CHAPTER 5
Natapos ang klase na lumilipad ang isip ni Sophia, sino ba naman ang hindi kung first day na first day mo sa school ay nasabak ka na agad sa gulo, and worst parang hindi ka pa gusto ng mga kaklase mo dahil sa ginawa ng taong gusto nila sa yo.
Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na, sabi ni Sophia sa isip niya.
Nakadukdok pa rin siya sa lamesa niya habang hinihintay na dumating ang isa naming guro at mag umpisa ang susunod na klase.
Gusto na rin kasi niyang makauwi dahil sobra rin ang pagod niya kakaisip kung paano niya lilinisin nang mag isa ang lahat ng buildings kung sakali man na hindi tumuloy si Axell sa parusa nilang dalawa, hindi rin kasi malabo 'yon dahil ito nga ang may ari ng school na pinapasukan niya ngayon.
Nasa ganoon siyang posisyon nang bigla na lamang nag ingay ang buong klase, lalo na ang mga babae.
Hindi na niya sana ito papansinin pero sobrang ingay ng mga ito kaya naman itinaas niya ang ulo niya para tignan kung sino ang hinihiyawan ng mga tao na 'to.
"Psh, yun lang naman pala, mga mahaharot talaga" Sabi ni Sophia sa isip niya, matapos niyang makitang papasok si Axell at ang dalawa pang lalaki na ang hula niya ay mga kaibigan nito.
Tumambay lamang ang mga 'yon nang ilang minuto sa labas at pumasok na rin na mas lalong kinahiyaw ng mga kababaihan, lalo na nung kumindat pa ang isa sa kanila na halatang mahilig sa babae, matangkad ito at black ang buhok na pang korean ang gupit saka may hikaw siya sa magkabilang tenga na nagpadagdag ng gandang lalaki nito.
"WAAAAH I LOVE YOU ALEXIS" Sigaw ng isang babaeng akala mo ay naubusan ng tela sa kanyang suot.
"I love you too sweetie" sabi naman ng lalaking blonde ang buhok na lumapit pa sa babaeng nagsalita at hinalikan ang kamay nito.
'Ang landi' sabi ni sophia sa isip niya, inis na inis na siya dahil gustong gusto na talaga niyang umuwi at matapos na ang kagaguhang araw na ito, muli ay dumukdok siya sa arm chair niya at tahimik na hinintay ang kanilang guro.
Samantalang si Axell naman ay walang pakieelam na tumungo sa upuan niya at naupo, saka niya sinalpak ang earphone niya sa tenga, dahil naiingayan na rin siya nang sobra dahil sa kagagawan ng mga kaibigan niyang babaero.
SOPHIA'S POV
Feeling ko mabubulok na ako sa upuan ko dahil sobrang tagal dumating ng next subject namin, naramdaman ko pa ngang umupo sa tabi ng upuan ko ang lalaking kinaiinisan ko, grabe kasi 'tong isa na 'to, akala mo lahat makukuha niya at siya ang masusunod sa lahat ng oras porket sila ang may ari ng school na 'to, mayabang hmp.
"Okay clasa start na tayo for today" napaangat naman ako ng ulo ko ng may marinig akong magsalita, nang tignan ko ay yung teacher pala namin, hays mabuti na lamang at dumating na siya, muntik na akong makatulog sa kahihintay sa kanya ha.
Pero infairness maganda 'tong teacher namin, halatang dalaga pa kasi pang teenager din ang suot niya, nakapolo ito ng white na long sleeve at naka skirt ito ng kulay brown at above the knew, ang cute niya tignan sa suot niya, lalo ring bumagay ito sa kanya dahil sa messy bun niyang buhok, teka bakit parang nababakla ako sa teacher namin, omg.
"So class I will be your adviser and also your Science technology and Society teacher, I am Ms. Kriza Lopez, you can call me Ma'am Riza, Ms. riza, Ma'am or Ms Kriz, it depends to all of you, if what's make you comfortable" She said while smiling to us.
