Chapter 11: The Dream
Naalimpungatan ako ng may narinig ako na parang umiiyak. Nasisilawan ako sa ilaw ng pilitin kong imulat ang nga mata ko. Napakurap-kurap ako at agad na tumingin sa kisime, nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa langit naba ako? Biglang may naramdaman akong humahawak ng mahigpit sa kaliwang kamay ko, naka yuko ito at umiiyak.
Si mama.
"Ma?" nahihirapang tawag ko sa kanya.
Agad itong tumingin sa akin, napa laki ang mga mata nito ng makita ako.
"Anak... Diyos ko salamat at gising kana...." Umiyak nanaman ito, mugtong-mugto na ang mga mata niya kaka iyak.
"Pinag alala muko anak... akala ko mawawala kana saakin. Sino ang gumawa sayo nito? Sabihin mo saakin at ipapakulong natin sila!" Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.
"Mama....." tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilang umiyak. Humagulhol nako at mahigpit siyang niyakap. Umiyak na rin ito.
"Mama....... binugbug nila kami.... wala silang awa m-ama......" iyak lang ako ng iyak. Bumuhos na ang lahat ng emosyon ko.
"Shhh.... ipapakulong natin sila anak. Mga hayop sila!" Bakas sa boses ni mama ang galit.
Ilang minuto pa akong umiyak. Maya-maya ay tumahan nadin kaming pareho. Si mama hawak parin ang kamay ko at ayaw akong bitawan. Nasa ospital pala ako. Teka, sila Vibian at Ali dinala din ba sila dito sa ospital?
"Ma... sila Vibian at Ali po nasaan?" Agad na tanong ko.
"Nasa kabilang kwarto sila anak, mabuti na ang kalagayan nila. Ikaw ang inaalala ko, dalawang araw kang walang malay."
Nagulat ako sa sinabi ni mama. Dalawang araw? Ganun katagal akong walang malay?
"Mas malala ang natamo mo anak. May mga sugat kapa sa kamay,"
Napatingin naman ako sa kamay ko. Oo nga meron nga akong mga malalaking bandage sa braso at kamay.
Teka wala naman akong naaalala na sinugatan ako o hindi ko lang napansin at naalala?
"Magpahinga ka na muna anak... aalis na muna ako. Uuwi ako para kumuha ng mga gamit at pagkain, sa susunod na araw kapa makaka labas sabi ng doctor." hinalikan ako nito sa noo.
Tumango ako at humiga sa kama, binuksan niya ang TV bago lumabas ng pinto.
Sumasakit ang ulo ko, dahil siguro sa pag sabunot sa akin ng mga babaeng yun. Bumuntong hininga nalamang ako.
Pipikit na sana ako ng biglang may nagsalita sa TV.
"Napag alamang lima ang patay sa sunog na nang yari sa isang paaralan. Limang bangkay ng babae ang natagpuan, halos hindi na ito makilala dahil sa pag kakasunog ng mga katawan ng mga biktima. Napag alaman rin ng mga polisya na nasasangkot ang limang babaeng ito sa pambubugbog sa tatlong studyante na nasa ospital at nag papagaling pa. Sa ngayon, hindi pa matukoy ang pinag mulan ng sunog."
Teka! Sa school namin yan ah! Siyaka kami ba ang tinutukoy na nasa ospital? At ang mga nasunog sino sila? Hindi kaya sila Veron at apat na kasama niya yun? Pero...... paanong nangyari yun?
Pumikit nalang ako at winala ang iniisip ko. Hindi ko alam kung matutuwa bako dahil sa nangyari. Mali siguro ang iniisip ko, baka kung sinong mga studyante lang iyon.
"Kailangan mo siyang labanan Aurora.... papatayin niya silang lahat."
Nasaan ako? Bakit na paka dilim? Wala akong makita.
"Aurora..... papatayin niya sila." Narinig ko nanaman ang tinig. Kanino nanggagaling ang boses na iyon?
Biglang may lumitaw na salamin sa harap ko. Teka ako iyong nasa salamin. Pero paanong nandun ako? Ibang iba ang mga galaw at emosyon nito.
Lumapit ako dito, umiiyak ito at parang humihingi ng tulong sakin. Paanong? Ako ba ito? Pero bakit iba? Bakit siya umiiyak? Tumingin ito sa mga mata ko at parang gusto nitong kumawala sa salamin.
"Aurora.... talunin mo siya. Ikaw nalang ang pag-asa ko upang maka laya. Ikaw nalang ang pag-asa namin Aurora...." Parang nahihirapan na itong mag salita.
