Chapter 14: Soul of her Twin

Nandito na kami sa bahay ng albularyo na sinasabi ni Ali. Kasama ko silang tatlo, nag skip kami para lang dito, sana hindi malaman ni mama itong pinanggagagawa ko.

Kumatok na si Ali sa pintuan nito. Agad naman itong bumukas, lumabas ang medyo may katandaang babae. May bandana itong pula sa noo at mga kwentas na mula sa mga ngipin ng mga hayop. Nakakatakot' siya.

"Ah, magandang umaga Aling Mari nandito po---" Naputol ang sasabihin ni Ali ng magsalita ang babaeng albularyo na ngayon ay naka tingin saakin.

"Alam ko ang pinunta ninyo dito. Halika kayo pumasok kayo." Nagdadalawang isip pako kung papasok bako. Parang may pumupigil saakin.

Hinila nako ni Vibian papasok. Medyo madilim at puro kandila ang tumambad saamin. Napalunok pako dahil sa mga nakakatakot' na naka sabit sa dingding.

Umupo ito at ganun din kami. Kaharap namin siya ngayon sa isang bilog namesa.

"Hindi basta-basta ang kaaway mo iha," Agad na sabi nito habang nasaakin parin ang mga tingin.

"P-po?" Takang tanong ko.

"Malapit niya ng makuha ang gusto niya sayo. Kailangan mo siyang pigilan." Napakunot ang noo ko.

Sinong niya? At sinong pipigilan ko?

"Akin na ang kamay mo..." Sinunod ko naman siya at inilapit ang kamay ko.

Hinawakan niya ito kaagad at pumikit. Nagkatinginan lang kami nila Vibian at Ali.

"Baka mamaya fake pala yan Ali, malalagot ka saakin." Bulong ni Vibian.

"Tumahimik ka nalang, baka gusto mong ipakulam kita." Bulong naman ni Ali.

Sinamaan ko sila ng tingin. Bigla naman silang tumahimik. Biglang natakot kami dahil nanginig ang Babae. Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya,

"A-aling Mari? Okay lang p-po ba kayo?" tanong ni Ali. Pero hindi sumagot ang babae. Nagtaka naman kami. Anong nangyayari sa kanya?

Huminto na ito sa panginginig. At agad na tumingin saakin. Halos lamunin ako ng takot ng makita ko ang muka niya na malapit saaakin. Nakakatakot' talaga. Gusto ko na umuwi.

"Labing tatlong buhay.. kapalit ng iyong katawan.... Babalik siya sa lupa at ikaw ang magiging tulay." mahinang saad nito,

Huh? Ano daw?

"Hindi ko po kayo maintindihan," Sabi ko at kinuha ang mga kamay ko sa kanya.

"Kailangan mong wasakin ang salamin at kunin ang nararapat na sa iyo."

Seryoso na itong naka tingin saakin. Salamin? Anong salamin ang sisirain ko? Naguguluhan ako.

Pag balik namin sa sa school lutang parin ako. Diko talaga maintindihan ang sinabi ng Albularyo nayun. Anong buhay at salamin? Sinong siya? Feeling ko talaga lalayasan nako ng mga brain cells ko.

Litong-lito at gulong-gulo nako. Bakit ba hindi ko maintindihan ang mga nangyayari?

Mya kumalabit saakin. Si Vibian pala,

"Wag mo na munang isipin yun. Baka mapagalitan ka ni ma'am. Naka tingin siya sayo ohh.." ngumuso siya at tumuro sa harapan.

Napatingin naman ako sa prof namin na nag didiscuss sa unahan. Naka tingin nga siya saakin habang naka taas ng kilay nito. Napakagat ako ng labi at yumuko. Naka tulala na pala ako, mabuti nalang at sinabihan ako ni Vibian.

Pag uwi ko ng bahay naabutan ko si mama na nagluluto. Medyo late nako naka uwi dahil kumuha pako ng special exam kanina. Sa dami nun halos tumirik ang mata ko sa kakabasa at kakaisip ng sagot.

"Ohh anak, andiyan kana pala. Mag bihis kana at kakain na tayo."

Tumango ako.

"Opo ma," at siyaka nako pumasok sa kwarto ko at nag bihis. Ngayon ko lang napansin na parang hindi saakin ang uniform na sinuot ko kanina. Maluwag at feeling ko talaga hindi akin yun. Tatanungin ko nalang si mama.

Bumaba nako at nadaanan ko pa ang pinto ng basement, hindi ko nalang pinansin dahil natatakot parin ako.

Umupo nako at naka tingin lang kay mama na naghahain ng ulam.

Umupo narin ito at ngumiti saakin.

"Kain na anak,"

"Opo,"

Kumuha nako ng kanin at ulam na adobo. Paborito ko ito.

