Chapter 18: Not My Mother

Napalingon ako sa tumawag saakin. Wala naman akong nakita, saan galing ang boses na yun?

Napalingon-lingon pako ng ilang ulit pero wala talaga. Baka guni-guni ko lang?

Napadako ang tingin ko sa isang salamin na pinapalibutan ng kandila. Ang salamin na hinahanap ko. Agad ko itong nilapitan at kinuha. Kagaya ng salamin nato ang nakita namin sa basement kanina. May kung ano akong nakikita sa loob ng salamin.

Mga kaluluwa? Napakaraming kaluluwa. Napa laki ang mata ko ng makita sa loob ng salamin si Aling Mari. Bakit siya nandito sa loob? H-hindi kaya patay narin siya? Oh my god! Hindi ito maaari.

Hindi ko na napigilan ang umiyak, patay na siya. Isa nalang siyang kaluluwa. Ohh diyos ko bakit ito nangyayari? Pinatay niya ba siya?

Napa kuyom ako ng kamao. Demonyo siya! Pinatay niya sila!

Hindi nako nag dalawang isip na ihampas sa sahig ang salamin. Ilang ulit ko iyong ginawa. Pag tingin ko sa salamin hindi parin ito nawawasak.

Paanong? Bakit hindi ito nawasak? Inulit ko ulit pero hindi talaga, parang napaka hirap nitong basagin.

Nawawalan nako ng pag-asa. Naiiyak na ako. Bakit ayaw masira? Patuloy ko parin itong sinusubukang sirain pero kahit anong pilit ko wala paring nangyayari.

Napa isip ako, ang bilin ni Aling Mari sirain lamang ang salamin. Sinusubukan ko namang sirain pero hindi talaga gumagana. Doon nako napahagulgol at napa upo sa sahig. Taka takip ang mga palad ko sa muka ko at patuloy parin sa pag iyak. Binigo ko sila.

"Tatagan mo ang loob mo Aurora..... manalig ka...." parang may bumulong saakin. Pag lingon ko wala. Pero pamilyar ang boses na iyon.

Pag tingin ko sa salamin, na-nakita ko si Mama. Halos manlumo ako, umagos nanaman ang mga luha ko. No! Please... wag ang mama ko. Nanaginip lang ba ako? Gusto ko nang magising!

Gusto kong sumigaw at mag maka awa na wag ang mama ko pero huli na ang lahat, nasa salamin na ito. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Pati si Aling Mari, ang mga babaeng nambully saakin at batang babae. Si Luara..... si Laura ang batang babae na katabi ni mama. Hinawakan ko ang salamin at hinaplos ito.

Ngumiti ako ng mapait at patuloy parin sa pag iyak. Sa wakas na kita ko rin ang kakambal ko.

Bakit kailangan nilang mawala saakin?

Bakit kailangan nilang mawala saakin?

Bakit?

Paulit-ulit kong tanong sa isipan ko.

Pinunasan ko ang mga luha na umaagos sa mata ko at pumikit. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at tumingala.

"Help me..... please help me...." nanginginig ang bawat bigkas ko. Nananalangin ako na sana tulungan niya ako.

Minulat ko ang mga mata at hinawakan ng maiigi ang salamin siyaka ko ito hinampas ulit sa sahig, narinig ko ang pag crack nito. Nag patuloy lang ako hanggang sa marami na itong crack, nararamdaman ko rin na umuugong ang kinatatayuan ko kapag hinahampas ko ang salamin sa sahig.

Kinuha ko na lahat ng lakas ko at hinampas ito ng malakas. Nag ka pira-piraso iyon. May lumabas na maraming itim na usok mula rito. Mas lalong lumakas ang ugong. Agad akong tumakbo papunta sa pinto kahit blurr ang nakikita ko.... pinunasan ko ang mga mata ko na puno ng luha at agad akong umakyat sa hagdan at lumabas sa basement.

Kailangan ko nang bumalik.....

Dali-dali akong umupo sa kinauupoan ko kanina at pinikit ang mga mata.

=====================

Vibian POV

Sinabi namin lahat kay Alvin. Hindi ito makapaniwala na nangyari iyon kay Aurora, kahit ako hindi parin maka paniwala. Nung una natakot pa siya pero unti-unti niya nang naiintindihan.

"MARI!!"

Nagulat kami sa sigaw ni Tita Amelia. Agad kaming napa takbo papunta sa sala. Galing kami sa kusina dahil doon kami nag usap.

Nakita namin si Tita Amelia at bakas sa muka nito ang takot at gulat. Agad naming sinundan kung saan siya naka tingin.

Napa takip ako ng bibig ng makita ko si Aling Mari na tirik na tirik ang mga mata umaagos ang dugo mula sa ulo niya. Nasa harap nito si Aurora na hawak ang matalim na kahoy na naka tusok sa ulo ni Aling Mari.

Agad naman sumigaw si Ali. Tumingin sa direksyon namin si Aurora habang naka ngisi, ngising demonyo. Paano siya naka wala sa pag kaka gapos?

Katapusan na namin!

Napa upo si Tita Amelia at hindi maka paniwala sa nakikita. Kahit ako hindi parin na proprocess sa utak ko ang nangyayari. Ang alam ko lang, kailangan naming isalba ang sarili namin. Kailangan naming magtago, dahil kung hindi mamatay kaming lahat.

"Anak..." rinig ko pang sabi ni Tita Amelia pero hindi na si Aurora ang kaharap saamin, isa itong demonyo.

Agad kong hinila si Tita Amelia pa tayo pati si Ali. Si Alvin naman pinigilan niya si Aurora. Nakikipag laban ngayon si Alvin kay Aurora. Mukang mas malakas si Aurora sa kanya. Dahil siguro sa kaluluwang sumanib dito. Tumilapon si Alvin at malakas na tumama sa pader. Nawalan ito ng malay.

Diko alam kung babalikan ko pa si Alvin dahil tumakbo na kami paakyat sa kwarto. Hindi paman kami nakaka pasok ng may humila kay Tita Amelia at itinapon siya sa hagdan.

Gumulong gulong ito pababa. Duguan na ito. Wala akong magawa, tuluyan nakong umiyak nang maglakad pababa si Aurora papunta sa kinaroroonan ni Tita Amelia. No!!

Sana mali ang iniisip ko. Papatayin niya si Tita Amelia.

Agad kong nilock ang pinto, si Ali nanginginig sa takot at iyak parin ng iyak. Buong lakas kong inusog ang kama papunta sa pinto. Sana hindi siya maka pasok. Tuluyan narin akong napa iyak.

Pinatay niya na ba si Tita Amelia kagaya ng pag patay niya kay Aling Mari? Wala ngang awa ang kaluluwang sumanib kay Aurora. Paano si Alvin? Baka patayin din siya. Anong gagawin ko?

"Please.... Aurora bumalik kana..." bulong ko at niyakap si Ali na nanginginig at umiiyak.

"V-vibian.... na-natatakot a-ako." Patuloy parin ito sa pag iyak. "A-ayoko pa-pang mamat-tay," at umiyak nanaman ito. Mas lalo itong napayakap saakin.

"Shhhh...." Napakagat ako ng labi upang pigilan ang pag hikbi ko.

"babalik si Aurora.. magtiwala tayo sa kanya."

Tumango ito, narinig namin ang mga kalabog sa baba. Anong nangyayari?

Maya-maya ay may narinig kaming boses sa labas ng pinto. Umiiyak ang boses nito.

"Ali!? Vibian?!" Tawag nito saamin.