"Kailangan mo siyang talunin... dahil kung hindi....... papatayin niya lahat ng malalapit sayo."
Hahawakan ko na sana ang salamin ng may humila sa kaniya at bigla itong nawala. Halos lamunin ako ng takot sa nakita. Halos hindi ako maka hinga ng may lumabas na isang babae sa salamin at parang sinasakal ako nito.
"Anak!! Anak!! Gising! Binabangungot ka anak!!" Napa upo ako. Napa tingin ako kay mama na nag-aalala.
Hawak hawak ko ang dibdib ko at gabol ang hininga, ano iyong napanaghinipan ko?
"Anak.. ayos kalang ba? Nanginginig ka kanina. Binangungot." Bakas sa boses nito ang pag aalala.
"Ma.... may nakita ako sa panaghinip ko, isang babae at--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang mag salita ito.
"B-bumabalik nanaman ang sakit mo anak," naluluha ito. Bakas sa muka nito ang takot at kaba.
Anong ibig sabihin ni mama? Naguguluhan ako. Anong sakit ang sinasabi niya?
"Hindi kita maintindihan ma,"
Huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay ko, umupo ito sa tabi ko.
"Magtapat ka nga sakin anak...."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Amelia POV
"Gerald naman! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak natin!" Sigaw ko sa asawa ko. Naka upo lang ito couch at nag iisip. Halos lahat na ng doctor pinuntahan na namin para gumaling ang anak ko pero bigo parin kami.
"Akala mo ba madali sa akin to? Halos ubos na lahat ng pera natin, Amelia!" Balik na sigaw nito sa akin.
Kung may magagawa lang sana ako, matagal na sanang magaling ang anak ko.
"Ayaw mo naman sigurong matulad siya sa isang anak natin hindi ba? Gawin natin ang lahat Gerald. Please.."
Rinig ko ang pag buntong hininga nito. Napalingon kami sa bumukas na pinto.
"Ma'am .... Sir... si Aurora po.."
Biglang pag sulpot ng isang katulong.
Agad kaming napatakbo sa kwarto nito. Naabutan namin itong naka upo sa kama habang naka tingin sa salamin.
Agad ko siyang nilapitan at pilit na kinukuha ang salamin sa kamay nito.
Paanong may salamin? Saan niya ito nakuha?
Nang makuha ko ang salamin sa kaniya ay bigla itong nawalan ng malay. Halos mapa iyak ako sa kalagayan ng anak ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Halos gabi- gabi itong binabangungot. Halos limang taon na siyang ganito. Mula ng apat na taong gulang siya, mula ng namatay ang kakambal niya. Namatay ang kakambal niya dahil sa bangungot kaya natatakot kami na pati siya ay mawala saamin.
Tinawagan ulit namin ang doctor, ganun parin ang sabi nito. Ano ba talaga ang sakit ng anak ko at hindi nila ito magamot-gamot?
May ibinigay naman itong gamot, pero ang gamot na iyon ay para lang maka tulog siya ng mahimbing at maiwasan ang bangungot.
Nang magising ang anak ko, biglang nagbago ang ugali nito. Nananakit ito at may kung ano-anong ginagawa. Nagugulat nalang kami dahil sa nagagawa niya. Kapag nakatulog ito at gumising ulit, nag iiba nanaman ang ugali niya. Nag simula ito ng tumingin siya sa salamin. Minsan naabutan namin siya sa basement na umiiyak at may sinasabi.... hindi niya daw ginawa iyon sa mga katulong. Hindi daw siya ang nanakit sa kanila.
Naniniwala ako sa anak ko. Hindi iyon magagawa ng anak ko. Hindi niya kayang manakit!
Nang namatay ang asawa ko dahil sa heart attack, bigla akong nawalan ng gana at pag-asa. Namatay siya dahil ito sa kaka trabaho mapa araw man o gabi. Ginagawa niya ang lahat para mapagaling ang anak namin pero naubos lang ang lahat ng ari-arian namin.
Lumipas ang ilang taon at bumuti na ang lagay ni Aurora. Nabigyan ulit ako ng pag-asa.
Hindi na siya binabangungot at umiiba ng ugali. Lahat ng salamin namin sa bahay ay sinara nanamin noon ni Gerald at iniligay lahat sa basement. Mula noon naging normal na ang buhay namin ni Aurora.
Pero mukang hindi na ulit magiging normal mula ngayon, dahil may hinala ako. Hindi kaya..
"Anak.... tumingin kaba sa salamin?"