CHAPTER 4.
Pagkapasok ni Sophia sa room ay pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya, paano ba naman kasi ay bagong muka lamang ito at ngayon palang nila siya makikita.
May mga tingin na humahanga, at mayroon namang nandidiri sa kanya, maganda kasi talaga si Sophia, kahit anong gawin nito sa sarili ay bumabagay sa kanya, kaya wala silang maipipintas sa muka nito.
Pero medyo palpak nga lang yata sa pananamit niya dahil, nakajeans ito at oversized shirt kaya medyo nagmuka siyang out of place sa paligig, lalo na sa bawat paglingon niya ay puro mga nakadress ang nakikita niya.
Napabuntong hininga na lamang siya at umupo na sa nag iisang upuan na bakante sa likod,
Akala niya ay kapag nakaupo na siya ay mawawala na ang mga tingin ng mga tao sa loob ng kwartong 'yon, pero mas lalo lamang nila itong tinitigan nang umupo siya sa upuan na 'yon,
Nagtataka man ay pinagsawalang bahala na lamang ni Sophia ito, inilabas na lamang niya ang notebook niya saka nagsketch dito.
Busy na siya sa pag i sketch pero hindi pa rin naaalis ang tingin ng mga estudyante sa kanya, na para bang may nagawa itong mali at lahat sila ay jinajudge siya.
"Ang lakas ng loob umupo sa upuan na katabi pa mismo ng king natin no?" maya maya ay rinig niyang sabi ng isang estudyante, nanatili lamang na tahimik si Sophia at pinakikinggan ang bawat sinasabi ng mga kaklase niya,
"Oo nga e, kahit sino ay hindi pinayagan ni King na umupo sa tabi niya, lagot siya mamaya" sang ayon naman ng isa pang estudyante.
SOPHIA'S POV
Ano ba naman 'tong mga estudyante na 'to, magbubulungan na nga lang, yung naririnig ko pa, hello, nandito kaya ako no, baka nakakalimutan niyo, psh.
Saka ano bang kajejehan ang King king na sinasabi nila na 'yan, tsk parang mga bata, may pa ganon pa, bakit upuan din naman 'to ha, kala mo naman aagawin na ang king nila dahil umupo ako sa tabi nito, kalokohan.
"ANDIYAN NA SI KING, UMAYOS NA KAYO" Sigaw ng isang babaeng nag aalugan pa ang mga dibdib dahil sa pagtakbo niya.
"Ayan lagot ang babae na yan" sabi naman ng isang lalaki at tumingin pa talaga sa akin, as if naman matatakot ako diba.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa kong pag i sketch.
Nang biglang,
"What are you doing in that sit?" tanong sa akin ng isang boses na nanggagaling sa tabi ko kaya naman nilingon ko ito, laking gulat ko na lamang nang makita ko na ito yung lalaking kasabay ko sa elevator kani kanina lang.
"nakaupo?" inosenteng tanong ko rito na ikinasama naman niya ng tingin, aba bakit totoo naman ah, nakaupo naman talaga ako, alangan namang naliligo ako diba?
"King, kanina pa namin siya pinagsasabihan kaso ayaw makinig" sabi naman ng isang sipsip na estudyante na lumapit pa sa amin, aaaaah so eto palang mokong na 'to ang king na sinasabi nila, ang bantot ha, HAHAHAHAHA. King amputa, ano 'to? palasyo? haler school kaya 'to.
Nagpipigil na ako ng tawa dahil sa mga iniisip ko,
"Why are you laughing woman?" He asked na nakatingin pa rin nang masama sa akin, duh tusukin ko kaya mata nito, ewan ko nalang kung makatingin pa 'to nang ganito. Pft.
"Nothing, pft" sagot ko naman at tinakpan ang bibig ko, pano ba naman kasi, muntik na talaga akong matawa.
"Hoy babae, umalis ka na kasi riyan, malandi ka!" galit na sabi ng isang babaeng puputok na yata ang labi dahil sa sobrang kapal ng lipstick, pft.
"SHUT UP, WILL YOU? DON'T STICK YOUR NOSE IN THIS MATTER ALL OF YOU" sigaw naman ng katabi kong parang mangangain na ng tao sa sobrang inis.
Nagulat naman ang mga tagahanga nito, slash mga kaklase dahil sa sigaw nito, saka nag sialisan malapit sa kanya, pero hindi pa rin naaalis ang tingin nila sa aming dalawa.
