Chapter 3

"Mag iingat ka sa paglalakbay mo, anak ko," hinalikan ako ni mommy sa noo ko kaya agad akong napapikit para damhin iyon.

Nakangiti na ako ng muli kong idinilat ang mga mata ko para tignan sila mommy at daddy, "Makakaasa po kayo na sa muling pag dating ko rito sa ating kaharian," inabot ko ang kamay nilang dalawa at mahigpit na hinawakan, "ay maayos ko pang iiwan ang mundo ng mga mortal."

Tinapik ako ni daddy sa balikat ko bago ako yakapin, "Aasahan namin ang iyong pagbabalik, anak ko," nag landas ang kanyang daliri sa pinsgi ko, "ang laki mo na. Back then, you were still small and now... wow, you are now ready to fullfil your duties."

Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko kaya napatingin ako sa gawi niya, "Bagamat ikaw ay nasa labing-walong taong gulang pa lamang, at wala pang gaano kaalaman patungkol sa pamamahala, humihingi ako ng paumanhin sayo dahil maaga mong naimulat ang mga mata mo sa ganitong bagay."

Umiling iling naman ako, "Mom, calm down. Wala naman pong kaso sa akin iyon," nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni mommy, "I should be ready ever since I was born, that when I grew up and something happens to my grandparents.... I will be the one incharge already to rule the world."

Hindi naman nag tagal ay bumukas na ang portal na papunta sa mundo ng mga mortal. My sisters are also here, sending me off together with my parents. I glanced at them for the last time with a smile plastered on my face. Kinawayan ko pa sila at binigyan sila ng flying kiss, bago tuluyan sumara ang lagusan.

Ilang minuto ang inintay ko bago ko maramdaman ang init ng araw na tumatama sa balat ko, Nakarinig na rin ako ng maraming boses sa paligid, at maging tunog ng kaliwa't kanang busina mula sa mga kotse. Nang saglit kong idilat ang mga mata ko, tumambad sa akin ang itsura ng mundong pinamamahalaan ko. Maraming mga tao na nag lalakad sa kalye, at may mga suot na sumbrero dahil tirik na tirik ang araw. Maraming bata rin ang nag tatakbuhan at isa na doon ay nabunggo pa ako habang nakikipaghabulan sa iba pang mga bata.

"Ate ganda, sorry po," nakangusong sabi ng bata na nakabangga sa akin.

Yumuko ako at umangat ang kamay para himasin ang ulo niya, "Ayos lang," nilingon ko ang mga batang kalaro niya kanina, "sige na, mukhang iniintay ka na nila."

Agad na umalis naman ang bata na nasa harapan ko, at tumatakbong lumapit sa grupo ng mga bata na nasa gilid. I smiled while looking at them, before I start walking. Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang gusto ko lang ngayon ay makapunta na sa sinasabing bahay na pinatayo nila mommy sa gitna ng lungsod na ito.

Natigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may nagmamasid sa akin. I'm not an ordinary creature, so I already sense that something is wrong. Pinatalas ko ang aking mga mata para masuri ko ang buong paligid. Sa gawing kanan ko ay puro puno ang makikita, at sa gawing kaliwa naman ay puro mga tindahan at kabahayan. Dahan-dahan akong nag patuloy sa paglalakad, para mapagmasdan ko pa lalo ang paligid.

"Ineng, ikaw ata ay naliligaw."

I automatically stepped back when four men blocked my way. Napalunok ako at taas noo ko silang tinignan. I keep on convincing myself that everything is going to be alright. I'm a goddess for crying out loud, and not just an ordinary goddess, but the Earth goddess. May kapangyarihan ako na talunin ang di hamak na mga mortal na kasalukuyang hinaharang ako. This happening feels like a deja vu...... parang nangyari noon, noong bata ako.

"Hindi. Kaya kung pupwede ay umalis na kayo sa dinaraanan ko."

Mag lalakad na sana ako ng hablutin ng isang lalaki ang braso ko. Sa bilis ng pangyayari ay nagawa kong mag labas ng gintong apoy sa kamay ko, at iyon ang naihawak ko sa kamay ng humawak sa akin. Automatikong naialis ng lalaking humablot sa akin ang kamay niya, at napalunod sa sakit.

"Ahhh! E-engkato! L-lumayo kayo!"

Mag takbuhan ang mga taong malapit sa amin, na nakakita ng ginawa ko sa lalaking namimilipit sa sakit ngayon sa harapan ko. He is holding his hand that is already turning black right now. Nanginginig kong tinignan ang mga kamay ko. Hindi. Hindi puwedeng gamitin ko ang abilidad ko sa di hamak na mortal lamang, dahil panigurado ay malala ang kahihinatnan non.

Dali dali akong tumakbo at iniwan ko ang lalaking nawalan na ng kamay ngayon dahil sa gintong apoy na ipinalabas ko kanina lang, His hand is already turning into ashes. Kung sa kauri ko tumama ang apoy na iyon, ay baka nakatulog lamang siya ng apat na buwan. Pero hindi iyon kaparehong kaso kapag mortal ang natamaan non. Mas mahina sila kunpara sa amin, kaya ang simpleng apoy na mula sa isang dyosa, ay nag dudulot ng pagkasunog sa kanilang balat.

"Hanapin niyo ang engkatong iyon! Dahil sa kanya, naging abo ang kamay ng kasamahan natin!"

"Tama! Tama! Nakasuot siya ng puting bestida, ginto ang buhok, berdeng mga mata at puti ang balat."

Narinig kong sabi ng mga lalaking kanina lamang ay hinarang ako. Dalawa lamang sila nag salita, pero may mga kasama pa silang apat na lalaki. Wala na rin sa pwestong iniwanan ko kanina iyong lalaking napuruhan dahil sa akin.

