Chapter Nineteen
LEXSHAWNA ARIELLA DELFIN POV
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ang natatandaan ko lang ay nasa stage kami upang mag- perform ng aming production number. Tapos biglang may usok na bumalot sa stage then, isang pag- sabog ang nagpagulo ng lahat. Pababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Shellarina. Tinanong ko sya kung ano ang kailangan nya. She just smiled at me sabay hampas ng kung ano sa may batok ko dahilan ng pagka- wala ng aking kamalayan. Pagkatapos, heto, nandito na ako with these annoying people around me.
"Bakit mo ako hinampas at dinala dito, Rina?." Tanong ko.
Ako na ang bumasag sa katahimikan. May staring contest sa pagitan nila at sa higad sila nakatingin lahat. Sorry na kaagad. Masyado ng matagal ang naaaning atensyon ni Shellarina kaya naman, binasag ko na.
"You hit her?!." - "Hinampas mo sya?." Magka- sabay na tanong ni Gem at Edson.
Wow. Pwede na silang mag- duet.
Umikot ang mata ni Shellarina in 360°. "I have to. What's so special about her, huh?. Bakit ba parang pinag- tatanggol nyo yan?."
"Because she's my Queen." - "She's a friend." Magka- sabay ulit na tugon nila.
Pwede na talaga silang mag- duet. Hindi sila sumasablay, ehh. Pero syempre, si Edson ang nagsabi ng ako daw ang reyna nya and yong kaibigan lang ay si alahas. Dahil dyan, mas lalong sumama ang mukha ni Rina.
Tinapunan nya ako ng masamang tingin. "Pati ba naman ang kuya ko, inaahas mo na, huh, bitch?."
"Don't call her bitch, Shellarina. Not under my watch." Kaagad na saway ng knight in shining armor ko.
"And don't used that tone on my baby sister." Depensa naman ni Gem para sa kapatid nya.
Ngayon, ang dalawa naman ang nag- titigan. Bago pa sila mag- suntukan ay hinatak ko na kaagad si Edison papunta sa tabi ko. Umabante naman ako ng ilang hakbang.
"Bakit ba tayo nandito?. Spill it out, Rina. We're wasting too much time. Any moment ay may paaalisin na tayo dito lahat." Ani ko.
Trulaley. Remember about the smoke and explosion?. That's it. Any moment ay may papasok ng mga kapulisan upang siguraduhin na wala ng natitirang mga tao dito sa loob. And hindi naman siguro tanga ang higad at bubuyog na ito upang sayangin ang pag- kidnap sa akin para lang sa wala. Alam kong may reason kung bakit nandito kaming lahat.
Napatawa naman ang bruha. "You're so smart talaga. Well, ikaw lang naman ang kailangan ko. Ewan ko ba kung bakit dumami ng ganito ang audience ko."
"Anong kailangan mo?." Tanong ko.
"I have to tell you the truth about your dear lovidabs. He's not what you think he is." Tugon nya.
Napakunot naman ang noo ko. "What is it?."
"Don't!." Biglang sigaw ni Cass. "H'wag kang makikinig sa kanya. Ang mga San Diego ay kilala sa pagiging tuso at mapanlinlang."
"Stop it, Shellarina." Saway naman ni Edson.
Isa lang ang ibig- sabihin ng pagka- tuliro at defensive nila. It means, may something nga talaga. Kaagad naman na umusbong ang kagustuhan kong mag- tanong at mang- usisa. Kilala nyo naman ako. Hindi ako matatahimik hangga't wala akong nakukuhang sagot.
"Tell me, Rina. What is it?." Ani ko.
"This is interesting." Sabat naman ni Gem.
The latter smiled. "Edson Santiago Bayer is a feared mafia boss. They are no match in the word clean and righteous. They're whole life composed of illegal doings and killing."
What?. Wait, ano?. Mahabaging mga dyosa. Tama ba ang narinig ko?.
"Sa madaling salita, kasama sya sa mga taong pumapatay, nang- gigipit at nag- nanakaw at madami pang iba na illegal at taliwas sa batas.
