Chapter 15: A Door behide the Wall

Byernes ng hapon at nandito kami sa labas ng bahay ni Aling Mari, ang albularyong pinuntahan namin noong isang araw. Sa kanya ako humingi ng tulong. Sinabi ko lahat sa kanya.

Nasabi din saamin ni Ali na espiresista din si Aling Mari, kaya nakakaramdam siya ng mga kululuwa sa paligid.

Hinihintay nalamang namin ito sa labas ng bahay niya, maya maya ay lumabas nadin siya at may dala na itong bag. Madami ba dapat ang dalhin niya?

Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa kotse ni Vibian. Pinapauwi ko na nga silang dalawa ni Ali pero ayaw nila, ang tigas ng ulo nang dalawang to. Naghihintay naman si mama sa bahay.

Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa bahay. Pag baba namin sa kotse agad napa tulala si Aling Maria. Parang may sinasabi ito,

"Itim na aura... malakas at nakamamatay. Maraming ligaw na kaluluwa." dinig kong sabi niya.

Agad kaming pumasok sa bahay. Nagulat si mama ng makita niya si Aling Mari.

"Ikaw......" turo ni mama kay Aling Mari. "Ikaw ang nagsabi saakin noon, hindi ako nagkakamali."

Anong ibig-sabihin ni mama? Kilala niya si Aling Mari?

"Ikaw ang buntis noon, hindi mo ba sinunod ang payo ko?" agad na tanong nito kay mama.

Umiling si mama at yumuko.

"Alam kong nasabi ko sayo ang dapat mong gawin noong una palamang,"

Tumango si mama.

"Pero hindi ako naniniwala sayo, akala ko baliw kalang kaya kung ano-ano ang sinasabi mo."

Bumuntong si Aling Mari.

"Hindi ako baliw, isa akong espiresista at albularyo."

Hindi umimik si mama.

"Nasa bahay nato ang kailangan natin. Tulungan niyo akong hanapin iyon bago mag ala sais ng gabi." Inilapag nito ang dalang bag sa sala. Agad kami ng nag hanap, hindi ko alam kung ano ang hahanapin namin.

Halos nahalughog nanamin ang buong bahay.

Hindi pala halos, may isa pang natitira, at yun ang basement.

Nalaman ko rin kanina kay Aling Mari na ginamit ng kaluluwang yun ang katawan ko para pumatay. Halos hindi ko matanggap, isa na akong mamatay tao. Kaya pala ang mga panaghinip ko ay pinatay ko sila, totoo pala yun. Nanginginig ang buong katawan ko pati ang mga tuhod at kamay ko. Pati si Ali at Vibian nagulat din. Alam kong kapag nalaman ng mga pulis na ako ang pumatay sa kanila, hindi sila magdadalawang isip na ikulong ako.

Nang mahimasmasan at naging okay ako kumuha kami ng flashlight at agad na tumungo sa basement, si Vibian at Ali naka dikit lang saakin. Nakakatakot' talaga ang basement nato, naalala ko nanaman ang nangyari dito, yung batang nakita ko at humawak sa paa ko.

Nanindig ang balahibo ko. Sinimulan na namin mag hanap. Puro lumang gamit lang ang nandito. Mga box at mga basag na salamin.

"Ano ba talaga ang hinahanap natin?" tanong ni Vibian. Mukang naiinip na ito.

"Malalaman mo kapag nakaramdam ka ng kakaiba kapag nakita mo ito."

Kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang hinahanap namin.

Inilawan ko ang mga pader, teka parang may kakaiba sa pader. Bakit parang may pinto?

"Pinto ba yan Aurora?" Biglang tanong ni Ali. Nakikita niya din? Akala ko namamalik mata lang ako. Kakulay kasi nito ang pader.

"Sa tingin ko oo, mukang pinto nga." sagot ko at lumapit sa pintong iyon.

