Chapter 8. There's something in the Basement
Nilagyan ko nalang ng petroleum jelly ang mga lapnos ko sa kamay at paa.
Hindi naman na masyadong masakit, naglinis nalang muna ako ng bahay at siyaka ako naligo at nag bihis. Binaliwala ko nalamang ang pananakit ng buong katawan ko. Umupo ako sa kama at binuksan ang libro na hindi ko pa natatapos, galing pa to sa Library at kailangan matapos ko na to para maibalik ko na kaagad.
Ilang oras din akong nagbabasa at nakaramdam na ng gutom. Agad akong tumayo at tinungo kusina, pagtapos kong kumain agad akong pumasok sa kwarto, dinalaw ako ng antok kaya natulog nalang muna ako.
Nagising ako sa lakas ng kalabog, kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at umupo sa kama parang gusto ko pa ulit matulog. San galing ang ingay na yun? Dumating naba si mama?
Tumingin ako sa wall clock at ala singko na ng hapon, ganun ba kahaba ang tulog ko? Sa pag kakaalam ko ala una ako natulog kanina. Mukang ilang oras din akong nakatulog. Narinig ko nanaman ang kalabog sa baba. Bumuntong hininga ako at nag lakad papunta sa pinto, baka si mama at nag luluto sa kusina lang ang ingay nayun.
"Ma?" tawag ko kay mama ng maka labas ako sa aking silid, bumaba ako at pumunta sa kusina ngunit wala akong nadatnan doon, medyo madilim na kaya naman binuksan ko na muna ang mga ilaw.
Bumuntong hininga nalamang ako, mag sasaing nalang siguro ako. Agad akong nag saing sa rice cooker at umupo sa silya, naka tunganga lang ako sa kusina habang hinihintay si mama dumating. Bakit kaya siya natagalan? Tuwing alas singko ang uwi niya pero hanggang ngayon hindi pasiya dumarating. Baka may nangyari na kay mama? Nako wag naman sana.
Nagulat ako ng may kumalabog nanaman, muntik ko ng mabitawan ang baso na hawak ko. Buti nalang nahawakan ko kaagad nang mahigpit, babasagin pa naman to lagot ako kay mama kapag nabasag ko to.
Biglang akong nakaramdam ng kaba ng may dumamping malamig na hangin saakin, bigla akong nakarinig nang pag-bukas ng metal na pinto. Teka, mukang galing sa pinto ng basement yun, agad akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng basemet, naka bukas nga ito.
Nagtaka naman ako, hindi naman malakas ang hangin para mabuksan ito ng tuluyan, alam kong mabigat ang pintong ito. Kahit ako medyo nahirapang buksan to pero bakit ganito nalamang kadaling nabuksan to? Kitang kita ko ang dilim mula loob, biglang nanginig ang tuhod ko. Napaka dilim, natatakot akong pumasok.
Tumakbo ako sa kwarto para kunin ang maliit kong flashlight. Nahagip ng mata ko ang oras sa wall clock, ala sais impunto. Mas lalo akong natakot, alam kong di ako natatakot sa multo pero parang binabawi ko na ang sinasabi ko, wala pa naman si mama at mag isa lang ako ngayon. Kailangan kong malaman kung sino ang gumagawa ng mga kalabog nayun. Kung daga man yun, papatayin ko nalang dahil masyado nang nambubulabog.
Bumaba na ako at naka tayo sa pintuan ng basement, bakit ba anlakas lagi ng lakabog? Parang may lumalabas na malamig na hangin mula sa pinto ng basement, diba dapat mainip ang nilalabas ng basement? Tumatayo ang balahibo ko, huminga ako ng malalim at unti-unting pumasok, dahil siguro pagabi na kaya malamig na ang hangin. Bumaba ako sa medyo may kataasang hagdan, itinuon ko ang flashlight sa dinadaanan ko. Tumapak na din sa wakas ang mga paa ko sa sahig ng basement. Naka paa pa naman ako, baka may mga pako pala dito tapos matusok ako at matitano. Sana nag suot nalang muna ako ng stinelas.
Naka rinig nanaman ako ng kalabog, mahina lang ito pero alam kung sa malapit lang ito nag mumula.
Itinuon ko ang flashlight sa isang box na parang may gumagalaw sa loob, nilapitan ko ito. 'Bubuksan ko ba?' tanong na isip ko. Natatakot ako na baka hindi pala daga ang laman kundi ahas, baka tuklawin ako at mamatay ako dito sa basement.
Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang box.
Binigla ko ang pagbukas at wala naman akong nakitang daga o ahas kagaya ng iniisip ko sa halip ay mga basag na salamin ang laman nito. Pero kumalabog ito kanina, kitang kita ko ang pagalaw ng box bago ko ito buksan. Paanong nangyari yun?
"Shhhh......"
Napapitlag ako at halos manghina ng makaramdam ako na parang may bumulong sa tenga ko. M-may tao sa likod ko!
Nakaramdam ako ng panlalamig. Nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko ba. Natatakot ako!!!
Mabilis kong nilingon ang likod ko pero wala akong nakita kundi kadiliman. Baka namali lang ako ng dinig, baka hangin lang yun? Pero wala namang hangin dito sa basement.