Hindi sya ang lalaking inaakala mo, Delfin. Who knows na baka isa ka lang sa mga laruan nya." Dagdag pa nya.
Teka. Sandali lang. This is too much. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ayaw na din gumana at mag- absorb ng utak ko. Ang tanging katagang tumatak lang sa utak ko ay ang 'He's a mafia boss.'. Paulit- ulit din na umaalingawngaw sa tenga ko ang salitang 'laruan'.
"A- ariella..." Tawag sa akin ng lalaking akala ko ay kilala ko.
"He's a lier, a devil and a two faced man." Saad pang muli ni Shellarina.
Isa lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan. Iyon ay kung aamin sya. Maniniwala ako sa kahit na anong sasabihin nya. Kaya naman, hinarap ko si Edson. Bakas sa mga mata nya ang takot at lungkot. Bakit?. Para saan ang mga emosyon na iyan?.
"Totoo ba?." Tanong ko sa kanya.
"Ariella, let's talk in private." Tugon nya.
Umiling ako. "I want it now, here. So, totoo ba?."
Napa- yuko naman sya. "Which one?."
"Totoo ba na you're a mafia boss?." Madiin kong bitaw.
Tumango sya ng mabagal. "Yes."
Okay. Sinasabi ko na nga ba na hin-... Yes?!. A fucking bullshit yes?!. What the hell..…
Napa- awang ang mga labi ko. Alam kong may sasabihin pa sana ako pero hindi ko na magawa pa.
"Ariella, I'm sorry if hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol dito. But, believe me, matagal ko ng gustong isiwalat sa iyo ang lahat ng tungkol sa akin." Dagdag pa nya.
"Blah... blah.. blah..." Pangungutya ni Shellarina.
"Lexshawna, mas mabuti pa siguro kung umalis na tayo. Pag- usapan nyo na lang ni Ed iyan in private." Ani naman ni Marquez.
So, it's true. Hindi man nya sinabing oo at yes, alam kong totoo ang mga sinasabi ng higad. Hindi na nya kailangan pang sabihin ang key word. Madali lang naman intindihin ang mga hidden message sa mga binitawan nyang mga salita. Pero, hindi ko alam kung bakit hindi matanggap ng buong sistema ko ang mga nalaman kong impormasyon. Naiintindihan ko naman ang ibig sabihin ng Mafia boss. But, ayaw talagang tanggapin ng sistema ko.
"Come on, Ariella. Let's go home." Ani ni Edson.
Inilahad nya ang palad nya sa akin. He is patiently waiting for me kung sasama ba ako sa kanya o hindi. He is smiling but his eyes, iba ang sinasabi ng mga ito.
"If I were you, hindi na ako sasama o mag- titiwala sa lalaking iyan. He can do anything and you're like a puppet na sunud- sunudan sa gusto nya." Shellarina said.
Bakit ba ako nakikinig sa mga sinasabi ng queen wanna be na yon?. Pero hindi ko din maitatanggi ang katotohanang matagal ko ng pinag- dududahan ang biglang pag- pasok ni Edson sa buhay ko. Come to think of it. He's a fine billionaire man na kayang gawin ang lahat. So, bakit sya mag- aaksaya ng oras at panahon sa isang ordinaryong taong katulad ko.
"Do you really love me, Edson?." Wala sa sariling tanong ko.
"Ariella, you know how much I l-__.."
"Hep!." Singit ni Gem. "Enough na. Nasasayang ang oras."
Nakakunot akong tumingin kay Alahas ng lapitan nya ako. Naka- ngiti naman sya sa akin na parang walang nangyayaring gulo. Pagkatapos ay bigla na lang nya akong hinawakan sa kamay at hinila. Nilagpasan namin ang mga kaibigan ni Edson at ang bruha. Nagpatianod naman ako sa pag- hila nya hanggang sa makalabas kami. Hindi ko alam kung saan kami dumaan. Pag- labas kasi namin sa isang maliit na gate ay kotse na nya ang tumambad sa amin. Inalalayan nya ako na maka- sakay bago sya umikot papunta sa driver's seat.
"Isa ka din sa kanila?". Mahina ngunit sapat upang madinig niya.
