin ang pangil niya at bumalik na sa normal na itsura. Kung kanina ay sobrang dilim ng emosyon sa mukha niya, ngayon naman ay nakangisi na siya, "Concern?"

Umangat ang isang kilay ko, "Stop assuming, you red blooded eyes."

He laughed sarcastically, "If you say so, earth goddess," yumuko pa ito ng bahagya habang ang kanang kamay niya ay nakalapat sa kaliwang dibdib.

Suminghap ako, "H-how did you know?" As far as I can remember, we never had a chance to interact with each other, after that night.

Cassius smirked, "Of course I know," walang sing bilis siyang lumapit sa akin, parang humangin lang at nasa harapan ko na agad ang bampirang ito, "I need to know all your informations, princess," bulong nito mismo sa tainga ko na nagdulot ng kilabot sa akin.

He played with the strands of my blonde hair before he twist the ends of my hair on his finger, "I need to know you more, mi amor."

What?!

Mag sasalita pa sana ako para itanong kung bakit niya akong tinawag sa ganon, ng pareho kaming makarinig ng tunog ng mga espada na nag sasalpukan. Agad na nanlaki ang mga mata ko, at tinulak si Cassius palayo sa hardin na ito.

"Kailangan mo ng umalis," pingatutulukan ko siya palayo, "hindi pwedeng mahuli ka ni ama. Pareho tayong malalagot kapag nagkataon," pinipilit ko pa rin siyang umalis dahil palakas nang palakas ang tunog ng mga espada, ibig sabihin palapit sila nang palapit.

"Alright."

Mabilis pa sa alas kwarto niya akong nahalikan sa noo saka mabilis na humalo sa hangin. Napatitig ako sa kawalan na para bang nakikita ko ang tumatakbong rebulto ni Cassius sa malayo, kahit hindi naman.