Chapter 10. Bloody Revenge

Agad kong kinuha ang baseball bat na nakita ko kanina sa isang baseball room. Magagamit ko ito mamaya. Ngumisi ako, sinilip ko ang nurse na humihingi ng tulong. Nilagay ko Muna ang dalawang kaibigan ni Aurora sa harap ng clinic, agad naman silang nakita ng nurse. Sa susunod ko nalang sila papatayin. Uunahin ko muna ang mag babaeng yun.

Umalis nako dala ng baseball bat. Tumila na rin sawakas ang ulan.

"My turn."

Tinungo ko ang hide out ng mga bumugbug kanina kay Aurora at mga kaibigan nito. Hindi ako magdadalawang isip na patayin sila. Na eexcite nakong makita silang duguan at wala ng buhay. Akin na ang kaluluwa nila.

Hindi ako nakita ng ibang studyante dahil nag umpisa na ang klase.

Pag dating ko sa hide out, nag hanap muna ako ng ibang mapapasukan. Hindi ako pwedeng pumasok sa main door dahil baka may maka kita sa akin. Iisa-isahin ko sila para naman ganahan akong kunin ang mga buhay nila.

Pumasok ako sa maliit na bintana, mabuti nalang at medyo payat ang katawang ito at hindi naako mahihirapang pumasok sa mga maliliit na pasukan kagaya nitong bintana ng banyo.

Pag pasok ko narinig ko agad ang pag uusap nila veron at mga kasama niya, medyo madami na sila ngayon. Sa tingin ko pinatawag ng niya ang ibang membro ng sorority nato. Tsk! Tinatawag niya ang sarili niyang leader? Sampal at sipa lang naman pala alam niya.

Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking pader upang mas marinig pa ang pag uusap nila.

"Sige na umalis na muna kayo! Ang bilin ko sa inyo.... manmanan niyo sila ng mabuti." Utos nito sa limang babae.

Mabuti nalang at bawal sa school nato ang cellphone. Wala silang mahihingan ng tulong. Simulan na nilang magdasal dahil kahit lahat pa ng santo ang tawagin nila hinding-hindi sila nito matutulungan.

"Kayong apat na nakasama ko kanina mag paiwan kayo."

Mas lalo akong napangisi. Naaayon ang plano ko, salamat sa kanya at hindi nako mahihirapan pang hanapin sila isa-isa.

"Ikaw!" turo nito sa babaeng humawak kay Ali kanina "ipag timpla mo ako ng kape." Utos nito.

Tumango ito at nag lakad papunta sa kusina. Sinundan ko ito ng tahimik at walang ingay. Habang abala siya sapag titimpla ng kape.. agad ko siyang hinawakan sa leeg at tinakpan ang bunganga upang hindi siya maka sigaw.

Nagulat ito at nagpupumiglas. Kinuha ko ang kutsilyo na nasa may lababo at itinutok sa leeg niya. Napasinghap ito at biglang nanahimik, sa tingin ko ay natakot ito, dapat lang siyang natakot dahil ngayon palang ay kukunin ko na ang walang kwentang buhay niya.

"Wag kang magkakamali at gigilitan ko ang leeg mo." bulong ko sa kanya. Mukang takot na takot ito. Ngayon lang siya takot? Kanina wala siyang takot ng bugbugin niya ang dalawang babae at si Aurora. Tsk! Medyo nainis ako sa kanya kaya hindi nako ng dalawang isip na gilitan ang leeg niya.

"Uckkkhh....." mahinang daing ito. Bumagsak siya sa sahig at mulat ang mga matang naka titig sa akin, kitang kita ko ang gulat at takot sa mga mata nito. Tsk! B*tch!!

"I-ikaw...." nahihirapang salita nito habang pinipigilan ng mga kamay nito ang pag agos ng dugo mula sa leeg niya.

Ngumisi ako at siyaka ko kinuha ang baseball bat na itinago ko sa likod ng pinto. Walang sawa ko siyang hinampas hanggang sa madurog ang ulo niya.