Natawa sya. " Yes, I am."
Napamaang ako sa kanya. But he doesn't care kahit na alam nyang naka- tingin ako sa kanya. Patuloy lang sya sa pag- mamaneho at matiim na naka- tutok sa kalsada. Napa- pahiya naman akong napa- iling. Ngayon ko lang din napagtanto na wala pa akong alam tungkol sa kanila. Ano ba ang Mafia.
"What are you?... I mean, anong klase kayong tao." I said pahina ng pahina. Not sure kung paano at ano ang itatanong.
"Well, ano ba ang aasahan mo sa isang tao na kasali sa Mafia?." Balik nya. "Of course, we're not scared on rules. We are the rules."
"You're a.... ano ka sa... ahh..." Wala talaga akong mahanap na tamang mga salita.
Natawa sya. "I am one of the leader na bumubuo sa Mafia. And you're boyfriend is a Gangster's Boss."
"Hindi ko maintindihan..." Naguguluhan kong sambit.
"Mafia has a lot of leaders. And bawat isang leader ay kumakatawan sa isang bansa na kanyang nasasakupan. And with that leaders, theres a soldiers. That soldiers is the bosses of the gangster's." Mahaba nyang pagpapaliwanag.
Napatingin ako sa kanya. "Saan bansa ka?."
"Secret." Sagot nya sabay tawa.
Hindi na ako naka- imik pa. Gulong- gulo na kasi ako. Hindi na ma- process ng utak ko ang lahat ng aking mga nalaman. Kaya naman, pinili ko na lang na manahimik hanggang sa tumigil ang sasakyan. Nakangiti naman nya akong tininggnan at sinabihan na naka- dating na kami sa bahay. I thank him bago ako bumaba ng sasakyan at pumasok ng bahay.
"Ate!." Kaagad na bungad ng kapatid ko.
Mabilis din sa kidlat na naka- lapit si Papa sa akin. "Ayos ka lang, anak?."
"Nabalitaan namin ang nangyari sa resort. May masakit ba sa'yo?." Tanong naman ni Mama.
Napa- ngiti naman ako. "Wala pong masakit sa akin, Ma, Pa. Okay lang po ako."
With that, kita ko sa mga mata nila ang pagka- panatag. Naka- hinga sila ng maluwag at sabay nila akong niyakap. Tinugon ko naman ang mga yakap nila. This is the reason why I love them so much. Palagi silang nandito para sa akin. And walang oras na lumilipas na hindi ko nararamdaman ang kanilang pagmamahal. It is so genuine and pure.
Ipinaliwanag ko ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko. Syempre, except doon sa paghampas sa akin ng higad and sa Mafia thingy. Ako nga, nalilito na sa mga nalaman ko, sila pa kaya. Pagkatapos noon ay pinayagan na nila akong magpahinga. Nagpunta ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama ko. Then, naalala ko si Jem. So, kinuha ko ang Cp ko at tinext ang matalik kong kaibigan. Kinamusta ko sya at inalam ang mga nangyari simula noong nawala ako. Isang katerba namang katanungan ang sinalubong nya sa akin. Dinaig nya pa ang over protective parents kung umasta. Psh.
Pag- sikat ng araw ay maaga akong bumangon. Nagulat pa nga si Mama ng makita ako sa kusina. Nakahanda na kasi ang agahan at wala na syang gagawin pa. Sinalubong ko naman sya ng isang matamis na ngiti. Pero sa halip na masayang aura ang iganti nya ay purong pag- aalala ang nakita ko.
"Prinsesa, hindi mo na dapat ginawa ito. Dapat ay nag- papahinga ka dahil kahit wala kang natamong sugat mula sa pagsabog sa resort, alam kong pagod at hindi maganda ang pakiramdam mo." Mahaba nyang ani.
Napa- iling naman ako. "Mama, hayaan nyo na akong gawin ito. Minsan lang naman po, ehh."
