Chapter33 Someone

“Isang lalaki natagpuang patay sa Sater hotel ngayong 6pm ng hapon, kinilala ito na si Bobbys Garcia. pinaghahanap na ngayon ang pumatay sa biktima. Samantalang sa isang Ward casino naman anim na matandang ang natagpuang ding patay kinilala na si Sebastian dormido at ang iba pang sina-- Lucas Mandaw, Ferdinand Sukba, Marcos Karaga, Manuel Antonio, Jimmy Kontes.”

Napamura ako nang malaman ko na 7 sa tauhan ko ang namatay. Fuck, Sino ang gumawa nito? Agad akong nagpatawag ng investigator. Gusto kong malaman kung sino ang demonyong may gawa nito sa mga tauhan ko.

“Hel—

“Give me information kung sino ang may gawa nito ‘wag kang pupunta rito na wala kang nalalaman, kun’di ikaw ang papatayin ko!” pagbabanta ko. Hindi ako mapapalagay hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang taong ‘yon.

“Opo , boss ako na bahala…” pinatay ko na ang tawag at binato ang cellphone. Bwisit talaga, nalagasan na naman ako ng importanteng tauhan. Tang*na kung sino man siya, I will kill him/her.

*Kirhara pov*

I'm here in the park near in my mansion, nakaupo lang ako sa isa sa bench dito pumikit ako at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin at katahimikan. Ang sarap sa tenga ng mga huni ng ibon, sana ibon na lang ako. Tulad nila malaya silang gawin lahat, malaya silang lumipad. Samantalang ako nakakulong pa rin sa mundong madilim. Hangga’t hindi ko nakukuha ang hinahangad kong hustisya, hinding hindi ko makakamit ang kalayaan. Kung nandito pa kaya ang mga magulang ko, ano kayang magiging buhay ko? Siguro masaya ako ngayon na kasama sila. I missed my family so much… tuwing nag-iisa talaga ako, naalala ko ang lahat. Napangiti na lang ako ng mapait, habang dahan dahang umaagos ang mga luha. Hindi pa rin talaga nauubos ang luha ko. Habang umiiyak ako mag-isa na parang tanga, bigla ko na lang naramdaman na bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko hanggang lamunin na ako ng dilim.

Third person pov

Habang natutulog ang dalaga sa isang bench sa park, may roong taong nagmamasid sa kan’ya. Kanina pa siya nito tinitignan. Nang makita nilang nakatulog na ang dalaga napa gisi na lang ang mga taong kanina pa may binabalak na hindi maganda.

“Bro, tara na tulog na siya. Mabuti naman at hindi na tayo mahihirapan kunin siya.” Ani ng isang lalaki, tumango lang ang kasama nito at napagpasyahan na nilang lumapit sa dalaga. Dahan dahan silang lumapit dahil baka magising ang babae. Inilabas naman ngg isang lalaki ang panyo na may pampatulog dahil baka maramdaman sila nito at magising. Paglapit ng mga lalaki, biglang gumalaw ito at agad naman nila itong nilagayn ng panyo na may pangpatulog sa ilong. At saka nila ito binuhat at sinakay sa van.

“Basic lang naman pala ito, bro…”

“Nakakaboring nga, walang thrill. Pero ayos lang atleast may kikitain tayong malaki…” tumawa sila ng malakas sa sobrang galak.

*Kirhara pov*

Nagising ako ng buhusan ako ng malamig na tubig, waka akong makita dahil nakapiring pala ang aking mga mata igagalaw ko sana ang kamay at paa ko pero ‘di ko maigalaw dahil nakatali ito. Paano ba ako napunta rito? Sino kaya ang kumuha sa akin.

“Oh dear, princess your awake?” ani ng isang babae. Hindi ko siya makita dahil nakapiring ako. “How’s yoor sleep princess?” tanong pa ito. Maya maya lang may narinig akong mga yabag na papalapit rito.

“Ano, miss? Anong gagawin namin sa kaniya?” kunot noo na lang akong nakinig sa kanila. Pag hindi nila ako pinatay ako ang papatay sa kanila.

“Ako na ang bahala sa kaniya…” sabi ng isang maarting boses, lumapit naman ang yabag nito sa akin at nang tuluyan na siyang nakalapit hinawakan nito ang baba ko nang sobrang higpit.

“I warmed you…” bulong nito at sinampal ako ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Hinayaan ko na lang ito at ngumisi lang sa kaniya.

