Chapter Twenty

Walang nangyaring masarap este kamanyakan. Pero tunay na mas masarap yata ito. Dahil nandito kami ngayon sa lugar kung saan ako unang hinubog ng mundo. Sariwang- sariwa pa sa aking ala- ala ang lahat. Mula sa simoy ng hangin, sa magagandang tanawin at sa pamilyar na mga daan. Hindi ko akalin na makakabalik pa ako dito. Bukod sa malayo ay wala din kaming pera para sa pamasahe. Kaya naman, simula noong nakita ko ang signage sa may intersection ay hindi ko na mapigilan na ngumiti. Oo nga at simpleng "This way to Batangas" lamang ang nakasulat doon. Pero sa isipin na masisilayan kong muli ang ganda ng probinsyang kinagisnan ko ay talagang nagbibigay na sa akin ng saya. Mas lumawak pa ang ngiti ko ng mapatunayan ko na tama ang aking hinala ng lingunin ko si Edson. Sa kanyang pagtango at pag- ngiti ay nasagot na nya lahat.

Walang pag- lagyan ang kaligayahan ko ng makita ko na ang arko ng bayan na aking sinilangan. Bagamat malayo at matagal ang biyahe ay sulit lahat ng pagod dahil sa ganda ng tanawin dito. Malayo pa lamang ay tanaw mo na ang napaka- ganda at ipinag- mamalaki naming bundok. Idagdag mo pa ang mga nagtataasan na mga puno at mga bahay na may kalumaan na ngunit maganda pa din.

"Welcome home." Biglang ani ni Edson.

"How did you know?" Tanong ko.

"I have my ways." Buong kumpiyansa nyang sagot.

Linya yata iyon sa isang palabas sa T. V. Teka, saan ko ba narinig iyon? Psh. Bahala na nga si Batman. Ang importante ay mahalaga at ang mahalaga ay importante. Charot.

"Thank you." Sambit ko.

Ewan ko kung narinig nya. Mahina lamang kasi iyon at hindi din ako nakatingin sa kanya. Wala din naman akong intensyon na iparinig sa kanya. Tumingin na lang ako sa may bintana at masayang pinanood ang mga tanawin sa labas. Ilan taon na ba simula noong huling punta ko dito? Mahigit pitong taon na siguro. Kamusta na kaya sina Tatay at Nanay doon? Ano na kayang itsura ng munti naming tahanan? Hay, mahal kong mga dyosa. Super, super, thank you talaga! Akala ko, tuluyan nyo na akong pinabayaan. Iyon naman pala ay may paganito pa kayong nalalaman. Hay nako naman talaga. Kinikilig ako.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil naka- idlip pala ako. Nagising lang ako ng biglang tumunog ang cp ko. Tamad ko naman itong dinukot mula sa bulsa ko at kaagad na sinagot ang tawag.

"Bakit?" Bungad ko sa kung sinomang nasa kabilang linya.

May narinig akong munting tawa sa kabila. "Look around you."

Naka-kunot ang noo kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Ngayon ko lang din napansin na hindi na naandar ang sasakyan. Wala na din si Edson sa driver's seat. Kaya naman, mabilis pa sa kidlat akong bumaba ng kotse.

"Welcome home, baby." Ani pa ng nasa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa aking pagka- bata. Mula sa magagandang halaman na maayos na naka- hanay, sa sariwang simoy ng hangin, hanggang sa magandang hagdan na yari sa bato. Dito pa ako ilan ulit na gumulong noon dahil sa kalikutan.

"Ariella."

Nilingon ko ang lalaking hindi ko inaakalang tutupad sa isa sa mga pangarap ko. Naka- tayo sya sa ibaba ng hagdan, marahil ay kagagaling nya lang sa itaas. May maganda syang ngiti sa kanyang mga labi habang hawak nya ng kanyang kanan na kamay ang cellphone na naka- tapat sa may tenga nya at nasa bulsa naman ang isa pa.

"Nagustuhan mo ba?" Rinig kong sabi nya mula sa cp na hawak- hawak ko pa din.

Sa sobrang saya ko ay ibinaba ko na ang tawag. Patakbo akong lumapit sabay hagis ng aking sarili sa kanya. Ramdam ko ang pagka- bigla nya pero nakabawi din naman kaagad.

"Thank you, Edson. I don't like it. I love it." Bulong ko sa tenga nya.

