Chapter 30: 3rd Person Pov

Dahil sa nangyari sa school, walang pasok nang isang linggo. May mga natuwa may mga natakot dahil sa nangyari ang iba pa nga ay nagkaroon ng trauma. Kalat na rin sa buong bansa ang nangyari sa school ng Kirsako. Sa kabilang banda naman nag sasaya ang isang taong may pakana nang lahat. Nakangisi ito habang pinapanood ang mga nangyari , maya maya lamang tumawa ito na akala mo 'y isang demonyo.

"Shadow, Shadow? Kayanin mo pa kaya ang mga pasabog ko? Hindi pa 'yan sapat para magdusa ka, lahat idadamay ko. Ano ka ngayon? Nagmumukha ka tuloy pusa na pinipilit hanapin ang isang mailap na dagang katulad ko. Huwag ka mag-alala, kapag nakilala mo ako may surpresa ako sa'yo..." bulong nito habang nanonood pa rin.

Ang grupo naman ng Evil Gang naghahanap na rin ng information dahil sa nangyari. Pero sa ilang oras nilang nakaharap sa Laptop, hindi pa rin sila makakuha ng information.

"Fuck! Buwisit!" m ura ni Clarnce nang wala s'yang nakitang kuha manlang sa CCTV footage sa school.

"What happened?" tanong ni Lay.

"Na hack na nila ang system sa lahat ng cctv dito sa School, dahil kahit isang footage wala akong makita. Lahat blangko or cut na ang video, buwisit talaga!" inis pa rin na ani nito.

*Lay Pov*

Mag hapon kaming walang ginawa kun 'di ang maghanap ng information. Fuck, shit lang. Kase wala kaming makita. Dahil sa wala naman akong mahanap na information umuwe na lang ako sa bahay pagpasok ko ng pinto. Nakita ko agad ang step mom at ang Daddy ko, umuwe pala sila sana hindi na lang sila umuwe tch.

"Watsup son? How are you?" tanong ni Daddy. Hindi ko siya pinansin wala akong paki sa kanila, aalis na sana ako nang magsalita ulit si daddy.

"Lay? Did you know, how to respect your parent? Hindi ka naman ganiyan pinalaki ng Mommy mo!" kunot noo ko itong tignan. Nakaka-badtrip talaga ang katulad niya, sana hindi na lang siya ang naging ama ko.

"Kagalang galang ka ba? Ikaw ba, alam mo ang salitang 'yan? Wala kase sa sistema ko ang gumalang sa walang kuwentang katulad mo!" sigaw ko. Nakakaasar kase ang pagmumukha niya, sa tuwing nakikita ko siya. Parang gusto kong sapakin mukha niya, aalis na sana ako ng magsalita ang magaling na step mother ko.

"Lay? Bakit ganiyang ka sa Daddy mo? Ama mo pa rin siya kaya matuto kang gumalang, kung wala siya baka 'di ka ngayon nag-aaral!" ani ng buwsit na babaeng ito.

"Huh? Be careful, sa mga salitang binibitawan mo malanding babae! Wala akong paki alam sa Ama ko, magsama kayong dalawa! Buwisit, nakakairita kayong dalawa!" inis na ani ko at tumaas na sa kuwarto ko, imbis na hindi ako na-stress sana 'di na ako umuwe sa bahay na ito. Kung puwede lang eh, hindi eh dahil may kapatid pa akong dapat na dalawin sa bahay na ito. At syempre dito rin ako kumukuha ng mga damit ko.

Kaya ako galit na galit sa Daddy ko, noong mga panahon na namatay si Mama. Wala siya sa tabi ko para patahanin ako at nalaman ko na nasa babae niya ito noong mga panahon na iyo. Tapos ngayon babalik siya dito sa bahay? Nang dala dala n'ya ang bago n'yang asawa? Tapos sasabihin n'ya,. irespeto ko siya at ang bago niya? At tanggapin ko ang bago n'yang asawa. F*ck, how pathetic, akala n'ya ba gan'on lang kadali kalimutan ang lahat? Ano siya sinusuwerte? Kahit kaylan wala na s'yang puwang sa buhay ko, dahil siya ang pinakawalang kuwentang tao sa buhay ko. Kung puwede ko lang suntukin ang matandang 'yon, matagal ko nang ginawa.

"Kuya..." tawag sa 'kin ng kapatid kong lalaki 8ys old pa lang siya, baby pa lang siya ng mamatay ang Mommy. Kaya naawa ako sa kaniya.

"Hi baby, br! How are you?" tanong ko rito, matagal naman itong nakasagot kaya para akong kinabahan dahil parang iiyak na ito.

