Chapter 16: The Evil Soul

Aliya POV

Naka hawak lang ako sa balikat ni Vibian habang naka tingin lang kila Aling Mari at Aurora. Naka upo si Aurora sa isang upuan at naka gapos habang si Aling Mari naman ay naka upo paharap kay Aurora.

Hindi ko masyadong marinig ang mga pinag uusapan nila. Nang pumikit na si Aurora nagsimulang bumulong ng mabilis si Aling Mari. Hindi ko alam kung anong klaseng pananalita ang sinasabi niya.

Kinuha niya ang medyo malaking salamin at kinuha ang damit na naka balot dito. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko. Baka hindi na siya maka balik,

Iniharap ni Aling Mari sa kanya ang salamin. Nakapikit parin si Aurora.

"Buksan mo na ang mga mata mo Aurora..."

Rinig kong sabi ni Aling Mari. Biglang naka ramdam ako ng panlalamig kaya mas sumiksik ako kay Vibian.

Pag tingin ko kay Aurora naka tingin lang ito nang diretso sa salamin. Halos hindi siya kumukurap.

Pati si Vibian at Tita Amelia nagulat din. Sigurado akong nandun na siya sa kabilang mundo. Parang na istatwa talaga si Aurora, hindi siya gumagalaw at hindi kumukurap, pero taas baba parin ang dibdib niya, sign na humihinga siya.

"Vibi, natatakot ako." Bulong ko kay Vibian. Hiniwakan niyang mabuti ang kamay ko.

"Natatakot din ako Ali, natatakot ako para kay Aurora." bulong nito saakin. Si Tita Amelia tahimik lang na naka tingin kay Aurora. Kung takot kami, mas takot si Tita para sa anak niya. Alam kong si Aurora nalang ang meron siya. Naglakad ako patungo kay Tita at tinapik-tapik ang balikat niya. Napatingin naman ito saakin at pilit na ngumiti, bakas ang lungkot sa mga ngiting ibinibigay niya saakin.

Ibinaba ni Aling Mari ang salamin at inilagay sa gitna ng labing tatlong kandila. Parang may kung anong itim ang bumakas sa salamin. Parang usok na diko maintindihan.

Maya-maya ay may ibinulong nanaman si Aling Mari, halos tumirik ang mata nito at nanginginig narin ang katawan niya.

Napatingin kami kay Aurora na biglang yumuko. Parang nahihirapan itong huminga. Lalapitan ko na sana siya ng magmulat ng mata si Aling Mari,

"Lumayo ka sa kanya Ali," utos nito.

Lumayo naman ako at bumalik kila Vibian at Tita Amelia. Masyado akong nag-aalala kay Aurora.

"Sino ka?"

Tanong ni Aling Mari, nataka pako. Sino ang tinatanong niya?

"Alam mo kung sino ako.." Napa singhap kami ng mag salita si Aurora.

Parang hindi sa kanya ang boses nayun. Parang nag eecho ang boses niya. Yan naba ang ligaw na kaluluwa?

"Hindi kita kilala," agad na sagot ni Aling Mari. Halos pigilan ko ang paghinga ko sa mga nangyayari.

Tumingin sa kanya si Aurora, puro itim ang mga mata niya.

"Naging mas makapangyarihan ka dahil sa mga pinatay mo, bakit mo ginagawa ito." Kalmado lang si Aling Mari, pero ramdam ko ang takot niya.

"Kamukang-kamuka mo ang nanay mo....." ngumisi ito.

Bakas naman sa muka ni Aling Mari ang gulat.

"Sayang at hindi ko siya nagawang patayin.... mas malakas siya kaysa saakin."

Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Related pala ang Ina ni Aling Mari sa kaluluwang ito?

"Ikaw pala ang sinasabi ng aking Ina. Isa kang itim na mangkukulam. Ibenenta mo sa demonyo ang ispirito mo para magkaroon ng kapangyarihan. Kailangan mong pumatay para maka balik sa lupa, tama ako hindi ba?"

