Chapter 9. They Beat my Friends

Lunes na ngayon at hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari sa bahay. Buti nalang at dumating kaagad si mama, kung hindi baka namatay nako dahil sa takot. Sabi niya narinig niya daw akong nagsisisigaw kaya agad siyang pumasok sa bahay. Narinig niya daw ang malakas na pag sara ng pinto ng kwarto ko kaya agad niya akong pinuntahan.

Tinawag daw niya ako ng ilang beses pero diko siya sinasagot kaya binuksan niya na ang pinto ng kwarto ko. Nakita niya akong naka talukbong ng kumot at agad niya akong hinawakan,

Sigaw lang daw ako ng sigaw.

Akala ko talaga yung bata na ang pumasok sa kwarto ko at humawak saakin.

Binaliwala ko nalang ang mga studyante dito sa hallway dahil sa lalim ng iniisip ko. Sawang-sawa nako sa kanila. Agad akong pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko. Hindi ko man lang ma tingnan ang mga classmate ko, bahala sila diyan.

Napatingin ako sa taong nasa harap ko. It's Vibian. Ano nanaman ang kailangan nito saakin? Bubullyhin niya nanaman ba ako?

"Hi, ahm... can I talk to you?" Nagtaka ako sa pananalita nito. Bakit parang nakapa hinahon niya yata ngayon?

Tumango nalang ako ay sumunod sa kanya, napadpad kami sa garden. Humarap ito saakin at para itong nahihiya.

"Ano bang pag uusapan natin?" takang tanong ko. Ngayon niya lang ako gustong makausap, ano kaya nakain niya?

"Gusto ko lang mag sorry sa mga nagawa ko sayo nung high school tayo, siyaka gusto kitang maging kaibigan Aurora."

Nagulat ako sa sinabi niya, siya ba talaga tong kausap ko? O baka ibang Vibian to? Napakurap-kurap ako baka nanaginip nanaman ako.

"A-ano?" tanong ko ulit. Hindi kasi ako maka paniwala sa sinabi niya, baka nabibingi lang ako.

"I said sorry. Can we be friends?"

Inilahad nito ang kamay niya. Diko alam kung tatanggapin ko ba. Baka mamaya joke lang pala to tas pinagtritripan niya lang pala ako.

Bigla itong nalungkot kaya kinuha ko na agad ang kamay niya at nag shake hands kami.

"Friends." Agad na sabi ko. Nginitian niya ako kaya ngumiti narin ako pabalik, sana this time totoo na to.

Magkasama kaming pumasok ng classroom. Nagulat nga din ang ibang mga classmates ko dahil sabay kaming pumasok na naka ngiti sa room. Ngitian lang din ako ni Alvin ng dumako ang tingin ko sa kaniya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko talaga mas lalo akong nahuhulog sa kanya, pero mali to. Hindi ko dapat maramdaman to.

Pagtapos ng umagang klase, sinamahan ako ni Vibian kumain sa cafeteria. Ang mga studyante napapatingin saaamin. Wala namang pakialam si Vibian at patuloy lang sa pagkain habang nag kwekwento. Maya-maya dumating si Ali, nagulat pa siya ng makita ako kasama si Vibian.

Si Vibian na mismo ang nagsabi na gusto niya akong maging kaibigan. Mukang di naman kumbinsido si Ali.

Mailap silang dalawa sa isa't isa. Bumuntong hininga nalamang ako.

"Look, kung totoong kaibigan ko kayo... kakaibiganin niyo din ang kaibigan ko." Mahina at malumanay kong sabi. Nakasimangot naman si Ali na tumingin saaakin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Fine. Okay let's be friends too." at inilahad ang kamay kay Vibian. Mukang ayaw pa tanggapin ni Vibian, tumingin ito saakin at umirap. Apaka ma attitude.

"Okay. Friends." Nag shake hands na sila at napangiti naman ako.

Niyaya ko silang pumunta ng garden ng matapos kaming kumain.

Masaya kaming nag kwekwentohan.

"Alam niyo ba? Pag daw yung lalaki nag bibigay ng closure ibig sabihin daw nun gusto ka niya."

Tumango-tango ako sa sinabi ni Ali, so kapag may napansin akong closure galing kay Alvin ibig-sabihin gusto niyako?

"Nako, ilang beses nang may nagpakita ng closure sakin pero hindi ko naman sila gusto." Maarteng sabi ni Vibian.

"Andaya naman, sana sa akin din." saad ni Ali.

"Ano ba sa feeling kapag may nagkakagusto sayo?" tanong ko.

Napatingin naman silang dalawa saakin. Hindi ko pa kasi nararanasan na may nagkakagusto sa akin.

