Chapter 46 Clarnce pov
Nasa school kami nang biglang may nag-text sa akin. Hospital
Address lang ang nakalagay, kaya napangiwi ako. Bakit bigla akong kinabahan? Ano kaya ang address na ito, hindi kaya trap ito para sa amin. Si Shadow kaya, nasaan na? Kanina pa namin siya hinahanap eh. Hindi namin alam kung saan 'yun, pumunta. Hindi naman sa amin nag-text kung nasaan siya. Si Konaide naman, wala rin sa school kaya iniisip ko. Hindi kaya magkasama sila?
"Bro, may nag-text sa akin hospital address lang!" ani ko, na puno pa rin nang pagtataka. Para saan ba ang hospital address na ito.
"Ha? Wala man lang ibang sinabi?" tanong ni Lay.
"Yeah, nagtataka nga ako. Saka number lang ito at hindi pa register ang number na ito sa akin..." ani ko.
"Hmmm, baka importante 'yan. Puntahan kaya na'tin?" tanong ni Lay.
"Huwag, baka trap 'yan..." ani agad ni Ice.
"Nakontak niyo na ba si Shadow?" tanong ko, hindi ko kasi makontak ang cellphone niya at hindi ko rin mahanap ang location niya.
"Hindi pa nga eh, nakapatay ang cellphone niya..." sagot ni Lay.
"Baka may nangyari na kay Shadow , hindi kaya na-kidnapped siya at sa lugar na ito dinala?" ani ko, sana naman mali ang iniisip ko.
"Tch, huwag nga ka ngang ganiyan..." ani Lay. "Ano pupuntahan na na'tin?* tanong pa nito.
"Kung ako ang tatanungin, pupunta ako." Sagot ni Lay.
"Sige, pupunta na rin ako..." ani Ice, sabay sabay na kaming pumunta sa principal office para magpaalam.
"Anong maipaglilingkod ko?" tanong ng Mommy ni Shadow.
"Tita, puwede ba kaming lumabas saglit? Dahil may importante lang kaming pupuntahan, Emergency po!" ani ko. Napabuntong hininga naman ang principal at tumango.
"Okey, basta bumalik agad kayo!" nakangiti kami rito.
"Thanks, Tita!" ani Lay at lumabas na kami ng principal office.
Pagkarating namin ng hospital tinanong ko kung may sinugod kanina dito. Base sa oras kung kaylan may nag-text sa akin. Ang sabi meron daw, kaya med'yo kinabahan ako. Agad na naming pinuntahan ang nasabing room. Nagturan pa kami kung sino unang papasok.
"Clarnce, mauna ka..." bulong ni Lay.
"Ayoko, ikaw na lang..."
"Ice, ikaw na lang ang pumasok..." bulong ni Lay kay Ice, napa'tch' na lang ito at umiling.
"Ikaw na kasi Lay," ani ko. Baka mamaya kasi, isang trap 'to at balak kaming patayin.
"Tch, ayoko nga. Bato bato pick na lang, ang matalo siya unang papasok!" ani Lay. Napailing na lang si Ice at sumali rin.
"But who, but to pick!" ani namin at binagsak ang mga kamay. Paper ako at si Lay, si Ice naman ay Bato. Kaya siya ang talo.
"Pumasok ka na, Ice!" ani namin.
"Tch..." aniya at pumasok na sa loob. Nang wala namang masamang nangyari sa kaniya, pumasok na rin kami at nakita namin ang isang taong nakahiga sa kama.
Noong una ay hindi ko ito nakilala, nang tignan ko ulit ito at na mukhaan ko na, si Shadow pala.
"My god! Anong nangyari kay Shadow?" ani ko.
"Tanga, alam ba namin tch..." napailing na lang ako, mga pilosopo tch.
Tinanong namin ang Doctor kung ayos lang ba ang kalagayan ni Shadow, and I'm glad. Dahil maayos naman daw, na sobrahan lang daw sa bugbug. Kawawa naman si Shadow, hay. Hinintay namin itong magising, hanggang bigla na lang itong tumayo at para bang may hinahanap siya.
"Bro, humiga ka muna. Ano maayos ka na ba? Ano bang nangyari?" sabay naming tanong ni Lay.
