CHAPTER 3.
Nagising si Sophia dahil sa pagkatok ng kapatid niyang si Andrei sa pinto ng kwarto niya,
Ayaw pa sana niyang bumangon pero wala na siyang magawa, dahil ngayon ang umpisa ng klase niya sa Dawson University.
Pupungay pungay pa ang matang nitong umalis sa kama at binuksan ang pinto,
bumungad naman sa kaniya ang nakangiting muka ng kapatid niya,
"Ate, maligo ka na nakapag igib na ako saka maghahanda na rin ako pagkain dali" sabi ni Andrei na tinulak tulak pa siya papasok ng banyo, natawa naman siya sa ginagawa nito at hindi nagprotesta, dahil first day of school niya at ayaw niyang mahuli sa klase.
Bago pumasok ng banyo ay inihanda niya na ang uniporme niya sa kwarto, balak niya kasi na roon na magbihis, para makita niya ang kabuuan niya mamaya.
Pagkatapos non ay pumasok na siya ng banyo saka naligo, hindi na rin nagtagal ang pagligo niya dahil makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin siya at nagbihis.
Pagkalabas niya ay naabutan niyang naghahanda na ng pagkain si Andrei, kaya naman tinulungan niya na ito, tulog pa ang inay nila nang lumabas siya, pero nagising din ito dahil naramdaman siguro ang presensya nilang dalawa.
"oh anak, ang ganda mo naman sa uniporme mo" sabi ng kaniyang ina at ngumiti pa ito.
"Ikaw nay ha, binibiro mo ako" natatawang sambit naman ni sophia sa ina.
"Aba, maganda ako kaya maganda ka rin hano" banat ulit ng nanay niya sa kanya,
natawa na lamang siya at inaya na silang kumain, tapos na rin kasi nilang ihanda ang pagkain.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain at masayang kwentuhan nang tumunog ang selpon niya.
~Ariane's calling~
Sinagot naman ni Sophia ito, si Ariane ay bestfriend niya nung mga bata sila, nabalitaan siguro nito na nakapasa siya ng exam sa Dawson kaya tumawag ito.
"Oh bakit mare?" bungad ni sophia pagkasagot niya ng call
"Hintayin kita sa sakayan mamaya, sabay na tayo puntang school sis, byee" pagkatapos non ay binaba na nito kaagad ang telepono na kinakunot ng noo ni Sophia,
"Ano problema non?" bulong niya sa sarili niya pero maya maya ay napakibit balikat na lamang siya, tatanungin na lang niya ito mamaya kapag nagkita sila.
Minadali na ni Sophia ang pagkain dahil baka naghihintay na sa kanya ang kaibigan niya ron sa sakayan.
Nagpaalam na siya sa mga tao sa bahay at umalis na rin pagkatapos.
SOPHIA'S POV:
Pagkaalis ko sa bahay ay nagmadali na akong puntahan si Ariane sa paradahan, dahil baka kanina pa 'yon naghihintay sa akin.
Iba pakiramdam ko sa babaitang 'yon, parang may sasabihin siyang balita o chismis sa akin mamaya.
Malapit na ako sa sakayan nang matanaw ko na si ariane na kumakaway kaway pa sa akin, natawa naman ako rito.
"Oh te, bakit pala gusto mong sabay na tayong pumasok?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kinaroroonan niya.
"WAAAAAH SOPHIA I MISS YOU" Niyakap naman ako nito, at nagtatatalon talon, kaya naman pati ako nasama sa pagtalon niya, tsk kahit kailan talaga napakataas ng energy ng isang to.
"Teka ariane, hindi ako makahinga, ikaw naman, maghunos dili ka aba" natatawang sabi ko sa kanya, saka sinusubukang kumawala sa pagkakayakap niya.
Umalis naman siya agad at nag pout pa tsk, kahit kelan talaga 'tong batang 'to oo. HAHAHAHA
"so bakit nga?" pag uulit ko sa tanong ko kanina na hindi niya naman sinagot, ngumiti ito nang pagkalawak lawak,
"I passed the exam too sis, We're going to the same school waaaaaaah" nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong marinig ang sinabi niya,
"We??? talaga?? waaaaah" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig ko, hinawakan ko si ariane at sinama ko siyang tumalon talon,
Para tuloy kaming mga tanga at pinagtitinginan na rin ng mga tao, since nandito kami sa may paradahan, nagtatatalon.
Hindi rin nagtagal ay napansin din namin ang ginagawa naming kahihiyan, kaya naamn napatigil na kami at natawa nalang sa nagawa namin.
Pagkatapos non ay sumakay na kami sa tricycle para makarating din kami nang maaga sa school, dahil hahanapin pa namin ang mga rooms namin.
Magkaiba kami ng kinuhang course ni Ariane, nursing ang kinuha niya, hindi na rin ako magtataka pa ron, dahil halos lahat ng pamilya niya ay nakapagtapos ng medisina.
