Chapter 17: World of Souls
Pagmulat ko ng mga mata, kadiliman ang tumambad saakin. Napa tayo ako sa kinauupoan ko at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Nandito na nga siguro ako sa mundo ng mga kaluluwa.
Huminga ako ng malalim. Mukang nasa sala ako ng bahay namin pero wala dito sila mama at mga kaibigan ko katulad kanina. Agad akong naglakad-lakad. Kailangan kong hanapin ang salamin na sinasabi ni Aling Mari, nagpunta ako sa kusina. M-may isang batang babae na naka talikod.
Napa atras akong muli, hindi naman sinabi ni Aling Mari na marami pakong makikitang kaluluwa bukod sa kapatid ko. Siguro namatay sila dito sa bahay? Tapos hindi sila matahimik kaya naiiwan ang mga kaluluwa nila dito.
Huminga muna ako ng malalim bago sinilip ulit ang batang naka talikod. Sa tingin ko nasa sampung taong gulang palang ito. Mahaba din ang buhok niya at naka suot ng puting dress na hanggang paanan. Napalaki ang mata ko ng naka lutang pala ito. Mas lalo akong nakaramdam nang takot.
Umiling-iling ako at winala ang nararamdaman kong takot, hindi dapat ako matakot dahil maraming naghihintay saakin. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Mga kaluluwa nalang sila at buhay pako. Mas makapangyarihan ako sa kanila.
Agad akong naghanap sa mga kabinet at sa mga lababo, baka nandito ang hinahanap ko. Hindi ko namalayan na naka lapit na pala ako sa batang babae. Napalingon ito saakin, halos manlumo ako sa nakita ko. Wala itong mga mata at naka tahi din ang kanyang mga bibig. Napa hawak ako sa bibig ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko.
Bakit ganito? Napaka brutal naman ang pag patay sa kanya, walang awa ang gumawa sa kanya nito. Mukang tinurture siya. Siguro walang hustisya ng namatay siya kaya andito parin siya at hindi parin nakakatawid.
Umatras nako at iniwan ang batang babae sa kusina. Kapag naka balik ako, sasabihan ko si mama na mag hanap kami ng bagong bahay. Mukang marami nang pinag daanan ang bahay nato.
Papunta nako sa hagdan ng may nakita akong babaeng naka puti. Di pa nga ako nakaka move on sa batang babae ito nanaman? Ilang kaluluwa ba ang nasa bahay na to?
Naka tingin ito saakin, nakakatakot naman ang mga tingin niya. Dilat na dilat ang mata niya habang sinusundan ako ng tingin. Napansin ko din ang tali sa leeg nito, sinundan ko ang tali at naka tali iyon sa gilid ng hagdan. Mukang nag suicide naman ang kaluluwang to. Kamukang kamuka niya yung napapanuod ko sa tv na sadako. Diko alam kung dadaan paba ako paakyat ng hagdan. Napalunok ako at mabilis na naglakad paakyat. Hindi nako tumingin sa kanya.
Pag pasok ko sa isang kwarto agad ko itong isinara. Napa buga ako ng hangin. Buti naman at nalampasan ko ang babaeng yun. Gaano paba karami ang makikita ko?
Napapitlag ako ng may narinig akong iyak, napalunok nanaman ako. Please... sana wala ng multo dito.
Pero mali ako, pag lingon ko may isang babaeng umiiyak na naka upo sa kama. Parang gusto ko na agad lumabas sa kwartong to.
Inilibot ko muna ang tingin ko sa buong kwarto. Walang salamin dito. Shit! Nasaan ba yun? Kailangan ko ng masira ang salamin ng maka balik nako. Napahinto ako ng huminto sa pag iyak ang babae. Mahina itong napa lingon saakin.
Dahil sa takot agad kong pinihit ang pinto at lumabas. Naramdaman ko pang hinabol ako nito bago ako maka labas ng pinto. Diko na talaga kaya, natatakot na talaga ako.
Pumikit ako at winala ang takot. Kung mag papadala ako sa takot ko baka hindi ko magagawa ang dapat kong gawin.
Naglakad nako papunta sa kabilang kwarto. Nahagip pa ng mata ko ang babaeng nasa hagdan. Kapag wala parin dito sa kwarto ang hinahanap ko, wala akong choice kundi bumalik sa baba at doon ulit hanapin.
Pinihit ko na ang door knob, mas lalong nanindig ang balahibo ko sa tunog ng pinto. Ganito ba dapat ang tunog? Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang takot na namumuo nanaman sa kalooban ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, mukang kwarto ko ito. Bakit parang mas nakakatakot ito kaysa sa kwartong napasukan ko kanina?
Agad na akong nag hanap, jusko wala talaga. Hirap na hirap nako, parang nahihirapan narin akong huminga. Hinawakan ko ang dibdib ko at hinabol ang hininga ko. Bakit nahihirapan akong huminga? Normal ba to?
Bigla akong napa isip.
Diyos ko baka may nangyayari na kila mama. Kailangan ko nang magmadali.
Napahinto ako ng may nakita akong pumapatak sa sahig. Teka dugo ba ito?
Oh diyos ko, please... Ayoko ng makakita ng multo. Pero dahil sa kuryosidad ko napa tingala ako sa kisame.
Agad akong napasigaw at lumabas ng kwarto, halos madapa ako sa kakatakbo pababa ng hagdan. Hindi ko na pinansin ang babae at patuloy parin sa pagtakbo. Nang maka rating ulit ako sa sala, siyaka lang ako naka hinga ng maluwag. Diko na talaga kaya ang nakikita ko sa mundong ito.
Isang lalaki ang nakita ko sa kwarto, naka dikit ito sa kisame. Ang likod niya ang naka harap saakin at ang harapan niya naman ang naka dikit na parang gagamba sa kisame. Pati ang ulo niya naka tagilid at parang demonyong naka ngiti habang tumutulo ang dugo mula sa bibig nito.
Parang babaliktad ang sikmura ko sa mga nakikita ko. Ganito pala kapag nakakita ka ng multo?
Huminga ako ng malalim at pinilit na kalimutan ang nakita ko. Ang basement nalang ang hindi ko napupuntahan. Pinaka ayaw ko talagang pumunta sa basement pero wala akong choice.
Pagbukas ko ng pinto, hindi ganun ka dilim sa loob. Paanong nangyari yun? Bakit noong pumunta kami sa basement kanina napaka dilim pero itong basement nato hindi? Pumikit ako at pinatatag ang sarili. Pag mulat ko agad akong bumaba.
Nang maka rating nako agad akong nag hanap pero wala talaga akong makita. Hinalughog ko na lahat pero wala parin.
Napadako ang mata ko sa pulang pintuan. Teka pula? Sa pag kaka alam ko wala namang pulang pintuan sa basement namin. Hindi kaya nasa loob nito ang hinahanap ko?
Hinay hinay akong lumapit sa pinto at binuksan. Napaka liwanag sa loob, maraming mga kandila at mga librong hindi ko maintindihan ang mga naka sulat. Ano ito? Bakit may ganito rito?
Akala ko ba kapag patay na ang isang tao hindi na madadala nang kaluluwa nito sa kabilang buhay ang mga gamit na katulad nito?
Titingnan ko sana ang iba pang mga libro ng may narinig akong tumawag saakin.
"Aurora....."