Dinuraan ko ito at sinipa. Walang kwenta!

Puno na ng dumi at dugo ang uniform na suot ko. Pero wala akong pakialam. Nagtago ako at hinintay ang ibang myembro. Alam kung may papapuntahin ang Veron nayun para tawagin ang babaeng inutusan niya. Mag tataka ito kung bakit matagal ang inutusan nitong mag timpla ng kape. Sana naman dugo nalang ang tinimpla ng babaeng to.

Inilagay ko muna ang kutsilyo sa gilid ng palda na suot ko para maipit at hindi malaglag. Gagamitin ko pa ito mamaya. Hinawakan ko ng maigi ang baseball bat dahil narinig ko na ang yabag papalapit sa kusina. Itinago ko ang bangkay sa loob ng kabinet nitong kusina. Buti nga kumasya siya. Gusto ko pa sana silang pahirapan kaso... baka kulangin ako sa oras. Siyaka nalang pag papatay nako ulit.

Pag bukas ng pinto agad kong hinampas ng baseball bat ang pumasok. Napa luhod ito at itinukod ang isang palad at ang isa naman ay naka hawak sa ulo nito.

Dumaing ito na medyo malakas kaya agad ko siyang sinaksak sa dibdib. Nagulat ito at tumingin saakin. Tumingin ito sa dibdib niyang may kutsilyong naka baon. Ngumiti lang ako sa kanya at walang awang naka tingin sa mga mata niya. Sayang maganda pa naman siya, kaso mamamatay na siya.

Hinawakan ko ang kutsilyo ay inilibot at idiniin ko para mas lalong bumaon ang pag kaka saksak sa dibdib niya. Alam kong abot iyon sa puso. Sumusuka narin ito ng dugo.

Hinugot ko ang kutsilyo at naghugas ng kamay sa lababo. Pati ang kutsilyo hinugasan ko na rin. Ang lapot ng mga walang kwenta nilang dugo.

Tumingin ako sa bangkay nitong naka dapa sa sahig. Nag kalat na rin ang dugo nito. Hinayaan ko nalang at dinala ang baseball bat at kutsilyo.

Hinay-hinay akong nagtungo sa pintuan kong nasaan ang main door. Isinara ko ito at sinira ang door knob. Ngayon wala ng makakalabas ng buhay sa lugar na ito.

Nasa likod ako ng malaking pader habang naka tingin sa babaeng naka upo sa gitna. Bakas sa muka nito ang inip at inis.

"Bakit antagal nila? P*tangina! Tinginan mo ang dalawang yun!! Ma papatay ko sila!" Sigaw nito sa isang babae. Agad itong tumakbo papunta sa kusina. Bumalik ito kaagad at may halong takot at mga luha sa mga mata.

"Oh bakit ganyan muka mo? Nasaan na sila!?"

"P-patay n-na sila" Napa hagulgol na ito.

"ANO?!" sabi ni Veron at dalawang babae. Gulat na gulat ito sa sinabi ng babae.

"PATAY NA SILA!! May pumatay sa kanila." Napa upo ito sa sahig. Pinuntahan naman ng dalawang babae at ganun din ang muka nila pag dating sa harap ni Veron.

"P-patay na nga sila" Sabi ng isang babae at humikbi.

"Paanong nangyari yun? Sino ang pumatay sa kanila?" Walang sumagot sa tanong nito.

"Ikaw! Lumabas ka at tawagin mo ang ibang myembro." Utos nito. Agad na tumakbo ang babae papunta sa main exit pero bumalik din kaagad.

"Sira ang pintuan, may sumira roon . Hindi tayo makaka-labas" bungad ng babae.

Mas lalong na inis si Veron sa narinig, bakas din sa muka nito ang takot.

"Hanapin niyo ang pumatay sa kanila. Nandito parin siya sa loob!"