Nang makitang umalis na ang mga estudyante sa tabi niya ay nagsalita itong muli,
"So what are you doing in that seat, don't you know that I don't want someone to sit beside me?" seryosong tanong nito na nginitian ko naman, aba bahala siya ah, upuan to kaya nga ako rito umupo, isa pa wala ng bakanteng upuan no.
"First of all king nila kuno, ang jeje ng tawag nila sayo, second ang ginagawa ko rito ay nakaupo? hindi mo ba 'yon nakikita, and lastly, I don't have a fucking care if ayaw mo ng katabi, nandito na ako, so magtiis ka riyan, kala mo kung sino" turan ko at inirapan ko pa siya, babalik na sana ako sa ginagawa ko sa notebook ko nang makita ko ang gulat na gulat na mga ekspresyon ng kaklase ko,
Bakit gulat na gulat 'tong mga 'to? ano 'to psh, hindi ko na lamang sila pinansin at nag sketch na ulit, pero hinablot ito ng mokong na lalaki na 'to.
"WHAT IS YOUR PROBLEM, GIVE IT BACK" sigaw ko rito pero tinaas niya lang ang notebook ko, matangkad siya sa akin, kaya hindi ko ito maabot kahit anong gawin kong pagtalon.
"Get out of my seat" malamig na sabi nito, medyo gininaw pa nga ako dahil sa tono ng boses niya, pero hindi niya ako matitinag sa ganito lang.
"This is my seat, saka wala namang name mo rito kaya hindi 'to sayo" pagsagot ko pa rito na pilit pa ring inaabot ang notebook ko sa kanya,
"THE TWO OF YOU, GO TO MY OFFICE NOW" sabay pa kaming napalingon ng lalaking 'to sa nagsalita sa harap, oh shoot nandito na pala ang teacher namin pero hindi ko manlang napansin dahil busy ako makipag away sa mokong na 'to, grr.
Kaya pala ang tahimik ng mga kaklase namin dahil nandito na ang guro namin ngayong umaga, at pinapanuod lang kami.
"SHUT UP" malamig na turan ng katabi ko na kinalaki ng mata ko, what the heck? is he telling our teacher to shut up? lagot 'to.
"I'm sorry Mr. Dawson, but I won't tolerate that behavior, go to my office, including you, Ms. Laurier" Seryosong seryoso pa ito habang sinasabi sa amin ang mga 'yan, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod, unang araw sa school, guidance agad inabot ko.
Nilingon ko naman ang nasa likurang si Mr. Dawson daw, at sinamaan siya ng tingin, hindi naman ako nito pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad, kaya naman kinuha ko ang sapatos na suot ko,
"Kasalanan mo 'to" wika ko rito saka binato ang sapatos sa kanya, sapol naman ito sa ulo, pft.
Dahan dahan naman itong lumingon sa akin na akala mo ay nasa isang movie kung saan makakakita siya ng multo kapag lingon niya HAHAHAHHAA.
"Why did you do that?" he said in a cold tone again, mukang galit na talaga ang isang 'to kasi walang ekpresyon ang mga muka nito habang tinatanong 'yon.
"Wala, kasalanan mo e" sagot ko na nagkibit balikat pa saka inunahan siya sa paglalakad, pinulot ko na rin ang sapatos na hinagis ko sa kanya kanina at sinundan na ang teacher namin na nakalayo na pala.
Nagulat naman ako dahil nasa tabi ko na agad ang mokong na 'to, hinawakan ako nito sa kamay at sinabing,
"Dito pa lang magsisimula ang impyerno ng buhay mo babae" wika nito at ako naman ngayon ang inunahan niyang maglakad, ano ba naman 'tong buhay na 'to, unang araw ko sa school, na guidance ako at ang masaklap pa, napagbantaan pa ako tsk.
Nang makarating kami sa harap ng principal office ay pumasok na ron yung teacher namin, gayundin yung mokong na 'yon, kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila, hays.
Sabi ko noon bago magsimula ang klase ay magkakaroon ako nang maraming kaibigan at ka close sa klase, pero mas marami yata ang kaaway ko dahil sa nangyari sa king nila, pft, hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa letcheng king nila na 'yan HAHAHAHAHAHAA.