Naramdaman ko ang mga bisig nya na yumakap sa akin. "And I love you."

"I l-_......"

"Prinsesa!" Tinig na pumutol sa akin.

Natigilan ako sandali at mabilis na kumalas sa pagkaka- yakap ko kay Edson. Inayos ko ang aking sarili at nakangiting tinanaw ang dalawang tao na lubos na naghubog sa akin. Nandoon sila sa itaas ng hagdanan. May mga ngiti sila sa labi at bakas din ang lubos na kaligayahan sa kanilang mga mata.

"Lola! Lolo!" Sigaw ko.

"Umakyat na kayo dito! Nag- handa ako ng tamalis at sapin- sapin." Mahinhing ani ni Lola.

Hindi na kami hinintay pa nina Lolo dahil nawala na sila kaagad sa paningin namin. Tiningnan ko naman si Edson na kanina pa pala nakatingin sa akin. Binigyan ko naman sya ng matamis kong mga ngiti.

"Tara na." Pag- aaya ko sa kanya.

Nginitian nya lang ako at tsaka tumango. Hinawakan ko naman ang kamay nya at hinila ko sya paakyat ng hagdan. Nasa labing- lima ang baitang ng batong hagdanan. Sa gilid naman nito ay may mga halaman, bulaklak at mga puno na maayos na nakahanay. Pag- tapak mo naman sa huling apat na baitang ay matatanaw mo na ang aming magandang tahanan. Yari ito sa kahoy na may dalawang palapag. Malawak ito at pinaliligiran ng mga bulaklak. At habang papalapit kami dito ay unti- unti ding bumabalik ang mga masasayang alaala ng nakaraan.

Hindi ko alam kung bakit. Pero wala akong ibang maalala kun' di ang masasayang mga pangyayari lamang noong bata pa ako. Mukha lang din nina Lolo at Lola ang natatandaan ko. Lumitaw lamang ang pigura nina Mama at Papa noong tumuntong ako ng limang taong gulang at kasama na nila si Ella na isang sanggol pa lang. Marahil ay busy lamang ang mga ito noong mga oras na iyon. At dahil bata pa ang kapatid ko, kinailangan nila itong isama.

"Utoy, maupo ka na dito. Prinsesa, tabihan mo na ang nobyo mo. Kanina ka pa niyan hinihintay." Ani ni Lolo.

Nakahanda na ang lamesa. Lahat ng mga kakanin na lubos na ipinag- mamalaki nila ay nakahain. Syempre, hindi mawawala ang kapeng barako. Teka, sandali. Anong sabi ni lolo? Sinong nobyo ko?

"Anong sinabi mo sa kanila?" Bulong ko sa lalaking katabi ko.

"Nothing." Inosenteng sagot nya.

"Prinsesa, Utoy, mag- hahawakan lang ga kayo diyan ng kamay? Aba ay ganiyang- ganiyan din kami noon." Natatawang saad ni Lola.

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang din nag- sink in sa utak ko ang mga salitang ibinabato nila sa amin. Mabilis ko namang binitawan ang kamay ni Edson. Narinig ko pa itong tumawa na mas lalong nagpa- haba ng nguso ko. Napag- kamalan pa kaming mag- boyfriend- girlfriend. Great. Psh.

Naupo na nga ako sa silyang yari sa kahoy. Sumunod naman sa akin si Edson na umupo din sa tabi ko. Tsaka lang sumagi sa isip ko na nag- sabi din pala ako noon na dadalhin ko sya dito. Hindi ko lang akalain na siya din pala ang magiging dahilan at gagawa ng paraan para maka- punta kami dito.

"Kumakain ka ga nare, utoy? Ito ang sikat na kakanin ni Sonya, Lola nitong si Prinsesa at maganda kong asawa. Tikman mo ng iyong malaman." Sabi ni Lolo na ipinag- lalagay na ng pag- kain sa platito si Edson.

Naka- ngiti ko naman syang tinanguan. Then, without any hesitation, kinuha nya ang kutsara at pumiraso sa sapin- sapin. Pagkatapos ay buo ang loob nyang isinubo iyon. I can clearly saw his reaction. Bagamat tipid lamang ito ay nakita ko pa din. Bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha at namilog din ng kaunti ang magaganda nyang mata.

"Anong iyong masasabi, utoy?" Naka- ngiting ani ni Lola.

"It taste great. Masarap po." Ani naman ng kumag.