Ngayon naiintindihan ko na. Para mag karoon ng kapangyarihan ang isang tao, kailangan nitong makipag negosasyon sa isang demonyo. Pero tuso ang mga demonyo, kapalit ng gusto nito ay kailangan ng kaluluwang ito na pumatay ng mga tao. Iipunin niya ang mga kaluluwa na napatay niya at ibibigay iyon sa demonyo para matupad ang kahilingan na hinihingi niya. At sa katawan ni Aurora ang napili nitong saniban para pumatay.

"HAHAHAHAHAHAH...... gusto niyo bang e kwento ko sa inyo kung paano ko pinatay ang mga kawawang istudyateng iyon?"

Tumingin ito saamin at ngumisi. Nakakatakot' ang muka niya. Hindi na nga siya si Aurora. Iba na ang kaluluwang nasa loob ng katawan niya.

"Pinutol ko ang mga kamay at paa nila, tapos sinunod ko pati ang ulo. Ginilitan ko sila sa leeg at dinurog ang mga panget nilang pagmumuka! Hindi pako nakuntento at siyaka ko sila sinunog." Ngumisi ito "Ganun na ganun ang gagawin ko sa inyo! HAHAHAHAH."

Mahigpit na humawak ako sa braso ni Vibian. Nanginginig narin ang mga kamay niya.

Nakakatakot' ang pag tawa nito. Nag sign of cross ako.

"Sa tingin mo... magagawa kang sagipin ng diyos mo? Nagkakamali ka babae.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakatingin na pala ito saakin habang may nakakatakot na ngisi sa labi nito. Nagtago ako sa likod ni Vibian.

"Ibalik mo ang anak ko!!"

Sigaw ni Tita Amelia sa kanya. Tumingin ito kay Tita Amelia at biglang nag iba ang muka nito. Dumilim ang mga aura nito at parang galit.

"Ibalik? Bakit? Nagawa mo bang protektahan ang anak mo? Ambilis kong kunin ang buhay ng isa mong anak Amelia. Wala ka man lang ginawa.... magpasalamat ka nalang at pinatay ko ang mga nanakit sa anak mo!!"

Pinigilan namin si Tita Amelia na lumapit sa kinaroroonan ni Aurora.

"Walang hiya ka! Pinatay mo ang anak ko! Magbabayad ka! Magdudusa ka sa impyerno!!" Naiiyak na si Tita Amelia.

"Huminahon ka Amelia, pigilan mo ang sarili mo." Agad na sabi ni Aling Mari.

"Sa tingin niyo ba matatalo niyoko? NAGKAKAMALI KAYO!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!! AKIN ANG KATAWANG ITO!!"

Napatakip kami ng tenga dahil sa lakas ng sigaw nito, feeling ko dumadagundong ang bahay dahil sa sigaw niya.

Bigla itong nagpumiglas. Natatakot na talaga ako. Humahalakhak ito habang patuloy parin sa pag pupumiglas.

Nananalangin ako na sana hindi masira ang upuan na kinauupoan niya, dahil kong hindi... katapusan na namin.

Dinig na dinig ko ang pag tibok ng puso ko.

May binubulong si Aling Mari, napahiyaw naman si Aurora.

"PAPATAYIN KITA!!!" sigaw nito habang humihiyaw parin sa sakit.

Dati napapanuod ko lang ito sa tv pero ngayon. Nagsisisi akong nasaksihan ko ito. Totoo pala ang mga ganito,

Biglang huminto si Aling Mari, napayuko naman si Aurora. Habol ang hininga nito, mukang nahihirapan siya.

Naka rinig kami ng katok sa pinto. Agad na pinuntahan iyon ni Tita Amelia. Pag balik ni Tita Amelia ay may kasunod itong lalaki.

Nagulat kami ni Vibian ng makita si Alvin. Anong ginagawa niya rito?

Napadako ang mata niya kay Aurora.

Nagulat pa ito sa nakita.

Lalapitan niya sana ito ng pigilan namin siya.

"Wag Alvin!" Halos sabay kami ni Vibian.

Tumingin ito sa amin, may bahid ng pagkalito sa mga mata nito.

"Anong ginawa niyo sa kanya?"