Shet, ang ganda niya, pati yung smile niya bagay na bagay sa kanya, para bang hindi siya pumapangit hahahaha.
"So, wala muna tayong klase for today's video mga vebs, I want you all to introduce yourself in front and tell some things that ruined your life and how you overcome it." dagdag pa nito, ang daming nagreklamo sa pinapagawa niya, ayaw rin yata nilang magpakilala sa harapan, kung ako lang ay ayaw ko rin talaga, pano ba naman nahihiya ako magsalita sa harapan huhu.
"Ma'am, hindi po ba pwedeng wag na magpakilala, since kilala naman na namin lahat" biglang sabi ng isa kong kaklase na sinang ayunan naman ng iba.
"Oo nga ma'am, pang elementary at highschool lang po 'yan e" pagsang ayon pa ng isa, at sunod sunod na silang nagsalita, kaya naman nag stop sign na si Ma'am dahil ang gugulo na namin.
"I don't care, It's either you will introduce yourself on front or you will find another teacher 'cause, I won't be accept you to my class" seryosong sabi naman ni Ms. Kriza na kinatahimik naman ng mga kaklase ko.
"Okay, madali naman pala kayong kausap" wika pa nito saka ngumiti nang pagkalawak lawak, ang bilis magbago ng mood niya ha, kanina lang seryoso ito tas biglang ngumiti, weird.
"So dahil common na ang pag uumpisa sa harap, you should go first, the boy at the back who has earphone to his ear" turan nito at tinuro ang katabi ko na parang hindi naman siya narinig,
Nang hindi 'to tumayo ay kinalabit ko 'to, hindi yata niya narinig si maam dahil naka earphone siya kaya nagmagandang loob na ako.
"Huy" sabi ko sa kanya na kinalabit pa siya, tinanggal naman nito ang earphone niya at nakakunot ang matang lumingon sa akin.
"WHAT?" Tanong nito sa akin,
"Magpakilala ka raw doon" sagot ko sa kanya na itinuro pa ang harapan, napabuntong hininga naman ito at tumayo, na kinahinga ko nang maluwag,
Kaso paglingon ko sa harapan ay masama na naman ang tingin sa akin ng mga babae, ano ba 'yan, ako na nga ang tumutulong, sa akin pa sila galit psh.
"Axell Dawson" malamig na turan naman ng nasa harap kaya nilingon ko 'to.
"What's the thing that ruined your life?" tanong naman ni maam dito dahil nahalata yata nitong wala na si Axell na balak sasabihin,
"It's a personal issue so I can't tell" he said in cold tone saka naglakad papunta sa upuan niya, pagkaupo ay sinuot na nito ang earphone niya at nagkaroon na naman ng sariling mundo.
Wala na ring nagawa si Maam, kung hindi ang sapuhin ang noo niya dahil sa inasal ng isa niyang estudyante.
"Okay, thanks Mr. Dawson, Next, you the girl beside him" turo naman sa akin ni maam, kaya tumayo na ako,
"Psh, pangit" rinig ko pang sabi ng isa kong kaklase pero hindi ko na lang pinansin, ayaw ko rin namang pumatol pa sa kahit na sino dahil baka madagdagan na naman ang punishment ko.
Nang makarating ako sa harapan ay nginitian ako ni Ma'am, kaya naman nag umpisa na akong magsalita.
"I am Sophia Laurier, 19, The thing that ruined my life is when my father left us for another woman, an-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang biglang may sumabat
"Kaya ka siguro iniwan ng papa mo, dahil ayaw niya ng pangit na anak, saka baka pati nanay mo pangit din kaya ganon" sabi nito na ikinatawa nang buong klase, napayuko naman ako at hindi na nakapagsalita dahil sa sinabi niya, nafifeel ko ang matinding galit na kanina pa namumuo sa pakiramdam ko subalit ayaw kong magpadala rito kaya naman pilit kong kinakalma ang sarili.