I immediately climbed the tree near me when I felt that they are already near my side, to hide myself from them. Sinisilip ko lamang sila sa baba mula sa puno na pinag uupuan ko, ngunit hindi ako maaaring mag tagal dito. Kailangan kong makarating sa bahay na sinasabi nila mommy. Kung kaya ko lang talaga mag teleport ay--

"I will help you."

Muntik pa akong mahulog sa sanga na inuupuan ko, ng may mag salita sa likuran ko, When I looked back, I saw a pair of brown eyes looking at me while smiling, showing his dimples on both cheeks. Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya. Agad na kumunot ang noo ko at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Malakas ang kutob ko na hindi siya mortal, at isang imortal, ngunit hindi ko natitiyak kung anong klaseng nilalang siya.

Kung parte ba siya ng mundong pinamumunuan ko, o mula siya sa mundong kinamumuhian ko.

Narinig ko siyang bahagyang tumawa at tinaas ang dalawang kamay niya sa ere, "Relax, our dear earth goddess. Isa akong lobo, kaya mula ako sa mundong pinamumunuan mo," may bahid na pang aasar pa ang boses niya kaya umiling iling ako.

A werwolf. That's the reason why his eyes are brown. Karamihan sa lahi nila ay may kulay brown na mga mata, kaya madali silang makasalamuha sa mga mortal. Hindi kasi nalalayo ang kanilang itsura mula sa mga tao dahil sa moreno nilang kulay. Ang kinaibahan lamang ay masyadong mainit ang kanilang temperetura sa katawan at nagiging kulay ginto ang kanilang mga mata kapag malapit sila sa kanilang mate o sila ay mag aanyo bilang lobo.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib at taas noo siyang tinignan, "You know how to teleport? Ang mga bampira lamang ang may kakayahan gumawa non," pinanliitan ko siya ng mga mata.

Pansin ko ang pagkabalisa niya dahil agad na umiwas siya ng tingin at tumingin sa paligid, na para bang wala ang kanyang dyosa sa harapan niya, "Ah... eh.. h-hindi kang naman po sila, dyosa, ang may kakayahan non."

Tumikhim ako kaya napaayos siya ng tinding, "Kinaukausap mo ay hindi lamang isang simpleng dyosa, aking kaibigan na lobo," nginitian ko pa siya.

Dahan dahan naman niyang sinalubong ang mga mata ko, na panigurado kong kukay lila na. Luminaw kais bigla ang buong paligid, at kitang kita ko ng malinaw ang bawat detalye ng kapaligiran. Sa hindi malaman na pagkakataon, ay nakita kong nag kukay ginto rin ang mga mata ng lobo na kausal ko ngayon, peor saglit lamang iyon at bumalik sa normal na kulay.

Agad na yumuko ang lobo sa harapan ko, "Paumanhin, aking dyosa, sa hindi pag respeto sa inyo." mahinang aniya.

Matagal kong pinagmasdan ang itsura niya. His head is lowered, avoiding any eye contact with me. Nakita ko rin kung paano niya pag laruan ang mga kamay niya na sa tingin ko ginagawa niya para mabaling ang kanyang atensyon.

Tumimhim ako muli at umiwas ng tingin, "Apology, accepted."

Mabilis na nag angat ng tingin ang lobo sa akin at malapad na ngumiti, Dumukwang nga siya palapit sa akin na ambang yayakapin ako, ng bigla siyang natauhan at umayos ng upo. Lihim akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya. He wanted to hug me, but he forgot that I am not just an odinary goddess, but their ruler.

"Nandito po ba kayo, aming dyosa, sa mundo ng mga mortal dahil po sa nangyari noong nakaraang linggo?" Nabaling ang tingin ko sa lobo na nasa harapan ko ngayon. Nang mag salubong ang mata namin ay nag lumikot ang mga mata niya, "a-ang ibig kong sabihin ay, iyong tungkol sa lahi mula sa ibang mundo."

Dahan dahan akong tumango, "Oo, isa iyon sa aking dahilan."

Sandaling natigilan siya bago nag lahat ng kamay sa akin, "Ako nga po pala si Lorcan Evandister," nakangiting sabi niya kaya halos hindi na makita ang mga mata niya.

"Evandister.... Evandister," pag uulit ko sa apelyido niya dahil pamikyar ang tunog non.

I heard him chuckle because of my whispers, so I immediately looked at his side and he immediately shut his mouth.

"Son of the Alpha?"

Sunod sunod na tumango si Lorca, "Opo, aming dyosa," yumuko ulit si Lorcan habang ang kamay ay nasa dibdib, "ulit, ako po ay nagagalak na makilala at makausap ka po."

I see. Kaya naman pala pamilyar ang apelyido, dahil anak pala siya ng isang Alpha.

"Paano mo ako matutulungan na pumunta sa bahay na pamamalagihan ko," sabi ko at agad na sumeryoso si Lorcan.

Bumuntong hininga pa siya na apra bang pagod na pagod na siya, "Gaya po ng sinabi ko kanina, may kakayahan po ako na mag teleport gaya po ng mga bampira,"

Sumingkit ang mga mata ako para tignan ang kalooban ng lobo na nasa harapan ko. Base naman sa kanyang mga informations, mapagmakatiwalaan ko naman siya na matutulungan niya akong pumunta doon sa bahay nila mommy at daddy.

Nilagad ko ang kamay ko kaya gulat na napatingin doon si Lorca, "Kung ganon, maaari mo ba akong tulungan, aking matalik na kaibigan na lobo na si Lorcan?"