Chapter 32 Kirhara pov

Pumunta naman ako sa isang casino, tuloy tuloy akong pumasok nang pinakita ko ang card ko. Dumiretsyo ako sa isang private room, iisaisahin ko ang mga galamay niya. Sisiguraduhin kong siya na mismo, lalabas sa lungga niya. Pumasok na ako sa private room nang hindi kumakatok halatang nagulat sila. Napangisi naman ako nang makita kong anim sila, at lahat sila isa sa nagplano para patayin ang magulang ko. Umupo naman ako sa tabi nila, habang nakangisi pa rin.

Naglalaro naman sila ng chest, mukhang masaya pa sila? Mabuti nakakatulog pa sila sa gabi?

"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng isang matanda sa akin. Halata mo rito ang takot sa mata. Ngumisi lang ako rito, bigla naman ako nitong tinutukan ng baril.

"Makikipaglaro lang sana ako?" ani ko at ginalaw ang knight sa chest.

"Bakit narito ka? Sino ka ba talaga? Umalis ka na baka mapatay pa kita!" ngumisi lang ako, nakakatuwa silang pagmasdan, habang parang daga na takot na takot.

"Sino ako? Hmmm... isa akong batang maagang naulila, dahil sa mga taong gahaman sa kapangyarihan... sabihin na lang na'tin na ako ang pusa at kayo ang daga?" ani ko at ngumisi rito. "Bakit hindi mo iputok ang baril mo?" tanong ko pa.

"Sino ka ba talaga?" tanong pa ng matanda, tsk ang hina ng mga utak nila.

"One day, merong isang masayang pamilya then, isang araw meron mga masasamang tao na sumira ng isang pamilya. Pinatay nila ang buong pamilya na 'yon. Pero hindi lahat napatay nang mga masasamang taong. Isipin na lang na'tin na ang batang tinira nilang hindi namatay, ngayon malaki na at naninigil na?" kwento ko pa.

"Hoy, Babae! Tumigil ka na sa mga sinasabi mo, wala kaming panahon para makinig sa wala mong kuwentang kuwento!" ani naman ng isang matanda.

"Baliw ka na, Bata? Wala kaming alam sa mga sa sinasabi mo, at hindi kami interisado sa kuwento mo! Kaya puwede, umalis ka na!" ani pa ng isang matanda, naglabas ito ng baril at ipuputok na sana nang unahan ko itong patayin. Binaril ko ito sa ulo at tumingin sa mga natitira na halata mong takot na takot na sila.

"Who's next?" tanong ko.

"Hayup ka, papatayin kita!" sigaw nila at bago pa nila ako mapatay, inunahan ko na silang lahat. Binaril ko silang lahat sa ulo, pagkatapos ko silang patayin. Umalis na ako na parang walang nangyari umalis na 'ko sa lugar na iyon at umuwe ako sa bahay.

"Young Lady? Saan po kayo galing? Bakit ngayon ka lang umuwe? Bakit may dugo ang damit mo, may nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Butler Kin.

"Somewhere, may siningil lang ako..." sabi ko sa malamig na boses. At umakayata na, pagdating ko ng kuwarto. Hinubad ko na ang mask ko at dumeretyo sa cr para maligo. Pagkatapos nagbukas ako ng tv. At napangisi ako sa balitang napanood ko.

Breaking news

Isang lalaki binaril sa isang hotel patay, hanggang ngayon pinaghahanap pa rin ang suspect. Sa isang casino naman anim na Lalaki pinagbabaril, suspect pinaghahanap na ng mga pulis."

Pinatay ko na ang tv, Sino na kaya ang isusunod ko? Marami pa sila, lahat sila pagbabayarin ko sa ginawa nila sa pamilya ko. Kahit saang lupalop kayo naroroon, hahanap-hanapin ko pa rin kayo.

*Shadow Pov*

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang may gawa nang mga nangyari sa school. Hirap kami humanap ng evidence at clue kung Sino siya? At kung ano ang pakay niya? At kung bakit niya ito ginagawa? Ang sakit sa ulo shit! Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

"Huy!"

"What the f*ck!" sigaw ko, nakahiga kase ako tapos biglang dumating mga kupal kong kaibigan ko. Hindi nga sila nagsabi kung saan sila pupunta eh.

"Ang lalim nang iniisip mo ah? Sinisid mo na yata ang kailaliman ng karagatan?" ani Lay, tapos pinagtawanan ako.

"Tch, get out of my face!" seryosong ani ko. Ang istorbo ng mga ito.

"Sus, sino ba iniisip mo? Babae ba 'yan? Mahal mo ba? Mahal ka ba? Iniisip ka ba?" sunod sunod na tanong ni Lay, sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Montiverde?" malamig na tawag ko rito. Halata namang natakot kase mukhang namutla siya.

"Kuya!"

"Oh, Lil Bro? Sinabi kong hintayin mo ako sa School mo at susunduin kita? Paano kung napahamak ka?"

"Don't worry, Kuya? I'm okay!" ang cute rin ng batang ito eh, huwag sana magmana sa kalandian ni Lay. Ang kapatid niya, lagi pa naman sila magkasama.

"Sa kuwarto muna kami!" tumango lang ako at humiga na ulit.

"May balita ka na ba?" tanong ko kay Ice, na nakihiga na rin sa higaan ko.

"May lead na ako, but? Not sure pa, sasabihin ko na lang kapag sigurado na ako..."

"Hoy! Ano'ng pinag-uusapan niyo? Sali niyo naman ako!" ani Clarnce.

"Tch..." umiling na lang kami.

"Sige, aasahan kita..."

"Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin! May nakuha na akong kuha ng Cctv, at may nakita rin ako na kahina-hinalang tao na nakahanan ng camera. Gusto niyo makita?" tanong ni Clarnce.

"Nasaan?" tanong ko.

"Wait-- kunin ko muna Laptop ko!" kinuha naman nito ang laptop at pinapanood sa amin ang video. Binatukan ko naman agad ito nang wala namang kuwenta ang pinakita nito sa aming video.

"Montimayor, niloloko mo ba ako? Eh? Ikaw lang 'yan na sumasayaw eh?" buwisit na ani Ice. Tumawa naman ito, mamatay ka sana kakatawa kupal.

"Nagbibiro lang ako, gusto ko lang ipakita ang latest dance video ko sa inyo? Ano maayos ba pagkakasayaw ko?"

"Lumayaw ka na nga rito!" sigaw ni Ice.

"Haha! Joke lang eh, hindi na kayo mabiro. Oh ito na seryoso na!" ani nito at nag-play ng video. At d'on, nakakita kami ng isang lalaki kahina-hinala. Pero 'di makita mukha nito dahil naka-mask ito.

"Alamin mo kung Sino ang taong 'yan? Ipaalam mo agad sa akin..." ani ko. Sino ba ang taong 'yon.

"Aye, aye! Masusunod!" ani Clarnce. "Aalis muna ako may pupuntahan pa kase ako eh!" aniya at umalis na. Kami naman napabuntong hininga na lang at hanggang ngayon iniisip pa rin ang nangyari. Hindi ko naman hahayaan na masira ang school namin, nang dahil sa mga masasamang katulad nila.