"Masarap sa pakiramdam, nakaka taas ng confident." Wika ni Vibian.

"Sa tingin ko ahmm.... tama si Vibian. Meron na kasing nagsabi sakin na gusto niyako. Then, biglang tumaas ang self confident ko." ani ni Ali.

So kapag may nag sabi na gusto niyako tataas na ba ang self confident ko? Napaka babaw naman nun.

Napatingin kaming sa tatlo sa biglang pag sulpot ng limang babae sa harap namin. Napakunot ako ng noo. Sino tong mga to? Teka kilala ko yung nasa gitna. Sikat ito sa school, kitatakutan ng mga babaeng studyante.

"Well... well... well... sumama kana pala sa mga freaks." Agad na sabi nito at tumingin kay Vibian. Nagtaka naman ako. Kilala niyaba sila?

Biglang bumahid sa muka ni Vibian ang takot.

"V-veronica." nauutal na wika ni Vibian.

"Kaya pala tumiwalag ka sa grupo dahil sa dalawang yan." Turo niya saamin ni Ali.

Umiling-iling naman si Vibian.

"Please... gusto ko nang magbago. Hayaan niyo nalang a-." lumapit sa kanya ang babaeng si Veron at agad siya nitong sinampal. Napasinghap kami ni Ali.

Hinawakan naman ni Vibian ang kaliwang pisngi nito. Alam kong masakit iyon, ganun na ganun ako sampalin nung dalawang babae sa library.

Nilapitan namin si Vibian. Tiningnan ko ng masama ang babaeng sumampal sa kanya.

Hindi ito natinag at tumingin sa mga kasama.

"Hawakan niyo silang dalawa at dalhin sa likod ng School." Utos niya dito.

Bigla nila kaming hinawakan ni Ali. Dalawang babae ang nakahawak sa kanya at ganun din saakin. Nag pupumiglas kami pero ang hirap, si Veron naman ang humawak kay Vibian.

"No! Let them go Veron! Wala silang kasalanan." Rinig ko pang sabi ni Vibian.

"Shut up!" sigaw nito kay vibian

Nandito na kami sa likod ng School. Walang ibang studyante bukod saamin. Agad nila kaming binitawan.

Napa upo kami ni Ali sa sahig ng bigla nila kaming itulak.

Sinubukan naming tumayo ngunit sinipa kami sa tiyan ng mga babaeng kasama ni Veron at pinag hahampas ng mga napulot nilang medyo malaking kahoy.

Halos napaluhod ako sa sakit na nararamdaman. Dumako ang tingin ko kay Ali na tinitiis ang sakit, si Vibian naman sinisipa at sinasampal ni Veron. Napapadaing si Ali at Vibian sa sakit at ganun din ako.

"T-tama na p-please......." hirap na hirap si Vibian magsalita dahil sa sakit na nararamdaman.

Wala kaming kasalanan sa kanila bakit nila ginagawa saamin ito?

Nang mag sawa sila siyaka lang nila kami tinantanan. Hingal na hingal sila pag tapos nila kaming saktan.

Lumapit si Veron kay Vibian at hinawakan sa buhok nito para tumingala sa kanya.

"Bago ka umalis sa grupo, sana inisip mo ang magiging kahihitnanan mo. Yan ang nababagay sayo at sa mga kasama mo!" bago nito binitawan si Vibian. Gumapang ako papunta sa kinaroroonan ni Vibian.

Ansakit ng buong katawan ko. Anlakas nilang humampas ng kahoy. Feeling ko malulumpo ako. Si Ali nawalan na siya ng wala malay.

Naglakad na palayo sina Veron at apat niyang kasama.

"Vi-vibian..." tawag ko sa kanya. Nahihirapan na din ito. Hindi ito sumagot. Nawalan na rin siya ng malay.

Habol ang hininga ko dahil sa sakit na nararamdaman. Ramdam ko ang pag kirot ng mga pasa ko sa buong katawan, ramdam ko ang sakit ng tiyan at ulo ko. Sobra-sobra ang ginawa nila saamin.

Nasa sorority si Vibian at si Veron ang leader nila. Nalaman ko yun dahil sa maliit na tattoo nila sa kanang kamay.

Naramdaman ko ang pag patak ng ulan. Anlamig ng pakiramdam ko, gusto kong tulungan si Ali at Vibian pero hindi ako maka tayo at makagalaw.

Napa tingin ako sa tubig na nabubuo sa sahig. Nakikita ko ang reflection ko.

Bakit? Bakit parang naka ngisi ang reflection ko?

Dumilim ang paligid ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.