Chapter 45 Shadow pov

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit saan basta tahimik..." aniya. Hawak ko pa rin ang malambot niyang mga kamay. Ewan ko pero masaya ako na kasama ko siya ngayon.

"Ok..." sagot ko, at hinayaan ko na lang kung saan niya ako dadalhin.

Habang naglalakad kami med'yo malayo na rin a g nalakad namin. Ito namang katabi ko kanina pa walang imik parang tuod lang. Nakarating na kami sa malayo, do'n sa wala na masyadong maraming tao. Hanggang saan ba ako dadalhin ng babaeng ito? Hindi kaya may binabalak siya sa akin?

"Hi, saan kayu papunta?" tanong ng mga lalaking bigla na lang kaming hinarang.

"It's none of your business..." malamig na sabi ni Konaide.

"Tsk, anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Iyang babae ang kailangan namin, ibigay mo na lang kung ayaw mong masaktan!" ani ng lalaki, sa bilang ko ay nasa sampo lahat sila.

"Tch, hindi ko siya puwedeng ibigay sa inyo. Kung puwede lang, huwag nga kayong haharang harang, nakakaistorbo kayo sa date namin. " Matapang na ani ko, pero itong katabi ko wala pa ring imik. Nakatingin lang siya sa mga lalaki at tila walang paki-alam sa gagawin ng mga kupal na ito.

"Wow, ang tapang mo naman! Tignan na'tin kung hanggang saan ang tapang mo!" ani ng isa pang lalaki.

"Ano pre, patayin na ba na'tin ang batang 'yan?" napangisi naman ako sa aking narinig, papatayin pala ha? Nagpapatawa ba sila?

"Tch, alam niyo mga mukha naman kayong kalabaw, umalis na nga kayo!" inis na ani ko, istorbo ang mga buwisit na 'to. Halata namang nainis sila sa akin.

"Matapang ka talaga!" inis na sabi ng isang lalaki na mukhang siya ang leader. Mga mukha naman silang, asong kalye. Ang papanget nila tch. "Alam mo lalaki? Kapag patay ka na, alam mo bang gagawin namin? Pagsasawaan namn 'tong gf mo! Mukhang Virgin na virgin pa naman siya, ugh ang sarap niya siguro patungan! Ang ganda at ang kinis pa ng legs, uhh ugh! Tumitigas na ang alaga ko!" ani ng leader nila na kinainis ko. Putang*na, mga manyakis pala ang gag*ng 'to eh. Tinignan ko naman ang kasama ko, parang Hindi naman siya natatakot sa maaaring mangyari sa anin dito. Pinag-iisipan ko na kung tatakbo na ba kami, o papatulan ko ang mga manyakis na 'to?

"Tama ka diyan, Pre ugh... hindi ko na kailangang magjak*l. Kasi matigas na rin ang akin Pre!" ani pa ng isa at nagtawanan pa sila. Tang*nang mga kutong lupang ito, ang lakas ng loob para bastusin sa harap ko si Konaide. Hangga't maaari, ayokong makipagbasag ulo kapag kasama ko si Konaide. Kaya sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ko. Kunti na lang, mauubos na ang pasensiya ko.

"Ugh, miss halina dito! Papaligayahin kita, dadalhin kita sa langit! Magugustuhan mo rin naman ito!" ani ng leader nila at lumapit kay Konaide, habang hawak ang t*t* putang*na, manyak talaga. Hahawakan na sana si Konaide ng tadyakan ko sa mukha ang lalaki. Walang puwedeng humawak kay Konaide, kapag nandito ako.

"Aba, pumapalag! Sige, patayin siya!" utos ng leader nila at sumugod sa akin, anng dalawang lalaki. May mga dala silang balisong kaya, delikado kami.

Sasaksaksakin na sana ako ng isa, pero agad ko rin itong naiwasan. Madali lang naman basahin ang mga galaw nila, halatang away kalye lang ang alam nila. Hinawakan ko ang braso ng lalaki at sinipa sa t'yan. Maya maya lang sumugod ang isa pa na may dala namang baseball bat, muntikan na akong matamaan sa ulo. Mabuti na lang talaga at mabilis ang reflexes ko. Napangisi ako rito at ang sumunod niyang hataw ay sinalo ko gamit ang kamay. Inagaw ko rito ang baseball bat at hinampas sa katawan nito. Mabuti at hindi ko pa siya hinampas sa ulo tch.

Pinalibutan naman ako ng apat na lalaki, nakita kong hinawakan ng dalawa pang lalaki si Konaide.

"Buwisit!" inis na ani ko. Nginisihan ako ng leader nila at hinawakan si Konaide. Tang*na, bakit hindi lumaban ang babaeng ito. Samantalang sa akin no'n, lumalaban siya. Naawa ako kay Konaide, dahil sa mga taong binabastos siya.

"Pare, akin na ang babaeng ito ha? Huwag kang mag-alala, ipapakita namin sa'yo kung gaano kasarap ang gf mo. Habang ginagahasa namin!" sabi ng isang lalaki. Kaya sa inis ko sinugod ko ito at tinadyakan sa sikmura. Sumuka ito ng dugo, sinugod naman ng lima pa. Nahirapan akong iwasan ang mga suntok at mga hampas nila. Nahawakan naman ako ng dalawang lalaki at pinagsisipa ako ng leader nila. Nakita ko naman si Konaide, na tinutukan ng balisong sa leeg. Hindi na rin ako makagalaw, dahil sa hawak sa akin ng mga lalaking ito.

"Pre, ibigay mo na lang ang gf mo, kung ayaw mo? Papatayin na lang namin ang gf mo, para pari-parehas na'tin siyang hindi mapakinabangan!" ani ng lalaki, nakita ko naman na nadugo na ang leeg ni Konaide. Pinag-iisipan ko pa ngayon, kung susugod ako dahil baka mas lalong ikapahamak ni Konaide. Huminga ako nang malalim, at tumingin kay Konaide na wala pa ring paki-alam sa nangyayari.

"Ugh, libog na libog na talaga ako! Sige na, pagpyestahan na na'tin ang babaeng ito! Pero bago kayo ako muna, hawakan niyo nang maigi ang lalaking 'yan! " sigaw ng leader nila. Hahawakan na sana si Konaide, ng manilim ang paningin ko. Hindi ko na malayan na inagaw ko na pala ang isang balisong at walang awang pinatay ang dalawang humahawak sa akin. Hindi ko hahayaan na gawan nila nang masama si Konaide. Nang mapatay ko ang dalawa, tinignan ko ang iba pa at sumugod sila sa akin, kaya bago pa sila makaatake. Sinaksak ko na sila ng balisong na hawak ko, papatayin ko silang lahat.

"Papatayin ko kayong lahat..." seryosong ani ko at sinugod pa ang isang lalaki, pero hindi ko pa ito nasasaksak. Inagaw nito ang balisong sa akin at binugbug ako.

"Matapang ka ha! Pagbabayaran mo, ang ginawa mo sa kasamahan namin!" sigaw ng leader nila at hinawakan ako ng dalawa pa at pinagsisipa ako ng leader nila. Hanggang sa mapagod na ako, bago ako mawalan ng malay. Nakita ko pa ang mukha ni Konaide, nanlilisik ito at parang gusto ng pumatay. Pagkatapos no'n, unti unti ng nalilim ang paningin ko.