CHAPTER 7. REVENGE

Nagising ako sa katok ng pinto. Minulat ko ang mga mata ko, pamilyar ang kwartong to. Teka! Kwarto ko to ah? Pero paano?

"Aurora anak?" rinig kong tawag ni mama sa labas ng pinto.

Tumayo nako at binuksan ang pinto. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko.

"Naka tulog ka pala anak. Hindi kaba sasabay mag hapunan?" bungad niya saakin.

Teka hapunan? Gabi na?

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko, madilim na nga sa labas.

"Ah..... s-sige po ma, susunod po ako sa baba," naguguluhan ako.

"Ohh sige, hihintayin kita sa kusina." umalis na ito, agad kong isinara ang pinto.

Naguguluhan talaga ako. Paano ako naka uwi? Teka nasa clinic ako kanina tapos nun......... shit! Diko na matandaan.

Sumakit lang ang ulo ko sa kakaisip, huminga ako ng malalim at sumunod nalang sa kusina.

Naka upo na si mama at hinihintay nalang ako para mag simula na kaming kumain.

"Upo kana anak,"

sinunod ko naman siya.

"Ayos kalang ba?" Tanong nito. Tumingin naman ako sa kanya at tumango.

"O-opo ma," sagot ko, biglang bumahid ang pagtataka sa muka nito.

"Bakit ampula ng pisngi mo anak? Anong nangyari diyan?" Lalapit na sana ito pero pinigilan ko siya.

"A-yos lang ako ma. Ahmmm... k-kinagat kasi ako ng lamok t-tapos napalakas ang pag-sampal ko kaya ganito ang nangyari sa pisngi ko," Pagsisinungaling ko.

Gusto kong sabihin na mga kapwa ko studyate ang gumawa sakin nito pero, ayoko siyang mag-alala at abalahin pa.

"Sigurado kaba anak? Hay nako, mag lagay ka nalang ng kulambo ha, para dikana makagat ng lamok."

Tumango nalang ako.

"S-sige po ma,"

Tahimik lang kaming kumakain, ayoko namang umimik dahil iniisip ko parin kung paano ako napadpad sa kwarto ko. Si mama na daw mag huhugas ng pinggan, kaya umakyat nako sa kwarto ko at humiga ulit sa kama. Naka suot narin ako ng pang bahay, hindi ko naman naalala na umuwi ako kanina galing sa school at nagbihis. Nag kaka amnesia naba ako? Bakit nakakalimutan ko?

Biglang naka ramdam ako ng sakit ng katawan, feeling ko bumuhat ako ng isang sakong bigas. Nakaramdam na rin ako ng antok, feeling ko may nakatingin saakin. Diko nalang pinansin, nag toothbrush nalang ako at nag hilamos. Wala naman akong pasok bukas kaya magpapalate ako ng gising. Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

Kinuha ko ang Asido na nakita ko sa Cr ng clinic kanina. Nilagay ko yun sa paanan ng dalawang babaeng naka tali sa upuan.

Hindi na sila makakasigaw ng tuluyan, tinahi kong mabuti ang mga bibig nila, halos mabingi ako sa kakasigaw nila kanina habang ginagawa ko yun, pero tawa lang ako ng tawa. Ansaya ko ng matapos ko ang pagtahi sa bibig nila.

"Magwaagwa kwa swamim... mwaamwa kha..." sabi ng isa, iyak ito ng iyak. Hindi ba siya napapagod?

"HAHAHAHAHAHA. Ano ulit? Dikita maintindihan. HAHAHA" Tumawa ako, nakakatawa sila.

"pwakwalannnn mwwo kwammi ppewaseee........." sabi naman ng isang babae. Tiningnan ko sila ng nakakaawa.

"Pakawalan ba kamo?"

Tumango silang dalawa, ngumisi ako at binuksan ang asido. Nanlaki ang mga mata nilang pareho, umiiling-iling sila at umiyak nanaman.

