Prologue

Run... run.... run as fast as you can!

Iyon ang mga huling salita na binigkas nila lola sa akin bago nila ako pinatakas sa nasusunog na palasyo. I was..... 6 or 7 years old during that time, and I have no idea of what is going on. Nagising nalang ako isang madaling araw, nagkakaguluhan na ang mga kawal sa labas, nakikipag laban sa...... hindi maipaliwanag na mga tao.

Kung tao man kung ituturi sila...

Basta umalingasaw nalang sa akin ang nasusunog na amoy, at ang mga sigaw na nagmumula sa labas. Our guards are fighting with those people who have crimson eyes. Saksi ako sa kung paano dinudukot ng mga mapupulang mata ang mga puso ng mga gwardya maging ang pag bali nito sa mga ulo.

My parents...... ayoko man isipan na nakalimutan nila ako dito sa palasyo pero hindi ko maiwasan hindi iyon isipin. Mom is pregnant with Hestia when those bloodsuckers invaded our kingdom, kaya kinakailangan nila ang agaran na pag likas mula dito. Rhea, she is suffering with lung disease, kaya kailangan din siyang ilayo dito para hindi makalanghap ng usok.

While me... I'm healthy, so I was left with my grandparents who were the rulers those time.

Lolo is fighting with the vampire king using his powers. Kita ko kung paano nag lalabas ng nakaksilaw na liwanag mula sa kanyang mga kamay para patumbahin ang kalaban, but that vampire is really a powerful one. Because he still managed to kill my grandfather.

Kami ni lola ay tinatahak na ang madilim at masukal na kagubatan para makatakas sa labanan. I can see the end of the forest, but it feels like, it is so near yet so far. Natigil kami sa pagtakbo ni lola nang harangin kami ng limang mga bampira. Sobrang pula ng mga mata nila, matutulis din ang mga kuko nila at lumalabas ang kanilang mga pangil. May bakas pa ng dugo ang kanilang mga bibig, simbolo na may pinatay na sila bago nila kami makita.

"Queen Arturia, give us your granddaughter," sabi ng bampira na nasa gitna at bahagya pang naglahad ang kamay sa akin.

Napalunok ako habang tinitignan ko ang kamay niya. I was naïve and innocent, that I wanted to go with them para matapos na ang gerang ito. Itinago ako ni lola sa kanyang likuran, "I will never give her to you. Hindi mangyayari ang nakasaad sa propesiya na iyan," nilingon ako ni lola, "run, princess, and never look back."

At dahil sa sinabi ni lola ay pinagtulungan nila siya para patayin. I was running away from all of them while crying. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa aking mata, pero patuloy lang ako sa pag takbo. Pinilit ko na huwag lumingon gaya ng sabi niya dahil panigurado, makikita ko kung paano mamatay ang reyna ng mga dyosa sa kamay ng mga bampira.

Not until those 5 vampires appeared in front of me, smirking, showing their fangs with a stain of blood. Dugo ni lola iyon panigurado, at sa isipin pa lang na patay na si lola at lolo dahil sa akin, ay nanghihina ako. Wala akong nagawa para matulungan sila sa labanan. Kung sana.... kung sana.

"Stop running away, princess," isang lalaking bampira ang biglang tumabi sa akin sa kaliwa at hinawi ang buhok ko para amoyin ako.

Isang bampira rin ang lumapit sa aking kanan para amoyin ang leeg ko. I was crying while looking at three vampires left in front of me who are smirking. Alam ko sa sarili ko na wala akong laban sa kanila. I was a kid. I don't have the capability to fight them.... yet.

Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pangil ng isang bampira na dumikit na sa leeg ko. I was murmering my last words. Alam ko, katapusan ko na sa oras na bumaon ang pangil nila sa akin. I don't know what to do, so I just accepted my fate.

Inintay ko na bumaon ang pangil nila sa balat ko, na hindi nangyari. All of a sudden, nawala ang presensiya ng mga bampira sa paligid ko. I slowly opened my eyes and there I saw, a man who is fighting those 5 vampires alone. Wala itong suot pang itaas at tanging maong pants lang suot nito. Magulo rin ang kanyang buhok na kulay pula, kasing pula ng...... mata niya?

"I warned all of you not to touch her," nanlamig ako nang marinig ko ang malamig at seryosong tinig ng lalaki na nilalaban ang kanyang kalahi.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikipagpalitan siya ng suntok at kalmot sa limang bampira na kanina lang ay hinarang ako. Hindi pa ako nakakakurap ng mabilis siyang pumunta sa harapan ko at hinawakan ang braso ko para hilahin ako sa likuran niya. I can feel his ice-cold hands touching my warm skin.

Natigil din ang sagupaan nilang anim, at mabilis na umalis ang limang bampira sa harapan namin. Tuloy ay kami nalang ang naiwan dito sa madilim na bahagi ng kagubatan, na kung saan ang liwanag mula sa bilog na buwan lamang ang nagsisilbing liwanag.

Who are you?

"Later, Gaia," tila nabasa naman nung lalaking may hawak sa akin ang tanong sa isipan ko.

Slowly, this guy looked at me. Gone now those red eyes, and all I can see is the mixture of green and blue eye color. I was mesmerized and captivated by his eyes. Partial heterochromia ata ang tawag sa ganitong klaseng kondisyon na kung saan, magkahalong dalawang kulay ang nasa iisang mata. Bibihira ang ganitong klaseng mata.

Magkatitig lamang kaming dalawa habang nasa ilalaim kami ng puting buwan. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag dulas ng kanyang daliri sa pisngi ko, "I'm sorry you need to witness that," hinapit niya ako palapit sa kanya, "you are safe now," bulong nito at naramdaman ko ang baba niya sa uluhan ko.

"Let me take you to your family," binuhat niya ako ng pangkasal at tumakbo siya ng sobrang bilis hanggang sa makaabot kami sa dulo ng kagubatan. Nang makarating kami doon ay ibinaba na niya ako agad, "and Cassius for you, milady," hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim sa kagubatan.