Chapter 44 Odette pov

I'm Odette Sacra, 19 yrs old, first year college. Mahilig ako sa baril, bata pa lang ako pangarap ko nang maging police kaya taon taon sumasali kami sa gun firing. Dahil gusto kong manalo ngayon taon amang grupo namin, nagpapahanap ako ng isang tao na may potential at magaling humawak ng baril. Baka sakaling ngayon taon, manalo ang grupo namin. Nang makita ko ang potential ng babaeng ito, hindi ko alam kung maiingit ako. Dahil inaamin ko ang galing niya, para siyang isang pro sa nakita ko kanina. Akala ko, chamba lang pero noong hinamon ko muli siya at mas lalo akong natuwa. Papaalis na sana ito ng muli akong magsalita.

"Wait!" ani ko, gusto ko siyang isali sa grupo at gusto ko pang matuto mula sa kaniya. Napatingin naman ito ng seryoso sa akin.

"What?" malamig na tanong nito.

"Sige na tanggap ka na sa grupo namin. You are official member of gun firing club!" sabi ko sa kan'ya pero hindi manlang ito ngumiti. Mukhang hindi ata siya masaya na tinanggap ko siya.

"K," matipid na sagot nito. Kinuha ko ang papel na registration form at pina-fill-upan ko sa kan'ya. Pagkatapos nito magregistra ay umalis na lang ito nang walang paalam. Ang bastos naman no'n hindi panga kami nakakapagpakilala eh.

"Sunduin muna lang bukas 'yon, Viola!" utos ko kay Viola. "At ikaw Chris magpractice ka pa!"

"Aye, aye boss!" sagot nito at sumaludo pa.

"Ikaw din Grey, 'wag patambay tambay. Dahil 'pag tayo natalo, ipuputok ko itong baril sa ulo n'yo!" pagbabanta ko at umalis na tsk.

*Shadow pov*

"May bago na naman daw na transferee?" balita sa amin ni Lay.

"So? Anong paki namin?" tanong ni Ice.

"Wala lang, binalita ko lang at oo nga pala si Skyper daw dito na mag aaral!" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Ang traydor na 'yon, ang lakas ng loob magtranfer dito. Pero wala akong paki-alam sa kaniya.

"I don't care, kung mag-aral pa ang traydor na 'yan dito..." ani ko at lumabas ng tambayan. Ano na naman kaya ang dahilan ng lalaking 'yon at naisipan ba rito mag-aral. Smell something, baka may binabalak na naman siya.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden at agad na nag-init ang ulo ko ng malakita ko si Konaide at Skyper na magkasama. F*ck Hindi ko alam bakit ko ito nararamdaman sa tuwing may kasamang lalaki si Konaide. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam pero, bigla na lang akong lumapit sa kanila at sinapak si Skyper.

"Anong bang problema mo, Pre?" tanong nito sa'kin, habang hawak ang labi n'yang dumudugo. Hindi na ako sumagot at hinila na lang si Konaide. Nakakainit ng ulo ang lalaking 'yon.

"Stay away from him! Kapag lumapit siya sa'yo sabihin mo agad sa akin!" sigaw ko, med'yo napalakas ata ang boses ko. "Sorry..." ani ko, kung binabalak niyang ligawan si Konaide, hindi ako papayag.

"Tsk... are you jealous?" tanong nito sa akin. Bigla na lang ako napakagat sa labi ko, my god hindi ko alam isasagot. Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"H--indi ah! Kaibigan kita kaya nag-aalala ako..." nahihiyang ani ko.

"Really? Bakit namumula tenga mo?" tanong pa nito. Bakit ba naging pala ranong na ang isang ito.

"Hindi ah!" natawa na lang ito, at ngayon ko lang naalala na magkahawak kamay pala kami habang naglalakad. Kaya pala kanina pa may mga matang nakatingin sa amin. Pero wala akong paki sa kanila.

Nang huminto kami s'ya naman ang humila sa akin. Saan ba ako dadalhin ng babaeng ito.

"Saab tayo pupunta?" tanong ko rito, kanina pa kase ako hinihila eh.

"Cutting..." matipid na ani nito.

"What?" tanong ko.

"Slow, sumama ka na lang..." aniya. Napailing na lang ako at wala nang nagawa. Sabagay, wala namang masama kung sasamahan ko siya.

"San kayo pupunta?" biglang sulpot ni Mommy, sh*t narito pala si Mommy akala ko may meeting siya sa ibang lugar. My god.

"Cutting..." matipid na sagot ni Konaide, grabeng babaeng ito. Sabihin pa talaga sa principal, ang lakas ng loob. Kaya med'yo nilakihan ko siya ng mata, hindu ba siya marunong magpalusot.

"Alam mo Miss Konaide bawal ang mag-cutting sa school na ito 'di ba? Siguro naman nabasa mo 'yan sa rules and regulations na binigay sa'yo bago ka pumasok rito?"

"Yeah, I know..." malamig na sagot ni Konaide, parang wala siyang takot sa principal.

"Iyon naman pala, alam mo ang rules? Bakit ka magkakating ngayon?" tanong ng principal.

"Cause I want? And I don't care about the rules..." napangiwi na lang ako sa mga sinasabi ng babaeng ito.

"Miss Konaide, hindi puwede 'yan ugali mo rito!"

"Whatever!" ani pa ni Konaide, grabe siya hindi ba talaga siya marunong matakot.

"Miss nag-aaral ka ba talaga?" tanong ni Mommy.

"Tsk, Mrs Winstone? Hindi ako narito para makipag daldalan sa'yo tsk..." sabi nito at hinila na ako. Ayaw pa akong palabasin ng guard pero may binulong lang si Konaide sa guard. Nagulat pa nga ang guard, ano kayang binulong niya?

"Saan ba tayo pupunta? Mapapagalitan tayo nito, tapos sinagot sagot mo pa ang Mommy ko!" ani ko rito.

"Wala akong paki, kahit Nanay mo pa siya o siya ang principal sa school na iyon. Tch, 'pag gusto ko walang kahit sino makakapigil... and don't worry, hindi ka mapapagalitan sagot kita." Napabuntong hininga na lang ako at sumama na lang sa kaniya. Bahala na pag-uwe ko mamaya.