"Nasaan si Konaide?" nag-aalalang tanong nito sa amin? Bakit niya hinahanap? Siguro tama nga ako sa aking iniisip na magkasama sila. "Wala ba siyang sugat? Maayos lang ba siya? Ano sabihin niyo sa akin?" parang tangang tanong nito, grabe naman pag-aalala niya. Tch, nakakaselos lang ha? Sila na ba ni Konaide, ang totoo kasi crush ko si Kairhara.
"Hindi namin alam, Pre. Ikaw, nadatnan namin dito eh!" ani Lay. Napabuntong hininga naman ito at napasabunot sa buhok.
"F*ck, ano na kayang nangyari sa kaniya! Hanapin niyo si Konaide, alamin niyo ang lokasyon niya! Baka napahamak na siya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak siya... " may galit na sabi nito, ano kayang nangyari at ganito siya mag-alala kay Konaide. "Baka kung ano na ginawa sa kaniya, ng mga lalaking 'yun! Ang tanga ko, nawalan ako ng malay habang pinagtatanggol ko siya! Hindi, hindi ko siya nailigtas..." umiiyak na aniya.
"Pre, kumalma ka nga! Relax, huminga ka nang malalim. Siguro naman maayos si Konaide!" ani ko, sobra kasi siyang stress eh. Ano kayang meron sa kanila ni Konaide? Hindi kaya sila na? Hindi puwede, hindi pa nga ako nanliligaw eh.
"Hoy Clarnce, gising! Para sabihin ko sa'yo nasa Earth tayo at wala sa kalawakan!" biglang sigaw sa akin, kaya naman nagising ako sa katotoohanang wala na akong pag-asa. Choss.
"Bakit ka ba naninigaw?" inis na tanong ko.
"Anong bakit? Kanina ka pa tulala diyan!" ani Lay, kaya napangiti na lang ako sa katotoohanan na dapat kong tanggapin.
"Anong nginingiti-ngite mo?" tanong ni Lay.
"Wala! Bakit masama bang ngumiti?" tanong ko, ayos lang sa akin ang lahat. Kung para naman sa kaibigan ko, handa akong kalimutan ang pagmamahal ko sa babaeng mahal ko.
"Baliw ka na! Ice ikaw na nga kumausap dito! Baka sakaling tumino!" ani Lay at lumabas na ng room. Anong nangyari do'n bakit na-badtrip? Hinayaan ko na si Lay, at muling tumingin kay Shadow na umiiyak. Alam ko, kahit hindi sabihin ni Shadow ang nararamdaman niya. Alam kong mahal niya si Konaide.
"Bro, ano bang nangyari sa'yo?" tanong ko. Hindi naman ito sumagot at bigla na lang tumayo.
"Hoy, magpahinga ka muna! Tignan mo nga ang katawan mo, bugbug sarado!" inis na sabi ko, mukha kasing may balak pa siyang umalis sa kalagayan niya ngayon.
"Hey, where are you going?" tanong ni Ice.
"Pupuntahan ko si Konaide, baka kung ano'ng nangyari sa kanya! Papatayin ko ang mga hayup na lalaking 'yun!"sigaw nito.
"Sino ba ang mga lalaking 'yon? Sabihin mo sa amin, para naman maintindihan ka namin!" tanong ni Ice.
"Hindi na dapat kayong madamay rito! Ang gawin niyo na lang, hanapin niyo si Konaide!" utos nito.
"Pre, sa kalagayan mo ngayon. Hindi ba dapat, ang sarili mo muna ang isipin mo?"
"Wala kang paki-alam! At wala kayong alam, hanapin niyo na lang si Konaide. Sabihin niyo agad sa akin kung nahanap niyo siya!" sigaw nito. Napailing na lang ako, hindi na talaga siya mapipigilan.
"Bakit, hindi mo sabihin para alam namin ang nangyayari!" tanong ni Ice.
"Hindi na, laban ko ito kaya huwag na kayong maki-alam!" sigaw nito.
"Gago ka pala eh, kaibigan ka namin. Puwede bang hindi kami maki-alam! Ang selfish mo! Bakit nagkakaganyan ka? Ano ba para sa'yo si Konaide?" seryosong ani Ice. Hindi naman ito makatingin sa amin at nakasagot. Umalis na lang ito, napailing na lang ako, wala na talagang makakawat sa kaniya.