Agad namin iyong pinag tulungang buksan. Mabigat iyon dahil mukang gawa sa semento ang pintong ito. Nang mabuksan namin, agad kaming nagtaka. May isa pang pinto. May mga papel na naka dikit sa pinto, hindi ko maintindihan dahil mukang latin ata ang naka sulat doon.

"Nasa loob ang hinahanap natin."

Napalingon kami kay Aling Mari na nagsalita. Si mama tahimik lang sa likod.

"Ako ang kukuha ng bagay na iyon maliwanag ba?"

Tumango kami at tahimik lang habang inaantay ang susunod na gagawin ni Aling Mari.

Lumapit na ito sa pinto at parang may ibinulong, kasabay nun ang pag bukas ng pinto. Nagulat pa kami, paano niya nagawa yun?

Naniniwala na talaga akong may kapangyarihan nga si Aling Mari.

Pumasok kami sa loob. Medyo malawak iyon,

"Hindi ko alam may ganito pala dito sa basement," dinig ko pang sabi ni mama.

Napatingin kami sa isang salamin na naka sabit sa gitna ng dingding. Nakaramdam ako na parang hinihigop ako papunta sa salamin.

Kinuha iyon ni Aling Mari at tinakpan ng damit. Alam niya ang tungkol sa nangyayari saakin kapag tumitingin ako sa salamin.

Agad kaming pumunta sa sala. Inusog muna namin ang mga couch at mga gamit. Nagsindi si Aling Mari ng Labing tatlong kandila.

"Makinig ka Aurora, kapag sinimulan na natin, mapupunta ka sa mundo nila gamit ang salamin. Gagawin nating pinto ang salamin patungo sa kabilang buhay kagaya ng ginagawa niya. Kailangan mong bumalik bago mamatay ang lahat ng kandilang ito dahil kung hindi....."

Malungkot itong naka tingin saakin.

"hindi kana makakabalik pa, at baka siya na mismo ang mag may-ari ng katawan mo. Maari niyang pasukin ang katawan mo kapag tuluyan nang pumasok ang kaluluwa mo sa salamin. Ilang buhay nalang ang kailangan niya para lubusan ng makuha ang gusto niya at yun ang katawan mo Aurora. Mawawasak mo lang ang salamin kung wawasakin mo ito sa loob. Hanapin mo ang salamin, wasakin mo iyon dahil doon niya ikinulong ang mga kaluluwang kinuha niya sa mga taong pinatay niya. "

Pinakinggan ko ng mabuti ang bilin ni Aling Mari. Kinakabahan ako, paano nga kapag hindi ako naka balik? May chance na habang buhay nakong makukulong doon kasama ang kakambal ko. Lumapit saakin si mama at niyakap ako, naiiyak na ito.

"Anak, bumalik ka saakin. Mangako ka na babalik ka anak." Napakagat ako ng labi. Pinipigilan ko ang humikbi.

"Babalik ako ma, pagbalik ko magiging normal na ang lahat. Pangako ko yan." Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Kung sakaling hindi ako makabalik, ang diyos na ang bahala kay mama at saakin.

"Alam namin babalik ka Aurora, hihintayin ka namin ni Ali." naiiyak na din si Vibian. Ngitian ko sila at tinanguan.

Mahigpit nila akong itinali sa upuan. Mabuti ng safe at hindi niya masasaktan sila mama at mga kaibigan ko. Huminga ako ng malalim, naka harap na ako ngayon kay Aling Mari upang masimulan na. Mag aala-sais na, pumikit ako kagaya ng utos ni Aling Mari.

"Sisimulan ko na Aurora, kapag nag-sabi na akong buksan mo ang mga mata mo, agad mong buksan maliwanag ba?"

Tumango ako. Agad kong winala lahat ng iniisip ko at nag focus.

Rinig ko ang mabilis na pagsasalita ni Aling Mari, latin iyon at hindi ko maintindihan.

Sana makabalik ako. Tulungan sana ako ng kakambal ko.

"Buksan mo na ang mga mata mo Aurora..."