Chapter 12: Apology Accepted
Nagsinungaling ako. Masama akong anak, nagawa kong magsinungaling sa sarili kong ina. Ayoko siyang mag alala sakin, alam ko naman na imahinasyon ko lang ang nakikita ko sa salamin at walang katotohanan roon, dahil lang siguro sa pagod o sakit na nararamdaman kaya kung ano-ano nakikita ko. Kagaya nalamang ng reflection ko nung binugbug kami. Diko alam kung namamalik mata lang ba ako o baka dahil sa ulan kaya nag ka ganun ang reflection ko.
Nung tinanong ako ni mama, natakot ako. Hindi ko alam pero parang may alam si mama tungkol sa pagtingin ko sa salamin. Kailangan kong malaman iyon, pero hindi muna ngayon kailangan ko munang mag pagaling.
Nandito ako labas ng ospital at hinihintay ko si mama dahil uuwi na kami ngayong araw. Halos limang araw rin akong na admit sa ospital. Hindi ko man lang nabisita sina Ali at Vibian dahil nauna na silang na discharge.
Nakatingin lang ako sa mga kamay ko na puno ng sugat. Magaling na ang mga lapnos ko sa kamay pero ang mga sugat patuloy parin sa pag hilom. Hindi ko alam kung saan galing ang mga lapnos at mga sugat na natamo ki. Kumikirot parin ang mga pasa ko sa paa at kamay lalong lalo na ang tiyan ko na ilang beses nilang sinipa. Mukang napurohan talaga ako kaya siguro dalawang araw akong walang malay.
Pero naka-pag tataka na mas malala ang lagay ko, sa pag kakatanda ko huli na akong nawalan ng malay. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Aurora?" tawag ng baritonong boses, parang pamilyar ang boses na tumatawag sa akin. Agad akong napalingon sa kinaruruonan nito.
Bakit siya nandito? May dadalawin ba siya? Wala palang klase ngayon dahil sabado. Naramdaman ko nanaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
"I-ikaw pala Alvin. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng maka lapit ito.
"Dadalawin ka sana....." napakamot ito sa ulo, "kaso... mukang uuwi kana."
Napangiti naman ako. Kaya pala siya nandito dahil dadalawin niyako? Pero bakit?
May binigay itong basket ng prutas. Nahihiyang tinanggap ko ito. Umupo siya sa tabi ko. Medyo nakakailang pero at the same time parang gusto ko siyang katabi.
"Pasinsya kana ngayon lang ako naka dalaw sayo, may klase kasi at nag kakaroon ng mga test." Napatango-tango ako.
Kapag pumasok naba ako ulit bibigyan bako ng special test? May reason naman ako kung bakit hindi ako naka kuha.
"Okay l-lang yun. Diko nga eneexpect na dadalawin muko." tumingin ako sa malayo. Naiilang talaga akong katabi siya.
"Kahit ako hindi din."
Napakunot noo ako sa sinabi nito. Ano daw? Hindi ko na gets ang sinabi niya.
"H-huh?" tanong ko.
"Anak andiyan kalang pala,"
Biglang sumulpot si mama sa likuran namin. Nahiya tuloy si Alvin, ipinakilala ko siya kay mama. Parang jowa lang ganun? Pinapakilala sa parents, pero wala naman kaming something ni Alvin. Sa tingin ko naman wala siyang gusto saakin.
"Sige iho mauuna na kami ha." Paalam ni mama kay Alvin. Nauna na si mama sa kotse at ipinasok ang mga dala naming gamit.
"Sige Alvin, mauna nako. Kita kits nalang sa school." paalam ko dito bago siya tinalikuran at pumasok na rin sa kotse, kinawayan ko muna ito bago kami tuluyang naka alis.
"Bagay kayo anak."
Napa irap ako kay mama. Bakas sa tono nito ang panunukso.
"Ma naman, classmate ko lang po siya." depensa ko.
"May classmate bang dadalawin ka? Bibigyan ng mga prutas? Nako... nung kabataan ko ganyang-ganyan ang ginagawa ng papa mo sa akin." Masayang kwento nito. Napa ngiti naman ako.