"Sapin- sapin ang tawag dyan." Singit ko naman.

Sapin- sapin ang kakanin ni Lola na talagang binabalik- balikan ng madami. Minsan na itong naitampok sa kanilang barangay bilang best delicacies ng bayan ng Barong- barong. Ito ay yari mula sa malagkit na may dalawang magkapatong na kulay. Orange at violet ang kadalasang kulay nito at parihaba na may sukat na 2' ang lapad at 4' ang haba. Kaya ito tinawag na Sapin- sapin ay dahil sa magkapatong nitong kulay sa itaas at ibaba.

"Ito, Utoy, kapeng barako. Masarap iyan dine sa kakanin." Sabi naman ni Lola.

Kinuha ni Lola ang isang thermos. Binuksan nya ito at nagsalin sa mga tasa ng umuusok na kape. Pagbukas pa lang ng takip ng thermos ay umalingasaw na kaagad ang mabango nitong amoy. Kaya naman, matiim lamang na nakatingin dito si Edson. Nang matapos mag- salin si Lola ay ako na ang kumuha ng para sa amin ng kumag. Para namang bata si Edson na tumingin muna sa akin bago kuhanin at tikman ang tasa na may kape. Naiiling lang naman akong sinabayan sya sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay isinama ko sya sa may likod ng bahay. May mga wooden chair dito na ginawa talaga upang mapagmasdan ng malaya ang karagatan na nasa 'di kalayuan.

"You love the sea?" Rinig kong bulong nya.

Tumango naman ako at ngumiti. "Yes. It calms me whenever I'm full of negativity and emotions."

"Let's have some walk?" Ani pa nya.

Sumang- ayon naman ako at sinamahan sya maglakad sa dalampasigan. Hindi ko naman mapigilan na mapa- ngiti dahil sa mga ala- ala na unti- unting bumabalik sa aking isipan. Hanggang sa namalayan ko na lang na huminto na pala ako sa paglalakad. Nakatingin na ako sa araw at sa payapang karagatan.

"Ang ganda." Sambit ko.

"Yes. You're so beautiful." Rinig kong saad ng katabi ko.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay napalingon ako sa kanya. Natagpuan ko naman syang naka- titig na pala sa akin.

"You're the most beautiful girl na nakilala ko, Ariella." Ani nya.

Mahabaging mga dyosa. Ano ba itong nangyayari sa akin? Ang puso ko kasi parang... parang nag- marathon sa bilis.

"Alam kong hindi maganda ang mga nangyayari sa ating dalawa. You didn't know me either. But..." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "Can you accept and give me another chance? This time, I'm going to show you the real me."

Wala akong maisip na kahit anong salita para itugon sa kanya. Ayaw din maki- sama ng bibig ko. Para akong naputulan ng dila dahil hindi ko maramdaman ang mga ito.

"Hindi ako mangangako pero, sisikapin kong sabihin sayo lahat. Only that details na hindi mo ikapapahamak." Pagpapatuloy nya.

I can saw the sincerity in his eyes. Bawat bitaw nya ng mga salita ay tila hinahaplos ang puso ko.

"Lexshawna Ariella Delfin, please be my girl, my baby, my girlfriend and soon my wife."

Nanghina ang mga tuhod ko. Literal na huminto ang lahat sa akin. Nawala ang lahat ng tao at bagay sa paligid at tanging kaming dalawa lamang ang natira. Naramdaman ko din ang pag- init ng gilid ng mga mata ko.

Ngayon alam ko na kung bakit masaya ako kapag kasama sya. Kontento na ako kahit makita o matanaw ko lang sya. Alam ko na kung bakit nag- wawala ang puso ko sa tuwing bumabanat sya. Kaunting salita nya lang ay kinikilig na ako. Ngayon alam ko na kung bakit naapektuhan ako noong nalaman kong malapit sila sa isat- isa ng model na yon. Nasasaktan ako at nagseselos sa tuwing may kasama syang iba.

Alam ko na kung bakit..…

"Lexshawna Ariella Delfin, I love you." Naka- ngiti nyang sambit.

This time, hindi na ako magkakaila at tatanggi pa. Hahayaan ko na kung ano ang plano ni kupido at ng ibang mga dyosa sa akin. Aaminin ko na.

Nag- uunahang tumulo ang mga luha ko kasabay ng marahan kong pagtango. "I- I will.."

Hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin ng bigla na nya akong hilahin. Hinawakan nya ng kanyang kanang kamay ang pisnge ko at ang kaliwa naman ay nakapulupot sa bewang ko.

"I love you." Bulong nya. And without any hesitation, naglapat ang aming mga labi.

At parang tinik na nabunot sa dibdib ko ang matagal ko ng pinapasan. Sa wakas ay nagkaroon na din ako ng kaunting lakas ng loob upang umamin. Tuluyan ko na ding natanggap ang katotohanan na mahal ko sya.

Mahabaging mga dyosa, kung ano man ang pinaplano nyo, sana naman this time ay hindi na komplikado. Bawasan nyo naman ang aksyon. Hindi naman kasi magaling sa mga ganyan. Gusto ko lang sana ng simple at maayos na takbo ng buhay. So please, have mercy on me.

Matapos ang mga kilig moments kanina ay napili naming manatili muna dito sa may dalampasigan. Naupo kami sa pino at maputing mga buhangin. At magka- tabing naka- tanaw sa karagatan.

"Ariella." Tawag nya.

Hindi ko sya nilingon. "Hmm?" Sambit ko.

"I know na madami kang gustong itanong. Ask and I answer it honestly." Ani'ya.

Yes. Sa sobrang dami ng mga katanungan ko, hindi ko na alam kung saan mag- uumpisa. Pero pwede naman siguro na sa mga basic question ako mag simula.

"What's your favorite color?" Tanong ko.

Ramdam ko na natigilan sya. Hindi nya siguro inaasahan na ganyan ang itatanong ko sa kanya. Wala pa kasi akong alam tungkol sa kanya. So, since na may label na kaming dalawa, panahon na upang makilala ko sya mula sa pinaka- simple hanggang sa pinaka- malalim na info about him.

"I-i.. ahm.. black and gray." Sagot naman nya.

"Favorite food?."

"Nothing.. I- im not that maarte sa food."

"Dislike and likes."

"A- ayoko sa madumi at makalat. Gusto ko well arrange ang lahat. I want everything to be perfect. And I want you."

This time, napatingin na ako sa kanya. Dyosa ng kalandian, ilang basbas ba ang iginawad nyo sa lalaking ito? Bigla- bigla na lang bumabanat, ehh.

"I want you." Bulong pa nya sabay ngiti.

Nag- iwas naman ako kaagad ng tingin. Nag- iinit ang buong mukha ko. Im sure na kasing pula na ako ng ripe tomato ngayon.

"Me- medyo main it na dito. Ta- tara ng bumalik." Saad ko naman.

Mabilis pa sa kidlat akong tumayo. Pinagpagan ko ang damit ko at nag-madali ng maglakad pabalik sa bahay. Hindi ko na sya hinintay. Nakakahiya! Dyosa ng kalandian, kasalanan mo 'to! Kainis. Bakit kung kailan gusto ko ng lumandi tsaka nyo ko ayaw basbasan? Unfair kayo! Unfair!

"Sya ba yong apo ni Sonya?"

"Napaka- gandang bata."

Sandali akong napa- hinto sa paglalakad. May dalawa kasing ginang na nag- uusap sa may 'di kalayuan. Hindi ko naman sinasadya na marinig ang pinag- uusapan nila.

"Sino ba sa kanila ang ampon?" Tanong ng may maikling buhok.

Ano daw? Sinong ampon? Hindi totoo yan. Walang kahit anong ililihim sa akin sina Mama at Papa.

"Hindi ko din alam, mare. Basta ang pagkakatanda ko lang may nalimot na batang babae ang asawa ni Sonya noon at inak-______..."

"Tara na. Baka mangingitim ka." Putol ng lalaking malandi.

Dalawang matipunong braso ang pumulupot sa may bewang ko. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay biglang nanglambot ang mga tuhod ko. Pumatak din ang mga butil ng tubig mula sa mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong mag- sumbong.

"Dont mind them." Bulong nya sa tenga ko. Tuluyan na nya akong niyakap. Isinubsob na din nya sa may leeg ko ang ulo nya.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Gusto kong hindi maniwala pero buong sistema ko ay nagsasabing tunay ang lahat ng narinig ko. Bakit? Bakit ngayon pa. Ito sana ang pinaka- masayang araw ko. Kaya naman, bakit? Mahabaging mga dyosa. Gustong- gusto nyo talaga akong nahihirapan, ano? Kasasabi ko lang na sana ay maging mabait kayo sa akin ngayong sinunod ko ang plano nyo ni kupido. Pero bakit ganito?

