Chapter 20: So Much Pain

Mahina kong binuksan ang mga mata ko. Nahihirapan akong gumalaw. Naka higa pala ako dito sa baba ng hagdan. Teka anong ginagawa ko rito?

Ang natatandaan ko nasa sala kami kanina nung inumpisahan namin, pero bakit ngayon andito nako?

Sumanib nga talaga saakin ang masamang kaluluwa nayun nung pumasok ako sa salamin.

Napakurap-kurap ako ng mata, may nakita akong dugo. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Mama na wala ng buhay. Nanlaki ang mata ko at napa takip ng bibig. Si mama...

"M-ma?" agad akong lumapit at nanginginig na nikayap siya. Hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ko.

"Ma!? No! Wag mukong iiwan... naka balik nako..... please.." Umiyak nako ng umiyak. Bakit si mama pa? Sana ako nalang ang namatay! Hindi ko kaya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ma.... wag mukong iiwan... paano nako pag wala ka? Ma! Ma! Please ma gumising ka! Wag mukong iwan! Ma! Ma.... please... gising... wag... m-mukong iiwan.... please." Niyuyugyog ko ito. Baka panaghinip lang ito. Napaka samang panaghinip. Gusto ko ng magising sa masamang panag hinip na ito. Iyak lang ako ng iyak pagod na pagod nako sa kakaiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko gusto ang nangyayari. Bakit? Bakit to angyayari sa buhay ko? Bakit saaakin pa? Maraming bakit na gusto kong masagot pero... sa nakikita at nararamdaman ko ngayon, mukang walang makakasagot sa lahat ng tanong ko.

Nakayakap parin ako kay mama. Hindi parin tumigil ang mga luha ko sa pag agos. Siya nalang ang meron ako bakit kinuha pa siya sakin?

Sila Ali? Si Vibian? Nasaan sila? S-sana walang nangyari sa kanila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati sila nawala ng dahil saakin.

Hinalikan ko muna si mama sa noo at tumayo. Tumungo ako sa sala kung nasaan kami kanina.

Naabutan ko si Aling Mari na naka upo habang wala ng buhay. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag iyak ko. Siyaka ko lang nakita ang isang kandila, kakamatay lang ng apoy nito. Ang labing tatlong kandila ay tunaw na. Kung hindi ako naka balik kaagad, baka habang buhay na akong naka kulong sa mundong iyon. Basag na rin ang salamin na nakita namin sa basement. Katulad ng pag basag ko sa salamin sa kabilang mundo.

Wala sila Ali at Vibian dito. Napatingin naman ako sa lalaking naka handusay sa sahig.

Oh my god si Alvin. Agad ko itong nilapitan

"Alvin!.. Alvin!" Tawag ko dito. Tumugon ito at umungol. Thanks God buhay siya. Pero nasaan sila Ali? Pinatay rin ba sila? Nasaan sila?

Iniwan ko muna Alvin at hinanap sila Vibian at Ali. Hinanap ko sila sa kusina pero wala sila. Nasaan sila?

Hindi ko napigilang umiyak ng makita ulit si mama na naka handusay at wala ng buhay sa sahig.

"Babalikan kita mama, hahanapin ko lang ang mga kaibigan ko." mahinang saad ko.

Agad akong tumakbo paakyat sa hagdan.

"Ali!? Vibian?!" Nanginginig kong tawag sa kanila. Diko na kaya, nanghihina nako. Ansakit makitang wala na ang mahal ko sa buhay. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Ali!? Vibian?!" tawag ko ulit pero walang sumasagot.

Nawalan na talaga ako ng pag-asa. Baka wala narin sila, pinatay narin sila. Napa luhod ako at umiyak.

"A-ayoko na! Pagod nako!" Sigaw ko.

"Aurora?"

Napahinto ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Naka silip doon si Vibian.

"V-vibian... " Agad akong tumayo at lumapit sa pinto.

"Wag kang lalapit." Banta nito saakin. Nagulat pako sa sinabi niya. Akala niya ba ako parin yung pumatay kila Aling Mari at Mama?

"Vibian ako to... naka balik nako. Please... " pag mamaka awa ko. "w-wala na ang m-mama ko." Napa iyak nanaman ako.

Binuksan niya nang maigi ang pinto at niyakap ako.

"A-akala namin dikana babalik. A-kala namin mamatay na kami... natatakot kami Aurora." Napa iyak narin ito, mahigpit niya akong niyakap.

"A-kala ko din.... akala ko h-hindi nako makakabalik."

=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~

Pag tapos ng gabing yun, dumating ang mga autoridad. Hinuli nila ako.

Bago ako sumakay sa kotse ng mga pulis natanaw ko pa ang bangkay ni mama. Dinala rin sa hospital si Alvin. Dumating naman ang anak ni Aling Mari. Humingi ako ng tawad pero iyak lang ito ng iyak at sinabing hindi niya ako mapapatawad. Anong magagawa ko? Katawan ko ang ginamit sa pag patay sa kanila.

'Wala akong kasalanan, hindi ako ang pumatay sa kanila.'

Yun ang sinabi ko sa mga pulis pero hindi nila ako pinaniwalaan. Si Vibian at Ali sinundo sila ng mga magulang nila. Naawa ako kay Ali. Mukang na trauma siya dahil sa nangyari sa kanila.

Bumuntong hininga ako at naka tingin lang sa kisame ng kulungan. Medyo madilim at mainit sa lugar na ito. Pero kahit ganun, alam kong safe ako dito.

Pinatawan ako ng Murder at habang buhay na pag kaka kulong. Mas okay na sigurong ganito. Wala naman na akong babalikan pag nasa labas ako ng kulungan. Atleast dito.... walang mananakit saakin, kung meron man.... hindi ako magdadalawang isip na patulan sila. Sa dami ng pinag daanan ko ngayon pako magpapatalo?

Tumayo ako at tumungo sa salamin na naka sabit sa dingding nitong selda. Medyo maliit lang ito at kasya lang ang muka ng tao.

Dati hindi ako maka tingin ng diretso sa salamin, ngayon kahit araw-araw pakong tumingin at hawakan ito hindi na ako natatakot.

Ngumiti ako ng mapait sa reflection ko sa salamin. Mag papaka-tatag ako. Mag isa nalang ako habang buhay.