Hindi naman nagprotesta pa si Mama. Kahit si Papa at si Ella ay hinayaan din ako. Bagamat alam kong nagtataka sila ay mas pinili pa din nila na manahimik. Matapos kong ihain ang mga niluto ko para sa agahan ay naki- upo na din ako. Hindi ko naman maiwasan na mangapa dahil wala sa kanilang tatlo ang naimik. Para bang pinapakiramdaman nila ang bawat pag- kilos ko. Inoobserbahan ang mga ikinikilos ko. At bakas din sa mga mukha nila ang pag- tataka at pag- aalala.
"Ayaw nyo ba ng niluto ko?" Basag ko sa katahimikan.
"Ate, hindi! Masarap nga, ehh." Kaagad naman na sagot ng kapatid ko.
"Mapapadami nga yata ang kain ko, Little Mermaid." Ani naman ni Papa.
"Manang- mana ka talaga sa akin, anak. Pareho tayong magaling magluto." Sabi naman ni Mama.
Napahinga naman ako ng malalim. "Im okay. H'wag kayong mag- alala at ayos lang ako."
Sabay- sabay nila akong nilingon. Alam ko naman na nag- aalala sila sa akin dahil sa nangyari sa resort kahapon. Pero, bukod sa kinidnap ako ni Shellarina at revelation ng mga katauhan nila ay wala ng ibang naganap pa sa akin doon. Hindi na naman masakit ang ulo ko dulot ng paghampas ng higad. Wala nga akong nararamdamang masakit sa kahit saang parte ng katawan ko. So, all in all, I'm good. I'm okay.
"Lit-_......"
Naputol ang sasabihin ni Papa ng may biglang kumatok. Tiningnan ko isa- isa ang mga kasama ko. Sinusuri ang mga reaksyon nila. Pero iisa lamang ang nababasa ko sa mga mukha nila. Pare- pareho kaming walang inaasahang bisita. Kaya naman, nakakunot ang noo ni Mama na tumayo. Lumapit sya sa pintuan sa may sala at binuksan ito. Sino naman kaya ang damuhong bibisita sa amin ng ganito kaaga?
"Ganoon po ba? Nako, hindi nyo naman kailangang gawin ito, Sir. Nag- abala pa kayo." Rinig kong bitaw ni Mama.
Mas lumalim ang gitla sa noo ko ng makarinig ako ng mga yabag.
"Tuloy po kayo. Pasensya na po at maliit lamang ang aming bahay." Dagdag pa ni Mama.
"Don't be sorry. I like your home." Tugon naman ng kausap nito.
And with that, parang may malamig na tubig ang biglang bumuhos sa akin. Dumagundong ang tibok ng puso ko. Nagkaroon din ng libo- libong mga paro- paro sa aking tiyan. At nawala lahat ng gana ko sa pagkain dahil para na akong masusuka. Nandito sya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko upang ikubli sa pamilya ko ang anomang reaksyon ko. Sinikap ko na maging isang mabait na estudyante lalo na ng tuluyan na silang nakalapit sa amin.
"Magandang umaga po, Sir." Bati ni Papa na may pagtayo pa.
"Good morning po, Mr. Bayer." Segunda naman ng kapatid ko.
"Ma- magandang umaga po, S- sir." Nauutal ko namang bati.
Ramdam ko ang mga titig nya sa akin. Pero hindi ko naman sya magantihan ng tingin. Pakiramdam ko kasi na sa bawat pagtatama ng mga mata namin ay nahuhulog ako sa isang balong malalim. Mahabaging mga dyosa, bakit nyo ba hinayaan na pumunta ang lalaking ito dito sa amin. May galit marahil kayo sa akin dahil dito pa mismo sa tabi ko, pinaupo ni Mama ang bwisita.
"Ano po ba ang pakay ninyo, Sir, at naparito kayo sa aming maliit na tahanan?" Tanong ni Papa.
"Narito ako upang personal na humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari sa resort. Bilang tanda ng aming paghingi ng tawad ay sisiguraduhin po namin na ligtas talaga ang inyong anak." Magalang na tugon ng kumag.
"Wala naman pong may gusto na mangyari iyon. Isa pa po ay maayos naman na nakauwi sa amin ang aming anak." Singit naman ni Mama.
