Chapter 6

"CLASS SHUT UP, YOU DON'T HAVE THE RIGHTS TO INTERRUPT SOMEONE WHEN THEY'RE SPEAKING, SPECIALLY, WHEN YOU'RE IN MY CLASS, SO SHUT YOUR MOUTH UP AND LISTEN, IF NOT GET OUT" galit na sigaw ng teacher namin na ikinatahimik ulit ng klase.

"Okay Ms. Laurier, continue to what you're saying" sabi nito sa akin at nginitian ako,

"Okay ma'am so just what I am saying, my dad left for another woman, and I overcome it because of my mom, she made me realized that even if I don't have a dad, I can still be happy, and contented to my life, thats all, I won't tell you all to be nice to me, kasi I know naman na wala kayong balak but still thankyou and nice to meet you all" mahabang sabi ko sa kanila at ngumiti nang malawak, wala na akong pake kung ano man ang gusto nilang sabihin o isipin sa akin, kilala ko ang sarili ko, at nagpunta ako rito para mag aral.

"Thank you Ms. Laurier, and sorry about the earlier" wika naman ni maam kaya tumango ako sa kanya at nagdesisyon ng umupo sa upuan ko, pero bago pa man ako makaupo ay bigla na lamang akong nadapa, nilingon ko naman ang paligid at nakitang nagtatawan sila, may isa palang sinadya na patirin ako kaya ganito ang inabot ko.

But I didn't mind, tumayo nalang ako na para bang walang nangyari at umupo na sa upuan ko.

Nagtatawanan pa rin sila pero hindi ko na lamang pinansin, pagod na pagod na ako ngayong araw, napakaraming nangyaring hindi maganda haha.

Hindi rin naman nagtagal ang pagtawa nila dahil sinaway na sila ni Ma'am at nagpatuloy na ang pagpapakilala, isa isa na silang tinatawag ni ma'am pero nawalan ako ng interes na pakinggan sila kaya, heto ako ngayon nag isketch sa isang tabi, si luffy ang ini-sketch ko, isa kasi siya sa paborito kong character sa anime.

Dahil sa kabusyhan ko sa pag i sketch ay hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase namin kay maam kriza, at lunch na, marami na ring umalis ng room para kumain, kaya naman tumayo na rin ako para lumabas ng room dahil gutom na rin ang mga alaga ko sa tiyan.

Pumunta na ako sa cafeteria at buti na lamang ay mga libreng pagkain para sa mga scholar dito sa school nila, kaya naman pumila na ako sa pila kung saan ito dapat kuhanin, napansin ko rin na kakaunti lamang pala ang mga nagiging scholar sa school na 'to, at lahat ng mga 'yon ay mga nerd.

Mabilis lang na umusad ang pila dahil konti lang naman kami, nang ako na ang pila ay sinabi ko na kay ate na nasa counter ang gusto ko, pinili ko lang ang adobo saka kanin at lumpia na nakita ko, lahat kasi ito ay paborito ko.

Pagkaalis ko sa pila ay naghanap na ako ng upuan, kaso mga puno na ang mga ito, iniisip ko kung saan ako pwedeng kumain nang biglang may tumawag sa akin,

"Hey, dito tara" tawag sakin ng nerd kanina na nasa unahan ng pila ko, kasama niya rin sa isang table ang iba pang mga nerd na nandoon sa pila kanina, kaya naman hindi na ako nag atubili pang maglakad papunta sa kanila.

"Hi, thank you, hindi ko alam kung saan ako kakain kanina kung hindi mo ako tinawag" nakangiting pasasalamat ko sa babaeng nerd na tumawag sa akin,

"Ano ka ba, wala 'yon, saka sino ba ang magtutulungan kung hindi tayo lang din naman, isa pa wala naman tayong kakampi rito kasi hindi naman tayo pakikinggan ng mga mayayaman na 'yan, by the way, I'm Ariel Briones" sabi sa akin nito, ang ganda naman ng pangalan niya.

"Tama ka riyan, ako si Sophia. Sophia Laurier" ngiting sabi ko sa kanya at inoffer pa ang kamay ko na masaya niya namang tinanggap.

Maganda ito, nakabraid ang mga buhok niya at may malalaki itong glasses pero hindi pa rin maitatanggi na maganda ito,

"Ako si Nathan Gabriel, siya naman si Natalia Gabriel" sabi ng isang nerd na nakababa ang itim na itim na buhok, malaki rin ang salamin nito, matangos ang ilong at may braces, ang tinuro niya naman ay yung babaeng girl version niya, magkamukang magkamuka sila wow.

"and we're twins" dagdag ni nathan nang mapansin na pabalik balik ang tingin ko sa kanila,

"Halata nga, omg ngayon lang me nakakita ng totoong twins kaya nastarstruck naman ako te" sabi ko sa kanila.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain, marami silang kinuwento sa akin tungkol sa mga hindi nila magandang karanasan sa Scho na 'to, na masama si Axell, at marami pang iba.

Natapos na ang class na nabitin sila sa mga kinuwento nila, pabalik na kami sa mga room namin, hindi ko sila mga kaklase pero kapareho ko lamang sila ng course kaya iisang building lang.

Habang naglalakad ay nakaririnig ako ng mga hindi magagandang salita kagaya nalang ng,

"Ew talaga yang babae na 'yan, akalain mo cheap na nga sa mga nerd pa sumama, sabagay pare pareho naman sila" bulong ng isang estudyante na nadaanan namin

Hindi ko nga alam kung bulong ba 'yon o sinadyang iparinig sa akin hmp.

"Wag mo na pansinin ang mga 'yon sophia, dito lang kami palagi, babye na" sabi ni Ariel at nagbabye na paalis, ngayon ko lang napansin na nasa harao na pala kami ng room ko.

Kumaway naman ako sa kanila pabalik at pumasok na sa room,

hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang mga klase ko, pero lahat naman ng 'yon ay puro pagpapakilala lang kaya wala masyadong interesting sa mga nangyari, bukod sa kailangan naming linisin ang mga building bukas pagkatapos ng klase hays.

Natapos ang klase ko nang maayos at wala ng gulo na naganap kaya naman napagdesisyunan ko na ring umuwi, napakaraming nangyari kaya pagod ako ngayong araw.

Pagkauwi ko nga ay nagpalit lang ako ng damit at nagpalamon na sa kama.