"Maupo muna kayong dalawa diyan, at kakausapin ko muna ang principal" sabi ng teacher namin na hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon,
Umupo naman ako at hinintay siya, pumasok pa kasi siya sa isa pang pinto roon, yun siguro ang pinaka office ng principal namin, bongga ha.
Maya maya lang ay tinawag na rin kami nito at pinapasok sa loob,
"So, I'd heard that you two were arguing in class? and you're not minding your teachers appearance?" sunod sunod na tanong ng principal namin, at halata sa boses nito na may iniisip itong parusa para sa amin.
"Answer me" dagdag pa nito,
"Y-yes" mabilis na sagot ko, ayaw ko namang mapagalitan no, kaso nga lang bigla akong nautal psh.
"And yoy Mr. Dawson, hindi porket sa inyo itong school ay may karapatan ka ng makipag away sa loob ng klase at sabi pa ng teacher niyo ay sinigawan mo pa raw siya na tumahimik siya? What is that kind of behavior?" Mahabang lintanya ng principal kay Mr. Dawson.
"As if I care" malamig na turan ni Mr. Dawson sa principal kaya naman siniko ko ito,
"What the hell?" daing nito at tinignan pa ako nang masama.
"Axell Dawson, do you want me to call your dad?" pananakot ni Mr. Principal, oh axell pala ang pangalan ng isang 'to, Mr. Dawson ako nang Mr. Dawson kanina pa e.
Hindi naman sumagot si Axell sa pagbabanta ni Mr. Principal kaya tumikhim ito at nagsalitang muli,
"so for your punishment, you will be cleaning all of the restroom sa lahat ng building, including cafeterias and the guard, you can go now, and you can start tomorrow after school" sabi ng principal at nagsimula ng magsulat sa papel na nasa lamesa niya.
What the fuckkk??? ang dami non.
"And what do you think of us? a maid?" hindi pagsang ayon ni axell kay Mr. Principal,
Napatigil naman ito sa sinabi ni axell kaya tumingin ito sa amin,
"Wala ka ng magagawa, it's either you will do it or I will call yoyr father" maawtoridad na sabi naman ni Mr. Principal,
Wala na tuloy nagawa ang isang to, at nagtuloy tuloy na sa paglalakad, sinundan ko naman ito pero bago yon ay nagpaalam muna ako sa mga tao sa loob, duh ayaw ko naman maging rude sa kanila no,
Naabutan ko naman si Axell na sinisipa sipa ang trash can, mukang mainit ang ulo nito dahil sa nangyari.
"huy, baka naman magtampo sa 'yo 'yang basurahan, hindi ka naman inaano pero sinisipa mo" sabi ko rito nang makalapit ako sa kanya,
Hindi naman ako nito pinansin at bigla na lang nag walk out, sungit.
Sinundan ko pa rin ito, dahil gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang tatakas bukas, baka mamaya ako lang maglinis nang mag isa, ayaw ko naman non no.
"Hoy, wag kang tatakas bukas ha, baka mamaya bigla kang hindi magpakita, porket mayaman ka" wika ko sa kanya habang sinusundan siya,
"Don't follow me, you are so annoying" angil nito na kinairap ko naman, psh sungit.
"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob kaya galit na galit ka palagi? bigla ka nalang maninipa ng basurahan na wala namang ginagawa sa 'yo? isa pa bakit ba galit na galit ka, e maglilinis ka lang naman duh, porket mayaman ka bawal ka na maglinis?" mahabang pangangaral ko sa kanya, pero mukang mali yata ang ginawa ko kasi nag iba na naman ang aura nito, lumingon pa nga ito sa akin saka ako tinignan nang masama.
"Don't fucking mind my business will you? you're so fucking annoying, you don't know anything about me so fuck off bitch" malamig na turan nito, at iniwan akong mag isa at tulala sa hallway,
"Ano bang problema ng isang 'yon, bahala nga siya sa buhay niya, kahit kailan, hindi ko na siya pakekeelaman, kala mo kung sino, ganon ba talaga kapag mayaman? psh" sabi ko sa sarili ko at naglakad na rin papuntang classroom namin.
Pagkarating ko ron ay nakatingin sa akin nang masama ang mga kaklase ko kaya naman napabuntong hininga na lang ako,
Ano ba naman 'to, first day na first day, gulo agad pinasok ko.