"Mahal na Mahal ko ang papa mo kahit madalas kaming nag aaway noon...." Napahinto ito "... hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya." Bumahid sa muka nito ang lungkot. Hinawakan ko ito sa balikat, napatingin naman ito saakin. Ngitian ko siya.
"Alam kong mahal na mahal ka rin ni papa, ma." sumilay ang ngiti nito at nag patuloy sa pag dridrive.
Pag uwi namin sa bahay nakaramdam ako ng paghihina. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko kapag uuwi ako dito sa bahay nanghihina ako,
Makalipas ang tatlong araw ay pumasok nako narin ako sa school. Pinilit ko pa si mama dahil ayaw niya akong payagan, natatakot siya na baka mabugbog nanaman ako. Pag pasok ko palang ng gate mga studyante na nagbubulongan ang tumambad sa akin.
"Hindi ba siya Yung binugbog nila Veron?"
"Magaling na pala yan."
"Kawawa naman siya."
"Grave siguro yung pambubugbog sa kanila. Andami niyang pasa oh,"
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag lalakad papunta sa classroom. Pag dating ko nagulat ang mga classmate ko. Bigla silang napatahimik ng pumasok ako at umupo sa upuan ko.
"Aurora...." Lumapit si Vibian. Bakas sa muka nito ang lungkot.
Bigla ako nitong niyakap. Narinig ko nalang ang pag iyak nito.
"Sorry....... sorry ..... Aurora, hindi ko sinasadya.." hagulgol nito. Tahimik lang ang mga classmates ko habang naka tingin sa amin ni Vibian, alam kong nakikinig sila sa amin. Hindi ko na rin napigilang mapaiyak at niyakap siya ng mahigpit.
"Shhh..... wala kang kasalanan. Sila ang may kasalanan, wag kana umiyak."
"Kung alam ko lang.. hindi na sana ako sumali sa kanila... sana hindi kayo nadamay.." kumalas na ito ng pag kakayap at tumingin sa akin. Pinahiran nito ang mga luha sa mga mata at malungkot na ngumiti.
"Nangyari na Vibian, kalimutan nalang natin. Wag mong sisihin ang sarili mo okay?" Tumango ito.
"Tumahan na kana, yung make up mo ohh," pag bibiro ko. Napatawa naman ito,
Pag tingin ko sa mga classmates ko, nagulat ako dahil bakit naka yuko sila at hindi maka tingin sa akin? Namamasa rin ang mga mata nila. Teka anong nangyari sa kanila? Pati ang mga classmate kong babae humihikbi.
Lumapit sa amin ang iba kong mga classmates. Nagtaka pako dahil parang namatayan sila. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Aurora, g-gusto din namin humingi ng tawad sayo.. sa mga nagawa namin," biglang sabi ng isa kong classmate na si Lea.
"Patawarin mo kami Aurora.... pinapangako namin na hindi ka nanamin aawayin," sabat naman ng isa ko pang classmates.
"Hindi na talaga. Ako ang makaka-laban niyo." Ani Vibian.
Ngumiti nalang ako sa mga classmates ko. Hindi naman ako madamot pag dating sa pag papatawad.
"Okay lang yun. Past is past," Tumango naman ang mga classmates ko napatawa pa sila sa sinabi ko.
Dumating na rin ang prof namin, nagulat din ito ng makita ako.
Nahagip naman ng mata ko si Alvin na naka ngiti sa akin. Napa iwas ako ng tingin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Katabi ko na ngayon si Vibian, hinila niya ang upuan papunta sa tabi ko. Gusto niya daw akong katabi. Wala namang nagawa ang prof at sumang-ayon nalamang.
Parang nabunutan ako ng tinik. Nagpapasalamat ako dahil okay na kaming lahat, alam kong hindi na nila ako aawayin. Humawak naman si Vibian sa kamay ko, ayaw talaga ako tantanan. Napangiti nalamang ako, kakamustahin ko na rin si Ali mamaya. Alam ko miss na miss nadin ako ng isang yun.
Sasabihin ko na rin kay Vibian at Ali ang tungkol sa salamin at tungkol sa nakikita ko, baka matulungan nila ako .