“Tignan na’tin kung makangisi ka pa mamaya…” sabi nito at sinabunutan ako, sinuntok sa sikmura pero ‘di ko pinakitang nasasaktan ako. Wala namang kuwenta mga ginagawa niya, at mas lalong lang akong nasasabik sa mga susunod nitong gagawin. “Matapang ka talagang, Babae ka! “ inis na sabi nito tinanggal niya ang piring ko. Noong una ‘di ko makita ang mukha ng babaeng ‘to, pero unti unting luminaw ang paningin ko nakita ko na ang may kagagawan nang lahat na kilalang kilala ko tsk. Una pa lang alam kong siya ang babaeng ‘yon.

“Matapang ka lang kase nakatali ako dito…” sabi ko at ngumisi mas lalong naasar ito sa akin nakikita ko tuloy ang kapangitan niya tch. May inabot namang latigo ang isang kasamahan nitong babae at iyon ang gianamit sa akin na mapanghataw. Hinayaan ko na lamang ito, dahil wala naman na akong sakit na nararamdaman, walang wala ang ginagawa nito sa mga pinagdaanan kong training.

“Hindi ka ba marunong masaktan, babae? Iniinis mo ba ako ha? Tignan na’tin mamaya kung hanggang saan ka magtitiis ng sakit!” gigil na sifaw nito sa akin at pinaghahampas na ako, sa kung saan ng latigo. I admit, masakit na pero hindi ko pinapahalata. Nginisihan ko na lang ito at pinikit ang mga mata. Masaya siya sa gianagawa niya, bakit hindi ko pagbigyan ‘di ba? Paulit ulit lang nito ginawa sa akin ang paghampas ng latigo.

“Putang*na mo talaga!” galit na sigaw nito at mas naging marahas sa paghampas. Maya maya lamang may inabot ang isang babaeng kasamahan nito sa babaeng nasa harap ko na isang maliit na timba na sa palagay ko ay may lamang tubig. Nakita kong napangisi sa galak ang babae at kinuha ang balde. Lumingon sa akin ito ng may ngiti sa labi.

“Tignan ko kung hanggang saan mo mapapanindigang hindi makaramdam ng sakit!” sigaw nito at binuhos sa akin ang balde na mayroon pa lang yelo at hindi tubig ang likido na kasama sa yelo kun’di alchohol iyon. Nanakit ang mga sugat sa katawan ko ngunit, hindi ko ‘yun ininda.

*Some one pov*

“Matapang ka talaga?” inis na ani ko, kanina ko pa kase sinsaktan ang babaeng ito ngunit ako’y nakakaramdam ng sobrang pagkainis dahil para siyang robot na walang pakiramdam, feeling ko walang thrill ang ginagawa ko. Nakangisi pa nga ito sa’kin, sino ka ba talagang babae ka. Pero ‘di bale may mga iba pa akong gagawin na tinitiyak kong hindi na siya mabubuhay pa. Napanginis na lang ako ng malademonyo sa iniisip ko.

“Buhatin ninyo ang babaeng ‘yan at dalhin sa aquarium!” utos ko sa mga tauhan ko at agad rin naman silang nagsikilos. Pagkadala nila sa aquarium agad kong inutusan ang tauhan ko.

“Ilagay niyo siya sa loob hanggang mawalan siya ng malay!” utos ko, noong una nag-alinlangan pa ang mga tauhan ko na ilagay ito pero binantaan ko sila na papatayin kaya naman agad nila itong itinubog sa loob ng aquarium.

“Farewell, Konaide!” sabi ko rito habang may ngisi sa labi, pag namatay na siya mawawalan ako ng isang sagabal sa buhay. Tumatawa ako habang tinitignan ko si Konade habang nahihirapan sa loob ng aquarium.

“Ibang klase ka talaga, Boss!” tinarayan ko na lang sila at nag-focus sa pinapanood kong magandang eksena.

“Ano, Boss? Papatayin na ba na’tin s’ya?” tanong ng isa kong tauhan, napaisip naman ako. Hindi pa ako tapos, bakit ko siya papatayin. Marami pa akong hinandang surpresa sa kaniya.

“No, iahon ni’yo siya at itali muli!” utos ko sa mga tauhan ko.

“What? Nag-iisip ka ba? Baka magsumbong ‘yan, mapahamak pa tayo. Ayoko makulong best…”

“Yeah, baka ikapahamak na’tin ito…” mga duwag rin ang mga kaibigan ko eh tch.

“Ako bahala sa inyo, hindi kayo mapapahamak…” ani ko na lang sa kanila.