"Pero natatakot kami. Baka patayin

niya kami." Sabat ng isang babae.

"Ikaw sumama ka sakin. Kayong dalawa mag hanap kayo!"

Sumunod naman ang dalawang babae.

Agad akong sumunod sa kanila.

Naghanap sila sa mga kwarto kung saan malapit ang kusina.

Nagtago ako sa gilid na kung saan hindi nila ako mapapansin. Nang maka daan silang dalawa, mahina ang pag lalakad ng isa, bakas sa muka nito ang takot. Siya ang uunahin ko.

Mahina ko silang sinundan. Madilim sa parteng ito kaya hindi nila ako makikita.

Nauna nang mag lakad ang isa.

"Bilisan mo naman." Nilingon nito ang nahuhuling babae at nagpatuloy na sa pag lalakad ang naunang babae.

Dali-dali akong lumapit sa nahuhuling babae at agad kong hinawakan sa bibig at dinala sa isang kwarto.

Agad ko itong ginilitan sa leeg at sinaksak sa tagiliran. Mahinang itong napa daing. Agad itong bumagsak sa sahig at namatay kumalat ang dugo nito sa tuyong sahig.

Lumabas nako sa kwartong iyon at sinunod ang isa pang babae. Ito ang isang bumugbog kay Aurora.

Agad kong pinalo ang ulo nito at agad itong nawalan ng malay, dinala ko ito sa kwarto kung saan ko pinatay ang kaninang babae. Habang wala itong malay ay pinutol ko ang dila nito para hindi na maka sigaw kapag tuluyan na itong magising. May nakita akong tali at itinali ito sa mag kabilang kamay at tinali sa kama.

Hindi kalaunan ay gumising na ito at agad na umiyak ng makita ako at nang mapag tanto nito ang sitwasyon niya. Ngumisi muna ako bago ko siya pinaulanan ng hampas. Halos madurog ang ulo nito sa kakahampas ko ng baseball bat. Mukang patay na siya. Mas masarap talaga patayin ang mga taong gising kaysa sa wala ng malay.

"Hindi ko na papatagalin ang pag-hihirap mo." At tumawa ako. Ansaya nilang makitang nahihirapan at wala ng buhay, may dalawa pakong tatapusin kaya mamadaliin ko na ito.

Hinampas ko ulit ng ilang beses ang ulo nito. Hingal na hingal ako ng matapos ako sa kanya. Kumuha ako ng isang damit at pinunasan ang baseball bat na puno ng dugo, pati ang muka ko na may mga dugo ay pinunasan ko na rin. Lumabas nako sa kwartong iyun.

"Isusunod ko na silang dalawa...."

Mahina kong tinungo ang kinaroroonan ni Veron.

"Asan na sila! Bat hindi pa sila bumabalik!?" sigaw nito sa isang babae. Iyak lang ng iyak ang babae.

"Pwede ba? Wag kang umiyak diyan at hanapin mo sila." Utos nito pero umiling ang babae.

"A-ayoko. N-natatakot a-ako" Iyak nito.

"Wala kang kwenta!" sigaw nanaman nito sa babae.

Tumalikod ito at hinihilot ang sintido.

Pagkakataon ko naman para lumapit sa babaeng naka tayo sa gilid.

Mahina akong lumapit at tinakpan ang bibig niya. Nanginginig ito sa takot.

"Paalam..." bulong ko bago ko gilitan ang leeg nito.

Bumagsak ito sa sahig dahilan para mapatingin si Veron.

Halos hindi ito kumurap ng makita ang babaeng patay na sa harapan ko.

Napaatras ito habang naka tingin parin sa babaeng naka hilata sa sahig.

Naka tingin lang ako sa kanya. Kating-kati na ang kamay kong patayin siya.

"Tatayo ka nalang ba jan Veron? Hindi kaba tatakbo?" Ngumisi ako ako habang hawak-hawak ang kutsilyong may tumutulong dugo.