"Gustong eskwelahan na makasigurado. Kaya naman, hihilingin ko po na payagan nyo sanang sumama sa akin si Ariella upang sumailalim sa aming isinasagawa na pagsisiyasat." Sabi pa ni Edson na labis kong ikinagulat.
No. Alam ko na ang takbo ng utak ng isang ito. Gumagawa lamang ito ng alibi para makidnap ako. Well, may kidnapper bang nag- papaalam? Tss.
"Salamat na lang po, Sir. Pero wala naman pong masakit sa katawan ko." Lakas loob kong bitaw.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Posible iyang mga sinasabi mo, Miss. Delfin. Posible din na late mag- react ang katawan mo. Pwede din naman na na-trauma o may iba pang epekto sa isip mo ang mga nangyari." Tumingin sya sa mga magulang ko. "Kailangan pa din po natin syang ilapit sa doctor."
Kainis. "Ma, Pa, mabuti po ang pakiramdam ko.
Hindi na po kailangan. Isa pa po, wala tayong pera para dyan."
"Sasagutin po namin ang lahat ng gastos." Biglang singit naman ng damuho.
"Sige." Ani ni Mama.
"Pumapayag po kami na ipakunsulta sa doctor ang aming anak." Segunda naman ni Papa.
"Pero, Papa, wal-__...."
"Ate, sige na. Wala naman mawawala at masama kung magpapa- konsulta ka." Putol sa akin ng kapatid ko.
Nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi ng kumag. The pervert is grinning. Damn. This is bad. Mga mahahabaging dyosa, maawa na kayo sa akin. Kahit isang beses lang, ohh. Please, iligtas nyo ako sa manyak na ito.
"Thank you, Mr and Mrs. Delfin." Saad pa ng bakulaw.
"Kayo na po ang bahala sa anak namin, Sir." Ani ni Papa.
"Makaka- asa po kayo." Sagot ng kupal.
Great. Nag- wagi naman ang mga kampon nitong si Bayer. Kahit kailan talaga hindi ako maka- request sa mga dyosang ito, ehh. Hmp! Ipagigiba ko ang mga pook sambahan at rebulto nyo. Mga traydor! May kinikilingan kayo, ahh. Psh.
Inanyayahan nina Mama na mag- almusal si Edson. Syempre, hindi naman tumanggi ang kumag. Pinag- madali pa nga ako ni Papa sa pagkain dahil kailangan ko daw maligo at magbihis. Napilitan tuloy akong ubusin agad ang laman ng plato ko.
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag- ayos ng sarili. At dahil pasaway ako, sinadya ko talagang tagalan ang pagkilos ko. Actually, kanina pa akong tapos. Pero dahil gusto kong mainip si Edson ay nahiga muna ako sa kama ko. Kinuha ko ang Cp ko at nag- laro muna ng Candy Crush. Pero biglang nahinto ang pag- baba ng mga candy ng biglang lumitaw sa screen ang numero ng manyak. Panira.
"Aalis ka na?" Bungad ko ng masagot ang tawag.
I heard him chuckled. "No. I know na kanina ka pang tapos dyan. You better move your feet and get your pretty self here before i force you to do it."
"Bakit? Among gagawin mo?" Pang- hahamon ko.
"I can tell your parents that I need to check you there in your room because I'm concern na baka nahimatay ka na kaya ka matagal. I'm sure na papayag sila. So, I'm going to go up there. Then, do some little scene that can make you moan my name and mak-___......"
That's it. Ibinaba ko na ang tawag. HE IS TRULY A PERVERT! Jusko mga dyosa ko. Ano bang ginagawa nyo dyan at punag- lalaruan nyo ako ng ganito. Kainis! So, I have no choice. Kailangan kong sumama sa kanya. Mas mabuti na iyon kaysa naman tikman nya ulit iyong cherry pie ko, nuh. Pero pwede din naman 'di, ba? Masara-.…
Hep! Stop that self! Nahahawa na ako sa kamanyakan ng lalaking iyon. Jusko ko mga goddess ko. Help me please!.
But....... Iniisip ko pa din ang kondisyon nya. He's going to make some scene that can make me moan, ahh.
Hmmmm... I think..... Mas gusto ko yata iyon.