"I love you, Ariella." Paulit- ulit na bulong ni Edson.

"N-natatakot ako. Paano kung tot-_."

"Ssssshhh." Putol nya. "I'm here. Sasamahan kita. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan."

Natatakot ako. Paano kung ang tinutukoy nilang ampon ay si Ella? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Pero, ako. Paano kung ako? Kayo talagang mga dyosa kayo! Pinagtutulungan nyo ako. Lalo ka na dyosa ng mga tsismosa. Ang hilig- hilig mangialam ng buhay ng may buhay.

"Prinsesa! Mga apo! Akyat na kayo dine. Tanghalian na." Rinig naming sigaw ni Lolo.

Lolo. Sya ang nakapulot sa bata na sinasabi nilang ampon. Kailangan kong malaman ang totoo. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha sa mukha ko gamit ang palad ko. Kumalas naman sa pagkaka- yakap si Edson at inilahad ang palad sa akin. Kinuha ko naman iyon dahil hindi pa lubusang kumakalma ang puso ko. Kailangan ko ng panghuhugutan ng lakas. Matapos kong ayusin ang sarili ko at magka- hawak kamay kaming bumalik sa bahay.

Matamis na mga ngiti ang isinalubong sa amin nina lolo at lola. Inalalayan pa nila kami na makaupo at pinaghain ng pagkain. Halos mga paborito kong ulam ang nakahain dito sa lamesa. May pritong tilapia, toyo na may sibuyas, kamatis, sili at calamansi, sinampalokang baboy, itlog na maalat, bagoong, kanin at tuyo.

"Wow, ang sarap!" Hindi ko mapigilang ani.

Sabihin nyo na lahat pero, oo. Pagkain lang ang makakapag pakalma sa akin. Dyosa ng mga patay gutom, aggressive ka ngayon, ahh.

"Kain na kayo. Alam kong paborito mo iyan, Prinsesa kaya iyan ang aming ihinanda." Saad ni Lolo.

Tumatango- tango naman akong kumuha ng kanin. Syempre, ipinaglagay ko din si Edson ng pagkain sa plato nya. At pagka- tapos ko syang pag- silbihan ay tsaka ako kumuha ng tilapia at tuyo. Itinabi ko din ang aking kutsara at tinidor at nakakamay na isinubo ang pagkain. Mas masarap kayang kumain ng naka- kamay. Lalo na kung ganito ang mga ulam. Nako, nako. Makakadami ako ng kain nito.

Busog na busog ako ng maka- tapos kami sa aming tanghalian. Hindi ko tuloy natulungan na mag- ligpit ng pinag- kainan si Lola dahil bahagya na akong maka- kilos. Kaya naman, tumayo ako at naglakad- lakad. Nilapitan ko ang istante na may mga naka- display na mga litrato. Isa- isa ko itong tiningnan at bawat larawan dito ay tila ibinabalil ako sa nakaraan. Hanggang sa bigla na lang akong natigilan.

"Lolo, nasaan po sina Mama at Papa?" Tanong ko kay Lolo.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Hinihintay namin si Lola galing sa kanyang paglalako ng mga kakanin.

"Hindi ba at nasabi na namin sa iyo ng iyong Lola na nagta-trabaho ang iyong Mama at Papa. Kailangan nilang lumayo upang kumita ng pera." Sagot naman ni lolo.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang pinaulit- ulit sa kanila ang tanong na iyon. Naiintindihan ko naman na kailangan nilang magtrabaho. Pero kahit isang beses kasi ay hindi ko pa sila nakikita ng personal. Tanging sa cellphone ko lamang sila nakakausap. Ang sabi naman sa akin ni Lola ay sanggol pa ako noong kinailangang umalis ng mga magulang ko kaya naman, hindi ko na daw iyon maaalala.

"Ariella".

Kaya pala.

"Ariella, mahal."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit wala akong maalalang mga masasayang moments kasama sina Mama noon dito sa probinsya. Alam ko na kung bakit.

"Ariella." Muling pagtawag ni Edson.

Tiningnan ko sya kasabay ng pag- uunahan ng mga luha ko. "Ampon ako, Edson."

Ngayon, alam ko na.