Chapter 13: Telling my Secrets
Agad akong niyakap ni Ali ng makita niya ako. Alam kong pupunta siya dito sa cafeteria kaya dito nalang namin siya hinintay ni Vibian.
"Oh my gosh, akala ko talaga Dina kita makikita. Nag ooverthink talaga ko gabi-gabi. Baka kasi mag transfer ka ng school tas iiwan muko."
Kumalas na ito, may mga luha sa mga mata niya. Ganun ba ako ka importante sa kanila?
"Nako Ali, halata naman sa muka mo na overthinker ka." sabat ni Vibian. Sinamaan siya ng tingin ni Ali.
"Che! Totoo naman e, mawawalan ako ng kaibigan pag nag transfer si Aurora sa ibang school. Anyway kamusta kana?"
Umupo na kami at naka harap silang dalawa saakin. Si Vibian na rin ang bumili ng pagkain ko, treat niya daw ako ngayon. Bumait na nga talaga siya.
"Okay na, medyo gumagaling na ang mga sugat ko." mahinang sabi ko.
"Nagtataka nga ako eh, puro pasa lang naman ang nakuha namin ni Vibi tapos sayo may mga sugat,"
Kahit ako nagtataka din. Wala naman talaga akong naaalala na sinugatan nila ako.
"Napansin ko nga rin."
Napaisip ito. "Nung tinanong ko si mommy about sayo ang sabi niya nauna raw kaming dalawa ni Aliyah dinala sa ospital at ilang oras kapa bago nakita." saad ni Vibian.
Ilang oras? Anong ibig niyang sabihin?
"Huh? Bakit diko alam yan? Paanong nangyari yun e magkasama nila tayong binugbog." sabat ni Ali na nagtataka na rin.
"Ang huling natatandaan ko iniwan nila tayo, nawalan ka na ng malay nun Ali tapos gumapang ako papunta kay Vibian pero nawalan na din siya ng malay, pagkatapos nun umulan...... tapos nawalan nako ng malay." sabi ko sa kanila. Hindi parin maalis sa mga muka nila ang pagtataka.
"Teka may naalala ako." biglang nagsalita si Ali at tumingin saamin.
"Narinig ko to sa mga studyante, nakita daw kaming dalawa ni Vibian sa harap ng clinic, tapos si Aurora sa likod ng School." Napa kunot ako ng noo.
"Luhh..... impossible naman yata yan Ali. Magkasama tayo nun remember?" Saad naman ni Vibian. Tama naman siya, magkasama nga kami bago ako nawalan ng malay.
"Oo totoo nga ang sinasabi ko, isang basurero daw ang naka kita sayo sa likod ng school Aurora, kung saan nila tayo binugbug. Iniisip ko nga baka dinala nila kami ni Vibian sa harap ng clinic tapos binalikan ka nila para bugbugin ulit at iwan nalang doon." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Ali. Bakit naman nila ako iiwan doon? Ganun naba sila ka galit saakin?
"Naguguluhan ako." Saad ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Tama na nga yan. Kumain nalang tayo, mamaya nanatin yan pag-usapan." saway ni Vibian saamin. Sumang-ayon nalang kami ni Ali at nagsimula ng kumain. Habang kumakain, lumilipad ang isip ko sa nangyari. Hindi ko parin maintindihan. Naguguluhan parin talaga ako. Kailangan kong alamin ang lahat.
Pagtapos namin kumain, tumambay kami dito sa garden, buti nalang at may malaking puno dito. Mainit pa naman ang panahon. Umupo kami sa damuhan,
"Hindi ba kayo nag tataka kung bakit nasunog ang hide out nila Veron?" Biglang tanong ni Ali.
"Sa tingin ko karma is real." sabat ni Vibian.
So totoo pala na nasunog silang lima, sa hide out nila mismo.
"Sabi daw ng mga pulis mukang pinatay daw sila bago sinunog. Puro raw kasi may bakas ng pag kaka gilit sa leeg at paghampas sa mga ito. Mukang ibunuhos daw ang gasolina na ginamit killer sa katawan nila. Mas malala nga yung kay Veron e. Pinutol daw ang dalawang kamay at paa niya pati ang---" hindi nito natapos ang sasabihin ng magsalita si Vibian.
"Stop it Ali, nakakasuka." reklamo ni Vibian.
"Totoo naman e. Yun yung nangyari sa kanila. Hindi nga mahanap ng mga pulis kong sino ang saralin. Feeling ko yung kaaway nilang grupo sa kabilang school ang gumawa nun."
Hindi ko na sila pinakinggan. Nag iisip parin ako, wala naman akong pakialam kung nasunog o namatay sila. Naawa ako pero nangunguna ang galit ko sa kanila. Ang iniisip ko ay ang nangyari saakin. Bakit naiwan ako sa likod nang school? Bakit kapag titingin ako sa salamin iba ang nakikita ko? Pati yung nakita ko sa basement at mga napapaghinipan ko. Litong-lito na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin.
"Nakikinig kapa Aurora?"
Napatingin ako kay Vibian.
"H-huh?" tanong ko.
"Pinag uusapan namin yung mga nawawalang bangkay, yung mga nambully sayo. Yung sila Gina at yung mga sumampal sayo." Saad ni Ali.
Wala naman akong alam, di naman ako nakikinig sa mga chissmiss dito sa school.
"Baka kung saan lang sila pumunta." tipid na sagot ko. Wala naman akong ideya.
"Sabagay, wag nalang silang bumalik sa school natin at baka ma kalbo ko sila." Sabay irap ni Vibian. Napaka war freak talaga, hindi na nadala sa nangyari saamin. Umiling-iling nalang ako.
Huminga ako ng malalim at tiningnan sila. Nagtaka naman sila saakin.
"May sasabihin ako, promise me na hindi niyoko pag tatawanan." sabi ko. Tumango silang pareho. Hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Normal lang ba na may makita kayong kakaiba sa salamin?" tanong ko sa kanila.
"Ahmmm I think it's not normal?" sagot ni Ali.
"Anong kakaiba ba?" tanong naman ni Vibian.
"Mula ng bata pako pinagbabawalan ako nila mama na tumingin sa salamin. Nung kinulong ako sa abandonadong building nila Gina, hindi ko naiwasang timingin sa salamin. That time iba ang nakikita ko sa reflection ko, parang hindi ako yung nakikita ko. Tapos parang may sarili siyang buhay at--" napahinto ako nang napasinghap si Ali.
"Ohh my gosh. Kailangan mo ng albularyo Aurora. Nabasa ko yan, hindi yan basta-bastang kaso, maraming namamatay dahil diyan."
Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi ni Ali.
"Wag kangang ganyan Ali. Tinatakot mo si Aurora."
"May kilala akong Albularyo Aurora, matutulungan ka niya."
"Naniniwala ka dun?" Napatingin din ako kay Vibian. Mukang hindi siya kumbinsido.
"Oo naman. Napagaling niya ang pinsan kong kinulam kaya alam ko na matutulungan niya si Aurora."
Tumingin saakin si Ali.
"Bukas na bukas din, pupunta tayo sa kanya."
Tango lang ang sagot ko. Sana nga matulungan niya ako. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.