"What happened?" tanong ko at niyakap ito, bigla naman nabasa ang damit ko. Ibig-sabihin umiiyak siya, nakaramdam ako ng sobrang kaba at awa kapatid ko.

"Kuya, ayoko na dito sa bahay. Kunin mo na ako Kuya, ayoko na dito please..." umiiyak na ani nito.

"Anong nangyari, Baby? Sabihin mo kay Kuya?" ani ko at hinawakan siya sa braso, gusto kong malaman ang nangyari. Dahil hindi iiyak ang kapatid ko kung walang nangyaring masama.

"Ouch... Masakit, Kuya..." ani nito, tinignan ko naman agad ang balikat nito na natatakpan ng manggas. Uminit nang sobra ang ulo ko nang makita ko ang mga pasa sa mga braso niya. Tinignan ko pa ang likod nito, lalo akong nagalit at nakaramdam nang awa kapatid ko. Bakit ngayon ko lang ito nalaman.

"Kaylan pa nangyari ito? Sino gumawa n'yan sa'yo? Sabihin mo sa akin?" halos manginig ang buo kong katawan sa nangyari. P*tang*na, kung sino may gawa nito pagbabayaran niya ang lahat. Gusto kong pumatay, sa lagay ko ngayon. Saktan na nila ako pero ang kapatid ko, baka makapatay ako.

"Si Ate Abbi at saka si Mommy at Daddy, kuya ayoko na rito. Lagi nila akong sinasaktan, hindi naman ako pasaway, ginagawa ko naman nang sinasabi nila..." Sabi nito na kinainit ng ulo ko. Niyakap ko siya, at umiyak na lang hindi ko kayang makita ang kapatid kong naghihirap. Sana noon pa nalaman ko na ito, naiinis lang ako kase hindi ko nalaman agad. Pakiramdam ko wala akong kwentang Kuya.

"Kuya please, huwag mo na akong iwanan..."

"Shhhh... tahan na-- aalis na tayo dito, kukunin na kita. Hinding hindi ka na masasaktan nila..."ani ko. Bumitaw ako sa yakap rito at sinimulan iimpake ang lahat nang gamit namin.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Abbi na anak ng step mother ko, halos manginig ang laman ko dahil nakita ko ang taong nanakita sa kapatid ko. Ngumisi ako rito at nilapitan siya, at hindi ko alam kung bakit bigla ko itong sinakal.

"Hayup ka, papatayin kita... hindi ka na dapat nabuhay sa mundong 'to..."

"Mommy, Daddy!" nahihirapang tawag nito.

"Why baby? F*ck, what happening! Bitawan mo siya!" ani ng Nanay nito. Binitawan ko ito at iniuntog sa pader. Wala akong paki alam kahit makapatay ako ngayon.

"Mommy..." niyakap naman agad ng step mother ko ang Anak niya. Tapos bigla naman dumating ang ama ko.

"Ano'ng nagyayari?" tanong ng magaling kong Ama.

"Huh? Hindi mo alam ang nangyayari? F*ck you!" sigaw ko at sinuntok ito at tinadyakan sa ito.

"Layshin, ano ba? Tama na, bakit mo kami sinasaktan?" sigaw ng asawa ng Tatay ko. Ngumisi ako rito at sinuntok ito sa mukha na nakapagpatulog rito. Umiyak naman ang anak nito, kung kaya ko lang pumataya baka pinatay ko na sila. Alam kong umiiyak at natatakot na ang kapatid ko kaya tumigil na ako.

"Kukunin ko na ang kapatid ko, hindi ko hahayaan na manatili pa sa puder ninyo ang kapatid ko! Napakasama n'yong lahat, isang bata lang ang kapatid ko pero kung saktan ninyo akala mo may ginawa siyang malaking kasalanan! Wala kang kuwentang Ama, sobra na ang kasamaan mo! Kung puwede lang ako pumatay, papatayin ko kayong lahat! Pero hindi ako kasing sama ninyong lahat! Ipagdarasal ko na lang na ang karma na ang humusga sa inyo!" galit na ani ko, sumabog na ako sa galit dahil sa ginawa nila. Saktan na nila ako huwag lang ang kapatid ko.

"Oras na umalis kayo sa pamamahay na ito, wala na kayong matatangap na pera mula sa akin!" ani Daddy.

"Hindi ko kailangan ng pera mo! Let's go, Baby!" ani ko at inaya na ang kapatid ko at kinuha ang lahat nang gamit namin. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko, papatunayan kong kaya kong buhayin ang kapatid ko kahit mag-isa lang ako.