"Huy, nga pala kamusta si tita" biglang tanong sa akin ni ariane nang makasakay kami sa loob ng tric.
"Ayon, ganon pa rin, alam mo ba tuwang tuwa siya, nang malaman niya na nakapasa ako sa gusto kong paaralan, pero abot pa rin ang hagulgol niya" sagot ko sa kanya.
"E baka tears of joy lang haha" dagdag pa nito.
Natawa naman ako rito dahil habang sinasabi niya 'yon ay naglilipstick siya, then biglang kumaldag, ayon lumagpas tuloy hahaha
"Hindi ko lang alam haha, kasi naman sabi niya siya raw dapat ang gumagawa non para sa akin pero hindi niya raw magawa dahil sa kalagayan niya" sagot ko rito at inabot sa kanya ang tissue na kinalkal ko sa bag ko, para mapunasan niya naman yung nasa bibig niya,
E ang loka, wala palang nadala na panyo at tissue kaya hindi alam ang gagawin.
Tumango tango lang ito sa akin at nagsimula ng linisin ang mga lumagpas na lipstick sa labi niya.
"Teka bakit nga pala, sa Dawson mo naisipan mag enroll? diba sabi mo sa akin dati, na doon ka mag aaral sa Dad mo?" I asked nung maalala ko yung sinabi niya sa akin noon na hindi niya kayang mag enroll sa Dawson dahil sa business ng daddy niya sa ibang lugar.
Tumigil naman ito sa paglilinis ng mga lumagpas na lipstick at sinagot ako "I live alone na mare e, saka gusto ko na ring maging independent sa kanila, isa pa maraming mababango at pogi ron, malay mo magkaroon ako ng boyfriend bigla, tapos mabango pa diba?"
Napahagalpak naman ako sa tawa sa sinabi nito,
"Gaga, HAHAHAHAHA bakit yung mga ex mo ba mukang mababaho?" natatawang tanong ko rito
Mas lalo lang ako natawa sa reaksyon nito na para bang nandidiri,
"Hindi te, jusko, isipin mo ha, lalabas lang ako with friends tapos gusto kasama niya, tapos nagmamagaling pa sa mga gusto naming gawin, e ang pangit pangit naman" maarteng saad nito,
tawang tawa ako sa kanya kasi totoo naman na wala siyang privacy at kalayaan noon, bibihira ko nalang din kasi siyang makita sa mga gala dahil nga binabawalan siya ng ex niya HAHAHAHAHA
Natigil kami sa pagkukwentuhan nang biglang huminto ang sinasakyan namin, meaning na nandito na kami sa Dawson University,
Bumaba na kami at inabot ang bayad kay manong,
"Thankyou po manong, ingat po" sabi ko at kumaway pa kay kuyang driver, hindi ko alam pero nakasanayan ko ng magsabi ng ganito bago umalis ang mga tricycle driver, syempre palagi silang nasa labas kaya need nila mag ingat, saka yung mga ngiti nila after kong sabihin 'yon, parang nawawala yung mga pagod nila.
Naglakad na kami ni Ariane papasok ng gate at dito ko naman naramdaman ang kaba na hindi ko nararamdaman kanina,
Syempre first day ko 'to sa mayamang paaralan, hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng mga tao rito o hindi,
Pero okay lang, pag aaral naman ang pinuta ko rito at hindi para mag please ng mga tao.
Hinawakan ko sa braso si Ariane nang mapansin ko na para bang nanginginig ito sa kaba,
"Hey, calm down, we can do this" sabi ko and nginitian ko siya,
Kumalma naman ito agad kaya nagtuloy na kami papunta ng gate, pagkarating namin don ay hinarang kami ni kuyang guard at hiningian ng mga papel para mapatunayan na estudyante kami ron,
After namin ipakita result ng exam, at iba pang papers ay pinapasok na rin kami nito,
Pagkapasok namin ay napag alaman namin na magkaibang building pala ang tourism at nursing na course kaya need naming maghanap ni Ariane nang magkahiwalay.
"Mamaya nalang ulit mare ha, mag chat nalang tayo kung saan tayo kakain" Sabi ni ariane sa akin na tinanguan ko naman, saka ako kumaway sa kanya at naglakad na papunta sa building kung saan ang course ko.
Habang naglalakad ay napapansin ko na ang panaka nakang tingin ng mga estudyante, base sa mga tingin nila ay para nila akong jinajudge,
Maya maya lang ay mga nagbubulungan na ang mga ito na hindi ko nga ba alam kung bulong pa ba kasi rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila, at tungkol 'yon sa akin.
"What, who's that girl, her outfit us cheap" rinig kong sabi ng isang babaeng gustong kumawala ang dibdib dahil sa sobrang sikip ng damit,
Natawa naman ang kausap nito na nakaponytail nang mataas at balak yatang gayahin si Ariana Grande pero nagmuka lang clown dahil sa make up nitong pagkakapal kapal,
"I saw that pair of outfit sa palengke nung nakaraan, thats ew" sagot naman ng clown na pangit,
"So it means, you go there? ew you're cheap too" sagot naman sa kanya nung kaibigan niyang malaking dibdib, and the last thing that I know ay nagsabunutan na silang dalawa dahil don,
Pfft. Mga pangit, ang lalakas magbulungan, sila naman pala mapipikon sa mga sinasabi nila HAHAHAHA.