Itatanong ko pala ang tungkol sa uniform.

"Ma, yung uniform na nilabhan niyo nung isang araw bakit po muluwag na saakin?" Tanong ko. Tumingin naman ito saakin at kumunot ang noo.

"Yung uniform na sinuot mo nung nabugbog ka?"

Tumango nalang ako. Hindi ako maka sagot dahil puno ng kanin ang bibig ko.

"Puno kasi yun ng dumi at may mga mantsa ng dugo anak. Nagtataka nga rin ako dahil hindi naman size 29 ang mga paldang bibinili ko sayo."

Nilunok ko muna ang natitirang kanin ko sa bibig at nag salita.

"Size 26 lang po ako. Baka po namali lang kayo nang nabili?" tanong ko.

"Siguro nga anak."

Tahimik lang kaming kumakain. Ng maalala ko nanaman ang napanaghinipan ko sa ospital. Kamuka ko kasi yung napanaghinipan ko e. Naka tingin nga ako sa salamin pero yung muka niya medyo naiiba sa muka ko. At sino iyong nanghila sa kanya? Yun ba ang sinasabi ng albularyo?

"Ma, may naging kambal po ba ako?" mahinang tanong ko. Napatahimik naman ito at nabitawan ang kutsara na hawak.

"Ma? Ayos kalang?"

Tumingin ito saakin. Nagulat ito sa tanong ko. Pumikit muna ito at huminga ng malalim bago tumingin ulit saakin. Bakas sa muka nito ang lungkot.

"M-meron nga anak." nauutal na saad nito. Nagulat ako, teka totoo? Meron nga akong kakambal?

"So meron nga? Nasaan na siya ma?" sunod-sunod kong tanong. Natutuwa ako dahil meron nga talaga akong kakambal, hindi nako maka pag hintay na makita siya at maka sama. Buong buhay ko wala akong kalaro at kasamang lumaki, ano kaya sa feeling na may kasamang kapatid?

"W-wala na siya anak. Namatay siya noong tatlong taon palamang kayo." Yumuko ito,

Parang may kung ano saakin, parang sumakit ang puso ko sa narinig ko. Wala na? So hindi ko na siya makikita?

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.

"B-bakit?" malumanay kong tanong.

Pinipigilan ni mamang umiyak. Alam ko masakit sa kanya, masakit din saakin. Akala ko pa naman makakasama ko na nasiya at mag kakaroon na ng kapatid pero nag kamali ako.

"Namatay siya dahil sa bangungot anak. Hindi namin alam ang buong pangyayari. Basta nalamang siyang umiiyak habang tulog pagkatapos parang nahihirapan siya. Pinilit namin siyang gisingin, ginawa namin ang lahat pero....." napahinto ito at napa hagulgol. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya. Napapaiyak nadin ako.

"... hindi namin siya nailigtas. Sabi ng doctor binangungot raw ang kapatid mo, hindi nakayanan nang katawan niya mahina daw ito. Yun ang dahilan kung bakit namatay ang kakambal mong si Laura."

Laura pala ang pangalan ng kakambal ko. Pinahiran ko ang umaagos kong luha, napakaganda ng pangalan niya. Siguro kung nabubuhay siya maganda din siya kagaya ng pangalan niya.

"Pero noong inilibing na ang kapatid mo..... ikaw naman ang laging binabangungot noon anak. Takot na takot kami ng papa mo. Halos ginawa na namin lahat...." Tumingin ito saakin.

"Naalala ko.... may isang babaeng nagsabi saakin bago ko kayo ipanganak, sabi niya kukunin daw ng isang ligaw na kaluluwa ang anak ko. Hindi ako naniniwala sa kanya... pero nung namatay ang kapatid mo, doon lang ako naniwala na hindi lang basta bangungot ang nangyari sa kapatid mo. Natatakot ako anak na baka ikaw ay kunin saakin... ikaw nalang ang meron ako Aurora."

Niyakap ako ng mahigpit ni mama, niyakap ko ito pabalik, hindi mangyayari yun. Hinding-hindi ako papayag, gagawin ko ang lahat para matapos na ito. Pupuntahan ko ulit ang albularyong iyon at magpapatulong ako. Kung kinuha man ng ligaw na kaluluwang yun ang kakambal ko, pwes kukunin ko ang kakambal ko sa kanya. Kahit sa kabilang buhay pako pumunta. Makuha ko lang ang kapatid ko.

Kaya pala humihingi siya ng tulong saakin sa panaghinip ko. Nakakulong ba siya sa salamin? Kaya ba siya ang nakikita ko sa salamin? Kaya ba nag papakita siya kasi gusto niya nang maka laya? Kung ganun man, ibibigay ko yun sa kanya. Papalayain ko ang kakambal ko.