"Hwindwii..... mwagg..." nagpatuloy lang sila sa pag iyak.

"Ito ang nababagay sa taong malalandi!" sigaw ko at hinawakan ang buhok nito, dahilan para tumingala ito, umiiling-iling pa ito at patuloy parin sa pag-iyak. Kawawa naman sila baka lalo silang gumanda sa gagawin ko.

Binuhusan ko ang muka niya at napadaing ito sa sakit. Nakita kong unti-unting umuusok ang muka niya, mas lalo akong natuwa.

"HAHAHAHA ang ganda mo na." sabi ko habang tumatawang naka tingin sa muka niya.

Unti-unting natutunaw ang ibang parte ng muka niya, mas lalo pa akong natuwa dahil sa pagdudugo at pag ungol nito sa sakit.

Dumadaing ito sa sakit. Anghina naman ng mga daing niya, amboring tuloy pakinggan.

Ang isang kasama nito ay iyak lang ng iyak, isusunod ko siya mamaya patapos na ako sa isang to.

Tumingin ako sa kanya at ngumisi, umiling ito. Ayaw niya bang makipag laro saakin?

"Maglaro tayo.." na eexcite na saad ko dito. Hindi na umiimik ang babaeng sinabuyan ko ng asido. Sa tingin ko napagod na siya, napaka hina naman.

"Papakawalan kita...... tatakbo ka... pagkatapos... hahabulin kita.... maghahabulan tayo.... okay ba?" Patuloy parin ito sa pag iyak. Naririndi nako sa pag iyak niya.

"Pag nahabol kita..... papatayin kita," Nanlaki ang mata nito.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at pinutol ang tali na gumagapos sa kanya. Agad itong tumakbo, nadadapa pa ito.

Wala siyang matatakbuhan dahil andito kami sa abandonadong building kung saan ko pinatay ang tatlong babaeng yun. Sa tingin ko inuuod na sila ngayon.

Alam kong dadanan siya sa nilagyan ko ng trap, sana hindi maputol ang paa niya. ngumiti ako at tumawa.

"HAHAHAHAHAH TAKBOOO!!!! ANDIYAN NAKO........" sigaw ko at sinimulan ko na siyang habulin.

Napa balikwas nanaman ako ng bangon habang hawak-hawak ang dib-dib ko. Binabangungot nanaman ako. Habol ang hininga ko habang naka upo sa kama. Bakit ganun ang napapanaghinipan ko? Parang totoo talaga ang nangyari, kitang-kita ko talaga ang dalawang babaeng sumampal saakin, ansama talaga nang panaghinip ko.

Nangmahimasmasan ako, tumingin ako sa wall clock. Alas otso na pala, umalis na siguro si mama. Bumangon nako sa kama, napa daing ako dahil sa sakit ng mga paa ko. Teka, anong nangyari sa paa ko? Hindi naman ako tumakbo o nagkalad ng malayo kahapon pero bat ganito? Hindi ko naman naramdaman to kagabi,

Pinilit ko paring maglakad, naka baba nako sa hagdan ng narinig ko nanaman ang mga kalabog sa basement. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha ako ng malamig na tubig sa luma naming ref at uminom kaagad, feeling ko mawawalan ako ng boses, sumasakit ang lalamunan ko.

Napahinto ako sa pag inom ng mapansin ang kamay ko, parang may mga maliliit na lapnos ito. Agad kong tinungo ang gripo at hinugasan ng mga kamay ko, kumikirot iyon. Ano bang nangyayari? Pati katawan ko parang pagod na pagod. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari saakin.

Hindi ko matandaan kung paano ako naka uwi, tapos sa mga bangungot ko tapos ngayon itong pananakit ng katawan at mga lapnos sa kamay? Ano ba talaga ang nangyayari saakin? Hindi kaya totoo ang napapanaghinipan ko?