Umalis na ako ron, at wala na rin naman akong mapapala kakanood kung paano sila magsabunutan na dalawa, ang importante ay makita ko na kung nasaan ang room ko, duh nagpunta ako rito para mag aral kaya bahala sila sa mga buhay nila,
At anong sinasabi niyang cheap outfit ko? e mas cheap pa nga yung muka niya kesa sa suot ko pfft.
Pagkapasok ko sa building ng tourism ay hinanap ko na sa nakapaskil na tarpaulin sa isang pintuan sa room kung nasaan ang section A, which is the higher section here.
Yes, kahit naman gaganto ganto ako, e matalino naman ako, at hindi rin ako umaasa sa iba kapag exam na, dahil kaya naman ng utak ko.
Nakita ko naman na nasa 4th floor pa ang room ko, magrereklamo na sana ako dahil nakakapagod magpataas baba nang makita ko ang elevator sa gilid ng hagdan, wooaaah meron pala sila nito, infairness sa Dawson ha, sobrang yaman talaga.
Sumakay naman na ako agad at ayoko nga mahuli sa klase for today's video vebs! HAHAHAHHAA
Pagkapasok ko ay ako lang mag isa ang nandon, pasara na sana ang elevator nang biglang may kamay na pumigil dito, nang tignan ko kung sino ay biglang nag init ang dugo ko, eto lang naman ang lalaking nangnakaw ng first kiss ko sa mall non, bakit siya nandito, wag mong sabihin na dito siya nag aaral argh.
Tinitigan ko naman ito nang masama, siguro ay napansin niya na may nakatitig sa kanya kaya naman napalingon ito sa akin,
Kung hindi ko pa titigan, hindi pa mapapansin na may kasabay siya hmp.
"What?" he asked in cold tone, medyo napangiwi naman ako sa tono ng boses nito, ang lamig lamig kasi.
I shooked my head and napayuko nalang, siguro ay hindi niya na ako naalala, so I won't bring that topic, nakakahiya rin yon para sa akin no.
Hindi naman na siya nagsalita at nagsuot ng earphone, hindi na rin ako nito pinansin at talagang kinareer nito na wala siyang kasabay sa loob ng elevator.
Tumunog naman ang elevator, sign na nasa 4th floor na kami, lalabas na sana ako pero naunahan ako sa paglabas ng isang 'to,
Napairap nalang ako at lumabas na rin kasunod niya,
pagkalabas na pagkalabas ko ay nakatingin sa akin nang sobrang sama ang mga estudyante, lalo na ang mga babae na para bang gusto akong sabunutan anytime.
Nagkibit balikat na lamang ako at nagtuloy tuloy na sa paghahanap ng room ko, nakita ko naman ito at nasa pinakadulo ito,
Naglakad na ako papunta ron nang makita kong doon din pumasok yung lalaking kasabay ko kanina sa elevator, so that means na magiging magkaklase kami, what?
Malapit na ako sa room na 'yon nang biglang may humarang sa akin na tatlong mga babae,
Ano naman kaya kailangan ng mga ito sa akin?
"Hey, bitch bakit kasabay ka ni Axel sa elevator kanina? malandi ka" sabi nang babaeng parang mananapak ang kilay sa sobrang kapal,
"Huh?" inosenteng tanong ko sa kanila na mas lalo namang kinainit ng ulo nila
"Don't huh me bitch, yung elevator na sinakyan mo, private yon, para lang 'yon kay Axel kaya anong karapatan mo?" galit na galit na sabi nanaman nito,
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, hindi ko naman alam na private pala 'yon, saka kung private 'yon, bakit hindi ako pinaalis ng mokong na 'yon?
"Look, I don't know na private yon and its my mistake okay" sabi ko sa kalmadong boses,
Inirapan naman ako ng mga bitches na 'to, at nagulat ako dahil bigla akong sinampal ng babaeng makapal ang kilay, nakanang anong karapatan nitong sampalin ako?
"Don't come near Axel from now on, palalampasin namin 'to pero wag na wag kang lalapit ulit sa kanya kung hindi, mas masakit pa riyan ang mangyayari sa iyo." dagdag nito at inaya na ang mga pangit na alipores niya na umalis, kaya tumalikod na sila at iniwan akong sapo sapo pa rin ang pisngi ko,
"Damn, Sakit non ha, first day na first day, nasampal ako psh" kausap ko sa sarili ko.
"Wag na wag nilang uulitin 'to at makatitikim na sila sa akin, tsk sakit" dagdag ko pa at naglakad na papasok sa room kung nasaan ang section ko.