Chapter 31 One down

Pagdating ko sa dorm namin, nagulat ang mga kaibigan ko. Siguro nagtataka sila kung bakit dala ko ang kapatid ko. Dito na mo na kami, habang wala pa akong nakukuhang tirahan naming dalawa ng kapatid ko.

"Hey, bro? Anong nangyari?" tanong ni Clarnce.

"May nangyari ba? Bakit mo kasama ang kapatid mo?" tanong ni Ice. Halata mo sa kanilang lahat ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ang swerte ko dahil may mga kaibigan akong katulad nila.

"Puwede bang manatili mo na ang kapatid ko rito?" tanong ko.

"Yeah, puwede kayong manatili rito. Walang problema..." ani Ice.

"What happened?" tanong ni Shadow na kakagising lang. Wala na akong nagawa kun 'di ikwento ang lahat sa kanila, ayoko namang may tinatago ako sa kanila. Alam ko rin naman kung itatago ko sa kanila ang nangyari, malalaman rin nila.

"Tang*na! Wala silang awa, nakakagigil sila!" galit na sigaw ni Clarnce. Kahit naman sino magagalit sa mga nangyari.

"Dapat mamatay na sila, wala na silang puwang sa mundong'to!"

"Yeah, dapat lang na mamatay na sila. Naapakasama nila isang bata ginaganyan nila? Wala silang mga puso!" ani pa ni Clarnce, sa totoo lang close kase ang kapatid ko at si Clarnce. Paano kase nagkakasundo sila dahil mahilig sila parehas sa Chocolate.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang mamatay ang mga 'yon..." seryosong ani Shadow. Hindi ako sumagot sa sinabi niya, dahil alam kong seryoso ito sa mga sinasabi niya. Dahil kapag um-oo ka sa kaniya, gagawin niya talaga.

"Sabihin mo lang sa amin, kung ipapa-patay mo na ang daddy mo at ang pamilya niya. Madali lang 'yon, may kapatid akong puwedeng tumira sa kanila." Seryosong ani naman ni Ice.

"Hey, Relax! Huwag kayong gan'yan, pinag-iisipan dapat ang lahat nang 'yan!" ani Clarnce.

"Hindi na, ako na ang bahala sa kanila..." seryosong ani ko, nilapag ko na ang kapatid ko sa higaan ko at pinagmasdan ito. Hinding hindi na ako papayag na masaktan ka ulit nila.

"Pre, kung may kailangan ka narito lang kami. Huwag ka mahiya, kung kailangan mo ng pera para sa pag-aaral ng kapatid mo. Puwedeng makatulong sa'yo ang Mommy ko, nagpapa-aral naman sila ng mga bata kaya puwede ko sabihin kay Mommy na pag-aralin niya ang kapatid mo!" ani Clarnce. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko dahil lahat sila mabubuting tao, lahat gagawin nila para matulungan ang kaibigan nila.

"Salamat," ani ko. Aminado akong hindi ko pa kayang pag-aralin ang kapatid ko, dahil wala akong malaking ipon para d'on.

"Sige, pre. Sasabihin ko mamaya kay Mommy,"

"Sagot ko na ang allowance ng kapatid mo hanggang makatapos siya nang pag-aaral," ani Ice.

"Nahihiya ako sa inyong lahat, pre..." ani ko.

"Wala 'yon, pre. Tulong na namin 'yon para sa'yo at sa kapatid mo."

"Tutulong rin ako," ani Shadow. Lahat naman sila tinapik ang likod ko, ginawa nila 'yon para lumakas ang loob ko.

"Kaya mo 'yan pre, nakasuporta lang kami sa likod mo. Don't worry kami na ang bahala sa inyo," ani Clarnce.

"Salamat talaga..." naiiyak na ani ko.

"Walang iiyak, bakla lang umiiyak haha!" ani Clarnce.

"Tch, hindi mo kailangan umiyak. Dapag maging matatag ka," ani Ice. Natawa naman ako sa kanila, mabuti na lang talaga naging mga kaibigan ko sila. Balang araw alam kong makakabawe rin ako sa kanila.

*Kairhara Pov*

"Young lady, saan kayo pupunta?" tanong ni butler Kin, nakabihis kase ako kaya napansin agad nito.

"May pupuntahan lang ako saglit, may mga sisingilin lang ako.." ani ko at lumabas ng mansion.

Pagkarating ko sa pupuntahan ko, pumasok na 'ko sa hotel at bago pumasok sa loob ng kwarto nagsuot mo na ako ng mask at pumasok na sa loob ng kuwarto.

"Baby ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay sa'yo... Kanina pa kaya tumitigas ang alaga ko..." aniya habang nakadapa, ang swerte ko dahil hindi ako nito nakikita. Lumapit ako rito at inilabas ang baril. "Bilisan mo na, Baby! Excited na akong matikman ka ulit!" aniya, ang tanga niya, buong akala niya ako ang babae niya. Ang tanda na, babae pa rin na sa isip.

Tinutukan ko ito ng baril sa batok nito, parang nagulat naman ito dahil napasinghap ito. Ngayon ang araw ng paghuhukom ko sa mga taong pumatay sa magulang at kapatid ko. Iisa isahin ko sila hanggang maubos silang lahat.

"S-sino ka?" utal na tanong nito.

"Ako ang taong papatay sa'yo..." bulong ko rito. Haharap na sana ito nang pinutok ko na ang baril kong may silencer sa ulo nito. Pagkatapos umalis na ako sa kuwarto at lumabas ng hotel na parang walang nangyari. Pagpasok ko sa kotse ko binura ko na ang lahat nang kuha ng cctv, mahirap na baka mahuli ako. Hindi naman ako papayag, dahil may mga bagay pa akong dapat gawin.

"Kunti na lang, makakamit ko na ang hustisiya..." bulong ko at ngumisi. "One down... Sino naman kaya ang isusunod ko?" kausap ko sa sarili ko. Lahat sila papatayin ko, wala akong ititirang buhay sa kanila. Pinapangako ko 'yan, nang dahil sa kanila naging miserable ang buhay ko. Pinaandar ko na ang kotse at pumunta sa location nang isa ko pang target.