Pero impossible naman, narinig ko talaga kanina.
Napadako ang mga mata ko sa iilang kahon. Bakit naparaming hahon dito? Binuksan ko Isa-isa, puro basag na salamin lang ang mga laman nito. Naguguluhan ako, bakit puro basag na salamin ang nandito? Dito ba tinago lahat ng salamin? Pero bakit kailangang basag lahat?
"Hindi ako ang gumawa........"
Halos mangantog ang tuhod ko ng may marinig akong boses sa likuran ko. Nanginginig nadin ang mag paa ko. Boses ito ng batang babae... Paanong may batang babae dito?
Hinawakan ko ng mahigpit ang flashlight at nanginginig na nilingon ang likod ko.
Dun ako napatakip ng bibig sa takot at kaba na nararamdaman, isang batang babae ang umiiyak sa pinaka dulo nitong basement,
"hindi ako ang gumawa ..." ulit nito.
Parang nag eecho ang boses niya, nakakatakot' pakinggan. Hindi parin ako maka paniwala, paano nag ka roon ng bata dito? Sino nagkulong sa kanya dito? Si mama ba? Kaya ba ayaw niya akong pumunta dito sa basement? Sino ang batang babaeng ito?
Lalapitan ko na sana ito ng biglang namatay ang flashlight na hawak ko. Sh*t! Bakit ngayon pa! Tinurn off at on ko pero hindi na gumagana.
Pinukpok ko ito sa kamay ko pero hindi parin.
Pinukpok ko ulit, pero kunting ilaw lang ang lumalabas. Bakit ngayon pa kasi nag loko ang flashlight ko! Kainis naman! Pag pukpok ko ulit ay umilaw na rin sa wakas.
Mabilis kong sinipat ng flashlight ang kinaroroonan ng bata pero wala na ito roon. Kinakabahan ako at nanlamig, napalunok ako ng ilang beses. Nasaan ang bata? Saan siya nagpunta? Hinanap ko siya gamit ang flashlight ko pero diko na siya makita. Saan siya nag tago? Natatakot ba siya saakin?
Nakaramdam ako ng malamig sa paa ko, namatay ulit ang ilaw. Teka! Ano yung nasa paa ko? Parang humihigpit ito. Jusko ano yun?
"Ahhhhh!!!" sigaw ko. Nag papanic na ako.
Namatay sindi nanaman ang flashlight na hawak ko. Natatakot nako, gusto ko ng tumakbo. Pinukpok ko ito pero ayaw talaga. Pinukpok ko ulit at gumana.
Umayos na ang flashlight, mabilis kong itinuon sa paanan ko ang flashlight. Ganun na lamang ang takot ko ng makita ang bata na naka hawak sa kaliwang binti ko. Multo!! Isa siyang multo!!!
Diyos ko! Mabilis pa sa kidlat akong tumakbo patungo sa hagdan, nadadapa pako dahil hindi ko makita ang dinadaanan ko. Namatay ang flashlight ko. Hindi ako maka takbo ng maayos at maka hakbang dahil parang may pumupigil sa paa ko. Kailangan ko ng maka alis dito, ayoko na dito may multo dito!!
Naramdaman ko nanaman ang malamig na humahawak sa paa ko.
"AHHHHHH!!!! Ahhhh!!!"
Simigaw ako ng simigaw. Hindi ko na kaya, takot na takot nako. Umiyak na ako ng tuluyan habang patuloy paring kumakawala sa batang babaeng naka hawak sa paa ko. Ang mga mata niya puti lahat.
Kailangan kong maka labas at maka takas dito. Nilamon na ako ng takot at sinipa sipa ang batang babae, nabitawan niya ang paa ko at mabilis akong tumakbo papunta sa pinto ng basement. Agad ko iyong isinara at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto ko at nag talukbong sa kama.
Tumutulo ang luha ko sa takot na nararamdaman, may multo sa basement. May batang babaeng multo sa basement!!
Maya-maya'y narinig ko ang pag pwersahang pag bukas ng pinto ng kwarto ko.
Ohh Diyos ko tulungan niyoko!! Ayoko na!!
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot ako. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mas lalong nanginig ang buong katawan ko.
Nanlalamig ako, parang ano mang oras hihimatayin nako sa takot. Hindi nako maka pag isip ng maayos. Diyos ko sino ang batang yun? Bakit anlamig ng kamay niya. Patay naba siya? Multo naba siya? Anong kailangan niya saakin? May kinalaman bako sa pag ka matay niya.
Narinig ko ang mga yapak papalapit saakin. Nagsimula na akong mag dasal. Ayoko pang mamatay. Ayoko pa!!!
Biglang may humawak sa katawan ko.
Hindi ko na nipigilan ang simigaw, takot na takot ako. Sigaw lang ako ng sigaw.
"Anak!! Ako ito. Anak!"
Napahinto ako sa pagsigaw ng marinig ang boses ni mama. Agad kong kinuha ang kumot sa muka ko at tumingin sa kanya. Si mama nga, agad ko siyang niyakap at doon nako umiyak ng tuluyan.